Kreasyonismo
- Ang "kresyunismo" ay maaari ring tumukoy sa mga mito ng paglikha, o sa isang diwa hinggil sa pinagmulan ng kaluluwa. Para sa kilusan sa panitikang Kastila, tingnan ang Creacionismo.
Part of a series on |
Creationism |
Types of creationism |
Young Earth creationism |
Mythology and theology |
Creation myth |
Creation science |
Baraminology |
Controversy |
Particular religious views |
Book · Category · Portal |
Ang kreasyonismo (Ingles: Creationism) ay isang paniniwalang pampananampalataya[1] na itinataguyod ng ilang mga pangkat ng relihiyon partikular na sa Kristiyanismo, Islam at iba pa na ang sangkatauhan, buhay, ang Daigdig at ang uniberso ay nilikha ng diyos (ng partikular na relihiyon) sa halip na sa pamamagitan ng ebolusyon. Sa pag-unlad ng kontrobersiya ng paglikha at ng ebolusyon, ang katagang "anti-ebolusyonista" (kalaban ng ebolusyon) ay naging mas pangkaraniwan, at noong 1929 sa Estados Unidos, ang katawagang creationism o kreasyonismo ay unang tiyak na naugnay sa hindi paniniwala ng mga pundamentalistang Kristiyano sa teoriyang siyentipiko ng ebolusyon.[2]
Sa ngayon, ang Amerikanong Apilyasyong Siyentipiko at ang Mga Kristiyano sa Agham na nakabase sa Nagkakaisang Kaharian ay kumikilala na mayroong iba't ibang mga opinyon sa piling ng mga kreasyonista hinggil sa paraan ng paglikha, habang ipinapahayag ang pagkakaisa ukol sa paniniwalang Kristiyano na ang Diyos ang "lumikha ng sansinukob".[3][4][5] Magmula noong dekada 1920, ang kreasyonismong literalista sa Amerika ay tumututol sa mga teoriyang pang-agham katulad ng ebolusyon,[6][7][8] na hinango mula sa mga obserbasyon ng uniberso at ng buhay. Ang mga kreasyonistang pundamentalista ay nagbabatay ng kanilang paniniwala sa isang literal na pagbasa ng paglikha na mula sa salasay ng Aklat ng Genesis.[9] Ang ibang mga relihiyon ay may iba't ibang mga mito ng paglikha,[note 1][10][11][12] habang ang magkakaibang mga kasapi ng indibidwal na mga pananalig ay nagkakaiba-iba sa kani-kanilang mga pagtanggap ng mga natutuklasan sa larangan ng agham.[13][14][6][15] Ang kreasyonismo ay inilalarawan ng pamayanang siyentipiko bilang pseudosiyensa (hindi agham).[16][17][18][19][20]
Ang kreasyonismo ay hindi kumakatawan sa lahat ng paniniwalang Kristiyano tungkol sa paglikha ng uniberso at mga tao at sa literal na pagbasa ng bibliya. Ang ilang mga denominasyong Kristiyano at Hudaismo ay tumatanggap na ang ebolusyon ay hindi sumasalungat sa kanilang paniniwala sa paglikha at mga pinagmulan ng tao. Ang kreasyonismang matandang mundo(old earth creationism) ay isang termino na sumasakop sa iba't ibang mga uri ng kreasyonismo kabilang ang gap creationism, progressive creationism, at evolutionary creationism. Ang kreasyonismong ito ay mas umaayon sa nananaig na pananaw siyentipiko kesa sa literalistang kreasyonismong batang mundo. Ang teistikong ebolusyon ang paniniwala ng ilang pangkat ng Kristiyanismo na ang ebolusyon ay umaayon sa kanilang relihiyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang ebolusyon ay simpleng ang kasangkapan na ginamit ng diyos upang magpaunlad ng buhay ng tao.
Mga kritisismong siyentipiko ng kreasyonismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang United States National Academy of Sciences ay nagsaad na "ang kreasyonismo ay sa katotohanan isang pseudosiyensiya (hindi agham) at hindi dapat itanghal na agham" .[21][22] at "ang mga pag-aangkin ng kreasyonismo ay nagkukulang sa suportang empirikal at hindi makahulugang masusubok".[21] Ayon sa Skeptic, ang kilusang kreasyonismo ay nagkamit ng karamihan ng lakas nito sa pamamagitan ng paggamit ng pagliliko at paggamit ng mga taktika na hindi etikal sa agham at malalang nagbibigay ng maling representasyon ng teoriya ng ebolusyon".[23][24]
Para ang isang teoriyang siyentipiko na mauri bilang siyentipiko, ito ay dapat:
- umaayon o consistent sa sarili at panlabas
- parsimonyoso
- magagamit sa paglalarawan at pagpapaliwanag ng mga napagmasdang phenomena
- masusubok na empirikal at mapapamali ng mga pagsubok
- batay sa kontrolado at mauulit na mga eksperimento
- matutuwid at nagbabago upang umangkop sa mga bagong natuklasang data o ebidensiya
- umuunlad na nagkakamit ng lahat ng mga nakamit ng mga nakaraang teoriya at marami pa
- tentatibo na umaaming maaaring ang teoriyang iminumungkahi ay hindi tama kesa sa pagsasaad ng katiyakan nito.
