Pumunta sa nilalaman

Dakilang Constantino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dakilang Constantino
Ika-57 Emperador ng Imperyo Romano
Ulo ng estatwa ni Constantino sa Capitoline Museums.[1]
Paghahari25 Hulyo 306 CE – 29 Oktubre 312 CE[notes 1]
29 Oktubre 312 – 19 Setyembre 324[notes 2]
19 Setyembre 324 – 22 Mayo 337[notes 3]
Buong pangalanFlavius Valerius Aurelius Constantinus Augustus
Kapanganakan27 Pebrero ca. 272[2]
Lugar ng kapanganakanNaissus, Moesia Superior, kasalukuyang Serbia
Kamatayan22 Mayo 337(337-05-22) (edad 65)
Lugar ng kamatayanNicomedia
SinundanConstantius I
KahaliliConstantino II
Constantius II
Constans I
KonsorteMinervina, namatay o nadiborsiyo bago ang 307
Fausta
SuplingConstantina
Helena
Crispus
Constantine II
Constantius II
Constans
DinastiyaDinastiyang Constantinian
AmaConstantius Chlorus
InaSanta Elena
San Constantino
Mosaics sa Hagia Sophia, Si San Constantino kasama ang isang modelo ng lungsod
Emperor, Confessor, Equal to the Apostles
Benerasyon sa
  • Romano Katoliko
  • Silangang Ortodokso
  • Ortodoksiyag Koptiko
  • Ortodoksiyang Oryental
  • Bisantinong Katoliko
  • Lutheran Church
  • Anglican Communion
Pangunahing dambanaChurch of the Holy Apostles , Constantinople kasalukuyang Istanbul, Turkey
Kapistahan21 May
KatangianChi Rho
Labarum
In Hoc Signo Vinces
PatronConverts

Si Caesar Flavius Valerius Aurelius Constantinus Augustus[3] (27 Pebrero c. 272[2] – 22 Mayo 337), karaniwang kilala bilang Constantino I, Dakilang Constantino, Constantino ang Dakila, o (sa Silanganing Simbahang Ortodokso, Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alehandriya, Ortodoksiyang Oriental at Simbahang Katoliko mga Kristiyano) San Constantino, ay gumanap na Emperador Romano mula 306 AD, at siyang walang kumalabang tagapaghawak ng tanggapan mula 324 hanggang kanyang kamatayan noong 337 AD. Kilalang-kilala dahil sa kanyang pagiging unang Kristiyanong Romanong emperador, binaligtad o tinanggal ni Constantino I ang mga pag-uusig na isinagawa ng kanyang pinalitang emperador na si Diocleciano, at naglabas ng (kapanalig ang kanyang kasamang emperador din na si Licinius) ang Edikto ng Milano noong 313, na nagpahayag at nagdeklara ng tolerasyon ng relihiyon sa kabuoan ng imperyo.

Nakatala sina Constantino I at ang kanyang inang si Helena ng Konstantinople bilang mga santo sa Bisantinong kalendaryong liturhikal, na sinusunod sa ritong Bisantino ng Silanganing Simbahang Ortodokso at ng Silanganing mga Simbahang Katoliko. Bagaman hindi siya kabilang sa talaan ng mga santo ng Simbahang Latin (sa ritong Latin), na kumikilala sa iba pang mga taong may pangalang Constantino bilang mga santo, pinaparangalan si Constantino I sa pamamagitan ng pagdaragdag ng "Ang Dakila" sa kanyang pangalan dahil sa kanyang mga ambag sa Kristiyanismo.

Binago rin ni Constantino I ang sinaunang kolonyang Griyego ng Byzantium upang maging isang bago niyang tahanang imperyal, na mananatiling isang kabisera ng Imperyong Bisantino sa loob ng isang libong mga taon. Ang Byzantium ay naging Constantinople o "Lungsod ni Konstantino", na ngayo'y Istanbul.

