Pumunta sa nilalaman

Ang Mga Gawa ng mga Apostol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Mga Gawa ng mga Alagad o Ang Mga Gawa ng mga Apostol[1] ay isang aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya. Sinasabing ipinagpapatuloy nito ang Ebanghelyo ayon kay San Lucas.[1] Pinaniniwalaang nasulat ang aklat na ito noong mga 63 CE.[2] (bagaman 68 A.D. o sa pagitan ng 75 A.D. at 85 A.D. ayon sa iba)[3]. Sinasaklawan ng mga pahina nito ang buhat sa pag-akyat ni Hesus sa kalangitan magpahanggang sa pangalawang taon ng pagkakabilanggo ni Apostol Pablo sa Roma.[2] Inakdaan ito ni San Lucas, na kapanalig at kasama ni Pablo ang Alagad. Tinatawag din itong Ebanghelyo ng Espiritu Santo, sapagkat pinatnubayan ng Espiritu Santo ang mga unang alagad ni Hesus.[2] Dumating sa mga mananampalataya ang Espiritu Santo noong araw ng Pentecostes.[1] Ang may akda nito ay maaaring kumopya sa pangunahing sanggunian ng kasaysayan sa Hudea sa unang siglo na si Josephus bagaman may mga pagkakataong nagkaroon ng maling pagbasa ang may akda ng Mga Gawa sa mga isinulat ni Josephus.

Isa sa mga pangunahing layunin ni San Lucas sa pagkakalikha ng Aklat ng mga Gawa ng mga Alagad ang isalaysay ang kung paano pinalaganap ng mga unang tagasunod ang mga pagtuturo ni Hesus, ang paglalahad ng mga pangyayaring katulad ng mga naging misyon nina San Pedro at San Pablo, kasama ang kanilang mga naging katulong sa pananampalataya, at ang pagtatayo ng Simbahan. Itinuturing itong isang kasaysayan ng Kristiyanismong nagsimula sa bansa ng mga Hudyo sa Herusalem, sa Judea, sa Samaria, at sa iba pang mga pook. Inilalarawan sa aklat na ito na hindi isang panghihimagsik na pampolitika ang Kristiyanismo laban sa Imperyo ng Roma, bagkus isa lamang katuparan at kaganapan ng Hudaismo.[1][2] Ipinababatid din ng aklat ng Mga Gawa na ang pagiging kasapi sa Kristiyanismo ay bukas para sa lahat ng mga magsisipagsisi at mananalig sa ebanghelyo.[3] polnahing mga bahagi ang aklat ng Mga Gawa ng mga Alagad:[1][2]

  • Pangangaral ng Ebanghelyo sa Jerusalem, na siyang panimula ng Kristiyanismo sa Jerusalem, na kasunod ng pag-akyat ni Jesus sa kalangitan (1, 1 - 8, 3).
  • Pangangaral ng Ebanghelyo sa Judea, Galilea, at Antioquia, na pagpapalaganap sa iba't ibang panig ng Palestina (8, 4 - 12, 25).
  • Pangangaral ng Ebanghelyo sa mga Bansang Greko-Romano, na pagapapatuloy ng pagpapalaganap patungo sa Mediteraneo hanggang sa Roma (13, 1 - 28, 31).

Paglalarawan at balangkas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang siping naglalaman ng Mga Gawa ng mga Alagad mula sa Codex Laudianus (bilang 35, ika-7 daantaon). Magkahanay ang dalawang wika sa pahinang ito: nasa Latin ang kaliwa, samantlang nasa Griyego ang kanan.

Bukod sa pagiging karugtong ng Mabuting Balita ayon kay Lucas, ito ang pinakunang pagtatala ng pagtatatag at pagkalat ng Iglesyang Kristiyano pagkaraan ng muling pagkabuhay ni Kristo. Nilalahad nito ang hinggil sa unang sermong apostoliko (sermon mula sa mga alagad ni Hesus), ang unang himala o milagrong apostoliko, ang mga unang hakbang sa pagkakaroon ng samahang Kristiyano, ang unang pag-uusig sa mga Kristiyano, ang unang martir na Kristiyano, ang unang hentil na nagbagong-loob para maging Kristiyano, at ang unang simbahang Europeano. Sa aklat na ito nahubog ang likas a paglipat o pagdurugtong mula sa apat na mga ebanghelyo papunta at pagbibigay daan sa dalawampu't isang sulat ni Pablong Alagad at iba pa.[3]