Itinatakwil ng mga siyentipiko ang hipotesis ng kreasyonismo dahil sa kawalan ng ebidenisya. Noong 1987, ang Korte Suprema ng Estados Unidos ay nagpasya na ang kreasyonismo ay isang relihiyon, hindi isang agham at hindi maaaring itaguyod sa mga silid aralan na pang-publiko.[25]
Ang isang buod ng mga pagtutol sa kreasyonismo ng mga siyentipiko ang sumusunod:
- Ang kreasyonismo ay hindi mapapamali: Ang akto ng paglikha na nilalarawan ng kreasyonismo ay hindi mapapamali dahil walang mga masusubok na hangganan ang maitatakda sa manlilikha nito. Hindi posibleng mapabulaanan ang isang pag-aangkin kapag ang pag-aangking ito ay sumasakop sa bawat maiisip na kontinhensiya.[26]
- Ang kreasyonismo ay lumalabag sa prinsipyo ng parsimonya: Ang razor ni Occam ay pumapabor sa mga paliwanag na umaasa sa pinakaunting mga pagpapalagay. Ninanais ng mga siyentipiko ang mga paliwanag na umaayon sa alam at sinusuportahang mga katotohanan at ebidensiya at nangangailangan ng pinakakaunting mga pagpapalagay upang punan ang natitirang mga puwang. Ang karamihan ng mga pag-aangkin ng kreasyonismo ay umuurong mula sa mas simpleng mga paliwanag na siyentipiko at nagpapakilala ng mga komplikasyon at paghahaka haka sa ekwasyon.[27]
- Ang kreasyonismo ay hindi at hindi maaaring masubok ng empirikal o sa mga eksperimento: Ang kreasyonismo ay nagsasaad ng mga dahilang supernatural na nasa labas ng sakop ng naturalismong pamamaraan at mga eksperimentong siyentipiko.
- Ang kreasyonismo ay hindi maitutuwid, hindi nagbabago, tentatibo o umuunlad: Ang kreasyonismo ay naniniwala sa isang nakatakda at hindi mababagong pagpalagay o absolutong katotohan na salita ng diyos na hindi bukas sa pagbabago. Ayon sa mga kreasyonista, ang anumang ebidensiya na sumasalungat sa kanilang "katotohanan" ay dapat balewalain.[28] Sa agham, ang lahat ng mga pag-aangkin ay tentatibo. Ang mga ito ay palaging bukas sa mga hamon at dapat itapon o isaayos kapag ito ay inaatas ng timbang ng mga ebidensiya o data.
Sa pagsasaad ng mga pag-aangkin ng mga biglaang paglitaw gaya ng saltasyon,[29] o "hopeful monsters",[30] at iba pang mga milagrosong akto, ang kreasyonismo ay hindi angkop para sa mga kasangkapan at pamamaraan na inaatas ng agham at hindi maituturing na siyentipiko sa paraang ang terminong agham/science ay kasaulukuyang inilalarawan.[31] Ang kreasyonismo ay karaniwang inilalarawan ng mga siyentipiko at mga manunulat ng agham bilang isang pseudosiyensiya (hindi agham).[32][33][34][35]
Mga pag-angkin ng kreasyonismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang terminong Creation science o scientific creationism[36] ang sangay ng kreasyonismo na nagtatangka na magbigay ng suportang siyentipiko para sa salaysay ayon sa Genesis sa Aklat ng Genesis. Ito tumatakwil o nagtatangkang magpamali sa mga pangkalahatang tinatanggap na katotohanan sa agham, mga teoriyang siyentipiko at mga paradigm tungkol sa kasaysayan ng daigdig, kosmolohiya at biolohikal na ebolusyon.[37][38] Ang mga sumusunod ang mga inaangkin ng mga kreasyonista na agham ng paglikha at ang pagpapamali rito ng mga siyentipiko.
Biolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kreasyonismo ay nakasentro sa ideya na hinango sa Aklat ng Genesis na nagsasaad na ang buhay ay nilikha ng diyos sa isang may hangganang bilang ng mga "uri" (kinds) kesa sa pamamagitan ng biolohikal na ebolusyon mula sa karaniwang ninuno. Ang mga kreasyonista ay nag-aangkin na ang anumang mapagmamasdang speciation ay nagmula mula sa mga nilikhang "uring" ito sa pamamagitan ng pagtatalik, mga mutasyon na deleteryoso at iba pang mga mekanismo na henetiko.[39] Bagaman ang mga kreasyonista ay naniniwala sa mikroebolusyon ng biolohiyang pang-ebolusyon, ang mga kreasyonista ay tumututol sa makroebolusyon ng biolohiyang pang-ebolusyon.[40] Ang mga kreasyonista ay nag-aangkin na walang ebidensiya ng mga bagong species ng mga hayop o halaman at hindi pinaniniwalaan ng mga kreasyonista ang mga ebidensiya na nagdodokumento ng gayong proseso sa fossil record.[41] Ayon sa mga kreasyonista, ang tumaas na kompleksidad ng mga organismo sa paglipas ng panahon sa pamamagitan ng ebolusyon ay hindi posible dahil sa kanilang paniniwala ng batas ng tumaas na entropiya. Ang pinagmulan at ebolusyon ng mga tao ang isang pinaka-tinututulan ng mga kreasyonista at ang mga fossil ng mga hominidae na natagpuan sa fossil record ay hindi itinuturing ng mga kreasyonista na ebidensiya ng speciation ng mga homo sapiens.[42]
