Churrasco
Pangunahing Sangkap | Karne (baka), tsoriso, queijo coalho, tinapay na may bawang, baboy at manok |
---|---|
|
Ang Churrasco (Kastila: [tʃuˈrasko],,Portuges: [ʃuˈʁasku]) ay isang salitang Espanyol at Portuges na tumutukoy sa karne ng baka o mas madalas sa inihaw na karne, na nagkakaiba-iba sa buong Amerikang Latino at Europa, ngunit isang kilalang tampok sa lutuin ng Uruguay, Brasil, Bolivia, Arhentina, Tsile, Colombia, Nicaragua, Peru, Guwatemala at iba pang mga bansa sa Amerikang Latino. Ang kaugnay na termino na churrascaria (o churrasqueria) ay karaniwang naiintindihan bilang isang bahay-isteyk.
Ang churrascaria ay isang restawran na naghahain ng inihaw na karne, karamihan ang nag-aalok ng kasing dami ng makakain: naglilibot ang mga weyter sa restawran na may mga tuhog, at hinihiwa ang karne sa plato ng kliyente.[1] Tinatawag na espeto corrido o rodízio ang estilo ng paghahain, at medyo popular ito sa Brasil, lalo na sa mga timog na estado tulad ng Rio Grande do Sul, Paraná, Santa Catarina at São Paulo.
Sa Amerikang Latino
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Brasil, ang churrasco ay ang salita para sa inihaw (katulad ng Arhentinong, Uruguayanong, Paraguayanong at Tsilenong inasal) na nagmula sa timog Brasil. Gumagamit ito ng iba't ibang mga karne, baboy, tsoriso at manok na maaaring lutuin sa isang "churrasqueira", isang ihawan, na madalas na may mga suporta para sa mga tuhugan o duruan.[2] Ang mga nabibitbit na "churrasqueiras" ay katulad sa mga ginamit upang ihanda ang Arhentinong, Tsileanong, Paraguayanong at Uruguayanong asado, na may suporta sa parilya, ngunit walang parilya ang karamihan sa mga Brasilyanong "churrasqueiras", tanging ang mga tuhugan lamang sa itaas ng mga baga. Maaaring lutuin din ang karne sa malalaking tuhugan na gawa sa metal o kahoy na nakasalalay sa isang suporta o nakadikit sa lupa at ihawin sa mga baga ng uling (maaaring gamitin din ang kahoy, lalo na sa Estado ng Rio Grande do Sul).
Sa Nicaragua, ang unang grupo ng imigrante na nagpakilala ng salita para sa ganitong hiwa ng karne ng baka sa eksenang restawran ng Estados Unidos sa Miami, Fl noong dekada ng 1950, tumutukoy ito sa isang manipis na isteyk na inihanda na inihaw at inihain sa isang tradisyonal na sarsang chimichurri - binadbad na perehil, bawang, peppers, at langis ng oliba.
Bagaman bihira na pinaniniwalaan ng mga Brasilyano at Arhentino, ang mga pinakatanyag na hiwa ng mga inihaw na karne ay hindi churrasco kundi Rib at Picanha (Brazil) at Entraña ayon sa pagkakabanggit.[kailangan ng sanggunian] [ <span title="This claim needs references to reliable sources. (February 2019)">kailangan ng pagbanggit</span> ] Sa Arhentina at Uruguay tumutukoy ang churrasco sa anumang walang butong hiwa ng karne na hiniwa nang bahagyang manipis bilang isang isteyk at iniihaw sa ibabaw ng mainit na uling o sa isang napakainit na kawali. Isinasama ng mga Gaucho ang inihaw na churrasco bilang bahagi ng kanilang asado, na ngayon ay ang pambansang ulam ng dalawang bansa, na inihahain na may kasamang ensalada at piniritong o minasang patatas, at kung minsan ay may isang pritong itlog.