Si Flavius Valerius Constantinus na orihinal na pangalan ni Constantino I ay ipinanganak sa Naissus sa probinsiyang Dardania ng Moesia sa kasalukuyang panahong Niš, Serbia noong Pebrero 27 sa hindi matiyak na tao na malamang ay malapit sa 272 CE. Ang kanyang ama ay si Flavius Constantius na katutubo ng probinsiyang Dardania na kalaunan ay Dacia Ripensis. Ang kanyang ama ay isang opiser ng hukbong ROmano na bahagi ng mga bantay ng emperador Aurelian. Ang kanyang ama ay naging gobernador ng Dalmatia mula kay Emperador Diocletian na isa pang kasama ni Aurelia mula sa Illyricum, noong 284 o 285. Ang ina ni Constantino ay si Helene na isang babaeng Bithynian na may mababang katayuan sa lipunan. Hindi matiyak kung siya ay legal na ikinasal sa ama ni Constantino I o isa lamang kerida. Noong Hulyo 285, inihayag ni Diocletian si Maximian na isa pang kasama mula sa Illyricum bilang kanyang kapwa-emperador. Ang bawat emperador ay may sarili nilang korte, militar, at mga kagawarang administratibo at mamumuno na may hiwalay na prepektong praetoriano bilang hepeng tenyente. Si Maximian ay namuno sa Kanluran mula sa kanyang mga kabisera sa Mediolanum (Milan, Italya) o Augusta Treverorum (Trier, Alemanya) samantlang si Diocletian ay namuno sa Silangan mula sa Nicomedia (İzmit, Turkey). Ang paghahati ay isa lamang pragmatiko. Ang imperyo ay hindi mahahati sa opsiyal na panegyric at ang parehong emperador ay malayang makagagalaw sa buong imperyo. Noong 288, hinirang ni Maximian si Constantius na kanyang maging perpektong praetorian sa Gaul. Iniwan ni Constantius si Helena upang pakasalan ang anak ng asawa ni Maximianna si Theodora noong 288 o 289. Hinating muli ni Diocletian ang imperyo noong 293 at humirang ng dalawang mga caesar (batang emperador) upang mamuno sa mga karagdagan pang mga subdibisyon ng Silangan at Kanluran. Ang bawat isa ay magpapailalim sa kanilang mga respektibong Augusto (nakatatandang emperador) ngunit may supremang kapangyarihan sa kanilang mga itinakdang lupain. Ang sistemang ito ay kalaunang tinawag na tetrakiya. Ang unang hinirang ni Diocletian bilang Caesar ay si Constantius at ang ikalawa ay si Galerius na katutubo ng Felix Romuliana. Ayon kay Lactantius, si Galerius ay isang malupit na hayop na tao. Bagaman nagsasalo siya na paganismo sa aristokrasya ng Roma, ang mga ito ay tila iba sa kanya na isang kalahating barbariano. Noong Marso 1, itinaas si Constantius sa opisina ng Caesar at ipinadala sa Gaul upang labanan ang mga rebeldeng sina Carausius at Allectus. Napanatili ng tetrakiya ang mga bakas ng pribilehiyang pagmamana at si Constantino I ang naging pangunahing kandidato para sa paghirang sa hinaharap bilang Caesar sa sandaling makuha ng kanyang ama ang posisyon. Si Constantino ay tumira sa korte ni Diocletion bilang ang ipinagpapalagay ng kanyang amang tagapagmana ng posisyon. Si Constantino ay tumanggap ng isang pormal na edukasyon sa korte ni Diocletian kung saan siya natuto ng panitikang Latin, panitikang Griyego at pilosopiya. Dahil hindi buong pinagkakatiwalaan ni Diocletian si Constantius, si Constantino ay hawak bilang isang bihag na isang kasangkapan para masiguro ang