Argumento mula sa salat na disenyo
Ang Argumento mula sa palpak na disenyo o Argumento mula sa salat na disenyo ay isang argumento o pangangatwiran laban sa pag-iral ng diyos at kontra-argumento sa "argumento mula sa disenyo" o "argumentong teleolohikal" na ginagamit ng mga naniniwala sa diyos upang patunayang may diyos. Inaangkin ng mga teista na ang mga bagay sa mundo ay kinakikitaan ng disenyo at hindi pagiging aksidente kaya't may nagdisenyo rito, at ang nagdisenyo ay diyos. Eto ay tinutulan ng mga ateista at mga kritiko. Ang argumentong mula sa palpak na disenyo ay nakabatay sa sumusunod na magkakasunod na pangangatwiran:
- Ang isang omnipotente, omnisiyente at omnibenebolenteng manlilikhang diyos ay lilikha ng mga organismo na may optimal na disenyo.
- Ang mga organismo ay nag-aangkin ng mga katangian na sub-optimal.
- Kaya, hindi nilikha ng diyos ang mga organismong ito o ang diyos ay hindi omnipotente, omnisiyente at omnibenebolente.
Ang argumentong ito ay may istruktura bilang isang basikong Modus tollens: kung ang inaangking mga nilikhang organismo ay naglalaman ng maraming mga depekto, kung gayon, ang disenyo ay hindi ang kapani-paniwalang pinagmulan ng pag-iral ng mga organismo sa mundo. Ang argumento mula sa palpak na disenyo ay umaayon sa mga hula ng ebolusyon sa pamamagitan ng natural na seleksiyon na ang mga katangiang nag-ebolb sa ilang mga paggamit sa mga organismo ay muling ginagamit o inaangkop sa ibang mga paggamit o iniiwan ang paggamit nito. Ang katayuang suboptimal ng mga organismo ay dahil sa kawalang kakayahan ng mekanismong pagmamana ng katangian sa pag-aalis ng mga partikular na bestiyihal na bahagi ng prosesong pang-ebolusyon. Ang argumento mula sa salat na disenyo ang isa sa mga argumentong ginamit ni Charles Darwin at itinaguyod ng mga biyologong sina Stephen Jay Gould at Richard Dawkins. Itinatakwil ng mga ebolusyonistang naniniwala sa diyos(theistic evolutionist) ang argumento mula sa disenyo ngunit naniniwala pa rin sila sa pag-iral ng diyos.
Ang isang paniniwalang tinatawag na intelihenteng disenyo ay itinataguyod ng mga pundamentalistang Kristiyano sa Estados Unidos upang ituro ito sa mga pampublikong paaralan at tutulan ang pagtuturo ng siyentipikong ebolusyon sa mga paaralan lalo na sa Estados Unidos. Ang ebolusyon ang paliwanag na tinatanggap ng mga mga akademiko at pamayanang siyentipiko sa sa buong mundo ng paglitaw ng mga magkakaiba ngunit magkakaugnay na mga organismo sa mundo.[1][2][3][4][5][6] Ayon sa mga akademiko at siyentipiko, ang intelihenteng disenyo ay hindi agham.[7]
Mga halimbawa ng palpak na disenyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa sistemang reproduktibo ng tao:
- Sa isang babaeng tao, ang napunlay na itlog na babae ay maaaring mailagay sa fallopian tube, cervix o obaryo sa halip na sa uterus na nagreresulta sa pagbubuntis na ektopiko. Ang pag-iral ng butas sa pagitan ng obaryo at fallopian tube ay nagpapakita ng isang maling disenyo sa sistemang reproduktibo ng isang babaeng tao. Bago ang modernong siruhiya o pag-oopera, ang pagbubuntis na ektopiko ay nagdudulot ng kamatayan sa kapwa ina at sanggol nito. Kahit sa modernong kasalukuyang panahon, sa lahat ng halos na mga kaso, ang pagbubuntis na ektopiko ay kailangang i-abort upang maligtas ang buhay ng ina.