Ayon sa mga siyentipiko, ang fossil record ay umaayon sa proseso ng ebolusyon. Posibleng malaman kung paanong ang isang partikular na grupo ng mga organismo ay nagebolb sa pamamagitan ng pagsasaayos ng pagkakasunod sunod ng mga fossil record sa kronolohikal na sekwensiya. Ayon kay Richard Dawkins, "kung may isang hippopotamus o kuneho na natagpuan sa panahong Cambrian, ito ay kumpletong tatalo sa ebolusyon. Walang ganito ang kailanman natagpuan sa fossil record.[43] Sa aklat na Principles of Biochemistry ng siyentipikong si Albert Lehninger, isinaad na ang kaayusang nalikha sa loob ng mga selula habang lumalago ang mga ito at naghahati ay nababalanse ng kawalang kaayusan na nalilikha ng mga ito sa kanilang mga kapaligiran sa paglipas ng paglago at dibisyon. Sa ibang salita, ang mga buhay na organismo ay nag-iingat ng kanilang panloob ng kaayusan sa pamamagitan ng pagkuha ng malayang enerhiya mula sa kanilang mga kapaligiran sa anyo ng mga nutriento o sikat ng araw at nagbabalik sa kanilang mga kapaligiran ng katumbas na halaga ng enerhiya bilang init at entropiya.[44] Ang pag-aangkin ng mga kreasyonista na ang ebolusyon ay lumalabag sa batas ng termodinamika ay batay sa maling pagkaunawa ng ikalawang batas ng termodinamika na nagsasaad na ang anumang hiwalay na sistema ay magpapataas ng kabuuang entropiya nito sa paglipas na panahon. Ang isang hiwalay na sistema ay inilalarawan na sistemang walang anumang input ng labas na enerhiya. Ang batas na ito ay lumalapat sa uniberso dahil isa itong hiwalay na sistema. Gayunpaman, dahil sa ang daigdig ay hindi isang hiwalay na sistema, ang kaayusan sa daigdig ay maaaring mangyari at magpalitaw ng mga komplikadong organismo basta may input ng enerhiya gaya ng liwanag ng araw. Ang proseso ng natural na seleksiyon na responsable sa gayong lokal na pagtaas ng kaayusan ay maaaring mahango ng matematikal mula sa ekspresyon ng ekwasyon ng ikalawang batas para sa magkaugnay na hindi-ekwilibrium na mga bukas na sistema.[45]
Heolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang heolohiya ng malaking baha ay batay sa paniniwala na ang fossil record ay nabuo ng malaking baha sa kuwento ng Arko ni Noe na inilalarawan sa Aklat ng Genesis. Ang mga fossil at mga fossil fuel ay pinaniniwalaang nabuo mula sa materya ng halaman at haop na nalibing ng mabilis sa baha sa bibliya samantalang ang mga submarinong kanyon ay inaangking nabuo sa mabilis na paglisan mula sa mga kontinent sa wakas ng baha. Ang sedimentaryong strata ay inaangkin rin na inilatag sa panahon o pagkatapos ng baha ni Noe.[46]
Ayon sa mga siyentipiko, ang inaangkin ng mga kreasyonistang heolohiya ng baha ni Noe ay sinasalungat ng agham heolohikal dahil itinatakwil ng kreasyonismo ang mga prinsipyong heolohikal na unipormitarianismo at radiometric dating. Ayon sa mga siyentipiko, walang ebidensiya ng gayong baha ang napagmasdan sa mga naingatang patong ng bato at ang bahang sinasabi sa bibliya ay imposible dahil sa kasalukuyang mga masa ng lupain. Halimbawa, ang Bundok Everest ay tinatayang 8.8 kilometro sa elebasyon at ang area ng ibabaw ng mundo ng daigdig ay 510,065,600 km2. Ang bolyum ng tubig na kailangan upang takpan ang bundok Everest sa lalim na 15 cubits (6.8 m) gaya ng sinasabi sa Genesis 7:20 ay 4.6 bilyong kubikong kilometro. Ang mga pagsukat ng halaga ng presipitable na vapor ng tubig sa atmospero ay magbibigay ng mga resulta na nagpapakita na ang ang pagkokondensa ng lahat ng vapor ng tubig sa isang column ng atmoespero ay lilikha ng likidong tubig na may lalim na mula sero at tinatayang 70mm depende sa petsa at lokasyon ng column.[47]
Radiometric dating
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga kreasyonista ay nag-angkin na ang mga eksperimentong kanilang isinagawa ay nagpapakita na ang 1.5 bilyong taon ng pagkabulok na nuklear ay nangyari sa loob ng isang maikling panahon na kanilang ipinagpapalagay na ang mga bilyong pagbilis ng pagkabulok na nuklear ay nangyari at ito ay isang paglabag sa prinsipyo na ang bilis ng pagkabulok na radioaktibo ay hindi nagbabago na isang prinsipyong pinagsasaligan ng pisikang nuklear sa pangkalahatan at radiometric dating.[48]
