Pumunta sa nilalaman

Dencio Padilla

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dencio Padilla
Kapanganakan7 Mayo 1929
  • (Kalakhang Maynila, Pilipinas)
Kamatayan10 Oktubre 1997
MamamayanPilipinas
Trabahokomedyante, artista
AnakDennis Padilla

Si Dencio Padilla (Setyembre 2, 1928 sa Nagcarlan, Laguna – October 10, 1997 sa Lungsod Quezon), ipinanganak bilang Prudencio Baldivia,[1] ay isang artista at komedyante mula sa Pilipinas. Kilala sa tawag na Tata Dens[2] sa mga kasamahan sa shobis, lumabas siya sa maraming pelikula bilang pansuportang aktor tulad ng Durango (1967).[3] Kapansin-pansin na pangunahin siyang lumalabas sa mga pelikulang aksyon ni Fernando Poe Jr. bilang kanyang pansuportang artista o sidekick.[4]

Dahil sa kanyang kahusayan bilang pansuportang aktor, nanomina siya ng iba't ibang parangal. Kabilang dito ang pagnomina sa kanya ng Gawad FAMAS bilang Pinakamahusay na Pansuportang Aktor para sa mga pelikulang Ito ang Maynila (1964)[5][6] at Tatak ng Yakuza (1984).[7] Noong 1991, nanalo naman siya sa kanyang nominasyon dahil sa paglabas niya siya sa pelikula nina Fernando Poe Jr. at Sharon Cuneta na Kahit Konting Pagtingin noong 1990, at dahil dito nagawaran siya ng parangal ng Film Academy of the Philippines (o FAP, literal sa Tagalog: Akademya ng Pelikula ng Pilipinas) bilang Pinakamahusay na Pansuportang Aktor.[8][9]

Bilang isang komedyante, bagaman ipinanganak sa Nagcarlan, Laguna, kilala siya sa kanyang puntong Batangas o Batangueño (o puntong Ala Eh),[10] isang puntong Tagalog. Ginagawa ito para sa epektong nakakatawa at bigyan diin ang katapangan at katarayan.[10]

Pansariling buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Dencio Padilla sa Nagcarlan, Laguna noong Setyembre 2, 1928.[1] Naging asawa niya si Catalina Dominguez na mula sa Mabalacat, Pampanga.[1] Tumira ang mag-asawa sa Lungsod ng Kalookan at nagkaroon sila ng walong anak kabilang ang pinakilala na si Dennis Padilla na naging artista din.[1][11] Ang iba nilang anak ay sina Samuel, Glenn, Jennifer, Gene, Richard, Ched, at Rot.[1]

Ang iba pang kilalang kapamilya niya ay ang mga artista din na sina Julia Barretto and Claudia Barretto na kanyang mga apo kay Dennis Padilla.[6] At dahil dito, naging manugang niya si Marjorie Barretto na dating asawa ni Dennis Padilla.[12]

Sinugod si Dencio Padilla sa ospital noong Setyembre 30, 1997 nang nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib.[2] Lalabas na sana siya sa ospital nang biglang huminto ang puso niya (o na-cardiac arrest). At dahil dito, namatay siya sa atake sa puso.[2]

Naitampok si Dencio Padilla sa isang komiks na dihital na ipinaskil sa Facebook.[13] Ginawa ang komiks na ito ni Alan Czar Santos para parangalan ang mga komedyanteng Pilipino na namatay na. Bukod kay Dencio, naroon din sa komiks ang iba pang tanyag na komedyante na namatay na tulad nina Dolphy, Panchito, Rene Requiestas, Babalu, Redford White, Tiya Pusit, Joy Viado, Larry Silva, Richie D'Horsie, Tado, Mely Tagasa, German Moreno, Blakdyak, Elizabeth Ramsey, Palito, at marami pang iba.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Siazon, Rachelle (16 Disyembre 2020). "Dennis Padilla: The comedian who played young FPJ in the movies". PEP.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Nobyembre 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Vanzi, Sol Jose (1997-10-11). "COMEDIAN DENCIO PADILLA DEAD". Newflash.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2023-11-04.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Cowie, Peter; Elley, Derek (1977). World Filmography: 1967 (sa wikang Ingles). Fairleigh Dickinson Univ Press. p. 445. ISBN 978-0-498-01565-6. Nakuha noong 12 Nobyembre 2021.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Abanilla, Izel (2022-02-16). "LOOK: Showbiz's most iconic sidekicks". www.gmanetwork.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "FAMAS Awards (1964)". IMDb. Nakuha noong 2023-11-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Macaraeg, Pauline (3 Abril 2019). "Nakakatawa! These Filipino Comedians Made Generations Laugh". Esquiremag.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Nobyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "FAMAS Awards (1984)". IMDb. Nakuha noong 2023-11-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Nora-Boyet top Academy awards; Brocka, best director". news.google.com (sa wikang Ingles). Manila Standard. 28 Mayo 1991. Nakuha noong 12 Nobyembre 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "FAP Awards, Philippines (1991)". IMDb. Nakuha noong 2023-11-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 "'Ala eh' stars". Tempo - The Nation's Fastest Growing Newspaper (sa wikang Ingles). 2020-05-01. Nakuha noong 2023-11-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Dennis Padilla appointed MTRCB board member". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 2017-06-03. Nakuha noong 2023-11-04.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Bernardino, Stephanie (2021-05-03). "Dennis Padilla on failed marriage with Marjorie Barretto: 'I'm the one to blame'". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Late comedy legends brought back to life in comic book". CNN Philippines (sa wikang Ingles). 2019-03-19. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-11-04. Nakuha noong 2023-11-04.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)