Ayon sa mga pahina ng aklat na ito, namuno sa una sina San Pedro at San Juan, na nasundan ng pagtuon ng pansin sa mga naging gawain ni San Pablo hinggil sa mga hentil, mga pagkilos na naging dahilan ng pagtawag sa kaniya bilang ang "alagad ng mga hentil." Sinasabing gumamit si Pablong Alagad ng isang talaarawan sa kaniyang mga paglalakbay na pampananampalataya, dahil na rin sa paggamit niya ng mga salitang kami, sa halip na sila, sa pansariling talaang ito.[3]

Narito ang buod ng mga pangyayari sa aklat:[2]

Petsa/Taon
Mga pangyayari
30 A.D. Pagkamatay ni Heus; ang simula ng Simbahang Kristiyano.
30 - 33 A.D. Pagkamatay ni San Esteban; paglaganap ng Simbahan sa labas ng Jerusalem.
34 A.D. Pagbabalik-loob ni San Pablong Alagad.
45 - 49 A.D. Unang paglalakbay ni San Pablong Alagad.
50 A.D. Kapulungan sa Jerusalem.
50 - 53 A.D. Ikalawang paglalakbay ni San Pablong Alagad.
53 - 58 A.D. Ikatlong paglalakbay ni San Pablong Alagad.
60 - 63 A.D. Pagkabilanggo ni San Pablo sa Roma; hindi nalalaman o natitiyak ang tunay na kinahinatnan ni San Pablo sa Roma[2]

Ang tanong ng pagiging may-akda ay malaking nakatili sa historikal na kahalagahan ng mga nilalaman ng aklat na ito. Ang isang mahalagang pinagtatalunang isyu ang historisidad o pagiging historikal na depiksiyon ni Lukas kay Apostol Pablo. Ayon sa pananaw na mayoridad ng mga skolar ng Bibliya, ang Mga Gawa ay inilalarawan si Pablo ng iba sa kung paano nito inilalarawan ang sarili nito sa parehong katotohanan at teolohikal na paglalarawan.[4] Ang Mga Gawa ay iba sa mga Sulat ni Pablo sa mahahalagang mga isyu gaya ng pananaw ni Pablo tungkol sa kautusan ni Moises, pagka-apostol, at ang kanyang relasyon sa iglesia sa Herusalem.[5] Ang mga skolar ng Bagong Tipan ay pangkalahatang mas pinapaboran ang salaysay ni Pablo sa kanyang mga liham kesa sa matatagpuan sa salaysay ng Mga Gawa.[6]

Mga problemang historikal sa Mga Gawa ng mga Apostol

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga paglalakbay ni Pablo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kuwento ng mga paglalakbay ni Apostol Pablo sa Galatia sa Mga Gawa ng mga Apostol ay sinasalungat sa deskripsiyon ni Pablo sa Sulat sa mga taga-Galatia. Isinasaad ng Mga Gawa na si Pablo ay nasangkot sa iglesia sa Herusalem at kanyang binista ang Herusalem ng ilang mga beses.[7] Spesipikong isinaad ni Pablo sa kanyang Sulat sa mga taga-Galatia na hindi siya nasangkot sa iglesia sa Herusalem at hindi niya nakita ang sinuman doon. Ang Mga Gawa ay nag-ulat ng dalawa lamang pagbisita sa Corinto.[7] Nagsalita si Pablo ng tatlong pagbisita sa Corinto sa kanyang mga liham sa Corinto na pinaniniwalaan ng mga skolar na mas naunang isinulat kesa sa Mga Gawa.

Theudas at Judas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Acts 5:33–39 ay nagbibigay ng salaysay ng pananalumpati ng unang siglo fariseong si Gamaliel kung saan kanyang tinukoy ang dalawang unang siglong mga kilusan. Ang isa sa mga ito ay pinangunahan ni Theudas (v. 36) at pagkatapos nito ay pinangunahan naman ni Judas na Galilean (v. 37). Inilagay ng historyan na Hudyong si Josephus si Judas na Galilean sa Censo ni Quirinius nang taong 6 CE at si Theudas sa ilalim ng prokurador na si Fadus[8] noong 44–46 CE. Kung ipagpapalagay na ang Mga Gawa ay tumutukoy sa parehong Theudas sa tinutukoy ni Josephus, ang dalawang problema ay lumilitaw. Una, ang kaayusan nina Judas at Theudas ay binaligtad sa Mga Gawa kabanata 5. Ikalawa, ang kilusan ni Theudas ay dumating pagkatapos ng sinasabing panahon ni Gamaliel.

