Pumunta sa nilalaman

Antropolohiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Agham ng tao)

Ang agham-tao o antropolohiya (Aleman: Anthropologie, Kastila: antropología, Portuges: antropologia, Ingles: anthropology) (mula sa salitang Griyego na anthropo "pagiging tao" + logia "salita") ay ang pag-aaral sa lahi ng tao. (Tingnan ang henerong Homo.) Holistiko ito sa dalawang kamalayan: inaalala nito ang lahat ng tao sa lahat ng panahon at sa lahat ng kasukatan ng sangkatauhan. Nasa gitna ng usapin sa antropolohiya ang kultura at ang kaisipan na bumalangkas ang ating uri o espesye sa isang pangkalahatang kakayahan na isipin ang daigdig sa pamamagitan ng mga simbolo, upang ituro at matutunan ang mga gayong simbolo sa pamamagitan ng lipunan, at ibahin ang anyo ng mundo—at ating sarili—na nakabatay.

(Ang mga tinandang taon na menos ay ukol sa Common Era o Karaniwang Panahon na bilang.)

Mga subespesye sa tradisyunal na antropolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa tradisyunal na agham-tao, may apat na subespesye ang espesye ng taong Homo sapiens, ang Kawkasoyd (puti), Monggoloyd (dilaw o pula), Negroyd (itim), at Awstraloyd (itim din). Puwede ring ibaybayin ang mga salitang ito ng Caucasoid, Mongoloid, Negroid, at Australoid.

Isang model ng relasyon ng tao ito. Alam na ang Iranian at Indian ng India ay di purong Caucasoid.

Ang teorya ng ilang antropologo ay ang subespesyeng Australoid ay humiwalay galing sa orihinal na grupong Caucasoid-Mongoloid nang taong -73 000 hanggang -60 000. Maiitim ang balat nila (ng mga Australoid). Kahit na kalimitang itim ang buhok nila, may ilan sa kanila na parang mapula o madilaw ang buhok. Kung talagang tutuusin, ang baryante ng Australoid sa Indiya ay medyo magkaiba sa mga naroon sa Australya. Kung minsan, Proto-Australoid o Veddoid ang tawag sa mga nasa Asya. At sa kamakailang kasaysayan, nagmestiso sila nang kasama ang mga Caucasoid, na naging mga Aryan. Mestiso ngayon ang India. Pagkatapos ng taong -4000 nagsimula ang mestisasyon, kasunod ng kung tawagin ay Pagsalakay ng Aryan.

Amerindoid, Australoid, Caucasoid, Negroid, Mongoloid.

Ang sabi ng ibang mananaliksik, nakolonisahan ng mga Australoid ang Australya nang simula ng taong -70 000 o -50 000. Dumaan sila sa pamamagitan ng India at Timog-silangang Asya, galing Aprika. Ilang alon ang dumaan. Kaya, matagal na. Ang nangyari ay parang naiwanan ang mga Proto-Australoid o Veddoid sa Indiya ng mga naging Australoid sa Australya. (Ang Proto-Australoid ay Australoid din kung tutuusin.)

Sa Timog-Silangang Asya at Pasipiko, nakabangka ang mga Australoid. At nang unang panahon, may mga tulay na lupa na mararaanan nila.

Magkaiba ang Negroid ng Aprika sa Australoid. Magkaiba ang kalansay o balangkas at iba pa. Pero nga, pareho silang maitim ang balat. Humiwalay sa mga Negroid ang orihinal na grupong Caucasoid-Mongoloid nang taong -108 000. At humiwalay din ang mga Mongoloid doon nang taong -39 000. Mga aproksimasyon lamang ang mga bilang at may mga taong kalagitnaan sa porma noong nagkahiwalayang landas.

