Pumunta sa nilalaman

Agatha Christie

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dama Agatha Christie, DBE
KapanganakanAgatha Mary Clarissa Miller
15 Setyembre 1890(1890-09-15)
Torquay, Devon, Inglatera
Kamatayan12 Enero 1976(1976-01-12) (edad 85)
Wallingford, Oxfordshire, England
Sagisag-panulatMary Westmacott
TrabahoNobelista
NasyonalidadIngles
KaurianMurder mystery, Thriller, Crime fiction, Romances
Kilusang pampanitikanGolden Age of Detective Fiction
(Mga) asawaArchibald Christie (1914–1928)
Max Mallowan (1930–1976)



agathachristie.com

Si Dama Agatha Mary Clarissa Miller, Ginang Mallowan[1], DBE (15 Setyembre 1890 – 12 Enero 1976), sa Ingles: Dame Agatha Mary Clarissa Miller, Lady Mallowan, DBE, na mas kilala bilang Agatha Christie, ay isang Ingles na manunulat ng mga nobelang pang-krimen, maikling kuwento, at mga dula. Nagsulat din siya ng mga nobelang romantiko sa ilalim ng pangalang Mary Westmacott. Isinilang siya sa Torquay, Devon, Inglatera. Noong 1971, ginawaran siya ng pamagat na komandanteng dama ng Orden ng Imperyong Britaniko.[1]

Kilalang-kilala si Christie dahil sa kaniyang mga kuwentong pang-detektib[1], mga tagapagmanman at tagapagimbistiga, na umabot sa mga walumpo ang bilang. At maging dahil sa kaniyang matagumpay na mga dulang pang-tanghalang West End. Dahil sa kaniyang mga gawa, partikular na dahil sa mga akdang kinabibidahan ng Belhiyakong detektib na si Hercule Poirot[1] o kaya ng Inglesang si Binibining Jane Marple[1], nabigyan siya ng taguring "Reyna ng Krimen", at naging rason ng kaniyang pagiging isa sa mga pinakamahalaga at inobatibong mga manunulat sa pagpapaunlad ng henero.

Tinawag si Christie ng Aklat ng mga Talang Pandaigdig ng Guinness, bukod sa iba pa, bilang ang pinakamabiling manunulat ng mga aklat sa lahat ng panahon at ang pinakamabenta ring manunulat ng kahit anong tipo, kasama sa hanay ng mga katulad ni William Shakespeare. Tanging ang Bibliya lamang ang nalalamang nakalampas kay Christie sa mga pinagsama-samang mga bilang ng benta na umabot sa mga apat na bilyong kopya ng mga nobela.[2] Sinasabi ng UNESCO na si Christie ang pinakanasaling indibidwal na may-akda sa mundo na tanging ang mga pinagtipun-tipong mga gawa lamang ng Produksiyong Walt Disney ang nakalampas sa kaniya.[3]

Naisalin ang mga aklat ni Christie sa may (pinakamababang bilang) 56 na mga wika, bukod sa Ingles, at kinabibilangan ng Albanes, Amhariko, Arabe, Armenyo, Baske, Bengal, Bokmål (diyalekto ng Noruwego), Bulgaro, Birmano, Katalan, Tsino, Tseko, Kroato, Danes, Olandes, Esperanto, Estonyo, Persa, Pinlandes, Pranses, Galisyano, Heorhiyano, Aleman, Griyego (makabago), Ebreo, Unggaro, Islandes, Indones, Italyano, Hapones, Kalaallisut (Kanlurang Greenland), Kasaho, Koreano, Latbyano, Litwanyano, Macedonio, Malayalam, Moldabyano, Polako, Portuges, Rumano, Ruso, Serbyo, Serbo-Kroato, Singgales, Eslobako, Eslobeno, Kastila, Suweko, Thai, Turko, Ukranyano at Urdu.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Dame Agatha Christie". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Agatha Christie gets a clue for filmmakers - Entertainment News, Michael Fleming, Midya - Sari-sari
  3. "Statistics on whole Index Translationum database". UNESCO. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-28. Nakuha noong 2008-05-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)