Hunyo 2007

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Hunyo 4, 2007 (Lunes) baguhin kasaysayan bantayan
  • Flag of the Philippines Itinakda ng Komisyon sa Halalan (Comelec) ang proklamasyon ng 10 sa 12 nanalong senador sa darating na Miyerkules. Anim sa 10 ay miyembro ng Genuine Opposition, dalawa ang pambato ng administrasyon at dalawa ang kumandidato bilang independyente.
    Ang 10 nanalong senador ay sina Loren Legarda, Francis Escudero, Panfilo Lacson, Manny Villar, Francis Pangilinan, Benigno Aquino, Edgardo Angara, Alan Peter Cayetano, Joker Arroyo at Gregorio Honasan.
  • Flag of the Philippines Tinanggap ni Sen. Ralph Recto ng Team Unity na malamang ang kanyang pagkatalo sa nagdaang halalan kahit hindi pa tapos ang bilangan.Ayon sa kanya: “The outpouring of votes is impressive and warmly appreciated but maybe not enough to constitute a mandate to serve. It is a verdict I accept without rancor or bitterness.Base na rin sa sariling impormasyon ng kanyang mga tauhan, tanggap niya na talo na siya. Sa pinkahuling bilang ng Comelec, naglalaro sa ika-14 na pwesto si Recto at kakailanganin ng di bababa sa 1.2 million votes para makahabol sa "Magic 12."
  • Watawat ng Thailand 11 sundalo ang nasawi sa isang pagsabog na kagagawan diumano ng mga militanteng Muslim sa lalawigan ng Yala sa timugang Thailand. Sa magkahiwalay na pangyayari, pitong Muslim naman ang nasawi sa isang pananalakay ng mga di-kilalang armado sa isang mosque sa lalawigan ng Songkhla.
  • Flag of the United States Kinundena ni Pangulong George W. Bush ng Estados Unidos ang pagkakapiit ng apat na Amerikano sa Iran at nanawagan sa kanilang kagyat na pagpapalaya.
  • Watawat ng Pakistan Nagapalabas ang Pangulong Pervez Musharaff ng Pakistan ng isang kautusan na lalong nagpapalakas sa kontrol ng pamahalaan sa media kabilang na ang paggamit ng internet at mobile phones. Ipinalabas ang kautusan makaraang di magustuhan ng Pangulo ang coverage ng media sa mga malawakang kilos-protesta ng oposisyon sa mga pangunahing lungsod ng Pakistan.
  • Watawat ng Sierra Leone 19 ang nasawi sa pagbagsak ng isang helicopter sa paliparan ng Freetown sa Sierra Leone. Kabilang sa mga nasawi ay ang Ministro ng Isports ng Togo na si Richard Attipoe.
Hunyo 5, 2007 (Martes) baguhin kasaysayan bantayan
  • Flag of the Philippines Naghahanda na ang Komisyon sa Halalan o Comelec para sa partial proclamation sa Miyerkules, indikasyon na tuloy na tuloy na ito. Ika-7 ng gabi ang partial proclamation sa Philippine International Convention Center. Sampung panauhin ang maaaring dalhin ng bawat senator-elect.
    Ang 10 nanalong senador ay sina Loren Legarda, Francis Escudero, Panfilo Lacson, Manny Villar, Francis Pangilinan, Benigno Aquino, Edgardo Angara, Alan Peter Cayetano, Joker Arroyo at Gregorio Honasan.
  • Watawat ng Australia11 katao na ang naitalang nasawi sa pagsalpok ng isang tren sa timog-silang Australia, na ikinasugat din ng 50 katao.
  • Watawat ng Thailand Binawi ng pamhalaang interim ng Thailand ang kautusang nagbabawal sa mga kilos-protesta at mga gawaing pampolitika na tumutuligsa sa kasalukuyang pamahalaan sa bansa. Ipinataw ang pagbabawal na ito noong Setyembre ng nakaraang taon makaraan ang isang kudeta na nagpatalsik kay Punong Ministrong Thaksin Shinawatra.
  • Watawat ng BangladeshPinag-utos ng isang hukuman sa pulisya ng Bangladesh na siyasatin kung dapat kasuhan ng murder si dating Punong Ministrong Khaleda Zia hinggil sa nangyaring pagpapasabog ng granada noong 2004.
