Aleppo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Aleppo
ﺣﻠﺐ
Ḥalab
Aleppo at night11.jpg
Aleppo UNESCO.jpg Saint Elijah Maronite Cathedral, Aleppo (4).jpg
Aleppo inside the Great mosque.jpg
(Mula sa taas, kaliwa-pakanan): Tanawin ng Aleppo paggabi noong 2009; Aleppo Citadel; Katedral ni San Elias; Looban ng Dakilang Mosque ng Aleppo
Palayaw: Al-Shahbaa[1]
Bansa  Syria
Gobernado Gobernado ng Aleppo
Distrito Mount Simeon (Jabal Semaan)
Unang tinirahan 5000 BC
Unang konseho panlungsod 1868
Pamahalaan
 • Gobernador Ahmad Hussein Diyab
 • Punong-lungsod Mohammad Ayman Hallaq
Lawak[2]
 • Lungsod 190 km2 (70 sq mi)
 • Urban 77 km2 (30 sq mi)
Taas 379 m (1,243 ft)
Populasyon (2017 tantiya)
 • Lungsod 1,800,000
Pangalang turing Taga-Aleppo
Arabe: حلبي Ḥalabi
Ingles: Aleppine[3]
Sona ng oras EET (UTC+2)
 • DST EEST (UTC+3)
Area code Kodigong pambansa: 963, Kodigong panlungsod: 21

Mga pinagkunan: Lawak ng Aleppo[4] Mga pinagkunan: populasyon ng lungsod[5][6][7]

Padron:Designation list

Ang Aleppo ( /əˈlɛp/; Arabe: ﺣﻠﺐ‎ / ALA-LC: Ḥalab, IPA: [ˈħalab]) ay isang pangunahing lungsod sa Syria na nagsisilbi bilang kabisera ng Gobernado ng Aleppo na pinakamataong gobernado ng Syria.[8] Ito ang pinakamataong lungsod ng Syria bago ang Digmaang Sibil ng Syria, na may 2,132,100 katao ayon sa senso noong 2004. Subalit ang Aleppo ay ang maaaring pangalawang pinakamataong lungsod sa Syria ngayon, kasunod ng kabisera Damascus.

Isang sinaunang lungsod ang Aleppo, at isa sa mga pinakamatandang lungsod na patuloy na tinitirhan sa mundo; tinitirhan na ito mula pa noong ika-6 na milenyo B.K.[9] Ang mga paghukay sa Tell as-Sawda at Tell al-Ansari, timog ng lumang lungsod ng Aleppo, ay nagpapakita na ang lugar ay tinirhan ng mga Amorreo mula pa noong huling bahagi ng ika-3 milenyo B.K.;[10] at ito rin kung kailang unang nabanggit ang Aleppo sa mga tabletang kuneiporme (cuneiform tablets) na nahukay sa Ebla at Mesopotamya, na kung saan bahagi ang Aleppo ng estadong Amorreo na Yamhad, at kilala sa kakayahang komersiyo at hukbo nito.[11] Ang mahabang kasaysayan ng Aleppo ay iniukol sa estratehikong lokasyon nito bilang sentro ng kalakalan sa pagitan ng Dagat Mediterraneo at Mesopotamya (iyan ay kasalukuyang Iraq).

Sa mga dantaon, ang Aleppo ay pinakamalaking lungsod sa rehiyon ng Syria, at pangatlong pinakamalaki sa Imperyong Otomano pagkaraan ng Konstantinopla at Cairo.[12][13][14] Isa rin ito sa mga pinakamalaking lungsod sa Levant bago ang pagsapit ng Digmaang Sibil ng Syria.[15][16][17] Ang kahalagahan ng lungsod sa kasaysayan ay dahil sa lokasyon nito sa isang dulo ng Daan ng Sutla na dumaan sa Gitnang Asya at Mesopotamya. Nang ipinasinaya ang Kanal Suez noong 1869, lumayo ang kalakalan sa dagat at nagsimula ang unti-unting paghina ng Aleppo. Sa pagbagsak ng Imperyong Otomano pagkaraan ng Unang Digmaang Pandaigdig, isinuko ng Aleppo ang hilagang hinterland (kalapit na rehiyon) nito sa kasalukuyang Turkiya, gayundin ang mahalagang Baghdad Railway na nag-uugnay nito sa Mosul. Noong dekada-1940, napunta sa Turkiya ang mga lungsod ng Antakya at İskenderun, ang mga pangunahing daan nito pa-dagat. Sa huli, ang paghihiwalay (isolation) ng Syria sa ilang nakaraang dekada ay nagpalala ng sitwasyon. Ang paghina na ito ay maaring naitulong sa pagpapanatili ng lumang lungsod ng Aleppo, ang arkitekturang mediybal nito at kinagisnang pamana. Nakamit nito ang titulong "Islamic Capital of Culture 2006", at nagkaroon ito ng matagumpay na pagbabalik sa dating kalagayan ng mga makasaysayang lugar nito.