mahusay na pag-aasal ni Constantius. Gayunpaman, si Constantino ay isang mahalagang kasapi ng korte at nakipaglaban para kay Diocletian at Galerius sa Asya at nagsilbi sa iba't ibang mga tribunato. Nakipaglaban siya laban sa mga barbaro sa Danube noong 296 at sa mga Persia (Persian) sa ilalim ni Diocletian sa Syria noong 297 at sa ilalim ni Galerius sa Mesopotamia noong 298–99. Noong mga 305, si Constantino ay naging isa nang tribune ng unang order na isang tribunus ordinis primi. Bumalik si Constantino sa Nicomedia mula sa silangan noong mga 303 at nasaksihan ang mga pagsisimula ng "Malaking Pag-uusig" ni Diocletian na malalang pag-uusig ng mga Kristiyano sa kasaysayang Romano. Noong 302, si Diocletian ay nagsugo ng sugo sa orakulo ni Apollo sa Didyma na may pagsisiyasat tungkol sa mga Kristiyano. Naalala ni Constantino ang kanyang presensiya sa palasyo nang ang sugo ay bumalik at tinanggap ni Diocletian ang mga hiling ng kanyang korte para sa pangkalahatang pag-uusig. Noong 23 Pebrero 303, inutos ni Diocletian ang pagwasak ng bagong simbahan sa Nicomedia at pinasunog ang mga kasulatan nito at sinamsam ang mga kayamanan nito. Sa mga sumunod na buwan, ang mga simbahan at mga kasulatan nito ay sinunog, ang mga Kristiyano ay inalis ng mga ranggo at ang mga pari nito ay ipinabilanggo. Noong 1 Mayo 305, dahil sa sakit, si Diocletian ay nagbitiw sa tungkulin. Sa katulad na seremonya sa Milan, si Maximian ay nagbitiw rin. Isinaad ni Lactantius na minanipula ni Galerius ang mahinang si Diocletian para magbitiw at pinwersa niya itong tanggapin ang paghalili ng mga alyado ni Galerius. Ayon kay Lactantius, ang mga taong nakikinig ay naniwalang sa talumpating pagbibitiw ni Diocletian na hanggang sa huling sandali na pipiliin ni Diocletian sina Constantino at Maxmintius na anak ni Maximian bilang kanyang mga kahalili. Sa halip, sina Constantius at Galerius ang ginawang Augusto at sina Severus at Maximin ang hinirang na mga Caesar. Sina Constantino at Maxentius ay hindi pinansin. Ang ilang mga sangguniang sinauna ay nagdedetalye ng mga pagtatangka sa buhay ni Constantino pagkatapos ng pagbibitiw ni Diocletian ngunit sa mga pagtatangkang ito ay palaging nagwagi si Constantino. Ang mga kuwentong ito ay hindi matiyak kung mapagkakatiwalaan.[4] Nakilala ni Constantino ang panganib na manatili sa korte ni Galerius. Ang kanyang karera ay nakasalalay sa pagsagip sa kanya ng kanyang ama sa kanluran. Mabilis na namagitan si Constantius. Noong 305, humiling si Constantius na lumisan ang kanyang anak sa korte upang tulungan siya sa kampanya sa Britanya at ito ay pinahintulan ni Galerius. Ang kalaunang propaganda ni Constantino ay naglarawan kung paanong tumakas siya sa korte sa gabi bago baguhin ni Galerius ang kanyang isipan. Sa pagkagising ni Galerius nang sumunod na umaga, malayo nang nakatakas si Constantino. Sinalihan ni Constantino ang kanyang ama sa Gaul sa Bononia (Boulogne) bago ang tag-init ng 305.

Kristiyanismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Barya ni Emperador Constantino I na nagpapakita kay Sol Invictus, SOLI INVICTO COMITI na opisyal na Diyos na Araw ng Imperyo Romano, ca. 315 CE.