- Sa babaeng tao, ang birth canal ay dumadaan sa isang makitid na pelvis. Ang bungo ng ipinagbubuntis na sanggol ay nadedeporma o nasisira ang anyo sa nakagugulat na lawak. Gayunpaman, kung ang ulo ng sanggol ay mas malaki sa bukanan ng pelvis, ang sanggol ay hindi maipanganganak ng natural. Bago ang paglikha ng modernong siruhiya na caesarian section, ang mga gayong komplikasyon ay nagdudulot ng kamatayan sa ina, sanggol o parehong ito. Ang problemang ito ay lumitaw nang ang ang mga ninuno ng mga tao ay nagebolb tungo sa paglalakad na bipedal na nangailangan ng ilang mga pagbabago sa isktruktura ng katawan. Ang foramen magnum at tangkay ng utak ay lumipat mula sa likuran ng bungo tungo sa ilalim at ang spine ay nabuo sa kanang anggulo sa panga. Ang butong ilial pelvic ay lumipat paharap at lumawak samantalang ang butong ischial pelvic ay lumiit na nagpapakitid sa birth canal. Ang natural na seleksiyon ng ebolusyon na lumutas sa problemang ito ang nabawasang gestasyon sa tao na nagresulta sa mga tao na nakasalalay sa pag-aalaga ng kanilang magulang sa loob ng maraming mga buwan pagkatapos ipanganak.[8][9][10] Sa ngayon, ang mga taong sanggol ay ipinanganak lamang na may 25% ng utak na buong umunlad samantalang sa mga chimpanzee, ang mga sanggol nito ay ipinapanganak na may 45–50% ng kanilang utak na buong umunlad.[11] Dahil ang mga taong sanggol ay ipinapanganak ng mas maaga, mas matagal silang nasa katayuang walang kakayahan sa kanilang sarili at kailangang alagaan ng kanilang mga magulang nang mas matagal kesa sa ibang mga primado.[9][12]
Ang ibang mga komplikasyon sa panganganak gaya ng breech birth ay pinapalala rin ng posisyong ito ng birth canal.
- Sa lalakeng tao, ang testes ay sa simula nabubuo sa loob ng abdomen. Kalaunan sa gestasyon, ito ay lumilipat sa pamamagitan ng abdominal wall patungo sa scrotum. Ito ay nagdudulot ng dalawang mahinang mga punto sa abdominal wall kung saan ang mga luslos ay kalaunang nabubuo. Bago ang modernong pag-oopera, ang mga komplikasyon ng luslos ay kinabibilangan ng pagharang sa bituka, gangrene o pagkabulok ng tisyu etc. na nagreresulta sa kamatayan ng meron nito.
Iba pang mga halimbawa ng mga palpak na disenyo:
- Ang hindi nagagamit na mga nerbiyo at mga muscle gaya ng plantaris muscle sa paa na hindi makikita sa ilang populasyon ng tao at karaniwang inaani bilang spare part kung kailangan sa isang operasyon. Ang isa pang halimbawa ang mga muscle na nagpapagalaw sa tenga na kayang kontrolin ng ilang tao ngunit walang silbi sa anumang kaso .
- Ang karaniwang malpormasyon ng spinal column sa tao na nagreresulta sa sakit na scoliosis, sciatica, at hindi tamang paghanay ng vertebrae sa kapanganakan.
- Halos lahat ng mga hayop at halaman ay makakalikha ng kanilang sariling bitamina C ngunit ang mga tao ay walang kakayahang makalikha sa sarili nito ng bitamina c dahil sa hindi gumaganang Pseudogene na ΨGULO. Ito ay hindi pinagana ng parehong mutasyon sa tao na matatagpuan rin sa ibang mga dakilang bakulaw. Ang gene na ito ay hindi gumagana sa mga tao at ibang mga dakilang bakulaw gayundin sa guinea pig ngunit gumagana sa karamihan ng mga hayop. Ang mutasyon na hindi nagpagana sa guinea pig ay iba sa mutasyon ng mga dakilang bakulaw. Ang kawalan ng bitamina C ay nagreresulta sa sakit na scurvy at kalaunan ay kamatayan sa mga tao.
- Sa Aprikanong balang, ang mga selulang nerbiyo ay nagmumula sa abdomen ngunit kumakabit sa pakpak na nagreresulta sa hindi kinakailangang paggamit ng mga materyal.
