Hayti

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Republic of Haiti
République d'Haïti
Repiblik d Ayiti
Pambansang Kasabihan: "L'Union Fait La Force"  (Pranses)
"The Union Makes Strength"
Pambansang Awit: La Dessalinienne
Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Port-au-Prince
18°32′N 72°20′W / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Opisyal na wika Pranses, Haitian Creole Spanish (opsiyonal)
Pamahalaan Republika
 -  Pangulo Michel Martelly
 -  Punong Ministro Jacques-Edouard Alexis (2006—2008)[1]
Bakante (2008—)
Pagkabuo
 -  bilang Saint-Domingue 1697 
 -  Kalayaan mula Pransiya 1 Enero 1804 
Lawak
 -  Kabuuan 27,750 km2 (ika-146)
10,714 sq mi 
 -  Tubig (%) 0.7
Populasyon
 -  Pagtataya ng Hulyo 2005 8,528,000[2] (ika-88)
 -  Senso ng 1982 5,053,792 
 -  Kakapalan 292.7/km2 (36th)
758.1/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2005
 -  Kabuuan $12.94 bilyon (ika-124)
 -  Bawat kapita $1,600 (ika-148)
KGK (nominal) Pagtataya ng 2005
 -  Kabuuan $4.211 bilyon (ika-134)
 -  Bawat kapita $478 (ika-151)
Gini (2001) 59.2 (high
TKT (2004) Green Arrow Up Darker.svg 0.482 (low) (ika-154)
Pananalapi Gourde (HTG)
Pook ng oras (UTC-5)
 -  Tag-araw (DST)  (UTC-4)
Internet TLD .ht
Kodigong pantawag 509

Ang Hayti, opisyal na kilala bilang Republika ng Hayti[3] (République d'Haïti ; Repiblik Ayiti) ay isang bansang matatagpuan sa Dagat Caribbean. Kahati nito ang Republikang Dominikana, sa nasasakupan nito sa pulo ng Hispaniola. Ayiti (lupain ng mataas na mga kabundukan) ang katutubong itinawag ng mga Taino o ng mga Amerindian para sa mabundok na kanlurang bahagi ng pulo. Pinakamataas na bahagi ng pulo ang Pic la Selle, na may taas na 2,680 metre (8,793 ft). Ang kabuuang sukat ng Hayti ay 27,750 kilometro parisukat (10,714 kilometro mi) at kabisera nito ang Port-au-Prince. Ang Haitian Creole at Pranses ang mga opisyal na wika nito.

Ang rehiyunal, historikal, at etnolingwistikong posisyon ng Haiti ay bukod tangi sa maraming mga kadahilanan. Ito ang kauna-unahang bansang naging malaya sa Latin Amerika, ang kauna-unahang bansang malayang pinamumunuan ng itim na lahi pagkatapos ng panahong kolonyal sa daigdig, at ang tanging bansa na lumaya sa isang matagumpay na pag-aaklas ng mga alipin noong 1804.[4] Kahit na mayroong pangkaraniwang ugnayang kultural ang Haiti sa mga kalapit bansa nitong Hispano-Karibyano, ito lamang ang nag-iisang bansang malaya sa rehiyon na predominanteng mananalita ng Wikang Pranses. Isa lamang ito sa dalawang malayang bansa sa Kanlurang Hating-lobo (ang isa ay ang Kanada), na nagtalaga sa Wikang Pranses bilang punong wika; ang iba pang mga pook na nagsasalita ng Pranses ay pawang mga panlabas na sangay at teritoryo ng Pransiya.

Pinakamahirap na bansa sa Amerika ang Hayti. Salungat sa mga palasak na paniniwala, gayunman, hindi ito ang pinakamahirap sa Kanlurang hating-globo. Sa iba't ibang okasyon, nakaranas ito ng mga kaguluhang pampolitika sa kabuuan ng kasaysayan nito. Ang pinakahuli ay noong Pebrero 2004, isang rebelyon ang pumwersang magpabitiw at magpatalsik kay Pangulong Jean-Bertrand Aristide, at isang pansamantalang pamahalaan ang namahala na may pagtitibay mula sa United Nations Stabilization Mission in Haiti (MINUSTAH).

