Yohan Hwang

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Isa itong pangalang Koreano; ang apelyido ay Hwang.
Yohan Hwang
황요한
Birth name황요한 (Hwang Yo-han)
Born (1995-11-27) Nobyembre 27, 1995 (edad 24)[1]
Goyang, Gyeonggi-do, Timog Korea
GenresK-pop, OPM, Ballad
Years active2016–kasalukuyan
LabelsStar Music
Pangalang Koreano
Hangul황요한
Hanja黃耀漢
Binagong RomanisasyonHwang Yohan
McCune–ReischauerHwang Yohan

Si Yohan Hwang (ipinanganak Nobyembre 27, 1995) ay isang mang-aawit na Timog Koreano sa Pilipinas. Nagsimula ang kaniyang kasikatan pagkatapos niyang sumali at manalo sa unang kapanahunan ng I Love OPM.

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Kasibulan at Edukasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinanganak si Hwang sa Seoul, Timog Korea noong ika-27 ng Nobyembre 1995. Mayroon siyang kuya at isang nakababatang kapatid na babae.[2] Noong 2014, lumipat ang kaniyang pamilya sa Pilipinas,[3] at saka niya ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa De La Salle University.[4]

Karerang Panghimig[baguhin | baguhin ang batayan]

2016: I Love OPM[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang araw sa isang kaganapan sa La Salle, inawit ni Hwang ang "Ako'y Sa'yo" ng Side A matapos na payuhan siya ng kaniyang kaibigan na magtanghal ng isang awiting Pilipino. Ang aklamasyong kaniyang natanggap ang siyang nagbigay sa kaniya ng kumpyansa at iyon ang nagbigay-tanda sa pagmamahal niya sa sa pag-awit.[4] Di-kalaunan, sumali siya sa programang pantelebisyon ng ABS-CBN na I Love OPM kung saan kalahok ang mga di-Pilipino at 100% dayuhan sa kompetensyang awitan, na tanging itatanghal ang mga awiting Pilipino lalo na sa uring Original Pilipino Music (OPM).[5] Noong awdisyon ng unang kapanahunan ng nasabing programa, na isina-himpapawid noong ika-6 ng Pebrero 2016, itinanghal ni Hwang ang "Ako'y Sa'yo at Ika'y Akin" ng bandang IAXE, na pinasikat ni Daniel Padilla. Binigyan siya ng tatlong aprobadong marka mula sa mga Himigration officers (mga tagahatol) na sila Toni Gonzaga, Lani Misalucha, at Martin Nievera, na binaggit na mayroong siyang tinig ng parang isang tunay na Pilipino, at maganda ang kaniyang naging rendisyon.[6]

Umabante si Hwang sa semi-finals matapos na tuloy-tuloy siyang nakatanggap ng matataas na puntos at mga puri mula sa mga tagahatol at mánonood. Kasama ni Harris Dio Smith, si Hwang ang naging kauna-unahang finalist na naka-abante sa finals pagkatapos na makakuha siya ng isa sa dalawang pinakamataas na boto mula sa mga mánonood sa estudyo. Sinamahan silang dalawa nila J Morning at Ryan Gallagher pagkatapos makakuha ng pagpayag mula sa mga tagahatol. Parehong taga Timog Korea na finalist na sina Hwang at J Morning.[7]

Noong grand finals na ginanap sa Resorts World Manila noong ika-13 ng Abril 2016, itinanghal ni Hwang ang "Huwag Ka Nang Umiyak" ni Gary Valenciano Liturgikon Vocal Ensemble. Iyon ang naging unang pagkakataon sa kabuuan ng programa na ipinamalas niya ang kaniyang ranggong pantinig (vocal range) sa halip na kaniyang kadalasang malambing at kagiliw-giliw na ballad na pangtanghal. Ipinaliwanag ni Hwang na napagpasyahan niyang itanghal ang isang magiting na balada dahil nais niyang ipakita at ipatunay sa mga kritiko na dibdiban siya sa kaniyang pag-awit.[4] Nanalo din naman siya laban sa tatlong ibang finalist matapos makatanggap ng 32.82% ng mga sama-samang boto mula sa mga tagahatol at madla.[8] Itinanghal siyang panalo sa katapusan ng kompetensya, na napanalunan ang halagang 2 milyong piso, isang taong kontrata para sa pagsasa-plaka sa Star Music, at isang vacation package sa Cebu.[9]

