Punong Ministro ng United Kingdom

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Punong Ministro ng Nagkakaisang Kaharian ng Kalakhang Britanya at Kahilagaang Irlanda
Royal Coat of Arms of the United Kingdom (HM Government).svg
David Cameron official.jpg
Kasalukuyan
David Cameron

mula 11 Mayo 2010
Istilo Ang Matwid na Kagalang-galang
Opisyal na tirahan 10 Downing Street
Londres, Nagkakaisang Kaharian

Chequers
Buckinghamshire, Nagkakaisang Kaharian
Nagtalaga Monarka ng Nagkakaisang Kaharian
Tagal ng panunungkulan sa kaluguran ng Kanyang Kamahalan[1] na may kasamang Pangkalatang Halalan kada limang taon.[2]
Pagkakatatag Padron:Start date and years ago
Websayt www.number10.gov.uk

Ang Punong Ministro ng Nagkakaisang Kaharian ng Kalakhang Britanya at Kahilagaang Irlanda ang pinuno ng Pamahalaan ng Kanyang Kamahalan sa Nagkakaisang Kaharian. Ang Punong Ministro at Gabinete ng Nagkakaisang Kaharian(na binubuo ng mga nakatatandang ministro na mga pinuno ng mga kagawaran ng pamahalaan) ay sama-samang pinapanagot sa kanilang mga patakaran at aksiyon sa Monarkiya, sa Parlamento, sa kanilang mga partidong pampolitika at sa kanilang elektorada. Ang kasalukuyang Punong Ministro ng Nagkakaisang Kaharian ay si David Cameron na pinuno ng Partido Konserbatibo na hinirang ng Reyna noong 11 Mayo 2010. Ang opisinang ito ay hindi itinatag ng anumang saligang-batas o batas ngunit umiiral lamang ayon sa matagal na itinatag na kombensiyon na nagtatadhana na ang monarko(Reyna) ay dapat humirang bilang Punong Ministro ang taong pinakamalamang na may kompiyansa ng Kapulungan ng mga Karaniwan ng Nagkakaisang Kaharian. Ang indibidwal na ito ay tipikal na ang pinuno ng partido o koalisyon na humahawak ng pinakamalaking bilang ng upuan sa kamara. Ang posisyon ng Punong Ministro ay hindi nilikha. Ito ay mabagal na nagebolb sa 300 taon dahil sa mga maraming akto ng Parlamento, mga pag-unlad sa politika at mga aksidente ng kasaysayan. Ang mga pinagmulan ng posisyon ay matatagpuan sa mga pagbabago sa Saligang Batas na nangyari noong Revolutionary Settlement (1688–1720) at nagreresultang paglipat ng kapangyarihang pampolitika mula sa Soberanya tungo sa Parliyamento. Bagaman ang Soberanya ay hindi inalisan ng mga sinaunang prerogatibong kapangyarihan at nanatiling pinuno ng pamahalaan ng naayon sa batas, unti-unting kinailangan para dito na mamahala sa pamamagitan ng Punong Ministro na may mayorya sa Parliyamento. Noong mga 1830, ang sistemang Westminister ng pamahalaan o pamahalaang gabinete ay lumitaw. Ang Punong Ministro ay naging primus inter pares o ang una sa mga magkatumbas sa Gabinete at ang pinuno ng pamahalaan ng United Kingdom. Ang posisyong pampolitika ng Punong Ministro ay pinalakas ng pag-unlad ng mga modernong partidong pampolitika, ang pagpapakilala ng pang-masang komunikasyon(hindi mahal na diyaryo, radyo, telebisyon at internet) at potograpiya. Sa ika-20 siglo, ang modernong pagkapinuno ay lumitaw. Ang opisinang ito ay naging isang pre-emininteng posisyon sa herarkiyang konstitusyonal vis-a-vis ang Soberanya, Parlamento at Gabinte. Bago ang 1902, ang Punong Ministro ay minsang nagmumula mula sa Kapulungan ng mga Panginoon kung ang kanyang pamahalaan ay makakabuo ng mayorya sa Kapulungan ng mga Karaniwan. Gayunpaman, dahil ang kapangyarihan ng aristokrasya ay umunti noong ika-19 siglo, ang kombensiyon ay nabuo na ang Punong Ministro ay dapat palaging uupo sa mababang kapulungan.

Mga sanggunian[baguhin]