- Masalimuot na mga kasangkapang reproduktibo sa orchid na maliwanag na nilikha mula sa mga bahaging karaniwang may iba't ibang tungkulin sa ibang mga bulaklak.
- Ang paggamit ng panda sa kanilang malaking radial sesamoid bone sa paraang tulad sa kung paano ginagamit ng ibang mga hayop ang mga hinlalaki nito.
- Ang pag-iral ng mga walang silbing pakpak sa hindi lumilipad na mga ibon gaya ng mga ostrich.
- Ang ruta sa paulit-ulit na nerbiyo ng laryngea na naglalakbay mula sa utak patungo sa larynx sa pamamagitan ng pag-ikot sa aortic arch. Ang parehong konpigurasyon ay makikita rin sa maraming mga hayop. Sa kaso ng giraffe, eto ay nagreresulta sa halos 15 talampakan ng labis na nerbiyo. Ang problemang ito ay naipapaliwanag ng ebolusyon sa pamamagitan ng natural na seleksiyon. Ang ruta ng nerbiyo ay maaaring direkta sa mga tulad ng isdang ninuno ng mga modernong tetrapod na naglalakbay mula utak at dumadaan sa puso at tungo sa mga hasang gaya ng sa mga modernong isda. Sa paglipaas ng ebolusyon ng giraffe, habang humahaba ang leeg ng giraffe at ang puso ay nagiging nasa ibaba ng katawan, ang nerbiyo ng laryngea ay nabitag sa maling panig ng puso. Unti unting pinahaba ng natural na seleksiyon ang nerbiyo sa pamamagitan ng mga unti unting pagdaragdag upang pakibagayan na nagreresulta sa mahabang ruta na ngayong napapamagsdang sa hayop na ito.[13]
- Ang pagiging laganap ng mga sakit sa kapanganakan at mga genetic disorder na sanhi ng mga mutasyon gaya ng Huntington's Disease.
- Ang siksikan ng mga ngipin at hindi magaling na drenahe ng sinus dahil ang mga mukha ng tao ay labis na mas patag kesa sa ibang mga primado ngunit ang mga tao ay may parehong hanay ng ngipin sa ibang mga primado. Ito ay nagreresulta sa ilang mga problema na ang pinakakilala ay ang wisdom teeth. Ang wisdom teeth ay karaniwan at kailangang bunutin upang maibsan ang matinding sakit na dulot nito.
- Ang pag-iral ng pharynx na isang daanan na ginagamit sa parehong pagkain at paghinga ng tao na nagreresulta sa pagkakabulon sa isang tao.
- Ang istruktura ng mata ng tao gayundin ng lahat ng mamalya. Ang retina ay nasa loob-labas o ang panloob nito ay nakalabas. Ang mga nerbiyo at blood vessel ay nakahimlay sa ibabaw ng retina imbis na sa likod nito na tulad ng sa maraming mga species na imbertebrado. Ang pagkakaayos na ito ay nagsasanhi ng ilang mga komplikadong pagkikibagay at nagbibigay sa mga mamalya ng blind spot. Ang anim na muscle ay nagpapagalaw sa mata kahit na tatlong muscle lamang ang sasapat.
- Ang pagkawala ng tetrachromatic vision ng mga mamalya kumpara sa ibang mga tetrapod.
- Ang pagtigil ng paglikha ng ensima na lactase sa karamihan ng mga matandang tao ngunit pagpapatuloy ng paglikha sa ibang mga populasyon ng matatandang tao na karamihan ay mga Europeo. Ang lactase ay kailangan para idigest ang gatas sa mga matatandang tao. Ang mga matandang taong walang lactase ay nakakaranas ng mga sintomas ng lactose intolerance kapag uminom o kumain ng mga produktong gatas.
