Zalora

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Zalora
Punong tanggapanSingapore
Lugar ng paglilingkodSingapore, Indonesia, Malaysia, Hong Kong, Thailand, Pilipinas, Vietnam, Brunei, Australia at New Zealand
IndustriyaOnline Retail, Moda o Fashion, Pananamit at Sapatos
ProduktoDamit, Sapatos at Aksesorya
May-hawakRocket Internet
Websaythttp://www.zalora.com/

Ang ZALORA ay isang kumpanya sa larangan ng moda (fashion) na nagbebenta ng damit, sapatos, at mga produktong pampaganda mapapambabae o panlalaki. Ang kanilang produkto ay mabibili lamang sa Internet o online. Bilang isang kumpanya na nagsimula sa Singapore, ngayon ang ZALORA at makikita sa iba't ibang bansa sa Asya tulad ng Hong Kong, Indonesia, Pilipinas, Thailand, Vietnam, Malaysia at Brunei. Mapa-internasyonal o lokal na tatak ng produkto, ito ay mabibili sa ZALORA. Ang The Iconic ng Australia at New Zealand ay pinangangasiwaan din ng ZALORA. Ito ang pinakamalaking pamumuhunan ng Rocket Internet sa Singapore.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

2012[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa pagsisimula ng taong 2012, inilunsad ng ZALORA ang kanilang serbisyo sa iba't ibang bansa tulad ng Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Singapore, Taiwan, Thailand at Vietnam. Nakatanggap ang ZALORA ng pinansiyal na tulong mula sa JP Morgan para sa paglagong panghinaharap.[1]

2013[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa unang tatlong buwan ng taong 2013, pinaliwag ng ZALORA Malaysia ang kanilang serbisyo hanggang Brunei.

Sa kalagitnaan ng taon, ang kabuuang kapital ng ZALORA ay nasa US$100 milyon.[2] Pagdating ng huling tatlong buwan ng taon, ang kabuuang kapital ng ZALORA ay umabot na sa US$112 milyon na inilaan para sa pagpapalawig ng kanilang serbisyo at produkto.[3] Ang pondong ito ay laan upang mas magpalawak pa ng ZALORA at seleksyon ng mga produkto na kanilang ihahandog sa kanilang tapat na mamimili.[4]

Inilunsad din ng Zalora ang kanilang sariling produkto sa ilalim ng tatak na EZRA by Zalora. Nagkaroon din ng kasunduan sa pagitan ng ZALORA at River Island, isang kilalang tatak ng damit sa U.K., na tanging sa Zalora lamang mabibili ang kanilang produkto sa buong Timog Silangang Asya.[5]

2014[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa unang tatlong buwan ng taong 2014, ipinaalam ng Zalora ang kanilang planong magkaroon ng Marketplace (Lugar ng Pamilihan).[6]

Sa ika-12 ng Disyembre, ang ZALORA ay makikilahok sa Online Fever. Ito ay tinuturing na pinamalaking kaganapan na magyayari sa larangan ng e-commerce at ang ZALORA ay nabibilang sa mga sumusunod: A-Deals, Easy Taxi, Travelbook, Takatack, Widgetcity, Food Panda, Zap at Jetstar.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Rocket Internet’s Zalora receives investment from JP Morgan for further growth, ni Jacky Yap, sa e27.co; nilathala Setyembre 26; 2012 kinuha Mayo 27 2014
  2. Rocket Internet’s Fashion E-Store Zalora Scores $100 Million in Funding, ni Steven Millward; kinuha noong Mayo 27, 2014 at Tech in Asia; nilathala May 22, 2013; nakuha noong May 27 2014
  3. Asian online retailer Zalora gets $112 mln in new funding, ni Emma Thomasson, sa Reuters; nilathala Disyembre 3, 2013; kinuha Mayo 27, 2014
  4. Access Industries Leads $112M Round In Rocket Internet Asia-Pacific Fashion Sites Zalora And The Iconic, ni Ingrid Lundgen, sa Techcrunch.com; nilathala Disyembre 3, 2013; nakuha May 27, 2014
  5. Thanks, Zalora Singapore: River Island Makes Its Comeback, ni Shah Salimat; nilathala Oktubre 5, 2013; nakuha noong Mayo 27, 2013
  6. Rocket Internet-Backed Fashion Site Zalora To Launch Marketplace In Asia, ni Pankag Mishra, sa Techcrunch.com; nilathala Enero 14, 2014; nakuha noong Mayo 27, 2014

Mga link na panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]