Pumunta sa nilalaman

Rehistro (sosyolingguwistika)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Antas ng wika)

Sa sosyolinggwistika, ang rehistro ay ang baryedad ng isang wika na ginagamit sa isang partikular na komunikatibong konteksto o sa isang partikular na layunin. Ayon sa kahulugan ni M. A. K. Halliday, ang rehistro ay ang baryante ng isang wika na nababatay ayon sa layunin nito.

Antas ng Wika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nahahati ang wika at salitain sa apat na uri. Una, ang balbal, na siyang pinakamababa. Halimbawa: "epal (mapapel), iskapo (takas), elib (bilib), istokwa (layas), haybol (bahay) at bomalabs (malabo)".

Ikalawang uri naman ay ang lalawiganin. Kabilang sa antas na ito ang mga salitain ng mga katutubo sa lalawigan. Halimbawa, ang wikang Tagalog, may temang lalawiganin sa kani-kanilang dila ang mga Kabitenyo, Batangueño, at Tayabasin. Matibay na indikasyon ng lalawiganing tema ang pagkakaroon ng punto.

Ang ikatlong uri naman ang Pambansa. Sa Pilipinas, laman pa rin ng pagtatalo kung ano ang kasama sa antas na ito. Marami ang nagsasabing Wikang Filipino ang Wikang Pambansa, samantalang Tagalog naman ang sa iba. Kung mauunawaan na maunlad ang wikang Filipino at ang kaniyang alpabeto (simpleng alpabeto), at may mga hiram na titik. Maaaring ituring ang Filipino naman na kalipunan ng mga salitain ng lahat ng mga Filipino (tao) maging lalawiganin man o balbal, Tagalog man o banyaga. Sa kadahilanang ito, ang Tagalog ang siyang tinuturing na wikang Pambansa at hindi ang Filipino. Gayunpaman dahil kasulatan at kasaysayan, ang Filipino pa rin ang naitala at kinikilalang wikang pambansa.

Ang ikapat na uri naman ng wika ay ang Pampanitikan. Sa apat na antas ng wika, ito ang may pinakamayamang uri. Madalas itong ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan. Ginagamit ang idioma, eskima, tayutay at iba't ibang tono, tema at punto sa pampanitikan. May isang bihasa sa wika ang nagsabi na ang panitikan ay "Kapatid na babae ng kasaysayan", dahil ang wikang pampanitikan ay makasaysayan at may kakayahang tumaliwas sa kasaysayan dahil sa kakayahang lumikha ng mga tauhang piksiyonal o hindi totoo. Malayang magamit sa pagkatha ng dula, palabas, at iba pang likhang-pampanitikan ay kadalasang nagaganap.


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.