Pananalumpati ni Pedro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Acts 4:4 ay nagsasalaysay na si Apostol Pedro ay nagsasalita sa mga makinig na nagresulta sa mga akay na Kristiyano na tumaas ng mga 5,000 libong katao. Ang propesor ng Bagong Tipan na si Robert M. Grant ay nagsabing "Ebidenteng itinuring ni Lukas ang kanyang sarili na historyan ngunit maraming mga tanong ang maaaring itaas tungkol sa reliabilidad ng kasaysayan nito[…] Ang kanyang 'estadistika' ay imposible; Hindi maaaring pagsalitaan ni Pedro ang tatlong libong nakikinig (e.g. sa Acts 2:41) nang walang mikropono at dahil ang populasyon ng Herusalem ay mga 25–30,000, ang mga Kristiyano ay hindi maaaring magkaroon ng bilang na limang libo[e.g. Acts 4:4]."[9]

Ang pagtatantiya ni Grant ng populasyon ng Herusalem ay umasa sa maimpluwensiya (influential) na pag-aaral ni Jeremias noong 1943.[10][11]

Probinsiya ng Cilicia

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Acts 6:9 ay binanggit ang probinsiya ng Cilicia sa isang eksenang nangyari noong gitnang 30 CE. Ang probinsiya ng imperyo Romano na may pangalang ito ay huminto mula 27 BCE at muling itinatag ni Emperador Vespasian lamang noong 72 CE.[12]

Ang Sicarii at ang Ehipsiyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Acts 21:38, ang isang Romano ay nagtanong kay Pablo kung siya ay isang 'Ehipsiyo' na nanguna sa pangkat ng mga sicarii sa disyerto. Sa parehong The Jewish Wars[13] at Antiquities of the Jews,[14] nagsalita si Josephus tungkol sa mga nasyonalistang rebeldeng Hudyo na tinatawag na sicarii nang direkta bago ang pagsasalita ng Ehipsiyo na nanguna ng ilang mga tagasunod sa Bundok ng mga Olibo. Naniniwala si Richard Pervo na ito ay nagpapakitang ginamit ni Lukas si Josephus bilang pinagkunan at maling inakala na ang ang mga sicarii ay mga tagasunod ng Ehipsiyo.[15][16]

Mga kawal na Romano sa Caesarea

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Acts 10:1 nagsasalita tungkol sa centuriong Romano na tinatawag na Cornelius na kabilang sa rehimenteng Italyano at naka-estasyon sa Ceasarea. Ayon kay Robert Grant, sa paghahari ni Herod Agrippa noong 41–44 CE, walang mga kawal na Romano ay naka-estasyon sa teritoryong ito.[17] Gayundin, natagpuan ni Wedderburn ang salaysay na historikal na nakakaduda,[18] at pananaw ng kawalan ng inkripsiyonal at ebidensiyang panitikan na sumusuporta sa Mga Gawa ng mga Apostol, ang historyan na si de Blois ay nagmungkahing ang unit ay hindi umiiral o kalaunang unit na ang may akda ng Mga Gawa ay inilapat sa mas naunang panahon.[19]

Sa pagbibigay pansin na ang 'rehimenteng Italyano ay pangkalahatang tinutukoy bilang cohors II Italica civium Romanorum na isang unit na ang presensiya sa Judea ay pinatunayan hindi mas nauna sa 69 CE,[20] napansin ng historyan na si E Mary Smallwood na ang mga pangyayari mula sa Gawa 9:31 hanggang kapitulo 11 ay maaaring hindi nasa kaayusang kronolohikal sa natitira pa ng kabanata ngunit aktuwal na nangyari pagkatapos ng kamatayan ni Agrippa sa kapitulo 12 at ang rehimenteng Italyano ay maaaring ipinakilala sa Caesarea na ang pinakamaaga ay 44 CE.[21] Binigyan pansin ni Wedderburn ang suhestiyon ng muling pagsasaayos na kronolohikal kasama ng suhestiyon na si Cornelius ay namuhay sa Caesarea nang malayo sa kanyang unit.[22]

Konseho ng Herusalem

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang paglalarawan ng Konseho ng Herusalem sa Acts 15 ay pangkalahatang itinuring ng mga skolar na ang parehong pangyayaring tinutukoy sa Galatians 2,[23] ay itinuturing ng ilang mga skolar na sumasalungat sa salaysay sa Sulat sa mga taga-Galatia.[24] Ang historisidad ng salaysay ni Lukas ay hinamon [25][26][27] at buong itinakwil ng ilang mga skolar noong gitna hanggang huli nang ika-20 siglo.[28]

Paglilitis ni Pablo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang paglilitis ni Pablo sa Acts 24 ay inilarawan ng ilang skolar na itinanghal na walang pagkakaisa.[29]

Pananalumpati ni Santiago

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Acts 15:16–18, si Santiago na pinuno ng mga Hudyong Kristiyano sa Herusalem ay nagtalumpati kung saan kanyang sinipi (quoted) ang mga kasulatan sa saling Griyego na Septuagint ng Tanakh mula sa (Amos 9:11–12) Amos. Ang ilang mga skolar ay naniniwalang ito ay hindi umaayon sa paglalarawan kay Santiago bilang pinunong Hudyo na pinagpalagay na nagsalita ng Aramaiko at hindi Griyego.