Ang subespesyeng Mongoloid ay may maraming baryante rin. Ang mga Hilagang Mongoloid ay ang mga Intsik, Koreano, at iba pa. Ang mga Amerindian o kung tawag ng ilan ay Proto-Mongoloid ay kasama sa subespesye na ito. Nagsimula nang mga taong -38 000 hanggang -10 000 ang kolonisasyon sa hilaga at timog ng mga Amerika. Galing Asya, tumawid sila sa Tulay na Lupa ng Bering papuntang Amerika. Tapos, dahan-dahan silang naglakad hanggang sa Timog Amerika. Ilang libong taon ang lumipas. Dahil nagkaroon ng Panahon ng Yelo, may Tulay na Lupa ng Bering na ngayon ay ang Dagat Bering. Iba-iba ang itsura ng mga Amerindian, pero kalimitang hindi sila kasing singkit ng mga Hilagang Mongoloid. Iba naman ang mga Eskimo na tumawid galing Siberia papunta sa Arktiko ng Amerika noong mga taong -8000. Mas parang Hilagang Mongoloid ang Eskimo, pero may kahalong parang Amerindian.

May teorya ang ilang antropologo na ang mga Australoid ay nauna sa mga Amerika noong taong -52 000. Ang tawag ng mga teorista sa mga taong ito ay Pre-Siberian American Aborigines. Iyon ang teoriya, na naunahan ng mga Australoid ang mga Mongoloid sa Amerika. Naglakad sila galing sa Timog-Silangang Asya. Tapos, umakyat sila sa Silangang Asya at tumawid ng Tulay na Lupa ng Bering hanggang sa Amerika. Ang tawag rito ay Ang Dakilang Migrasyong Pandalampasigan (The Great Coastal Migration) ng Proto-Australoid.

Mayroon pang ibang klaseng Mongoloid, iyong Timog Mongoloid, na talagang mestiso ng halong Mongoloid at Australoid. Nagsimula nang taong -4000 sa pook ng Taiwan. Tapos, sinakop nila ang Timog-Siangang Asya na puno ng maiitim na Australoid at naghalo sila. Tapos, kumalat sila sa Pasipiko at hanggang Madagaskar, Pulong Timog-Silangang Asya o Island South-East Asia (ISEA), Hawaii, Tahiti, Samoa, New Zealand, at iba pa. Ang mga Polynesian ay Timog Mongoloid. Sa Madagaskar, isla na katabi ng Silangang Aprika, natagpo nila ang mga Negroid na naroon na at nagsipaghalo sila. Ang mga Melanesian at Papuan sa Pasipiko ay mga iba-ibang klaseng Australoid. Nakakapagtaka rin na may mga parang Negroid na kasama sa kanila. Parang kulang ang pananaliksik dito.

Ang katauhan ng mga Hapones ay kumplikado. Mito lamang na sila ay iisahing-lahi o iisahing-lahing lipunan. Ang katotohanan ay mga parang mestisuhin sila ng Hilagang Mongoloid, Amerindian, Katimugang Mongoloid, at Caucasoid. Dahil rito, iba ang itsura nila sa Intsik. Sa halo-halo, naging ibang lahi sila. Ang mga unang katauhan sa Hapon ay kasama ang Ainu, na maiitim ang buhok, mabalahibo, at balbasin. Ito yata ay isa sa mga tribo na naglibot sa Siberia. Baka mga mestiso na sila noong unang panahon man.

May naniniwala na ang mga Amerindian at Eskimo, bagamat sila'y karamihang Mongoloid, ay may kaunting lahing Caucasoid o Australoid na bago pa dumating si Christopher Columbus.

Ang kaisipan ng Hapones na si Dr. Akazawa Takeru ay may dalawa lamang bersiyon ng Mongoloid, ang mga Paleo-Mongoloid at ang mga Neo-Mongoloid. Inililista niyang ang mga Neo-Mongoloid ay mga Intsik, Buryat, Eskimo, Chukchi, at iba pa. Sa kabila naman, ang mga Paleo-Mongoloid ay mga Burmes, Pilipino, Polinesyano, Jōmon, Amerindiyo, at iba pa. Ang Austronesian nga ay klasipikadong Paleo-Mongoloid. Kung minsan, ang tawag sa Austronesian ay Southern Mongoloid.

