Pumunta sa nilalaman

Sierra Madre (Pilipinas)

Mga koordinado: 16°3′N 121°35′E / 16.050°N 121.583°E / 16.050; 121.583
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bundok ng Sierra Madre)
Sierra Madre (Pilipinas)
Tanawin sa timog ng hilagang Sierra Madre mula sa taluktok ng Bundok Cagua sa Cagayan
Pinakamataas na punto
TuktokBundok Guiwan
Kataasan1,915 m (6,283 tal)
Mga dimensyon
Haba680 km (420 mi) Hilaga hanggang timog
Heograpiya
Sierra Madre (Pilipinas) is located in Pilipinas
Sierra Madre (Pilipinas)
Location of the center of the range in the Philippines
BansaPilipinas
Lalawigan
Rehiyon
Mga koordinado ng bulubundukin16°3′N 121°35′E / 16.050°N 121.583°E / 16.050; 121.583(Tinatayang gitna ng bulubundukin)
Nakahangganan saKaragatang Pasipiko

Ang Sierra Madre ay ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas. Bumabagtas mula sa lalawigan ng Cagayan sa hilaga at Quezon sa timog, binubuo ng mga bundok ang silangang pundasyon ng Isla ng Luzon, ang pinakamalaking pulo ng kapuluan. Kahangga nito ang Karagatang Pasipiko sa silangan. Ang baybaying Pasipiko ng Luzon sa may Sierra Madre ay di-gaanong maunlad dahil binubuo ng mga matayog at tuloy-tuloy na kabundukan ng baybayin na makapal at mahirap puntahan, na nakalantad sa buong puwersa ng hilaga-silangang balaklaot at mga alon ng Karagatang Pasipiko.[1] Napakalayo ang mga iilang komunidad sa silangan ng bulubundukin at sa may babayin na mapupuntahan lang sila sa pamamagitan ng eroplano o barko.

Ang pinakamalaking protektadong lugar ng bansa, ang Likas na Liwasan ng Hilagang Sierra Madre, ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng bulubundukin sa lalawigan ng Isabela. Ang liwasan ay nasa pansamantalang talaan ng UNESCO upang itatak sa Talaan ng Pandaigdigang Pamana. Hinihimok ng mga makakalikasan, iskolar, at dalub-agham ang gobyerno na isama pa ang mga ibang liwasan na bahagi ng bulubunduking Sierra Madre para sa pook ng UNESCO na sumasaklaw ng buong bulbunduking Sierra Madre mula sa lalawigan ng Cagayan hanggang sa Quezon.[2]

Ang Sierra Madre ay ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas. Sa hilaga, nagsisimula ang saklaw sa lalawigan ng Cagayan at nagtatapos sa timog sa lalawigan ng Quezon. Sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, nakakabit ang mga bundok ng Caraballo sa saklaw ng Sierra Madre Mountain kasama ang Kabundukan ng Cordillera.

Ang bulubundukin ay nagsisilbing pangharang sa bagyo sa pamamagitan ng pagbawas ng mga epekto ng mga bagyong mula sa Karagatang Pasipiko bago marating ang gitnang kalupaan.[3]

Mga malalayong pamayanan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang ilang mga pamayanan sa baybayin sa silangan ng mga bundok ng Sierra Madre, lalo na mula sa Palanan, Isabela na patungo sa hilaga hanggang sa pinakamalawak na dulo ng kalupaan ng Cagayan, ay napakalayo at nakahiwalay na walang mga kalsada na nagkokonekta sa mga bayan sa kanluran ng bulubundukin. Ang mga bayan tulad ng Palanan, Divilacan at Maconacon, Isabela ay maaabot lamang ng eroplano mula sa Cauayan o pagsakay sa bangka mula sa lalawigan ng Aurora, timog ng Isabela o mula sa Santa Ana, Cagayan, hilaga ng lalawigan. Ang kalsadang Ilagan City - Divilacan na babagtas sa bundok ng Sierra Madre malapit nang makumpleto.[4]

Pinakamataas na punto

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pinakamataas na punto ng bulubundukin ay hindi maliwanag, at maraming mga taluktok ay puwedeng sabihing pinakamataas. Ang Bundok Anacuao sa lalawigan ng Aurora ay may taas na 6,069 talampakan (1,850 m), habang ang Bundok Cetaceo sa Cagayan ay halos magkatulad ang taas. Gayunpaman, nasukat ng isang ekspedisyon noong Setyembre at Oktubre 2012 ang Bundok Guiwan (Nueva Vizcaya) na may taas na 6,283 talampakan (1,915 m) sa rurok.

Mga pambansang parke

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ibang mga protektadong lugar

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga aktibong bulkan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Bulkang Cagua isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Cagayan na huling sumabog noong 1907

Mga katutubong specie

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kagubatan noong Abril 2010, ang mga endemikong Northern Sierra Madre Forest monitor lizard, o Varanus bitatawa (karaniwang pangalan: Butikaw) ay nailarawan sa agham, ngunit matagal nang kilala at ginagamit ng mga katutubong Aeta at Ilongot ito bilang isang mapagkukunan ng pagkain.

Mga aktibidad ng tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang teritoryo ng bundok ng kagubatan ng Sierra Madre ay nababanta ng mga aktibidad ng tao. Ang mga naninirahan sa ibabang bahagi ng mga libis sa pangkalahatan ay sinusuportahan ng trabaho sa pagputol ng puno at paggawa ng uling. Ang ilang mga bahagi ng takip ng kagubatan ay naging mga pangalawang kagubatan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. U.S. Coast and Geodetic Survey (1919). "United States Coast Pilot Philippine Islands Part 1", pg. 44. Government Printing Office, Washington.
  2. Coursey, Oscar William (1903). History and Geography of the Philippine Islands. Educator School Supply Company.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Bordadora, Norman (12 Nobyembre 2006). "Sierra Madre blocks 'Queenie' punch". Philippine Daily Inquirer . Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Disyembre 2014. Nakuha noong 25 Disyembre 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Christian (2011-06-13). "Palanan and Maconacon". Off the Beaten Track in the Philippines. Retrieved on 2014-09-28.

HeolohiyaPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Heolohiya at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.