Pumunta sa nilalaman

Bagyong Lannie (2021)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
 Bagyong Lannie (Lionrock) 
Bagyo (JMA)
Bagyo (Saffir–Simpson)
NabuoOktubre 3
Nalusawkasalukuyan
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 65 km/h (40 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 75 km/h (45 mph)
Pinakamababang presyur992 hPa (mbar); 29.29 inHg
Namatay6 (kumpirmado)
Napinsala$47 milyon (USD)
ApektadoGuam, Pilipinas, Tsina, Biyetnam, Hong Kong, Macau
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2021

Ang Bagyong Lannie, (Pagtatalagang Pandaigdig: Bagyong Lionrock) ay isang bagyo na ika-21 at ikaunang bagyo sa buwan ng Oktubre taong 2021 sa Pilipinas, ay unang namatyagan ng PAGASA bilang Low Pressure Area (LPA) at naging isang ganap na tropikal depresyong bagyo sa Negros Island Region habang tinatawid ang Dagat Sulu papuntang Palawan.

Ang galaw ng bagyong Lannie (Lionrock).

Nag landfall si Lannie sa bahagi ng Bucas Grande Island sa oras na 04:30 PHT, Oktubre 3 at nag landfall muli sa pitong pagkakataon sa Cagdianao in the Dinagat Islands, Liloan at Padre Burgos sa Timog Leyte, Mahanay Island at Getafe sa Bohol, San Fernando sa Cebu, at sa bayan ng Guihulngan, Negros Oriental. Oktubre 7 nang tutumbukin ng bagyong Lannie ang bayan ng Haikou, Hainan sa Tsina matapos tawirin ang Kanlurang Dagat Pilipinas at nagbabadyang daanan ang Hà Tĩnh Province sa Vietnam.

Pagbago ng pangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang bagyong Mindulle ay isang malakas na bagyo na nabuo sa bahagi ng Guam ito ay bahagyang dumaplis sa dulong bahagi ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa hilagang silangan, Ang bagyo ay kumikilos pahilaga sa direksyon ng Japan na itinaas sa kategoryang 3 hanggang 5, Kung sakaling ito ay pumasok sa loob ng PAR ito ay papangalanan ng PAGASA bilang Lannie, Setyembre 25-26 ay nagbago ang direksyon ng bagyong Mindulle ay humapyaw sa bahura ng responsibilidad ng Pilipinas.

Sinundan:
Kiko
Mga bagyo sa Pasipiko
Lannie
Susunod:
Maring