Ang mga siyentipiko ay nagturo sa napakaraming mga pagkakamali sa mga inaangking eksperimento ng kreasyonista. Ang katunayan, ang mga resulta ng mga eksperimento ng mga kreasyonista ay hindi tinanggap ng anumang peer-reviewed scientific journal. Ayon din sa mga siyentipiko, ang mga inaangking siyentipiko ng kreasyonismo ay walang kasanayan sa heokronolohiyang eksperimento.[49][50] Ang pagiging hindi mababago ng rate ng pagkabulok ng mga isotopo ay mahusay na sinusuportahan ng agham. Ang ebidensiya para sa pagiging hindi mababagong ito ay kinabibilangan ng pagtutugma sa mga tinatayang petsa na kinuha mula sa mga isotopong radioaktibo gayundin sa mga pagtutugma ng mga pamamaraang hindi radioaktibo gaya ng dendrokronolohiya, pagpepetsa ng ice core at mga historical record. Ang pagiging hindi mababago ng mga rate ng pagkabulok ay pinangangasiwaan rin ng mga unang prinsipyo ng quantum mechanics kung saan ang anumang paglihis sa rate ay mangangailangan ng isang pagbabago sa mga konstanteng pundamental. Ayon sa mga prinsipyong ito, ang isang pagbabago sa mga konstanteng pundamental ay hindi maaaring makaimpluwensiya sa mga iba't ibang elemento ng pantay pantay at ang isang paghahambing sa pagitan ng nagreresultang mga walang katulad n skala ng panahon pang kronolohiya ng bawat mga elemento ay magbibigay ng mga hindi magkakaayong tinatayang panahon.[51][52][53]}}
Mga radiohalo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong mga 1970, ang kreasyonistang si Robert Gentry ay nagmungkahi na ang mga radiohalo sa mga ilang granite ay kumakatawan sa ebidensiya para sa daigdig na agarang nalikha kesa sa dahan dahan. Ang ideyang ito ay binatikos ng mga pisiko at mga heologo sa maraming mga dahilan kabilang na ang mga batong pinag-aralan ni Gentry ay hindi primordial at ang mga radionuclide na pinag-aaralan ay hindi kailangang nasa mga bato sa simula. Sinalungat ng heologo at siyentipiko ng United States Department of Energy na si Thomas A. Baillieul ang mga pag-aangkin ni Gentry sa kanyang artikulo "Polonium Haloes" Refuted: A Review of "Radioactive Halos in a Radio-Chronological and Cosmological Perspective".[54] Ayon kay Baillieul, si Gentry ay isang pisiko na walang edukasyon sa heolohiya at si Gentry ay nagbigay ng maling representasyon ng kontekstong heolohikal kung saan ang mga specimen ay kinolekta. Ayon din Baillieul, si Gentry ay umasa sa pagsasaliksik mula sa simula ng ika-20 siglo bago ang mga radioisotope ay lubusang naunawsan. Ang pagpalagay ni Gentry na ang isotopong Polonium ay nagsanhi ng mga singsing ay isang haka haka. Mali ring isinaad ni Gentry na ang kalahting buhay ng mga radioaktibong elemento ay nagbabago sa panahon.
Astronomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ilang mga pagtatangka ay ginawa ng mga kreasyonista upang lumikha ng isang kosmolohiya na umaayon sa batang uniberso na may edad sa pagitan ng 6,000 at 10,000 taon kesa sa pamantayang edad ng uniberso sa agham na 13.75 ± 0.11 bilyong taon. Ang pagtatangkang ito ng mga kreasyonistang batang mundo ay batay sa paniniwala na ang Aklat ng Genesis ay naglalarawan ng paglikha ng uniberso gayundin ng daigdig at sa literal na pagpapakahulugan ng mga henealohiya sa Aklat ng Genesis. Ang mga pagkakaiba sa mga kreasyonistang batang mundo ay umiiral kung ang mga henealohiya ay dapat unawain na kompleto o pinaikli at kaya ang ibinibigay ng mga ito na edad ng uniberso at mundo ay sa pagitan ng 6,000 at 10,000 taon. Ang mga henealohiya sa Genesis ay pinapakahulugan ng mga kreasyonistang matandang mundo na hindi kumpleto at ang Genesis 1 ay piguratibo bilang mga mahabang panahon. Ang pangunahing hamon sa mga kosmolohiya ng kreasyonimong batang mundo ay ang tinatanggap sa agham na ang mga distansiya sa uniberso ay nangangailangan ng mga bilyon bilyong mga taon upang ang liwanag ay maglakbay sa daigdig. Ito ang problemang ng liwanag ng bituin. Ayon sa isang kreasyonistang Barry Setterfield, ang bilis ng liwanag ay nabulok sa kasaysayan ng uniberso.[55] Ang argumento ni Setterfield ay nakasalalay sa orihinal na pagsukat ni Rømer na kanyang kinopya mula sa isyu ng Sky and Telescope. Ang halagang ito ay "301,300 plus o minus 200 km/s", mga 0.5% higit sa kasalukuyang halaga. Gayunpaman, ang artikulo ay aktuwal na isang bahagi mula sa The Astronomical Journal,[56] na kumpletong hindi umaayon at sumusulat na "ang mahusay na pagkakasya ay nangyayari sa sero kung saan ang panahon ng paglalakbay ng liwanag ay katulad ng kasalukuyang tinatanggap na halaga."[57] Sa kanyang pagsisiyasat, hindi rin isinama ni Setterfield ang isang bilang ng mga sikat na eksperimento na sumusukat sa bilis ng liwanag gayundin sa mga bilang ng pagsukat sa kanyang mga pinagbatayang eksperimento. Kapag ang mga puntong ito ay muling isinama sa hanay, walang maliwanag na pagkabulok. Ang isa pang kreasyonista na si Russell Humphreys ay nagmungkahi na ang uniberso ay lumawak mula sa isang puting butas na may edad na kulang sa 10,000 taon. Ang maliwanag na edad ng uniberso na bilyon bilyong taon ay kanyang inaangking nagresulta mula sa mga epektong relatibistiko sa panahon.