  • Flag of the United StatesAyon sa abogadong si Richard Hutton, maayos ang lagay ni Paris Hilton (nasa larawan), isang Amerikanang socialite at tagapagmana ng Hilton Hotels, sa kanyang unang gabi ng pagkakakulong sa Los Angeles. Aniya ng abogado: she could now reflect on her life, to see what she can do to make the world better". Si Paris ay mananatili sa kulungan sa loob ng 23 araw dahil sa paglabag sa kanyang probation sa naunang hatol sa kanyang pagmamaneho ng nakainom.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Hunyo 6, 2007 (Miyerkoles) baguhin kasaysayan bantayan
  • Flag of the Philippines Ipinoroklama ng Komisyon sa Halalan o Comelec ang sampung nanalong senador sa pambansang halalan noong nakaraang buwan.
    Ang 10 nanalong senador ay sina Loren Legarda, Francis Escudero, Panfilo Lacson, Manny Villar, Francis Pangilinan, Benigno Aquino, Edgardo Angara, Alan Peter Cayetano, Joker Arroyo at Gregorio Honasan.
    Ang dalawang nalalabing slot sa pagka-senador ay pinagtatalunan ngayon nina Antonio Trillanes, IV at Koko Pimentel (nasa 11 at 12 pwesto) at Juan Miguel Zubiri na nasa 13 pwesto sa kasalukuyang bilangan.
  • Flag of the Philippines Sinampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention si dating Kinatawan Mark Jimenez ng misis niyang si Carol Castañeda-Jimenez. Ito ay kaugnay sa sapilitang pagdala sa kanya sa isang drug rehab center noong Mayo.
  • Flag of the Philippines Nadadagdagan ang mga gustong magluklok kay Senate Minority Leader Aquilino Pimentel, Jr. bilang bagong pangulo ng Senado. Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, umaabot na sa 11 ang mga senador na susuporta kay Pimentel. Karamihan umano sa mga gustong magpatalsik kay Villar ay manggagaling sa mga bagong senador.
  • Watawat ng Indonesya Inamin ng mga awtoridad sa Indonesya na ang kanilang pagbaka sa nakakamatay na bird flu ay nasasagkaan ng kawalan ng kaalaman tungkol sa sakit sa nakakaraming Indones. Ayon sa tala ng World Health Organization, ang Indonesya ang may pinakamaraming namatay (79 katao) sa sakit na bird flu sa buong mundo.
  • Watawat ng Oman Binayo ng malakas na bagyong Gonu ang Muscat (nasa larawan), kabisera ng Oman na nagdulot ng malaking baha at pinsala sa imprastraktura sa lungsod. Ang bagyong Gonu ang pinakamalakas na bagyong humagupit sa Gitnang Silangan sa loob ng 60 taon.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Hunyo 7, 2007 (Huwebes) baguhin kasaysayan bantayan
  • Flag of the Philippines Nasunog kaninang madaling araw ang bodegang pinaglalagyan ng mga ballot box na ipinoprotesta nina Lilia Pineda at ng natalong mga kandidato sa pagka-alkalde at bise-alkalde ng Mabalacat, Pampanga. Sa 360 ballot boxes na nakalagak dito,164 ang natupok. May 166 naman ay bahagya lang nasunog kaya posible pang mabilang.
  • Watawat ng Republika ng TsinaPiang-utos ng pamahalaan ng Taiwan sa mga diplomata nito na paghusayin ang pakikitungo nito sa mga nalalabing bansa sa daigdig na kumikilala pa sa Taiwan. Ang pagkilos ng pamahalaan ay bunga ng pagputol ng diplomatikong pakikipag-ugnayan ng bansang Costa Rica sa Taiwan at pagkilala nito sa People's Republic of China bilang nag-iisang Tsina.
  • Flag of the Philippines Mahigit 100 bahay na tirahan ng tinatayang 500 pamilya ang tinupok ng apoy, Huwebes ng hapon sa Cubao, Lungsod Quezon.
  • Watawat ng Oman 20 katao ang nasawi sa malakas na bagyong Gonu na humagupit sa bansang Oman. Ang bagyong Gonu ang pinakamalakas na bagyong humagupit sa Gitnang Silangan sa loob ng 60 taon.
  • Watawat ng Timog Aprika Nanawagan ang mga AIDS expert sa pamahalaang South Africa na magpatupad ng malawakang pagtutuli o circumcision makaraang mapatunayan sa isang pag-aaral na nakakatulong itong mabawasan ng 60% ng HIV infection.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Hunyo 15, 2007 (Biyernes) baguhin kasaysayan bantayan


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.