Ayon sa mga manunulat na Kristiyano, nang maging emperador si Dakilang Constantino I ng Kanlurang Imperyo Romano noong 312 CE, kanyang itinuro ang kanyang pagkapanalo sa isang labanan sa diyos ng Kristiyanismo. Inangkin ng mga sangguniang Kristiyano na si Constantino I ay tumingin sa araw bago ang labanan sa tulay na Milvian at nakita ang isang krus ng liwanag sa itaas nito na may mga salitang "ΕΝ ΤΟΥΤΩ ΝΙΚΑ" ("sa pamamagitan nito, sumakop!"). Iniutos ni Constantino sa kanyang mga hukbo na palamutian ang kanilang mga kalasag ng isang simbolong Kristiyano (Chi Ro) at pagkatapos nito ay nanalo sa labanan.

Pagkatapos ng labanan sa tulay ng Milvian, ang bagong emperador na Constantino I ay hindi pumansin sa mga dambana ng mga diyos na Romano sa Capitolino at hindi rin nagsagawa ng mga handog ayon sa kustombreng Romano upang ipagdiwang ang pagpasok ng pagwawagi sa Roma. Sa halip nito, siya ay tuwirang tumungo sa palasyo ng emperador. Gayunpaman, ang karamihan ng mga maimpluwensiyal na tao sa imperyo Romano lalo na ang mga opisyal ng militar ay hindi nagpaakay sa Kristiyanismo at nanatiling lumalahok sa relihiyon ng Sinaunang Roma. Sa pamumuno ni Constantino I, kanyang sinikap na pahupain ang mga paksiyong ito na hindi Kristiyano. Ang mga salaping Romano na inilimbag hanggang 8 taon pagkatapos ng labanan sa tulay na Milvian ay naglalaman pa rin ng mga imahen ng mga Diyos na Romano.[kailangan ng sanggunian] Ang mga monumentong unang kinomisyong itayo ni Constantino I gaya ng Arko ni Constantino ay hindi naglalaman ng anumang reperensiya sa Kristiyanismo.[5] Sa halip, ang mga munting estatwa ng Diyos na Romanong si Sol Invictus na dala dala ng mga tagapagdala ng pamantayan ay lumilitaw sa tatlong lugar sa mga relief ng Arko ni Constantino. Ang mga opisyal na barya ni Constantino I ay patuloy na naglalaman ng mga imahen ni Sol Invictus hanggang noong 325/6 CE.

Kasama ng emperador ng Silangan Imperyo Romano na si Licinius, si Constantino ay naglabas ng Kautusan ng Milan na nag-atas ng pagpayag ng lahat ng mga relihiyon sa imperyo kabilang ang mga tradisyonal na relihiyong Romano at ang Kristiyanismo. Ang kautusang ito ay humigit din sa mas maagang Kautusan ni Galerius noong 311 dahil sa pagbabalik nito ng mga kinumpiskang mga pag-aari ng Simbahang Kristiyano. Gayunpaman, ang atas na ito ay may kaunting epekto sa mga saloobin ng tao.[6] Ang mga bagong batas ay nilikha upang isabatas ang ilan sa mga paniniwala at kasanayang Kristiyano. [Note 1][7] Ang pinakamalaking epekto sa Kristiyanismo ni Constantino ang kanyang pagtangkilik sa relihiyong ito. Siya ay nagkaloob ng malalaking regalo ng mga lupain at salapi sa simbahan at nag-alok ng mga eksempsiyon sa buwis at iba pang mga legal na katayuan sa mga pag-aari ng simbahan at mga tauhan nito.[8] Ang pinagsamang mga regalong ito at ang mga kalaunan pang regalo ni Constantino sa simbahan ay gumawa sa simbahan na pinakamalaking may ari ng lupain sa Kanluranin noong ikaanim na siglo CE.[9] Ang karamihan sa mga regalong ito ay pinondohan sa pamamagitan ng malalang mga pagbubuwis sa mga kultong pagano.