- Ang ensima na rubisco ay inilalarawang masamang kilala na hindi mahusay na ensima dahil ito ay pinipigalan ng oxygen at may mabagal na pagbaliktad at hindi nabababad sa kasalukuyang mga lebel ng carbon dioxide sa atmosphere. Ang ensima na ito ay napipigilan dahil hindi nito alam kung ano ang pagkakaiba ng carbon dioxide at molekular na oxygen na ang oxygen ay gumagana bilang nakikipaligsahang tagapigil ng oxygen. Gayunpaman, ang rubisco ay nanatiling pangunahing ensima sa pagpipirmi ng carbon at ang mga halaman ay nadadaig ang hindi mahusay na gawain nito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng labis na halaga nito sa loob ng mga selula nito na gumagawa rito bilang pinakasaganang protina sa mundo.
- Ang ensima na nitrogenase ay aktuwal na pinipili ang pagdikit sa acetylne kesa di-nitrogen bagaman ito ang pangunahing ensima na ginagamit sa pagpipirme ng nitrogen sa maraming mga bacteria at archaea.
- Ang reflex ng paghinga ay pinapasigla ng hindi direkta sa kawalan ng oxygen ngunit hindi direkta sa presensiya ng carbon dioxide. Bilang resulta, sa matataas na altitudo, ang kawalan ng oxygen ay maaaring mangyari sa mga indibidwal na hindi sanay sa ganitong lugar na hindi dinadagdagan ng may kamalayan ang kanilang antas ng paghinga. Ang walang oxygen na asphyxiation sa isang purong nitrogen na atmosphere ay iminungkahi bilang makataong paraan ng pagpaslang sa tao na gumagamit sa hindi intensiyonal na kamaliang ito.
- Ang pagkakaroon ng matibay ngunit mabibigat na mga buto na angkop sa hindi paglipad na nakikita sa mga hayop gaya ng mga paniki. Sa kabaligtaran, ang pagkakaroon ng hindi matatag, magaan, may butas na mga butong angkop sa paglipad na nakikita sa mga ibon gaya ng penguin at ostrich na hindi makalipad.
- Ang pag-iral ng mga bestihiyalidad na mga walang silbing bahagi o iba na ang tungkulin ngunit bahagi ng sinaunang bahagi gaya ng femur at pelvis sa mga balyena na ayon sa ebolusyon ay may mga ninunong namuhay sa lupa na naglalakad gamit ang apat na paa at hindi dagat. Bukod dito ang ikatlong molar o wisdom teeth sa mga tao ay walang silbi at nagdudulot ng matinding sakit samantalang ang ibang mga primado na may ibang hugis ng panga ay gumagamit ng ikatlong molar.
- Ang Turritopsis nutricula at Hydra genus ay may biolohikal na imortalidad(hindi namamatay).
- Maraming mga species ay may malakas na simbuyo na umasal bilang tugon sa isang stimulus. Ang natural na seleksiyon ay maaaring mag-iwan sa mga hayop na umasal sa nakapipinsalang mga paraan kung makasagupa ito ng supernormal na stimulus gaya ng gamo-gamo na lumilipad sa apoy.
- Ang haemoglobin na naghahatid ng oksiheno sa katawan ng tao ay may 230 beses na apinidad sa carbon monoxide kesa sa oksiheno.
- Mga walang silbing kuko sa mga flipper ng manatee. Ayon sa ebolusyon, ang manatee ay nagsasalo ng karaniwang ninuno sa mga elepante.
- Ang mga babaeng platypus ay may dalawang obaryo ngunit ang isa ay hindi gumagana.
- Ang mga species ng aphid ay nangangailangan ng bakterya upang lumikha ng mga kailangan nitong nutriyento na wala sa mga pagkain nitong halaman.
- Ang mga unggulado ay nangangailangan ng mga milyong bakterya at protozoa upang idigest ang cellulose sa mga damo.
- Ang mga walang silbing bulaklak sa mga halaman gaya ng mga dandelion(Taraxacum officinale) na aseksuwal at hindi nangangailangan na makaakit ng mga insektong nagpopollinate.
- Ang mga hindi gumaganang mga stamen(bahaging lalake) sa mga babaeng bulaklak at mga hindi gumaganang pistil(bahaging babae) sa ilang mga lalakeng bulaklak. Ang karamihan ng mga bulaklak ay may parehong mga kasarian ng organong reproduktibo.