I Love OPM Season 1 - Mga Pagtanghal at Resulta
Linggo Awit Orihinal na Artist Petsa Resulta
Gate 1: The Audition "Ako'y Sa'Yo at Ika'y Akin"[10] I-Axe Pebrero 27, 2016 Three Approved marks
(Toni Gonzaga, Martin Nievera, Lani Misalucha)
Gate 2: The Bump-Off "Nasa 'Yo Na Ang Lahat"[11] Daniel Padilla Marso 12, 2016 Judges' choice (92.3%)
Gate 3: The Kababayan Bump-off "Gusto Kita"[12] Gino Padilla Abril 2, 2016 Kababayan's Choice
Gate 4: The Take Off "I Believe"[13] Jimmy Bondoc Abril 17, 2016 Kababayan's Choice (kasama ni Harris Dio Smith)
Gate 5: The Grand Destination (live performance) "Huwag Ka Nang Umiyak"[14]
(kasama ang Liturgikon Vocal Ensemble)
Ebe Dancel Abril 23, 2016 Nanalo (32.82%)

Talang-Palabas (Pilmograpiya)[baguhin | baguhin ang batayan]

Telebisyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Pamagat ng Programa Ginampanan Himpilang Panghimpapawid
2016 I Love OPM Katimpalak ABS-CBN
Umagang Kay Ganda Panauhin
Tonight with Boy Abunda Panauhin
Gandang Gabi Vice Panauhin
Magandang Buhay Panauhin
It's Showtime Panauhin

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "EXCLUSIVE: Fun facts you should know about Korean heartthrob Yohan Hwang". ABS-CBN Push. Nakuha noong 18 May 2016.
  2. "I Love OPM Finale: Yohan Hwang Journey". YouTube. ABS-CBN Entertainment. Nakuha noong 18 May 2016.
  3. "TWBA: Why did Yohan Hwang follow his parents to the Philippines?". YouTube. ABS-CBN Entertainment. Nakuha noong 18 May 2016.
  4. 4.0 4.1 4.2 Choa, Kane Errol. "Grand Touristar Yohan Hwang loves OPM". philstar. The Philippine Star. Nakuha noong 18 May 2016.
  5. Salterio, Leah. "The OPM-loving foreigners". philstar. The Philippine Star. Nakuha noong 18 May 2016.
  6. "Yohan Hwang – Ako'y Sa'Yo, Ika'y Sa Akin by I-Axe". ABS-CBN. Nakuha noong 18 May 2016.
  7. Tuazon, Nikko. "Meet the Top 4 of I Love OPM, which will end this Sunday". Pep.ph. Nakuha noong 18 May 2016.
  8. Lastrilla, Gary Ann. "Korean student Yohan Hwang wins "I Love OPM"". ABS-CBN Push. Nakuha noong 18 May 2016.
  9. Salterio, Leah. "Korean is I Love OPM winner". philstar. The Philippine Star. Nakuha noong 18 May 2016.
  10. "I Love OPM: Yohan Hwang – Ako'y Sa'Yo, Ika'y Sa Akin by I-Axe". YouTube. ABS-CBN Entertainment. Nakuha noong 18 May 2016.
  11. "The Bump Off: Yohan Hwang – Nasa Sayo Na Ang Lahat by Daniel Padilla". YouTube. ABS-CBN Entertainment. Nakuha noong 18 May 2016.
  12. "The Kababayan Bump Off: Yohan Hwang – "Gusto Kita" by Ronnie Liang". YouTube. ABS-CBN Entertainment. Nakuha noong 18 May 2016.
  13. "The Take Off: Yohan Hwang – "I Believe" by Jimmy Bondoc". YouTube. ABS-CBN Entertainment. Nakuha noong 18 May 2016.
  14. "I Love OPM Finale: Yohan Hwang – "Huwag Ka Nang Umiyak" by Gary Valenciano". YouTube. ABS-CBN Entertainment. Nakuha noong 18 May 2016.

Kawing Panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]