[8] Ang ilang mga kultong pagano ay pinwersang tumigil sa kawalan ng mga pondo. Nang ito ay mangyari, pinalitan ng simbahang Kristiyano ang nakaraang papel ng mga kulto sa pagkalinga sa mga mahihirap ng lipunan.[10] Sa isang repleksiyon ng tumaas na katayuan ng kaparian sa imperyo Romano, ang mga ito ay nagsimulang magsuot ng kasuotan ng mga sambahayan ng mga marharlika.[11] Sa paghahari ni Emperador Constantino I, ang tinatayang kalahati ng mga Kristiyano ay hindi sumusunod sa kalaunang nagwaging bersiyon ng Kristiyanismo[12] at may pagkakaiba iba sa mga paniniwala ang mga Kristiyano.[13] Natakot si Constantino na ang kawalang pagkakaisa ay magpagalit sa diyos at humantong sa mga problema sa imperyo. Dahil dito, siya ay nagsagawa ng mga kautusang militar at panghukuman upang lipulin ang ilang mga sekta ng Kristiyanismo.[14] Upang lutasin ang ibang mga alitan, si Constantino ay nagsimula ng kasanayan na tumatawag sa mga konsehong ekumenikal upang matukoy ang mga nagtataling interpretasyon ng doktrina ng Kristiyanismo.[15] Pinagtibay sa Unang Konseho ng Nicaea noong 325 CE ang pananaw ng ilang mga obispo na si Hesus na Anak ay katumbas ng Ama, kaisa ng Ama at may kaparehong substansiya (homoousios sa Griyego). Kinondena ng Unang Konseho ng Nicaea ang mga katuruan ng heterodoksong teologong si Arius na may suporta ng ilang mga obispo na ang Anak ay nilikhang nilalang ng Ama, mas mababa sa Diyos Ama, may pasimula at hindi kapwa walang hanggan sa Ama at ang Ama at Anak ay ng isang katulad na substansiya (homoiousios) ngunit hindi ng kaparehong substansiya. Kabilang sa mga talatang ginamit ni Arius upang suportahan ang kanyang pananaw ang Juan 14:28, Colosas 1:15, Kawikaan 8:22 (Nilikha ako ng Panginoon sa pasimula ng kanyang gawa) at iba pa. Sa tinatayang mga 250–318 Kristiyano na dumalo, ang lahat maliban sa 2 ang bumoto laban sa pananaw ni Arius. Sa kabila ng mga resulta ng halalan sa Unang Konseho ng Nicaea, ang kontrobersiya ay nagpatuloy. Ang relihiyong Arianismo ay yumabong sa labas ng imperyo Romano.[16] Ang lahat ng mga hindi naniniwala sa kredong Niceno ay kadalasang tinawag ng mga kalaban nitong (ibang Kristiyano) na mga Arian bagaman ang mga ito ay hindi kumilala sa mga sarili nito ng gayon.[17] Pinaniniwalaang ipinatapon ni Constantino I ang mga tumangging tumanggap sa Kredong Niceno kabilang ang mismong si Arius, ang deakonong si Euzois at ang mga obispong Libyan na sina Theonas ng Marmarica at Secundus ng Ptolemais gayundin ang mga obispong lumagda sa kredo ngunit tumangging sumali sa pagkokondena kina Arius, Eusebio ng Nicomedia at Theognis ng Nicaea. Inutos rin ni Constantino I na sunugin ang lahat ng mga kopya ng Thalia na aklat na pinaghayagan ni Arius ng kanyang mga katuruan.

Noong 331 CE, kinomisyon ni Constantino I si Eusebio ng Caesarea na maghatid ng 50 bibliya para sa Simabahn ng Constantinople. Itinala ni Atanasio na ang mga 40 skribang Alehandriyano ay naghanda ng mga bibliya para kay Constans. Pinaniniwalaang ang mga bibliyang inutos ni emperador Constantino ang naging dahilan upang likhain ang mga kanon.