Noong 12 Enero 2010, isang 7.0 magnitude na lindol ang yumanig sa Hayti at nagwasak sa kabiserang lungsod ng Port-au-Prince. Naiulat na 150,000 katao ang namatay at lumaon pangkatang inilibing, subalit ang tumpak na bilang ay mahirap alamin at ang mga ulat ng bilang ay pabago bago, at malaking bilang ang nawalan ng tirahan..[5] Ang palasyo ng Pangulo, Parlyamento, at iba pang mga mahahalagang estruktura ay nawasak, kasama ang hindi mabilang na bahay at negosyo.

Pagkakahating Administratibo[baguhin]

! Para sa karagdagang impormasyon: Mga Departamento ng Hayti,  Mga Arrondissement ng Hayti, at Mga Commune ng Hayti

Ang Hayti ay nahahati sa sampung Departamento. Ang mga departamentong ito ay nakatala sa baba, na kasama ang mga kabiserang lungsod na nasa loob ng panaklong.

Mga Departamento ng Hayti
  1. Artibonite (Gonaïves)
  2. Centre (Hinche)
  3. Grand'Anse (Jérémie)
  4. Nippes (Miragoâne)
  5. Nord (Cap-Haïtien)
  6. Nord-Est (Fort-Liberté)
  7. Nord-Ouest (Port-de-Paix)
  8. Ouest (Port-au-Prince)
  9. Sud-Est (Jacmel)
  10. Sud (Les Cayes)

Ang mga departamento ay nahahati pa sa 41 mga arrondissement (distrito), at 133 mga commune o barangay, na nagsisilbing ikalawa at ikatlong antas ng pagkakahating administratibo.

Heograpiya[baguhin]

Hayti mula sa kalawakan
Mapa ng Haiti


Ang Hayti ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Hispaniola, ang ikalawang pinakamalaking pulo sa Greater Antilles. Ikatlo sa pinakamalaking bansa sa Carribbean ang Hayti, pagkatapos ng Cuba at ng Dominican Republic (ang huli ay kahati ng Hayti ng 360 kilometro ng (224 mi) hangganan nito).

Ang hilagang panig ay binubuo ng Massif du Nord (Hilagang Massif) at ng Plaine du Nord (Hilagang Kapatagan). Ang Massif du Nord ay karugtong ng Cordillera Central sa Dominican Republic. Ito ay nagsisimula sa silangang hangganan ng Haito, sa hilaga ng Ilog Guayamouc, at umaabot sa hilagang kanlurang patungo sa hilagang tangway. Ang kababaang bahagi ng Plaine du Nord ay matatagpuan sa hilagang hangganan ng Dominican Republic, sa pagitan ng Massif du Nord at ng Karagatang Hilagang Atlantiko. Ang gitnang bahagi ay binubuo ng dalawang kapatagan at dalawang pangkat ng bulubundukin. Ang Plateau Central (Gitnang Kapatagan), na umaabot sa parehong bahagi ng Ilog Guayamouc, at sa timog ng Massif du Nord. Sa timog kanluran ng Plateau Central ay matatagpuan ang Montanges Noires, kung saan ang hilagang kanlurang bahagi nito ay sasama sa Massif du Nord. Ang pinakakanlurang bahagi nito ay tinatawag na Cap Carcasse.

Kalusugan[baguhin]

Kalahati ng bilang ng mga bata sa Haiti ay hindi nabakunahan at 40% lamang ng populasyon ang may kakayahan makakuha ng pangunahing atensiyong medikal.[6] Kahit bago maganap ang lindol ng 2010, halos kalahati ng bilang ng namamatay ay dulot ng HIV/AIDS, mga komplikasayon sa baga, meningitis at pagtatae, kasama na ang kolera at tipus, ayon sa Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan.[7] Siyamnapung bahagdan ng mga bata sa Haiti ay nakararanas ng mga sakit mula sa tubig at bulate sa tiyan.[8] Tinatayang 5% ng bilang ng mga matatanda sa Haiti ay nahawaan ng HIV.[9] Ang mga kaso ng tuberculosis (TB) sa Haiti ay sampung ulit na mas mataas kaysa sa ibang mga bansa sa Amerikang Latino.[10] May tinatayang 30,000 katao sa Haiti ang nararanas ng malaria taon taon.[11]

Edukasyon[baguhin]

