2023
Dantaon: | ika-20 dantaon - ika-21 dantaon - ika-22 dantaon |
Dekada: | Dekada 1990 Dekada 2000 Dekada 2010 - Dekada 2020 - Dekada 2030 Dekada 2040 Dekada 2050
|
Taon: | 2020 2021 2022 - 2023 - 2024 2025 2026 |
Ang 2023 (MMXXIII) ay ang kasalukuyang taon, at isang karaniwang taon na magsisimula sa Linggo sa kalendaryong Gregoryano, ang ika-2023 taon ng mga pagtatalagang Karaniwang Panahon at Anno Domini (AD), ang ika-23 taon ng ika-3 milenyo, ang ika-23 taon ng ika-21 dantaon, at ang ika-4 na taon ng dekada 2020.
Mga kaganapan[baguhin | baguhin ang wikitext]
Enero[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Enero 5 - inilibing sa ilalim ng Saint Peter's Basilica ang dating Papa na si Papa Benedicto XVI.[1]
- Enero 17 - Bumitiw bilang pangulo ng Biyetnam si Nguyễn Xuân Phúc matapos ang iba't-ibang iskandalo at alegasyon ng katiwalian.[2]
- Enero 25 - nanungkulan bilang bagong punong ministro ng Bagong Silandya si Chris Hipkins[3] matapos ang anim na araw ng pagbitiw ni Jacinda Ardern sa puwesto.[4]
Pebrero[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Pebrero 3 – Inanunsyo ng Estados Unidos na sinusubaybayan nito ang mga di-umano'y Chinese spy balloon sa ibabaw ng Amerika, kung saan ang isa ay naanod mula Yukon patungong South Carolina bago binaril kinabukasan, at ang pangalawa ay naglipad sa Colombia at Brazil. Ang kaganapang ito ay sinusundan ng mga kasunod na pag-detect at pagbaril sa mga bagay na nasa matataas na lugar gayundin as pagdetekto ng mga nakakahina-hinalang lumilipad na bagay sa iba't-bang dako ng bansa.[5][6][7]
- Pebrero 5 – Idinaos ang 2023 Cypriot presidential election, kung saan si Nikos Christodoulides ang nahalal na pangulo.[8][9]
- Pebrero 6 – Isang 7.8 (Mww) na lindol ang tumama sa probinsyang Gaziantep sa timog-silangang Turkiya. Isang 7.5 Mww na aftershock ang naganap sa parehong araw sa kalapit na Lalawigan ng Kahramanmaraş. Ang malawakang pinsala ay nagdulot ng mga hindi bababa na 50,000 na pagkamatay sa Turkiya at Syria, kung saan higit na 122,000 ang nasugatan.[10][11]
- Pebrero 21 – Inanunsyo ni Vladimir Putin na sinuspinde ng Rusya ang paglahok nito sa Bagong START, isang nuclear arms reduction treaty kasama ang Estados Unidos.[12]
Marso[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Marso 2 – Itinalaga ng Pambansang Asembleya ng Biyetnam bilang bagong pangulo si Võ Văn Thưởng matapos ang biglaang pagbitiw sa puwesto ni Nguyễn Xuân Phúc.[13]
- Marso 9 – nanungkulan bilang bagong pangulo si Petr Pavel ng Republikang Tseko.[14]
- Marso 10 – nanalo ng ikatlong termino bilang pangulo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.[15]
- Marso 17 – Naglabas ang International Criminal Court ng warrant of arrest para kay Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, ang una laban sa isang permanenteng miyembro ng United Nations Security Council.[16][17]
- Marso 26 – 2023 Protestang Israeli laban sa repormang judicial: Isang malakihang protesta ang sumiklab sa buong Israel matapos alisin sa puwesto ni Punong Ministro Benjamin Netanyahu ang kanyang defense minister. Ang defense minister na ito ay nagsalita laban sa hudisyal na planong overhaul ng gobyerno.[18][19][20]
Abril[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Abril 2 – nagaganap ang Eleksyon sa Finland pagkatapos ng resulta nahalal bilang Prime Minister na si Petteri Orpo matapos talunin ang Katunggaling si Sanna Marin ang Kasalukuyang Prime Minister.