Sa Puerto Rico palaging tumutukoy ito sa paldang isteyk, na niluto sa ihawan. Opsyonal ang sarsang chimichurri, dahil malimnamnam ang karne na may kaunting mumo ng asin sa dagat na winisik sa karne habang nagluluto. Karaniwan din na palitan ang sarsang chimichurri ng isang sarsang baybas at rhum na may pampaanghang at 7up o sarsang Ajilimójili.
Sa Ecuador isang pangunahing pagkain ang churrasco sa Rehiyon ng Baybayin, lalo na sa Guayaquil. Ang pangunahing sangkap ng putahe ay ang inihaw na isteyk na tinimplahan ng chimichurri. Inihahain ito na may kasamang saba, puting kanin, fries ng Pranses, pritong itlog, at mga hiwa ng abukado.
Sa Guwatemala, itinuturing na isang tipikal na putahe ang churrasco, kadalasang kinakain sa pamilyar na mga pagtitipon at maligayang okasyon. Karaniwang inihahain ito na may tinalbos na chitol, isang pulang sarsa na naglalaman ng tinadtad na mga kamatis at mga sibuyas, at sinamahan ng mais, guacamole, inihaw na patatas, nilagang black beans, kanin at tortilla.
Sa Tsile, tumutukoy ang churrascosa isang manipis na hiwa ng isteyk na nag-iiba depende sa nais na kalidad ng sanwits. Iniihaw at inihahain ang mga hiwa sa isang -minsang pinapainit- lokal na tinapay (tinatawag na "marraqueta", o "pan batido" sa Valparaíso), kadalasang sinasamahan ng kamatis, abukado at mayonesa, sa kaso ng churrasco italiano. Ang isa pang tanyag na putahe, churrasco a lo pobre ("churrasco pangmasa"), ay binubuo ng churrasco na inihahain na may fries ng Pranses, pritong itlog, at mga nakaramelong o caramelized na sibuyas.
Sa mga ibang bansa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Portugal, ang Frango de Churrasco na may piri piri (isang uri ng maalat na inihaw na manok na niluto sa churrasqueira, na pinaanghang ng mainit na red chili sauce) ay napakapopular. Ang churrascong Portuges at mga putaheng manok ay napakapopular sa mga bansa na may mga Portuges na komunidad, tulad ng Canada, Australia, Estados Unidos, Venezuela at Timog Aprika.
Ginagamit ang salitang churrasco sa dating mga kolonya ng Portugal—ang Churrasco Moçambicano ay isang putahe ng inihaw na karne mula sa Mozambique, bilang halimbawa.
Sa Galicia, halos eksklusibong tumutukoy ang churrasco sa inihaw na baboy o beef spare-ribs. Ang mga Galisyanong na lumipat sa Amerika noong ika-20 siglo ay nagdala ng resipi para sa churrasco. Sa kasalukuyan, naghahanda ng churrascada ang karamihan ng mga Galisyano sa lahat ng mga klase ng lipunan.
Sa Hilagang Amerika, Churrasco ang pangalang trademark para sa rotisserie/parilya na ginawa ng Hickory Industries, Inc.[3]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Lutuing Tsileno
- Lutuing Arhentino
- Lutuing Brasilyano
- Lutuing Kolombiyano
- Lutuing Kubano
- Lutuing Nicaraguano
- Talaan ng mga putaheng Brasilyano
- Talaan ng mga sandwits
- Lutuing Portugues
- Shashlik
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Brazil Cuisine". DiscoverBrazil.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-06-08. Nakuha noong 2007-11-20.
..churrascaria restaurant ...A small army of waiters square your table with every imaginable cut of beef, pork, and chicken on a meter long skewer (called "espeto"), all of them hot from the grill. They serve you small slices or portions until you raise the white flag
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tom Streissguth; Streissguth, Thomas (2003). Brazil in pictures. Minneapolis: Lerner Publications. pp. 54. ISBN 0-8225-1959-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hickory Home Page Naka-arkibo 2019-03-01 sa Wayback Machine. Ikinuha ng 13 Enero 2016.
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- May kaugnay na midya ang Churrasco sa Wikimedia Commons