Kung gagamitin ang ngipin para sa klasipikasyon, ang mga Neo-Mongoloid ay Sinodont Mongoloid kung tawagin, at may mga Paleo-Mongoloid sa Asya at Pasipikong kung tawagin ay Sundadont Mongoloid. Kung minsan, ang mga Amerindiyo ng mga Amerika ay Super-Sinodont kung tawagin. Kaya, marahil may talagang tatlong klaseng Mongoloid: ang Sundadont, ang Sinodont, at ang Super-Sinodont.

Dalawa naman ang klase ng subespesyeng Caucasoid, yaong Mediterranean at Nordic. Ang mga Mediterranean ay maiitim ang buhok, malimit ay bughawing itim, kung minsan ay mamulang itim, at kung minsan ay talagang madilim na kayumanggi. Iba-iba rin ang kulay ng mata nila. Ang mga Nordic naman ay madilaw, kayumanggi, o mapula ang buhok. Iba-iba ang kanilang kulay ng buhok. Mas maputla ang kulay ng balat ng mga Nordic kaysa sa mga Mediterranean. May mutasyong henetiko nang taong -9000, noong pinakahuling Panahon ng Yelo, na nagresulta sa malaginintuang buhok.

Ang dakilang wikang tribong Caucasoid ng Indo-European ay, sabi ng isang teorya, nagsimula sa Katimugang Rusya, malapit sa Dagat Itim o Black Sea, noong taong -4000. Nakakabayo sila at kumalat sila sa Europa at Indiya. Sa Indiya, sinakop nila ang mga Proto-Australoid. Ang wikang PIE o Proto-Indo-European ay magulang na wika ng mga karamihan ng mga wika ngayon sa Europa at Hilaga ng Indiya. Kasama na ang mga Aleman, Latino, Griyego, Slabiko, Seltiko, at iba pa. Ibang pamilya ito kaysa sa mga Uraliko ng Finlandes at Hunggaro. Mga wikang bukod noong pang huling Panahon ng Yelo ang Basque o Euskara sa Espanya, na sinakop ng mga Indo-European.

Isang model ng ebolusyon ng tao ito.

Ibang tao sa genus Homo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lahat ng mga subespesyeng tao, yaong Caucasoid, Mongoloid, Negroid, at Australoid, ay nanggaling sa malayong Aprika, nang taong -200 000, sa anumang orihinal na anyong pantao ng Homo sapiens. May kapatid ang espesye na ito na ang tawag ay Homo neanderthalensis. May pagitang paglalahi na baka nangyari noong -80 000 hanggang -50 000 sa Gitnang Silangan. Walang natira sa kanilang puro ngayon. Mayroon ding Homo denisova. Ang henero nating Homo ay may maraming espesye at mga 2.3 milyong taon na. Ang Homo sapiens ay isa lamang sa mga espesye ng henerong Homo. May ilang tao ngayong may kaunting lahing Homo neanderthalensis o kaya Homo denisova. May nadiskubreng Homo luzonensis sa Pilipinas.

Alam na ang Homo neanderthalensis ay may mas malaking utak sa modernong tao. Ang pangkaraniwang laki ng utak nila ay 1450 cc at ang modernong Homo sapiens naman ay 1330 cc. Kung talagang mas matalino sila ay di alam. Marahil bukod sa itim ang buhok, may mapula o madilaw na buhok din ang mga Homo neanderthalensis (o Neanderthal kung tawagin).

Isang model ng ebolusyon ng tao ito.

Alam ng dalub-agham na ang mga subespesyeng pantao na Caucasoid, Mongoloid, Negroid, at Australoid ay magkasama sa isang espesye, iyong Homo sapiens. Ang isang dahilan ay pareho ang kromosomang bilang nila na 46.