[58] Ayon kay Alex Williams, ang mungkahi ni Humphreys ay nagmula sa pagdadagdag ng tatlong mga pagpapalagay sa mga ekwasyon ni Einstein na ang uniberso ay lumawak mula sa isang nakaraang mas siksik na estado, ang uniberso ay hinangganan sa espasyo at ang daigdig ay nasa o malapit sa sentro ng uniberso.[59][60] Ang unang pagpapalagay ay sinusuportahan ng kosmolohiyang big bang ngunit ang huling dalawa ay itinatakwil ng pamayanang siyentipiko.[61]
Ang mga mungkahing ito ng mga kreasyonista ay hindi umaayon sa kasalukuyang mga obserbasyon sa uniberso at kaya ay hindi tinatanggap ng mga siyentipiko.[62][63] Ang mga iminumungkahi ng mga kreasyonismong batang mundo(young earth creationism) ay binabatikos rin ng mga tagapagtaguyod ng kreasyonismong matandang mundo (old earth creationism) gaya ni Hugh Ross. Ipinagtanggol ni Ross ang nananaig na pananaw ng kosmolohiya ng mga siyentipiko laban sa mga pag-atake ng mga kreasyonistang naniniwala sa batang uniberso o batang mundo.[64]
Planetolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga kreasyonista ay nag-aangkin na ang edad ng sistemang solar ay mga libo libong taon lamang na salungat sa tinatanggap ng mga siyentipiko na edad nito na 4.6 bilyong taon.[65] Inaangkin ng mga kreasyonista na ang bilang ng mga kometa sa sistemang solar ay mas mataas kesa sa inaasahan dahil sa pinagpapalagay na edad nito. Ang mga kreasyonista ay hindi naniniwala sa pag-iral ng Kuiper belt at Oort cloud.[66][67] Ang mga kreasyonista ay nag-aangkin rin na ang resesyon ng buwan mula sa daigdig ay hindi umaayon sa buwan o daigdig na mga bilyong taong gulang.[68] Ang mga pang-aangking ito ay sinalungat at pinabulaanan ng mga siyentipiko.[69][70]
Ang nagpapatuloy ng problema para sa mga kreasyonista ang pag-iral ng mga krater ng pagbangga sa halos lahat ng mga bagay sa sistemang solar na umaayon sa mga paliwanag na siyentipiko ng pinagmulan ng sistemang solar.[71] Ang mga kreasyonistang sina Harold Slusher at Richard Mandock, kasama ni Glenn Morton (na kalaunang tumakwil ng pag-aangking ito [72]) ay nag-aangkin na ang mga krater ng pagbangga sa buwan ay sumailalim na daloy ng bato,[73] at kaya ay hindi maaaring higit sa ilang mga libong taon ang edad.[74] Ang ilang mga kreasyonista ay nag-aangkin rin na ang mga iba't ibang yugto ng pagbabangga ng meteorite sa sistemang solar ay nangyari sa linggo ng paglikha at sa baha ni Noe, ang iba ay tumuturing ritong hindi sinusuportahan ng mga ebidensiya.[75][76]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
Eugenie C. Scott (with forward by Niles Eldredge) (2004). "Evolution vs. Creationism: An Introduction". Berkley & Los Angeles, California: University of California Press: 114. ISBN 0-520-24650-0. Nakuha noong 16 Hunyo 2010.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong); Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Pati na ang: Westport, Connecticut: Greenwood Press. ISBN 0-313-32122-1 - ↑ Ronald L. Numbers. "Antievolutionists and Creationists". Creationism History. Counterbalance Meta-Library. Nakuha noong 2007-08-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "A Spectrum of Creation Views held by Evangelicals". American Scientific Affiliation. Nakuha noong 2007–10–18.
Lahat ng mga Kristiyanong nasa mga agham ay nagpapatunay na ang pangunahing gampaniin ng Logos sa paglikha at pagpapanatili ng sansinukob. Sa paghahanap upang mailarawan kung paano nagkaroon ng kamangha-manghang daigdig, isang samu't saring mga pananaw ang lumitaw sa loob ng huling dalawang daang mga taon dahil sa nagpapatuloy na mga kadalubhasaang pambibliya at pang-agham na nagbigay ng mas malalim na pagkaunawa sa salita ng Diyos at sa mundo.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑
Ronald L. Numbers (1998). Darwinism Comes to America. Harvard University Press. ISBN 9780674193123. Nakuha noong 2007–10–18.
Ang mga kreasyonista ng kasalukuyang araw ay hindi nagkakasundo hinggil sa kung ano ang nalikha ayon sa Henesis.
{{cite book}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑ Ruth Bancewicz. "Making your mind up about the HOW of creation". Christians in Science. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-09-28. Nakuha noong 2007–10–18.
