Pumunta sa nilalaman

Aleksis Kivi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Aleksis Kivi (tungkol sa tunog na ito bigkas ), ipinanganak bilang Alexis Stenvall, (Oktubre 10, 1834 – Disyembre 31, 1872[1]) ay isang may-akdang Pinlades na nagsulat ng unang mahalagang nobela sa wikang Pinlandes, ang Seitsemän veljestä ("Pitong Magkakapatid na Lalaki") noong 1870. Kilala siya para sa kanyang dula noong 1864 na Heath Cobblers. Bagaman isa si Kivi sa mga pinakaunang may-akda ng prosa at titik sa Pinlandes, tinuturing siyang isa sa mga pinakadakila.

Kinikilala si Kivi bilang isang pambansang manunulat sa Pinlandiya at ang kanyang kaarawan, ang Octubre 10, ay ipinagdiriwang bilang Araw ng Panitikang Pinlandes.[2]

Ipinanganak si Aleksis Stenvall sa nayon ng Palojoki sa Nurmijärvi, Gran Dukado ng Pinlandiya. Ang kanyang mga magulang ay mga sastre ng nayon na sina Erik Johan Stenvall (1798–1866) at Anna-Kristiina Hamberg (1793–1863).[1] Bago si Aleksis, mayroon na ang pamilya ng tatlong anak na lalaki na sina Johannes, Emanuel, at Albert. Si Agnes na kapatid na babae ni Aleksis ay namatay noong 1851 sa gulang na 13 lamang.[3]

Noong 1846, umalis siya para mag-aral sa Helsinki, at noong 1859, tinanggap siya sa Unibersidad ng Helsinki, kung saan nag-aral siya ng panitikan at nagkaroon ng interes sa teatro. Batay ang kanyang unang dula, ang Kullervo, sa isang kuwentong trahedya mula sa Kalevala. Nakilala rin niya ang tanyag na mamamahayag at estadistang si Johan Vilhelm Snellman na naging taga-suporta niya.[4]

Noong nag-aaral siya sa paaralan, nagbasa si Kivi ng panitikan ng mundo mula sa aklatan ng kanyang kasero, at noong nag-aaral siya sa unibersidad, nakita niya ang mga dula nina Molière at Schiller sa Teatrong Suweko sa Helsinki.[5] Nagkaroon din ng kaibigan si Kivi tulad nina Fredrik Cygnaeus at Elias Lönnrot.[5]

Mula 1863 pataas, nilaan ni Kivi ang kanyang oras sa pagsusulat. Sinulat niya ng 12 dula at isang koleskyon ng panulaan. Umabot ng sampung taon ang pagsulat niya sa nobelang Seitsemän veljestä ("Pitong Magkakapatid na Lalaki" o "Seven Brothers" sa Ingles[6]). Hindi inaprubahan ng mga pampanitikang kritiko, lalo na si August Ahlqvist, ang aklat, at sinabing may "kagaspangan" ito, may masabi lamang kahit papaano – nasa rurok ang Romantisismo noong panahon na iyon;[4] sinulat ni Ahlqvist na "It is a ridiculous work and a blot on the name of Finnish literature" (Kakutya-kutya ang gawa at isang bahid sa panitikang Pinlades).[5] Alam na wala ibang kritiko na hindi gusto ang mga sinulat ni Kivi na tulad ni Ahlqvist, na kung saan tinatawag ang situwasyon bilang "pag-uusig,"[7] subalit hindi rin inaprubhan ng mga maka-Fennoman ang pagsasalarawan ng hindi-ganoong-malinis na buhay kanayunan na malayo mula sa kanilang uliraning pananaw.[4]

Noong 1865, nanalo si Kivi ng Premyong Estado para sa kanyang kadalasan pa ring tinatanghal na komedyang Nummisuutarit (The Cobblers on the Heath o Sukulang Sapatero, na sinalin sa Ingles bilang Heath Cobblers ni Douglas Robinson[8]). Bagaman, nagkaroon ng masamang epekto ang hindi gaanong masigasig na pagtanggap ng kanyang mga aklat at labis na siyang umiinom. Pagkatapos ng dekada 1860, hindi makatulong ang kanyang pangunahing tagatangkilik na si Charlotta Lönnqvist, kung saan tumira kasama si Kivi sa Siuntio noong panahon ng kanyang malikhaing pagsusulat.[4]

Hindi bumuti ng lubos ang kalusugan ni Kivi noong 1870, nang tumira siya sa maliit na bukid ng Franzén sa Tapanila, Helsinki.[9] Pinabilis ang paglala ng pakiramdam ng nagkaroon siya ng tipus at atake ng deliryo at noong 1871, pinasok siya sa Bagong Klinika, na mula doon, inilipat siya sa sikiyatrikong ospital sa Lapinlahti, Helsinki. Nasuri siya ng doktor na ginagamot siya na si A. T. Saelan, na mayroong melancholia (kalungkutan) mula sa "sugat ng dignidad bilang isang manunulat." Batay sa mga dokumentong mayroon, ipinalagay ni Kalle Achté na ang sakit ay isa klasikong kaso ng schizophrenia, na dulot ng matinding estado ng pagkabalisa.[4] Bagaman, naimungkahi din, na ang sakit ni Kivi sa pag-iisip ay maaring dulot ng mataas na kaso ng borreliosis.[10] Namatay si Kivi sa kahirapan noong siya ay 38 gulang[2] sa Tuusula, sa tahanan ng kanyang kapatid na si Albert malapit sa Lawa ng Tuusula.[11] Sang-ayon sa kuwento, ang kanyang huling salita ay, "Nabuhay ako" (Pinlandes: "Minä elän").[12]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Aleksis Kivi sa Encyclopædia Britannica
  2. 2.0 2.1 Finland celebrates Day of Literature, with flags flying for Aleksis Kivi[patay na link] (sa Ingles)
  3. Rahikainen, Esko. "Kansalliskirjailija". Aleksis Kivi (sa wikang Pinlandes). Nurmijärven kunta. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Oktubre 2014. Nakuha noong Agosto 11, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 Sihvo, Hannes (2014). "Kivi, Aleksis (1834–1872)". The National Biography of Finland (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 Liukkonen, Petri (2008). "Kivi, Aleksis (1834–1872)". Authors' Calendar (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Mayo 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Sinalin ng dalawang beses, noong 1929 ni Alex Matson at noong 1991 ni Richard Impola, bilang Seven Brothers, at muli noong 2017 ni Douglas Robinson bilang The Brothers Seven.
  7. Aristoteleen kantapää: Aleksis ja August (sa Pinlandes)
  8. Douglas Robinson, sinalin, Aleksis Kivi's Heath Cobblers at Kullervo (St. Cloud, MN: North Star Press of St. Cloud, 1993) (sa Ingles).
  9. IL: Helsinki aikoo myydä Aleksis Kiven entisen kodin – tältä se näyttää (sa Pinlandes)
  10. "Yle Teema". teema.yle.fi (sa wikang Pinlandes). Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-27. Nakuha noong 11 Setyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Aleksis Kivi (1834 – 1872) – VisitTuusulanjärvi Naka-arkibo 2020-09-24 sa Wayback Machine. (sa Pinlandes)
  12. "Mitä Kivi sanoi kuolleessaan?" (sa wikang Pinlandes). Nakuha noong Enero 14, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)