Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Sinupan ng mga nagdaang napiling larawan/Sinupan 2

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Archive Isang arkibo ang pahinang ito. Paki-usap, huwag baguhin ang nilalaman nito.. Ilagay ang mga bagong komento sa kasalukuyang pahina ng usapan.

Mga napiling larawan noong 2007 (kabuoang bilang: 6)

[baguhin ang wikitext]

Napiling larawan

{{{Image_description}}}

Ang Toreng Petronas o Kambal na Toreng Petronas, na nasa lungsod ng Kuala Lumpur, Malaysia, ay minsan naging pinakamataas na gusali sa buong mundo kung susukatin ang haba nito mula sa pasukan nito hanggang sa pinakatuktok nito.

Ang Toreng Petronas ay ang pinakamataas na kambal na tore sa daigdig, at sinasabi nila na sila ang pinakamataas na gusali ng ika-20 dantaon. kuha ni Formulax


Ilan sa mga pulo sa Hundred Islands National Park

Ang Hundred Islands National Park ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan, Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas.

Binubuo ito ng 124 pulo, ngunit 123 pulo lamang ang makikita tuwing mataas na paglaki ng tubig.

Kuha ni: Emir214

Mga nagdaang napiling larawan...


Huwaran ng Sputnik 1

Ang programang Sputnik ay isang serye ng mga misyong pang-kalawakan na inilunsad ng Unyong Sobyet noong huling mga taon ng dekada 1950 para ipakita ang pagiging praktikal ng mga artipisyal na satellite. "Kasama sa pagbabiyahe" ang ibig sabihin ng salitang Ruso na "Спутник".

Nagulat ang Estados Unidos sa sorpresang paglunsad ng Sputnik 1, na nangyari pagkatapos ang pagkabigo sa dalawang pagsubok ng Proyektong Vanguard, na sumunod na nagpadala ng mga satellite, kasama ang Explorer I, Proyektong SCORE, Advanced Research Projects Agency at Courier 1B. Idinulot din ng Sputnik ang pagkakatatag ng NASA at pagtaas ng perang ginagamit ng pamahalaan ng Estados Unidos sa pananaliksik at edukasyon.

mula sa NASA

Mga nagdaang napiling larawan...


Ang abestrus, mas kilala sa tawag na ostrich, ay isang ibong hindi nakakalipad na katutubo ng Aprika. Ito lamang ang nabubuhay na species ng kanyang mag-anak, Struthionidae, at ng genus na Struthio. Kakaiba ang kaanyuhan nito, na mayroong mahabang leeg at binti, at nakakatakbo ito sa bilis na 65 km/h (40 mph).

Pinakamalaking nabubuhay na ibon ang mga abestrus at inaalagaan sa maraming sakahan sa buong mundo. Ang pangalang pang-agham ng abestrus ay galing sa salitang Griyego para sa "kamelyong maya" dahil sa mahabang leeg nito.

Kuha ni: Emir214

Mga nagdaang napiling larawan...



Ang Paliparang Pandaigdig ng Zamboanga ay ang nag-iisang paliparan naglilingkod at matatagpuan sa lungsod ng Zamboanga, Pilipinas. Ito ay ang ikalawang pinakamay-gawang paliparan sa Mindanao, pagkatapos ng Paliparang Pandaigdig ng Francisco Bangoy sa lungsod ng Davao, at ay isang portada sa isang lumalaking sentro ng kalakalan sa timog-silangang Asya at sa Nagsasariling Rehiyon ng Muslim sa Mindanao.

Nagsimula ang paliparang bilang Palapagang Moret na isinagawa ng mga Amerikano noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa loob ng 60 taon, lumawak ang paliparan sa kasalukuyang kalagayan nito. Nililingkod ang paliparan ng limang kompanyang himpapawid na naglalaan ng serbisyo patungong mga paroroonan sa Pilipinas at sa Malaysia.

Kuha ni: SunKing

Mga nagdaang napiling larawan...


Ang Bundok Banahaw ay isang dating bulkan sa Pilipinas na matagpuan sa hangganan ng mga lalawigan ng Laguna at Quezon sa Luzon. Ito ay isang tinatawag na "extinct volcano". Kapag dumaan ka sa national road ito ay malinaw na nakikita. Dahil ito ay dating bulkan, maraming hot springs na matatagpuan dito at maraming tao rin ang umaakyat sa tuktok nito dahil may "milagro" raw yung tubig na nakapagpapagaling ng maysakit.

Kuha ni: Estudyante

Mga nagdaang napiling larawan...