Relasyon sa Ebanghelyo ni Lukas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa ang Mga Gawa ay pangkalahatang itinuturing ng mga skolar na pagpapatuloy ng Ebanghelyo ni Lucas, ang mga problema sa reliabilidad na historikal ng Ebanghelyo ni Lucas ay ginagamit rin upang kuwestiyunin ang historikal na reliabilidad ng Mga Gawa.

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Ang mga Gawa ng mga Apostol". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 Abriol, Jose C. (2000). "Mga Gawa ng mga Apostol". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 Reader's Digest (1995). "The Acts of the Apostles". The Reader's Digest Bible, Illustrated Edition (Condensed from the Revised Standard Version: Old and New Testaments). The Reader's Digest Association, Inc., Pleasantville, London/New York/Montreal/Sydney/Auckland/Cape Town, ISBN 0276420136.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Acts presents a picture of Paul that differs from his own description of himself in many of his letters, both factually and theologically." biblical literature (2010). In Encyclopædia Britannica, Inc. Retrieved 25 Nobyembre 2010, from Encyclopædia Britannica Online
  5. "That an actual companion of Paul writing about his mission journeys could be in so much disagreement with Paul (whose theology is evidenced in his letters) about fundamental issues such as the Law, his apostleship, and his relationship to the Jerusalem church is hardly conceivable." biblical literature (2010). In Encyclopædia Britannica, Inc. Retrieved 25 Nobyembre 2010, from Encyclopædia Britannica Online
  6. "Paul's own account is generally regarded as the more reliable." Harris, Stephen L., Understanding the Bible. Palo Alto: Mayfield. 1985. p. 316.
  7. 7.0 7.1 Acts
  8. Jewish Encyclopedia: Theudas: "Bibliography: Josephus, Ant. xx. 5, § 1; Eusebius, Hist. Eccl. II. ii.; Schmidt, in Herzog-Plitt, Real-Encyc. xv. 553-557; Klein, in Schenkel, Bibel-Lexikon, v. 510-513; Schürer, Gesch. i. 566, and note 6."
  9. Grant, Robert M., "A Historical Introduction to the New Testament", p. 145 (Harper and Row, 1963)
  10. Jeremias, "Die Einwohnerzhal Jerusalems z. Zt. Jesu", ZDPV, 63, pp. 24–31 (1943).
  11. "Jeremias, for instance has estimated that there was a population of 25,000 in first century Jerusalem,", Rocca, "Herod's Judaea: A Mediterranean State in the Classical World", p. 333 (2008). Mohr Siebeck.
  12. A dictionary of the Roman Empire. By Matthew Bunson. ISBN 0-19-510233-9. See page 90.
  13. Jewish War 2.259-263
  14. Jewish Antiquities 20.169-171
  15. Steve Mason, Josephus and Luke-Acts, Josephus and the New Testament (Hendrickson Publishers: Peabody, Massachusetts, 1992), pp. 185-229.
  16. Pervo, Richard, Dating Acts: between the evangelists and the apologists (Polebridge Press, 2006)
  17. Grant, Robert M., A Historical Introduction to the New Testament, p. 145 (Harper and Row, 1963)
  18. "The reference to the presence in Caesarea of a centurion of the 'Italian' cohort is, however, historically suspect. If a cohors Italica civium Romanorum is meant, i.e. a cohort of Roman auxiliaries consisting chiefly of Roman citizens from Italy, then such a unit may have been in Syria shortly before 69 (cf. Hemer, Book, 164), but was one to be found in Caesarea in the time just before Herod Agrippa I's death (cf. Haenchen, Acts, 346 n. 2 and 360); Schurer, HIstory 1, 366 n. 54?", Wedderburn, "A History of the First Christians", p. 217 (2004). Continuum Publishing Group.
  19. "As for the Italian cohort, Speidel claims that it is a cohors civium Romanorum. Speidel actually identifies a cohors II Italica c.R. that was in Cyria as early as 63 CE, though it moved to Noricum before the Jewish war. As he argues, this unit could be the one called the speire tes kaloumenes Italike in the New Testament's Acts of the Apostles. The unit is not mentioned by Josephus nor is there epigraphical evidence for it at Caesarea nor anywhere in Judea. It is possible that the unit did not exist or was a later Syrian unit displaced to a different place and earlier time.", de Blois et al (eds.), "The Impact of the Roman Army (200 B.C. – A.D. 476): Economic, Social, Political, Religious and Cultural Aspects: Proceedings of the Sixth Workshop of the International Network Impact of Empire (Roman Empire, 200 B.C. – A.D. 476), Capri, Italy, Marso 29–2 Abril 2005", p. 412 (2005). Brill.