- Ang pag-iral ng mga walang silbing basurang DNA sa karamihan ng mga organismo.[14]
- Ang pag-iral ng mga hindi gumaganang gene para sa mga hindi umiiral na katangian gaya ng gene ng ngipin sa mga manok, gene para sa paggawa ng mga buong fibula na may mga hiwalay na tarsal sa ibon, at gene ng ekstrang daliri para mga kabayong may isang daliri sa bawat paa.
- Hindi tulad ng mga isdang may hasang, ang mga mamalyang cetacean ay kailangang huminga ng hangin sa pamamagitan ng kanilang mga baga sa ibabaw ng tubig sa kabila ng pagtira nito sa tubig. Ito ay isang problema para sa mga bagong panganak na supling na namamatay dahil hindi nakakaabot sa ibabaw ng tubig upang makahinga sa unang pagkakataon.
- Ang nautilus na may napakahusay na matang pinhole camera ay walang mga lente sa kanilang mata.
- Ang pag-iral ng mga hindi gumaganang mga mata sa mga naglulunggang mga hayop gaya ng mga golden mole.
- Ang pag-iral ng mga walang silbing mata sa mga organismong nakatira sa buong madilim na mga kapaligiran gaya ng mga Astyanax jordani na isang bulag na isda. Ang A. mexicanus kapag ipinanganak ay may mga mata ngunit habang lumalaki ay nilalaguan ng balat ang kanilang mga mata at ang kanilang mata ay buong nawawala.[15]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Myers, PZ (2006-06-18). "Ann Coulter: No evidence for evolution?". Pharyngula. scienceblogs.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-06-22. Nakuha noong 2006-11-18.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The National Science Teachers Association's position statement on the teaching of evolution. Naka-arkibo 2003-04-19 sa Wayback Machine.
- ↑ IAP Statement on the Teaching of Evolution Naka-arkibo 2011-07-17 sa Wayback Machine. Joint statement issued by the national science academies of 67 countries, including the United Kingdom's Royal Society (PDF file)
- ↑ From the American Association for the Advancement of Science, the world's largest general scientific society: 2006 Statement on the Teaching of Evolution (PDF file), AAAS Denounces Anti-Evolution Laws Naka-arkibo 2013-10-19 sa Wayback Machine.
- ↑ Fact, Fancy, and Myth on Human Evolution, Alan J. Almquist, John E. Cronin, Current Anthropology, Vol. 29, No. 3 (Jun., 1988), pp. 520–522
- ↑ Finding the Evolution in Medicine Naka-arkibo 2008-11-22 sa Wayback Machine., Cynthia Delgado, NIH Record, 28 Hulyo 2006.
- ↑ "Why Intelligent Design is not Science". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-08. Nakuha noong 2011-11-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ PMID 23138755 (PubMed)
Citation will be completed automatically in a few minutes. Jump the queue or expand by hand - ↑ 9.0 9.1 Rosenberg, Karen; Trevathan, Wenda (2005). "Bipedalism and human birth: The obstetrical dilemma revisited". Evolutionary Anthropology: Issues, News, and Reviews. 4 (5): 161–168. doi:10.1002/evan.1360040506. ISSN 1060-1538.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Why must childbirth be such hard labour? | Science | The Observer New evidence about why women give birth when they do has turned received opinion on its head by Alice Roberts, 2013-06-30". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-07-10. Nakuha noong 2013-08-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Trevathan, Wenda (2011). Human Birth: An Evolutionary Perspective. Aldine Transaction. ISBN 1-4128-1502-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dunsworth, H. M.; Warrener, A. G.; Deacon, T.; Ellison, P. T.; Pontzer, H. (2012). "Metabolic hypothesis for human altriciality". Proceedings of the National Academy of Sciences. 109 (38): 15212–15216. doi:10.1073/pnas.1205282109. ISSN 0027-8424.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dawkins, Richard (2009). "11. History written all over us". The greatest show on Earth. New York: Free Press. pp. 360–362. ISBN 978-1-4165-9478-9. Nakuha noong 21 Nobyembre 2009.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.livescience.com/31939-junk-dna-mystery-solved.html
- ↑ "Astyanax jordani". FishBase. Ed. Ranier Froese and Daniel Pauly. March 2006 version. N.p.: FishBase, 2006.