Ngunit ang mga Kristiyano ay madalas na hindi nagkakasundo ukol sa PAANO. Mayroong tatlong pangunahing mga punto ng pananaw na pinanghahawakan ng mga Kristiyanong ebanghelikal na tumatangan sa isang mataas na pananaw ng Banal na Kasulatan. Ang teistikong ebolusyonismo ay isang pagtanggap ng ebolusyon bilang pinaka pangkasalukuyang makaagham na paglalarawan ng paraan ng paggawa ng Diyos sa mundo. Ito ang nangingibabaw na punto ng pananaw sa piling ng mga Kristiyano na masigla sa akademikong agham o teolohiya (tingnan ang mga sangguniang bilang 1, 2, at 3). Ang Kreasyonismo ng Bata Pang Mundo ay isang pagtanggi ng agham na nasa pangunahing agos, bilang pagpabor sa isang interpretasyon ng salaysay sa Henesis na literal na inuunawa ang 6 na mga araw ng paglikha (tingnan ang mga sanggunian bilang 4 at 5). Ang Disenyong Intelihente ay kumakatawan ng maraming mga pananaw. Kaiba sa ebolusyong Teistiko o Kreasynosismo ng Bata Pang Daigdig, hindi nito pinagtutuunan ang interpretasyong pambibliya (tingnan ang mga sanggunian bilang 6, 7, at 8). Madalas itong tinatanaw bilang "panggitnang salingan" (panggitnang sandigan) para sa mga Kristiyano, dahil sa isang pagkakahalu-halo ng mga kadahilanang pangteolohiya, pampilosopiya, at pang-agham. Karamihan sa mga tagapagtaguyod ng disenyong intelihente ang tatanggap sa lumang daigdig o matandang daigdig (c. 4.5 bilyong mga taon), subalit tatanggi sa teoriya ng ebolusyon dahil sa dalawang mga dahilan: (1) na walang sapat na katibayan para sa ebolusyon, at (2) ang masasalimuot na mga sistemang pambiyolohiya ay mga katunayan para sa isang tagapagdisenyo. Ang Kilusan ng Disenyong Intelihente ay gumagamit din ng ebidensiya para sa pagpipino ng tono ng kosmolohiya na pinag-uusapan ng maraming mga ebolusyonistang teistiko, kung kaya't may ilang karaniwang salingan o sandigan dito.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑ 6.0 6.1 "NCSE : National Center for Science Education - Defending the Teaching of Evolution in Public Schools". Creationism. 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-28. Nakuha noong 2009-06-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bilang halimbawa, ang Paglilitis kay Scopes noong 1925 ang nagdala ng kreasyonismo at ebolusyon sa mapagtunggaling kapaligiran ng Amerikanong sistema ng katarungan. Balitang-balita ang paglilitis na ito, at nagsilbing isang katalista para sa mas malawak na kontrobersiya ukol sa paglikha at sa ebolusyon; Giberson & Yerxa (2002), pp. 3-4.
- ↑ Ang katayuan ng ebolusyon bilang isang "teoriya" ay nagkaroon ng isang tanghal na gampanin sa pagtatalo hinggil sa paglikha at ebolusyon. Sa terminolohiyang pang-agham, ang "mga teoriya ay mga kayarian ng ideya na nagpapaliwanag at nagpapaunawa ng mga katotohanan". Kung gayon, nauunawaan na ang ebolusyon ay isang katotohang pang-agham at isa ring teoriya. Sa kabaligtaran, nang ang mga literalistang kreasyonista ay tumukoy sa ebolusyon bilang isang teoriya, kadalasan nilang ibig sabihin na binibigyang katangian nila ang ebolusyon bilang isang "hindi perpektong katotohanan", na kumukuha mula sa bernakular na kadiwaan ng "teoriya" bilang isang "bahagi ng isang hirarkiya ng pagtitiwala na patakbong nahuhulog sa burol magmula sa katotohanang hanggang sa teoriya, hanggang sa paghula"; Gould SJ (Mayo 1981). Evolution as fact and theory Naka-arkibo 2019-03-17 sa Wayback Machine.. Nakuha noong 12 Abril 2010; Moran L (2002). Evolution is a fact and a theory. Nakuha noong 12 Abril 2010. Orihinal na akdang nailathala noong 1993.
- ↑ Ronald L. Numbers. "Creationism History: Topic Index". Counterbalance Meta-Library. Nakuha noong 2009-06-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dundes, Alan (Taglamig, 1997). "Binary Opposition in Myth: The Propp/Levi-Strauss Debate in Retrospect". Western Folklore (56): 39–50.
{{cite journal}}
: Check date values in:|date=
(tulong); Invalid|ref=harv
(tulong) - ↑ Dundes, Alan (1984). Introduction. Sacred Narrative: Readings in the Theory of Myth. Alan Dunes. (patnugot). University of California Press.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dundes, Alan (1996). "Madness in Method Plus a Plea for Projective Inversion in Myth". Myth and Method. Pinatnugutan nina Laurie Patton at Wendy Doniger. Charlottesville: University of Virginia Press.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wallace, T. (2007). "Five Major Evolutionist Misconceptions about Evolution". The True Origin Archive. TrueOrigin Archive. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-21. Nakuha noong 2011–04-25.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑ Isaak, Mark (2005). "CA215: Practical uses of evolution". Index to Creationist Claims. TalkOrigins Archive. Nakuha noong 2009–08-20.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong)
Isaak, Mark (2005). "CH100.1: Science in light of Scripture". Index to Creationist Claims. TalkOrigins Archive. Nakuha noong 2009–08-20.{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑ Isaak, Mark (2004). "CA301: Science and naturalism". Index to Creationist Claims. TalkOrigins Archive. Nakuha noong 2009–08-20.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
(tulong) - ↑ "Statements from Scientific and Scholarly Organizations". National Center for Science Education. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-02-11. Nakuha noong 2008-08-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Royal Society statement on evolution, creationism and intelligent design". Royalsoc.ac.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-13. Nakuha noong 2011-03-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ National Association of Biology Teachers Statement on Teaching Evolution Naka-arkibo 2006-09-27 sa Wayback Machine.
- ↑ IAP Statement on the Teaching of Evolution Naka-arkibo 2007-09-27 sa Wayback Machine. Joint statement issued by the national science academies of 67 countries, including the United Kingdom's Royal Society (PDF file)
- ↑ From the American Association for the Advancement of Science, the world's largest general scientific society: 2006 Statement on the Teaching of EvolutionPDF (44.8 KB), AAAS Denounces Anti-Evolution Laws Naka-arkibo 2006-04-21 sa Wayback Machine.
- ↑ 21.0 21.1 National Academy of Sciences
- ↑ Edward J., Larson (2004). Evolution. Modern Library. p. 258. ISBN 0-679-64288-9.
Virtually no secular scientists accepted the doctrines of creation\ science; but that did not deter creation scientists from advancing scientific arguments for their position.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Joyce Arthur, Skeptic (U.S. magazine), Vol. 4, No. 4, 1996, pp. 88–93
- ↑ Creationism: Bad Science or Immoral Pseudoscience?