  20. "There is inscriptional evidence for the presence in Syria in A.D. 69 of the auxiliary cohors II Italica civium Romanorum (Dessau, ILS 9168); but we have no direct evidence of the identity of the military units in Judaea between A.D. 6 and 41. from A.D. 41 to 44, when Agrippa I reigned over Judaea (see on 12:1), one important corps consisted of troops of Caesarea and Sebaste, Kaisareis kai Sebasthnoi (Jos. Ant. 19.356, 361, 364f.), who did not take kindly to the command of a Jewish king.", Bruce, "The Acts of the Apostles: The Greek Text with Introduction and Commentary", p. 252 (1990). Eerdmans.
  21. "Acts x, 1, speirh Italikh, generally identified with cohors II Italica c. R., which was probably in Syria by 69 - Gabba, Iscr. Bibbia 25–6 (=ILS 9168; CIL XI, 6117); c.f. P.-W., s.v. cohors, 304. Jackson and Lake, Beginnings V, 467–9, argue that the events of Acts ix, 32-xi are misplaced and belong after Agrippa I's death (ch. xii). If so, the cohors Italica may have come in with the reconstitution of the province in 44 (below, p. 256).", Smallwood, "The Jews Under Roman Rule: From Pompey to Diocletian: a study in political relations" p.147 (2001). Brill.
  22. "Others date the incident either before Herod's reign (so Bruce, History, 261, following Acts' sequence) or more likely after it, unless one supposes that this officer had been seconded to Caesarea without the rest of his unit (cf. also Hengel, 'Geography', 203–4 n. 111).", Wedderburn, "A History of the First Christians", p. 217 (2004). Continuum Publishing Group.
  23. "In spite of the presence of discrepancies between these two accounts, most scholars agree that they do in fact refer to the same event.", Paget, "Jewish Christianity", in Horbury, et al., "The Cambridge History of Judaism: The Early Roman Period", volume 3, p. 744 (2008). Cambridge University Press.
  24. "Paul's account of the Jerusalem Council in Galatians 2 and the account of it recorded in Acts have been considered by some scholars as being in open contradiction.", Paget, "Jewish Christianity", in Horbury, et al., "The Cambridge History of Judaism: The Early Roman Period", volume 3, p. 744 (2008). Cambridge University Press.
  25. "There is a very strong case against the historicity of Luke's account of the Apostolic Council", Esler, "Community and Gospel in Luke-Acts: The Social and Political Motivations of Lucan Theology", p. 97 (1989). Cambridge University Press.
  26. "The historicity of Luke's account in Acts 15 has been questioned on a number of grounds.", Paget, "Jewish Christianity", in Horbury, et al., "The Cambridge History of Judaism: The Early Roman Period", volume 3, p. 744 (2008). Cambridge University Press.
  27. "However, numerous scholars have challenged the historicity of the Jerusalem Council as related by Acts, Paul's presence there in the manner that Luke described, the issue of idol-food being thrust on Paul's Gentile mission, and the historical reliability of Acts in general.", Fotopolous, "Food Offered to Idols in Roman Corinth: a socio-rhetorical reconsideration", pp. 181–182 (2003). Mohr Siebeck.
  28. "Sahlin rejects the historicity of Acts completely (Der Messias und das Gottesvolk [1945]). Haenchen’s view is that the Apostolic Council “is an imaginary construction answering to no historical reality” (The Acts of the Apostles [Engtr 1971], p. 463). Dibelius’ view (Studies in the Acts of the Apostles [Engtr 1956], pp. 93–101) is that Luke’s treatment was literary-theological and can make no claim to historical worth.", Mounce, "Apostolic Council", in Bromiley (ed.) "The International Standard Bible Encyclopedia", volume 1, p. 200 (rev. ed. 2001). Wm. B. Eerdmans.
  29. Grant, 1963

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]