Isang silid aralan sa Cité Soleil

Ang sistema ng edukasyon sa Haiti ay nakabatay sa sistema ng edukasyon sa Pransiya. Ang Mas mataas na edukasyon, na nasa ilalim ng pananagutan ng Ministri ng Edukasyon, ay ibinibigay ng mga pamantasan at iba pang institusyong pampubliko at pampribado.[12] Mayo 15,200 paaralang elementarya sa Haiti, na 90% nito ay hindi mga publikong pinamamahalaan ng pamayanan, ng mga organisasyong relihiyoso o ng mga NGO.[13] Ang antas ng pagpapatala sa elementary ay 67%, at bibihira sa 30% ang nakaaabot ng ika-6 na baitang. Ang antas ng pagpapatala sa Mataas na paaralan ay nasa 20% ng mga maaaring italang mga kabataan. Ang mga organisasyong pangkawanggawa, kabilang ang Food for the Poor at Haitian Health Foundation, ay nagtatayo ng mga paaralan para sa mga bata at nagbibigay ng mga kinakailangang mga gamit sa paaralan. Ang antas ng kamuwangan sa Haiti ay nasa 52.9%.[14]

Ang lindol sa Haiti noong Enero 2010 ay isang malaking sagabal sa reporma ng edukasyon sa Haiti dahil ang limitadong mapagkukunan ng pondo ay inilaan sa pagliligtas ng buhay. Nananatiling nasa 50% ang antas ng kamuwangan.

Demograpiya[baguhin]

Populasyon ng Hayti (libo) mula 1961 hanggang 2003

Datapwa't 360 katao lamang bawat kilometro parisukat (940 bawat mi. parisukat) ang pamantungang dami ng tao sa Hayti, ang populasyon nito ay labis na nakatipon sa mga pook urban, mga baybayin at mga lambak. Ang populasyon ng Hayti noong 2008 ayon sa tantiya ng UN ay nasa 9.8 milyon,[15] na ang kalahati ng populasyon ay nasa gulang 20 pababa.[16] Ang pinakaunang pormal na senso ay ginanap noong 1950, at nagtala ng populasyon na 3.1 milyon.[17]

90-95% ng mga taga-Hayti ay mula sa lahing Aprikano; ang nalalabing 5-10% ng populasyon ay halos may lahing mulatto o may lahing halo. May maliit na bahagdan ng populasyon ang hindi Aprikano at pangunahing binubuo ng mga Kaukasyan/Puting Haitians; karamihan ay mga Haitiang Arabo,[18] at mula sa mga Kanluraning Europeo gaya ng Pransiya, Alemanya, Poland, Portugal, at Espanya.[19][20] Ang mga Haitians na may lahing Asyano (karamihan ay mula sa lahing Tsino) ay tintatayang nasa 400.[19]

Karamihan ng mga Haitian na may halong lahi ay naninirahan sa mga mayayamang bahagi ng kabisera, gaya ng Pétionville o Kenscoff. Marami ang ipinanganak sa timog-kanlurang bahagi ng Hayti, tulad ng: Jacmel, Les Cayes, Cavaillon. Noong panahong kolonyal ng bansa, ang mga pook na ito ay may malaking bilang ng mga Europeo kaysa sa hilaga, kung saan nakabukod sa ibang lugar, at ang lugar na ito ay may kakaunting lungsod at itinalaga upang gawing malalaking plantasyon na may malaking bilang ng mga aliping Aprikano.

Mga Wika[baguhin]

Isa sa dalawang opisyal na wika ng Hayti ay ang wikang Pranses, kung saan ito ang pangunahing sinusulat, sinasalita sa mga paaralan, at ang wika ng pamahalaan. Ito ay sinasalit ng karamihan ng mga nakapag-aral na mga Haytian at ginagamit sa larangan ng kalakalan. Ang ikalawa ay ang Haitian Creole,[21] na sinasalita ng halos lahat ng populasyon ng Hayti. Ang Haitian Creole ay isa sa mga wikang nakabatay sa wikang Pranses, na naglalaman din ng mga salitang Aprikano, at impluwensiya mula sa Espanyol, at Taino. Ang Haitian creole ay may malapit na ugnayan sa Louisiana Creole. Ang wikang Espanyol ay sinasalita din ng iilan, subalit hindi it isa sa mga opisyal na wika.