- ↑ "The legislative history demonstrates that the term "creation science," as contemplated by the state legislature, embraces this religious teaching." Edwards v. Aguillard
- ↑ Root-Bernstein, Robert (1984). "On Defining a Scientific Theory: Creationism Considered". Sa M. F. Ashley Montagu (pat.). Science and Creationism. USA: Oxford University Press. ISBN 978-0-19-503253-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Alston, Jon P. (2003). The Scientific Case Against Scientific Creationism. USA: iUniverse. p. 21. ISBN 978-0-595-29108-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gallant, Roy A. (1984). "To Hell With Evolution". Sa M. F. Ashley Montagu (pat.). Science and Creationism. USA: Oxford University Press. p. 303. ISBN 978-0-19-503253-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Roberts, Elijah; Anurag Sethi, Jonathan Montoya, Carl R. Woese, Zaida Luthey-Schulten (16 Setyembre 2008). "Molecular signatures of ribosomal evolution". Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America. 105 (37): 13953–13958. doi:10.1073/pnas.0804861105.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ West-Eberhard, Mary J. (Marso 1986). "Alternative adaptations, speciation, and phylogeny (A Review)". Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America. 83: 1388–1392.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gould, SJ (1987). "Creation science is an oxymoron". Skeptical Inquirer. 11 (2): 152–153. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-11-03. Nakuha noong 2012-11-10.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sahotra Sarkar; Jessica Pfeifer (2006). The Philosophy of science: an encyclopedia. A-M. Psychology Press. p. 194. ISBN 978-0-415-93927-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Shermer, Michael (2002). The Skeptic encyclopedia of pseudoscience. ABC-CLIO. p. 436. ISBN 978-1-57607-653-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gregory Neil Derry (2002). What Science Is and How It Works. Princeton University Press. p. 170. ISBN 978-0-691-09550-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gregory J. Feist (2006). The psychology of science and the origins of the scientific mind. Yale University Press. pp. 219. ISBN 978-0-300-11074-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Numbers 2006, pp. 268–285
- ↑ Plavcan, J. Michael (2007). "The Invisible Bible: The Logic of Creation Science". Sa Petto, Andrew J.; Godfrey, Laurie R. (mga pat.). Scientists Confront Creationism. New York, London: Norton. pp. 361. ISBN 978-0-393-33073-1.
Most creationists are simply people who choose to believe that God created the world-either as described in Scripture or through evolution. Creation scientists, by contrast, strive to use legitimate scientific means both to disprove evolutionary theory and to prove the creation account as described in Scripture.
{{cite book}}
: Invalid|ref=harv
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Numbers 2006, pp. 271–274
- ↑ E. Scott, "The Evolution of Creationism Naka-arkibo 2012-03-01 sa Wayback Machine.", Goucher College lecture 13 Marso 2006, mp3 format.
- ↑ Scott, Eugenie (2004-06-30). Evolution vs Creationism. Greenwood Press. pp. 1590–1628 Kindle ed. ISBN 978-0-313-32122-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The Vanishing Case for Evolution, Henry M. Morris, Institute for Creation Research
- ↑ Comparison of all skulls, TalkOrigins Archive
- ↑ "Time Magazine, 15 Agosto 2005, page 32". Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Hunyo 2006. Nakuha noong 10 Nobiyembre 2012.
{{cite web}}
: Check date values in:|access-date=
(tulong) - ↑ Lehninger, Albert (1993). Principles of Biochemistry, 2nd Ed. Worth Publishers. ISBN 0-87901-711-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kaila, V. R. and Annila, A. (8 Nobyembre 2008). "Natural selection for least action". Proceedings of the Royal Society A. 464 (2099): 3055–3070. Bibcode:2008RSPSA.464.3055K. doi:10.1098/rspa.2008.0178.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Howe, G. F.; Froede, C. R. .J.r. (1999). "The Haymond Formation Boulder Beds, Marathon Basin, West Texas: Theories On Origins And Catastrophism". Creation Research Society Quarterly Journal. 36 (1). Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-07-25. Nakuha noong 2008-06-13.
{{cite journal}}
: More than one of|number=
at|issue=
specified (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Total Precipitable Water Naka-arkibo 2011-09-05 sa Wayback Machine., NWCSAF.
- ↑ Nuclear Decay: Evidence For A Young World, D. Russell Humphreys, Impact, Number 352 Oktubre 2002.
- ↑ Young-Earth Creationist Helium Diffusion "Dates" Fallacies Based on Bad Assumptions and Questionable Data, Kevin R. Henke, TalkOrigins website, Original version: 17 Marso 2005, Revision: November 24, 2005.
- ↑ R.A.T.E: More Faulty Creation Science from The Insitutute for Creation Research Naka-arkibo 2010-06-25 sa Wayback Machine., J. G. Meert, Gondwana Research, The Official Journal of the International Association for Gondwana, November 13, 2000 (updated 6 Pebrero 2003).
- ↑ Claim CF210, Mark Isaak (editor), Index to Creationist Claims, TalkOrigins website, 2004.
- ↑
In refutation of young-Earth claims of inconstant decay rates affecting the reliability of radiometric dating, Roger C. Wiens, a physicist specializing in isotope dating states:
{{quote|There are only three quite technical instances where a half-life changes, and these do not affect the dating methods [under discussion]. Dating methods discussed were potassium-argon dating, argon-argon dating, rubidium-strontium dating, samarium-neodymium dating, lutetium-hafnium, rhenium-osmium dating, and uranium-lead dating.:
- Only one technical exception occurs under terrestrial conditions, and this is not for an isotope used for dating. ... The artificially-produced isotope, beryllium-7 has been shown to change by up to 1.5%, depending on its chemical environment. ... [H]eavier atoms are even less subject to these minute changes, so the dates of rocks made by electron-capture decays would only be off by at most a few hundredths of a percent.
