Pumunta sa nilalaman

Lumang Tipan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Aklat ng Lumang Tipan)
Lumang Tipan ng Bibliya

Mga Aklat ng Bibliya

Ang Lumang Tipan ang bersiyong Kristiyano ng Tanakh ng Hudaismo at isa sa mga pangunahing bahagi ng Bibliya sa Kristiyanismo. Ito ang unang mga pangkat ng mga kalipunan ng mga aklat sa Bibliyang sinusundan, ayon sa pagkakasunud-sunod na pampanahon, ng Apokripa at ng Bagong Tipan. Tinatawag din itong Matandang Tipan, Matandang Testamento, at Lumang Testamento.[1] Sa Ingles, tinatawag na testament ang salitang tipan[1] kaya't may saling Old Testament para sa Lumang Tipan at New Testament para sa Bagong Tipan. Hinango ang testament ng Ingles at testamento ng Tagalog at Kastila mula sa testamentum ng wikang Latin, na nangangahulugang "kasunduan", "mataimtim na kasunduan," o "tipan"[1], at naglalarawan ng uri ng ugnayang mayroon noon ang Diyos at ang mga sinaunang mga Israelita at unang mga Kristiyano.[2] Sa Katolisismo, binubuo ang Lumang Tipan ng 39 na mga aklat; karamihan sa mga ito ang hinango mula sa Tanakh ng Hudaismo. Ayon kay Jose C. Abriol, may tatlong bahagi ang Lumang Tipan: ito ang Batas o Pentateuco, ang Mga Propeta, at ang Mga Salmo. Tungkol ang aklat ng Mga Propeta sa kasaysayan at propesiya, samantalang hinggil sa karunungan ang aklat ng Mga Salmo.[3] Ayon din kay Abriol, tungkol ang mga aklat ng Mga Propeta sa kasaysayan at propesiya.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 English, Leo James (1977). "Biblical testament (testamentong biblikal, tipang pambibliya): tipan, testamento, testament, covenant, kasunduan, solemn agreement (mataimtim na kasunduan o kontrata); Lumang Tipan, Matandang Tipan, Lumang Testamento, Old Testament; Bagong Tipan, Bagong Testamento, New Testament". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Bible, Old Testament". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Abriol, Jose C. (2000). "Talababa 44". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1557.

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]


BibliyaPananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Bibliya at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.