- Abril 4 – Ang Finland ang naging ika-31 kasapi ng NATO, kung saan nagdoble ang alyansang palugit nito laban sa Rusya.[21]
- Abril 15 – Sumiklab ang labanan sa buong Sudan sa pagitan ng Sandatahang Lakas ng Sudan at ng paramilitar na Rapid Support Forces. Nakuha ng RSF ang Khartoum International Airport, at ang palasyo ng pangulo sa Khartoum.[22]
- Abril 20 – Ang Starship rocket ng SpaceX, ang pinakamalaki at pinakamakapangyarihang rocket na ginawa, ay inilunsad sa panahon ng isang pagsubok sa paglipad mula sa isang base sa Boca Chica, Texas, Estados Unidos. Ito ay sumabog apat na minuto pagkatapos ilunsad.[23]
- Abril 26 – Tinawag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Pangulong Volodymyr Zelenskyy ng Ukranya, isang buwan pagkatapos ng summit ni Xi kasama ang pangulo ng Rusya na si Vladimir Putin.[24]
Mayo[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Mayo 1 – Krisis pambangko ng 2023: Ang First Republic Bank na nakabase sa San Francisco ay nabigo at na-auction ng US FDIC sa JPMorgan Chase sa halagang $10.7 bilyon. Ang pagbagsak ay nalampasan ang pagbagsak ng Bangkong Silicon Valley noong Marso upang maging pangalawang pinakamalaking sa kasaysayan ng US.[25]
- Mayo 6 – Ang koronasyon nina Charles III at Reyna Camilla bilang Hari at Reyna ng Reyno Unido at iba pang Commonwealth na kaharian ay ginanap sa Westminster Abbey, London.[26]
- Mayo 7 – Ang Syria ay muling ipinasok sa Ligang Arabo matapos masuspinde mula noong 2011.[27]
- Mayo 19 – 21 – Ang ika-49 G7 summit ay ginanap sa Hiroshima, Hapon. Dumating sa Hapon ang pangulo ng Ukranya na si Volodymyr Zelenskyy sa ikalawang araw ng summit.[28]
- Mayo 28 – Idinaos ang ikalawang pag-ikot ng eleksyong pampanguluhang 2023 sa Turkiya. Tinalo ni Recep Tayyip Erdoğan si Kemal Kılıçdaroğlu na may 52.18% ng boto upang manalo sa ikatlong termino bilang pangulo.[29]
Nahulaan at nakatakdang mga kaganapan[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Oktubre 28 – Isang bahagiang eklipse ng buwan ang makikita sa gabit ag sa susunod na umaga sa Europa at karamihan ng Aprika at Asya. Ito ang ika-11 eklipse ng buwan ng Lunar Saros 146.[30]
- Nobyembre 12 - Nakatakda ang Polonya na magsagawa ng parliyamentaryong halalan para sa Parlamento ng Polonya na hindi lalagpas sa petsang ito.
- Disyembre 15 – Nakatakda ang Espanya na magsagawa ng pangkalahatang halalan para sa Cortes Generales na hindi lalagpas sa petsang ito.
Hindi alam ang petsa[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Ang Turkey ay gagawa ng unang kontak sa Buwan sa republikanong sentenaryo nito.[31]
- Magiging 18 ang mayoryang edad sa Taiwan.[32]
- Nakatakda ang Pilipinas na buong ipagtitibay ang dihital na terresteng telebisyon at iiwan ang analogong katumbas.[33][34]
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ "Pope Francis to lead funeral for Benedict XVI, a first in modern history". France 24 (sa wikang Ingles). 2022-12-31. Tinago mula sa orihinal noong December 31, 2022. Nakuha noong 2022-12-31.
- ↑ "Vietnam's president resigns as scandal engulfs top leaders". South China Morning Post (sa wikang Ingles). 2023-01-17. Nakuha noong 2023-01-30.
- ↑ McClure, Tess (22 January 2023). "New Zealand: Chris Hipkins taking over from Jacinda Ardern on Wednesday". The Guardian. Tinago mula sa orihinal noong 22 January 2023. Nakuha noong 22 January 2023.
- ↑ "Jacinda Ardern resigns: Reactions from around the world". RNZ (sa wikang Ingles). 2023-01-19. Nakuha noong 2023-01-25.
- ↑ "China condemns US military strike on suspected spy balloon". www.aljazeera.com (sa wikang Ingles). Tinago mula sa orihinal noong February 5, 2023. Nakuha noong 2023-02-05.
- ↑ Tangalakis-Lippert, Katherine. "A second 'Chinese surveillance balloon' has been spotted over Latin America, according to Pentagon officials". Business Insider (sa wikang Ingles). Tinago mula sa orihinal noong February 5, 2023. Nakuha noong 2023-02-05.
- ↑ Stewart, Phil; Shalal, Andrea; Stewart, Phil (2023-02-13). "U.S. military brings down flying object over Lake Huron". Reuters (sa wikang Ingles). Tinago mula sa orihinal noong 2023-02-13. Nakuha noong 2023-02-13.
