Pumunta sa nilalaman

Aklat ng mga Bilang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bemidbar)
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Aklat ng mga Bilang o Mga Bilang[1] ay ang ikaapat aklat sa Tanakh at sa Bibliya. Ito ang pang-apat na aklat sa Pentateuko o Torah. Dito ipinagpapatuloy ang salaysayin hinggil sa kasaysayan ng mga Israelitang nilahad sa Aklat ng Exodus, ang kanilang pinagdaanan habang nasa ilang magmula nang mahintil sila sa Bundok ng Sinai, at hanggang sa pagsapit nila sa kinaroroonan ng Lupang Pangako. Tumagal ang kanilang paglalakbay ng may mga tatlumpu't walong taon.

Lumang Tipan ng Bibliya

Ginamit ang "Mga Bilang" bilang titulo ng aklat sapagkat naglalaman ito ng "dalawang pagbibilang o pagtatala" na ginawa sa bayan ng mga Israelita, na matatagpuan sa umpisa at sa pagtatapos ng paglalakbay nila sa ilang, sa kabanata 1 at 26.[1]

Binubuo ng tatlong hati ang Aklat ng Mga Bilang:

  • Paghahanda sa Pag-alis sa Sinai (1, 1-10, 10)
  • Mula sa Sinai hanggang sa mga Kapatagan ng Moab (10, 11-22, 1)
  • Sa mga Kapatagan ng Moab (22, 2-36, 13)

Kaugnayan sa Bagong Tipan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Bagong Tipan ng Bibliya, may ilang mga kaganapan mula sa Mga Bilang na nabanggit si Hesukristo at maging ng kaniyang mga alagad: halimbawa na ang hinggil sa tansong ahas sa Ikatlong Sulat ni Juan (Jn 3, 14k), ang paghihimagsik ni Core sa 1 Corinto (1 Cor 10, 10), mga panghuhula ni Balam sa 2 Pedro (2 Ped, 15k), at ang pagbagsak ng tubig sa bato sa 1 Corinto (1 Cor 10, 4).[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Abriol, Jose C. (2000). "Mga Bilang". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.