Bagaman nakatuon si Constantino I sa pagpapanatili ng Kredong Niseno, si Constantino ay naging determinado na papayapain ang sitwasyon at kalaunan ay naging mas maluwag sa mga kinondena at ipinatapon ng Unang Konseho ng Nicaea. Pinayagan ni Constantino I si Eusebio ng Nicomedia na protégé ng kanyang kapatid na babae at si Theognis na bumalik matapos lumagda ng isang hindi malinaw na pahayag. Ang dalawang ito at ibang mga kaibigan ni Arius ay gumawa para sa rehabilitasyon ni Arius. Sa Unang Synod ng Tyre noong 335 CE, sila ay nagdala ng mga akusasyon laban kay Atanasio na obispo ng Alehandriya at tagapagtaguyod ng pananampalatayang Niseno. Si Atanasio ay ipinatapon ni Constantino na tumuring sa kanyang isang hadlang sa pakikipagkasunduan. Kalaunan ay naakay si Dakilang Constantino I sa Arianismo at binautismuhan ng obispong Ariano na si Eusebio ng Nicomedia noong 2 Mayo 337 CE bago mamatay si Constantino. Si Eusebio ng Nicomedia ay napakaimpluwensiyal sa Imperyo kahit pagkatapos ng kanyang kamatayan na pinakinggan ni anak ni Constantino na si Emperador Constantius II ang kanyang payo at ni Eudoxus ng Constantinople na tangkaing akayin ang Imperyo Romano sa Arianismo sa pamamagitan ng paglikha ng mga Konsehong Ariano at opisyal na mga doktrinang Ariano.[18] Dahil kay Eusebio ng Nicomedia na "Sa kabuuan, si Constantino at ang kanyang mga kahalili sa trono ay gumawang miserable sa mga pinuno ng Simbahan na naniwala sa Niseno at sa pormulang Trinitariano nito."[19] Si Constantino I ay namatay noong 337 CE na nag-iwan sa kanyang anak na si Constantius II na pumabor sa Arianismo bilang emperador ng Silangang Imperyo Romano at ang isa pang anak ni Constantino I na si Constans na pumabor naman sa Kredong Niseno bilang emperador ng Kanlurang Imperyo Romano. Ang isang konseho sa Antioquia noong 341 CE ay naglabas ng isang pagpapatibay ng pananampalataya na hindi nagsama ng sugnay na homoousion (ng parehong substansiya). Si Constantius na nakatira sa Sirmium ay nagtipon ng Unang Konseho ng Sirmium noong 347 CE. Ito ay sumalungat kay Photinus na obispo ng Sirmium na isang Anti-Ariano na may paniniwalang katulad kay Macellus. Noong 350 CE, si Constantius ang naging tanging emperador ng parehong Silangan at Kanluran ng Imperyo na naging dahilan ng isang temporaryong paglakas ng Arianismo. Sa Ikalawang Konseho ng Sirmium noong 351 CE, si Basil na obispo ng Ancyra at pinuno ng mga semi-Ariano ay nagpatalsik kay Photinus. Ang mga semi-Ariano ay naniwala na ang Anak ay "ng katulad na substansiya" (homoiousios) sa Ama. Ang mga konseho ay idinaos sa Arles noong 353 CE at Milan noong 355 CE kung saan kinondena ang pro-Nicenong si Atanasio. Noong 356 CE, si Atanasio ay ipinatapon at si George ay hinirang na obispo ng Simbahan ng Alehandriya. Ang Ikatlong Konseho ng Sirmium noong 357 CE ay isang mataas na punto ng Arianismo. Ang Ikapitong Konpesyong Ariano (Ikalawang konpesyong Sirmium) ay nagsaad na ang parehong homoousio (ng parehong isang substansiya) at homoiousios (ng katulad ngunit hindi parehong substansiya) ay hindi biblikal at ang Ama ay mas dakila sa Anak. Ang isang konseho sa Ancyra noong 358 CE na pinangasiwaan ni Basil ay naglabas ng isang pahayag na gumagamit ng terminong homoousios. Gayunpaman, ang ikaapat na Konseho ng Sirmium noong 358 ay nagmungkahi ng isang malabong kompromiso na ang Anak ay homoios (katulad na substansiya) ng Ama. Sa dalawang mga konseho noong 359 CE sa Rimini at Seleucia ay tinangka ni Constantius na ipataw ang pormulang homoios ng Sirmium IV sa Simbahang Kristiyano. Ang Konseho ng Constantinople noong 360 CE ay sumuporta sa isang kompromiso na pumapayag sa parehong magkatunggaling pananaw na Niceno at Arianismo. Ang isang konseho sa Constantinople noong 361 CE ay nagpatibay ng homoios (katulad sa substansiya) na nagsasaad na ang Anak ay "katulad ng Ama na nagpanganak sa kaniya". Itinakwil din nito ang ousia (substansiya). Gayunpaman, sa kamatayan ni Constantius noong 361 CE, ang partidong Niceno na nagpatibay ng homoosuios (ng parehas na substansiya) ay nagpalakas ng posisyon nito. Sa kamatayan ni Athanasio noong 373 CE, ang mga mga amang Capadocio ay nanguna sa pagsuporta ng pananampalatayang Niceno.