- ↑ "Disy leader to seek party nomination for presidency | Cyprus Mail". cyprus-mail.com/ (sa wikang Ingles). Tinago mula sa orihinal noong December 22, 2021. Nakuha noong 2023-01-31.
- ↑ Kambas, Michele (2023-02-12). "Former Cyprus foreign minister wins presidential election". Reuters (sa wikang Ingles). Tinago mula sa orihinal noong 12 February 2023. Nakuha noong 2023-02-12.
- ↑ "Earthquake Kills More Than 110 People in Turkey, Syria". Bloomberg.com (sa wikang Ingles). 2023-02-06. Tinago mula sa orihinal noong February 6, 2023. Nakuha noong 2023-02-06.
- ↑ "Powerful quake kills at least 360 people in Turkey, Syria". AP NEWS (sa wikang Ingles). 2023-02-06. Tinago mula sa orihinal noong February 6, 2023. Nakuha noong 2023-02-06.
- ↑ "Putin suspends key US nuclear arms deal in bitter speech against West". BBC News. 21 February 2023. Nakuha noong 21 February 2023.
- ↑ Reuters (2023-03-02). "Vietnam names new president as corruption crackdown shakes up top leadership". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-05.
- ↑ Lopatka, Jan (2023-03-09). "Former NATO general Petr Pavel takes reins as Czech president". Reuters (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-11.
- ↑ "Xi begins historic third term as China's president". BBC News (sa wikang Ingles). 2023-03-10. Nakuha noong 2023-03-11.
- ↑ "Putin arrest warrant: Biden welcomes ICC's war crimes charges". BBC News. 18 March 2023. Nakuha noong 18 March 2023.
- ↑ "Russia-Ukraine war live: Biden welcomes Putin arrest warrant as UK says Moscow likely to expand conscription". The Guardian. 18 March 2023. Nakuha noong 18 March 2023.
- ↑ "Netanyahu fires defense minister Gallant for calling to stop judicial overhaul". 26 March 2023.
- ↑ "Israel: mass protests after sacking of minister who opposed judicial overhaul". 26 March 2023.
- ↑ "Thousands of Israelis march on Benjamin Netanyahu's residence as tensions reach boiling point". 26 March 2023.
- ↑ John, Tara (2023-04-04). "Finland joins NATO, doubling military alliance's border with Russia in a blow for Putin". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-07.
- ↑ "2023 Sudan conflict".
- ↑ "Musk's SpaceX big rocket explodes on test flight". BBC News (sa wikang Ingles). 2023-04-20. Nakuha noong 2023-04-20.
- ↑ "China's Xi calls Ukraine's Zelenskyy, after weeks of intensifying pressure to do so". National Public Radio. 2023-04-26.
- ↑ Brooks, Khristopher J.; Dakss, Brian (May 2023). "Troubled First Republic Bank seized and sold to JPMorgan Chase". www.cbsnews.com. Nakuha noong 2 May 2023.
- ↑ "Coronation on 6 May for King Charles and Camilla, Queen Consort". BBC News. Tinago mula sa orihinal noong October 11, 2022. Nakuha noong 2022-10-10.
- ↑ "Arab League readmits Syria after 11-year absence". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-07.
- ↑ "Ukraine's President Zelenskyy attends the G7 summit in Japan". www.aljazeera.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-20.
- ↑ Qiblawi, Gul Tuysuz,Yusuf Gezer,Tamara (2023-05-28). "Erdogan wins Turkish election, extending rule to third decade". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-30.
- ↑ "28–29 October 2023 Partial Lunar Eclipse" (sa wikang Ingles).
- ↑ Erdoğan, Recep Tayyip [@RTErdogan] (Pebrero 10, 2021). "Millî Uzay Programı Hedeflerimiz Cumhuriyetimizin 100. yılında Ay'a ilk teması gerçekleştirmek. #GökyüzüneBakAyıGör" (Tweet) – sa pamamagitan ni/ng Twitter.
- ↑ Lin, Sean (Agosto 14, 2020). "Cabinet approves lowering age of majority to 18". Taipei Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 24, 2021.
- ↑ Mariano, Keith Richard D. (Pebrero 16, 2017). "Broadcasters commit to digital TV switch by 2023". BusinessWorld (sa wikang Ingles). Tinago mula sa orihinal noong 2021-02-24. Nakuha noong 2021-03-30.
- ↑ Esmael, Maria Lisbet K. (Oktubre 7, 2018). "Govt on course to hit 2023 full digital TV transition". The Manila Times (sa wikang Ingles). Tinago mula sa orihinal noong Abril 18, 2019. Nakuha noong Marso 30, 2021.