Relihiyon[baguhin]

Pangkalahatang Kristiyanong bansa ang Hayti, na may 80% ng mga Haitian ang nagpahayag na sila ay mga Katoliko Romano. 16% ng populasyon ay mga Protestante. May mga naniniwala din sa Haitina Vodou, na sa Haiti lang matatagpuan, at bumubuo sa 2/3 ng populasyon.[22][23]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "Haiti PM ousted over soaring food prices", AFP, 12 Abril 2008.
  2. Tuwirang isinaalang-alang ang mga pagtataya para sa bansang ito ang labis na mortality (pagkamatay) dulot ng AIDS; nagdudulot ito ng mababang life expectancy, mataas na infant mortality at death rates, mas mababang population at growth rates, at pagbabago ng distribusyon ng populasyon ayon sa edad at kasarian sa mga inaasahan.
  3. Panganiban, Jose Villa.. (1969). "Hayti". Concise English-Tagalog Dictionary.
  4. "Country profile: Haiti". BBC News. 2010-01-19. http://news.bbc.co.uk/2/hi/americas/country_profiles/1202772.stm. Nakuha noong 2010-01-23. 
  5. Cave, Damien (23 Enero 2010). "More Than 150,000 Have Been Buried, Haiti Says". New York Times. http://www.nytimes.com/2010/01/24/world/americas/24bodies.html?th&emc=th. Nakuha noong 2010-01-24. 
  6. "Haiti Survivors Face Outbreaks of Diarrhea, Malaria (Update1)". BusinessWeek. 14 Enero 2010.
  7. "Haiti earthquake could trigger possible medical 'perfect storm'". CNN.com. 13 Enero 2010.
  8. "ENVIRONMENT: Haiti Can't Face More Defeats". IPS ipsnews.net. Nobyembre 13 , 2008.
  9. "Haiti's Aids and voodoo challenge". BBC News. 20 Nobyembre 2003.
  10. "Haiti Introduction". Globalsecurity.org.
  11. "Haiti and Dominican Republic Look to Eradicate Malaria". FOXNews.com. 8 Oktubre 2009.
  12. "Education in Haiti; Primary Education". Archived from the original noong 23 Marso 2008. http://web.archive.org/web/20080323105543/http://www.buildingwithbooks.org/intra/Intl_Programs/profile_Haiti.html. Nakuha noong 15 Nobyembre 2007. 
  13. "Education: Overview". United States Agency for International Development. Archived from the original noong 17 Oktubre 2007. http://web.archive.org/web/20071017050613/http://www.usaid.gov/ht/education.htm. Nakuha noong 15 Nobyembre 2007. 
  14. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang CIA_20110303); $2
  15. Country profile: Haiti, BBC News, 10 Nobyembre 2008. Retrieved 2010-02-16.
  16. New Haiti Census Shows Drastic Lack of Jobs, Education, Maternal Health Services, United Nations Population Fund (UNFPA), 10 Mayo 2006. Retrieved 2010-02-16.
  17. Haiti - Population, Library of Congress Country Studies. Retrieved 2010-02-16.
  18. The Upper Class, Library of Congress Country Studies. Retrieved 2010-02-16.
  19. 19.0 19.1 Joshua Project. "Aimaq, Firozkohi of Afghanistan Ethnic People Profile". Joshua Project. http://www.joshuaproject.net/peopctry.php. Nakuha noong 2010-01-14. 
  20. "The Virtual Jewish History Tour: Haiti". Jewishvirtuallibrary.org. http://www.jewishvirtuallibrary.org/jsource/vjw/haiti.html. Nakuha noong 2010-01-14. 
  21. "creolenationallanguageofhaiti". Indiana.edu. http://www.indiana.edu/~creole/creolenatllangofhaiti.html. Nakuha noong 2010-01-14. 
  22. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang cia); $2
  23. "Haiti Kids Taken by Americans Reportedly Have Families" Associated Press on Fox News, 2010-01-31.


Mga bansa sa Karibe

Antigua and Barbuda | Bahamas | Barbados | Cuba | Dominica | Dominican Republic | Grenada | Haiti | Jamaica | Saint Kitts and Nevis | Saint Lucia | San Cristobal at Nieves | San Vicente at ang Kagranadinahan | Trinidad and Tobago

Mga dumidepende: Anguilla | Aruba | British Virgin Islands | Cayman Islands | Guadeloupe | Martinique | Montserrat | Navassa Island | Netherlands Antilles | Puerto Rico | Turks and Caicos Islands | U.S. Virgin Islands