Sikolohiyang pampagkakaiba
Sikolohiya |
---|
Saligang agham |
Nilapat na agham |
Mga talaan |
Portada |
Ang sikolohiyang diperensiyal o sikolohiyang pangpagkakaiba (Ingles: differential psychology) ay ang pag-aaral ng mga paraan kung saan nagkakaiba-iba ang mga ugali ng bawat isang tao. Naibubukod ito mula sa iba pang mga aspeto ng sikolohiya dahil sa bagaman ang sikolohiya ay isang pag-aaral ng mga indibiduwal, ang makabagong mga sikologo ay kadalasang nag-aaral ng mga pangkat o pambiyolohiyang mga saligan ng pagtalos (kognisyon).
Bilang halimbawa, sa pagsusuri ng katalaban ng isang bagong terapiya, ang karaniwang pagganap ng terapiya sa isang pangkat ng paglulunas ay maaaring ihambing sa karaniwang katalaban ng isang plasebo (o ng isang bantog na terapiya) na nasa isang pangalawang pangkat na pantaban. Sa ganitong diwa, ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga indibiduwal sa kanilang pagtugon o reaksiyon sa mga pamamahala ng eksperimento at pagtaban ay talagang itinuturing bilang mga kamalian sa halip na bilang isang nakakatawag ng pansin na kababalaghan o penomenang pag-aaralan.
Ito ay dahil sa ang pananaliksik na pangsikolohiya ay nakasalalay sa mga pantaban o mga kontrol na pang-estadistika na nabigyang kahulugan lamang sa mga pangkat ng mga tao. Ang mga sikologo na pangpagkakaiba ng indibiduwal ay karaniwang nagpapahayag ng kanilang pagpansin sa mga indibiduwal habang nag-aaral ng mga pangkat sa pamamagitan ng paghahanap ng mga dimensiyong pinagsasaluhan ng lahat ng mga indibiduwal subalit ikinabubukod o ipinagkakaiba ng mga indibiduwal.