- ... Another case is material inside of stars, which is in a plasma state where electrons are not bound to atoms. In the extremely hot stellar environment, a completely different kind of decay can occur. 'Bound-state beta decay' occurs when the nucleus emits an electron into a bound electronic state close to the nucleus. ... All normal matter, such as everything on Earth, the Moon, meteorites, etc. has electrons in normal positions, so these instances never apply to rocks, or anything colder than several hundred thousand degrees. ...
- The last case also involves very fast-moving matter. It has been demonstrated by atomic clocks in very fast spacecraft. These atomic clocks slow down very slightly (only a second or so per year) as predicted by Einstein's theory of relativity. No rocks in our solar system are going fast enough to make a noticeable change in their dates.
- ↑ Radiometric Dating, A Christian Perspective, Roger C. Wiens, American Scientific Affiliation, p20-21
- ↑ "Polonium Haloes" Refuted - A Review of "Radioactive Halos in a Radio-Chronological and Cosmological Perspective" by Robert V. Gentry by Thomas A. Baillieul. Copyright 2001–2005. Last Updated 22 Abril 2005.
- ↑ Robert Day (1997). "The Decay of c-decay".
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ On the Velocity of Light Three Centuries Ago
- ↑ Roemer, navigation, and the speed of light, American Journal of Physics, Hulyo 1986, Volume 54, Issue 7, p. 583
- ↑ Russell Humphreys (1994). "Starlight and Time".
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Alex Williams; John Hartnett (2005). Dismantling the Big Bang: God's Universe Rediscovered. New Leaf Publishing Group. pp. 178. ISBN 978-0-89051-437-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ D. Russel Humphreys (2001). "Seven Years of Starlight and Time" (PDF). Impact (338).
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pitts, J. Brian (Marso 2009). "Nonexistence of Humphreys' "Volume Cooling" for Terrestrial Heat Disposal by Cosmic Expansion" (PDF). Perspectives on Science and Christian Faith. 61 (1): 23–28. Nakuha noong 2011-05-29.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Claim CE412: Fast Old Light". The TalkOrigins Archive. 2003-08-01. Nakuha noong 2012-07-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Evidence for the Big Bang, Björn Feuerbacher and Ryan Scranton, TalkOrigins Archive
- ↑ Young-Earth Issues: Is the Big Bang Dead? Naka-arkibo 2012-01-20 sa Wayback Machine., Jeff Zweerink, Reasons to Believe, 4 Pebrero 2011
- ↑ IAP STATEMENT ON THE TEACHING OF EVOLUTION Naka-arkibo 2011-09-29 sa Wayback Machine., Interacademy Panel on International Issues.
- ↑ Danny Faulkner (1997), Comets and the age of the solar system, nakuha noong 2010-03-31
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jonathan Sarfati (2003). "Comets—portents of doom or indicators of youth?". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-01-03. Nakuha noong 2010-03-31.
{{cite web}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.talkorigins.org/faqs/moonrec.html
- ↑ TalkOrigins Index to Creationist Claims Claim 110 talkorigins.org edited by Mark Isaak. 2005.
- ↑ TalkOrigins Index to Creationist Claims Claim 261 talkorigins.org edited by Mark Isaak. 2004.
- ↑ "How Good are those Young-Earth Arguments: Hovind's 'Proofs'". TalkOrigins Archive. Nakuha noong 2008-08-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Comment: I no longer support the ideas in that book. The arguments are typical young-earth arguments which I have totally rejected as being totally fallacious." — "Publications by Glenn R. Morton". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-22. Nakuha noong 2009-08-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kumagai, Naoichi; Sadao Sasajima, Hidebumi Ito (15 Pebrero 1978). "Long-term Creep of Rocks: Results with Large Specimens Obtained in about 20 Years and Those with Small Specimens in about 3 Years". Journal of the Society of Materials Science (Japan). Japan Energy Society. 27 (293): 157–161. Nakuha noong 2008-06-16.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Morton, Glenn R.; Slusher, Harold S.; Mandock, Richard E. (1983). "The Age of Lunar Craters". Creation Research Society Quarterly. 20 (2): 105–108.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Danny Faulkner (1999). "A biblically-based cratering theory". Technical Journal. 13 (1).
{{cite journal}}
:|access-date=
requires|url=
(tulong); Italic or bold markup not allowed in:|journal=
(tulong); Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wayne R. Spencer (2000). "Response to Faulkner's 'biblically-based cratering theory'". Technical Journal. 14 (1).
{{cite journal}}
:|access-date=
requires|url=
(tulong); Italic or bold markup not allowed in:|journal=
(tulong); Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga tala hinggil sa terminolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Habang ang katagang mito ay kadalasang kolokyal na ginagamit upang tumukoy sa "isang hindi totoong kuwento", ang artikulong ito ay gumagamit ng kataga ayon sa pang-akademyang kahulugan na "isang banal na salaysay na nagpapaliwanag kung paano nagkaroon at nalikha ang mundo at ang sangkatauhan sa kanilang pangkasalukuyang kaanyuhan" (Dundes A, 1996. "Madness in method plus a plea for projective inversion in myth". Nasa LL Patton & W Doniger (mga patnugot), Myth & method. Charlottesville: University Press of Virginia pp. 147-162).