Noong Labanan sa Aleppo naranasan ng lungsod ang malakihang pagkawasak,[18] at ito ang pinaka-tinamaang lungsod noong Digmaang Sibil ng Syria.[19] Noong Disyembre 2016, nakamit ng pamahalaan ng Syria ang buong pamamahala ng Aleppo pagkaraan ng isang matagumpay na opensiba.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Almaany Team. "معنى كلمة شَهْباءُ في معجم المعاني الجامع والمعجم الوسيط – معجم عربي عربي – صفحة 1". almaany.com. http://www.almaany.com/home.php?language=arabic&lang_name=%D8%B9%D8%B1%D8%A8%D9%8A&word=%D8%B4%D9%8E%D9%87%D9%92%D8%A8%D8%A7%D8%A1%D9%8F. 
  2. Albaath.news statement by the governor of Damascus, Syria (Arabe), April 2010
  3. https://en.oxforddictionaries.com/definition/aleppine
  4. "statement by Syrian Minister of Local Administration, Syria". Agosto 2009. http://www.syria-news.com/readnews.php?sy_seq=99523.  (Arabe)
  5. Central Bureau of Statistics (CBS). Aleppo Subdistrict Population.
  6. 'Ferocious' air strikes pummel Aleppo as ground gained
  7. Syrian Arab Republic: Aleppo Situation Report No. 14 (20 January 2017) – Highlights of the Report of the UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs
  8. "Syrian Arab republic". UN Data. 24 October 1945. http://data.un.org/CountryProfile.aspx?crName=Syrian%20Arab%20Republic. Hinango noong 11 Marso 2012. [wala sa ibinigay na pagbabanggit]
  9. Columbia Encyclopedia, Sixth Edition (2010)
  10. The Oxford Encyclopedia of Archaeology in the Near East (1997)
  11. Britannica Concise Encyclopedia (2010)
  12. Encyclopedia of the Ottoman Empire. Google Books. https://books.google.com/books?id=QjzYdCxumFcC&pg=PA30&lpg=PA30&dq=Aleppo+third+largest+Ottoman+Empire&source=bl&ots=Pc1aMdCNu7&sig=Gz0APza0iRfEgNZY9UACCvkF7Ps&hl=en&ei=SHjJTOfXH5HSuwOnpu0V&sa=X&oi=book_result&ct=result&resnum=4&ved=0CCEQ6AEwAw#v=onepage&q=Aleppo%20third%20largest%20Ottoman%20Empire&f=false. Hinango noong 11 Marso 2012. 
  13. Russell, Alexander (1794), The Natural History of Aleppo, 2nd Edition, Vol. I, pp. 1–2
  14. Gaskin, James J. (1846), Geography and sacred history of Syria, pp. 33–34
  15. "UN Demographic Yearbook 2009". http://unstats.un.org/unsd/demographic/products/dyb/dyb2007/notestab08.pdf. Hinango noong 21 April 2010. 
  16. Expatify.com Navigating the Major Cities of Syria
  17. "Medicine in Aleppo, the world's 'most dangerous city'". http://www.aljazeera.com/news/2015/12/medicine-aleppo-world-dangerous-city-151210094940583.html. 
  18. "Collections – Aga Khan Collection – Aga Khan Historic Cities Programme – Aleppo Citadel Restoration". Archnet. http://archnet.org/collections/54/sites/6414. 
  19. Chulov, Martin (12 March 2015). "The worst place in the world? Aleppo in ruins after four years of Syria war". https://www.theguardian.com/world/2015/mar/12/worst-place-in-world-aleppo-ruins-four-years-syria-war.