  1. Halimbawa, ayon kay Bokenkotter, ang linggo ay ginawang araw ng kapahingahan sa estadong Romano, ang mga mas malupit na parusa ay ibinigay sa prostitusyon at adulteriya at ang ilang mga proteksiyon ay ibinigay sa mga alipin. (Bokenkotter, pp. 41–42.)
  1. Caesar in the west; self-proclaimed Augustus from 309; recognized as such in the east in Abril 310.
  2. Undisputed Augustus in the west, senior Augustus in the empire.
  3. As emperor of whole empire.
  1. Jás Elsner, Imperial Rome and Christian Triumph, 64, fig.32
  2. 2.0 2.1 Nag-iiba-iba ang mga petsa ngunit mas ginagamit ng makabagong mga historyador ang c. 272". Lenski, "Reign of Constantine" (CC), 59.
  3. Sa Latin, ang opisyal na pang-imperyong pamagat ni Constatino I ay IMPERATOR CAESAR FLAVIVS CONSTANTINVS PIVS FELIX INVICTVS AVGVSTVS, Imperator Caesar Flavius Constantine Augustus, the pious, the fortunate, ang hindi nagapi. Pagkaraan ng 312, idinagdag niya ang MAXIMVS ("ang pinakadalika"), at pagkalipas ng 325, pinalitan niya ang "hindi nagapi" ng VICTOR, dahil nakapagpapaalala ang invictus ng Sol Invictus, ang Diyos ng Araw.
  4. Lenski, "Reign of Constantine" (CC), 61.
  5. J.R. Curran, Pagan City and Christian Capital. Rome in the Fourth Century (Oxford, 2000) pp. 70–90.
  6. McMullen, p. 44.
  7. Bokenkotter, p. 41.
  8. 8.0 8.1 McMullen, pp. 49–50.
  9. Duffy, p. 64.
  10. McMullen, p. 54.
  11. MacCulloch, Christianity, p. 199.
  12. McMullen, p. 93.
  13. http://www.pbs.org/wgbh/pages/frontline/shows/religion/first/diversity.html
  14. Duffy, p. 27. Chadwick, Henry, p. 56.
  15. Duffy, p. 29. MacCulloch Christianity, p. 212.
  16. MacCulloch, Christianity, p. 221.
  17. Lenski, Noel, Failure of Empire, University of California Press, 2002, ISBN 0-520-23332-8, pp235–237.
  18. Guitton, "Great Heresies and Church Councils", pp.86.
  19. Ellingsen, "Reclaiming Our Roots: An Inclusive Introduction to Church History, Vol. I, The Late First Century to the Eve of the Reformation", pp.119.
Dakilang Constantino
Kapanganakan: 10 Pebrero 272 Kamatayan: 22 Mayo 337
Mga Pangmaharlikang Pamagat
Sinundan:
Constantius Chlorus
Emperador Romano
306–337
kasama ni Galerius, Licinius at Maximinus Daia
Susunod:
Constantius II,
Constantine II
and Constans