May mga taong hindi naniniwala sa ebolusyon ng tao. Isip nila'y may ilang espesye ng genus Homo na parang hindi magkarugtong. Ayon kay Tuesday Lobsang Rampa, tinanim ang tao nang parang hardin. May mga kung tawagin ay mga Hardinero. Ang Tiyera'y isa sa kanilang mga hardin. Kung minsan, nag-aalis din sila ng damo.

Sa pinakabagong agham-tao, hindi na masyadong naniniwala sa mga "lahi" sa pagsusuri ng katauhan. Ginagamit ng dalubtao o antropologo ang human genetic clustering (pagkumpol ng henetikong pantao) o principal components analysis (pagsusuri ng pangunahing sangkap) dahil malawak ang mga iba-ibang henetikang katangian ng mga tao. Alam na di puro ang mga "lahi" ng tao.

Ang karamihan sa Pilipinas ay may lahi ng mga Awstronesyo. Paleo-Monggoloyd o Monggoloyd-Timog din kung tawagin sila. May mga Pilipinong may lahing Neo-Monggoloyd o Monggoloyd-Hilaga (gaya ng Intsik o Hapon) nang kasama. May mga Pilipinong may lahing Kawkasoyd, katulad ng Kastila. Dahil ang Meksiko ang nag-alaga sa Pilipinas noong ilang siglong nakalipas, may Pilipino ring may lahing Amerindiyo (Monggoloyd din), katulad ng tribung Nahuatl sa Mehiko. (Ang mga salitang tatay at nanay ay galing sa Nahuatl na tahtli at nāntli.) Maraming mestiso sa Pilipinas. Ang mestisong Intsik ay Tsinito o Tsinoy kung tawagin.

Mga taong prehistoriko

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga subespesye noong taong mga -8 000
  Caucasoid
  Congoid
  Capoid
  Mongoloid
  Australoid

Ibang kategorisasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Congoid at Capoid ay mga paghahati ng Negroid. Sa ibang pananaliksik, iba silang subespesye. Ang Capoid ay singkit ang mata at malaginintuang kayumanggi ang balat at hindi sepya. Kung ito ay hiwalay na umunlad mula sa mga Silangang Asyano o kung may lahi silang Asyano ay di pa alam. Kulang ang pananaliksik sa antropolohiya at ang isang rason ay itong paksa ay mapolitika. (Ang Africanid ay Congoid.) Dahil may mga Awstronesyo (Mongoloid) sa Madagaskar na nasa tabi ng kontinenteng Aprika, di malayong mangyari na narating ng mga Asyano ang kontinente mismo. Di malayong mangyari na pabalik-balik ang mga iba-ibang subespesye sa ibabaw ng Tiyera. Sa palagay, marahil may tatlong klaseng itim na tao, ang Congoid, Capoid, at Australoid.

Mga tao ngayon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Etnikong distribusyon ngayon sa mundo, sa pangkaraniwan

Dahil mas mahusay ang transportasyon ngayon, mas pangkaraniwan ang paghaluhalo ng tao. Ngunit may mga antigong relasyon na di alam ng tao, katulad na ang marami sa mga Caucasoid sa Rusya ay may kaunting lahing Hun o iba pang Mongoloid. Sa Hilagang Amerika, ang mga Caucasoid na maraming henerasyon na roon ay may probabilidad na may kaunting lahing Amerindiyo (Mongoloid). Sa Latinong Amerika ay talagang pangkaraniwan ang mestisasyon. Ang mga Caucasoid sa Gitnang Silangan na Semitiko ay may kaunting lahing itim. Maraming itim sa Aprika ay may kaunting lahing Arabo (Semitiko na Caucasoid). Sa Silangang Asya rin ay naghalu-halo ang tao; halimbawa ang mga may lahing Turkong mestisong Uighur sa Xinjiang ng Tsina at mga apo sa talampakan ng mandaragat na Portuges sa baybayin ng Tsina. Marahil di tunay talaga ang konsepto ng "purismo" sa mga lahi ng tao.