Digmaan sa Crimea
Ang Digmaang Crimeano o Digmaan ng Crimea (Ingles: Crimean War) (1853–1856), na tinatawag ding Digmaan ng Silangan, Digmaan sa Silangan, o Digmaang Silanganin (Ingles: Eastern War; Ruso: Восточная война), ay isang digmaan na pinaglabanan sa pagitan ng Rusya at ng Pransiya, ng Nagkakaisang Kaharian, ng Kaharian ng Sardinia at ng Imperyong Ottomano sa kabilang gilid. Ang karamihan ng pakikipaglaban ay naganap sa Tangway ng Crimea, na ang iba ay nakikipaglaban sa kanlurang Turkiya, at sa paligid ng Dagat Baltiko.
Ang Digmaang Crimeano ay paminsan-minsang tinatawag na unang digmaang "moderno", dahil sa ang mga sandata at mga taktikang ginamit ay hindi pa nakita dati at nakaapekto ito sa lahat ng iba pang mga digmaang naganap pagkalipas nito.[1] Ito rin ang unang digmaan kung saan ginamit ang isang telegrapo upang mabilis na makapagbigay ng kabatiran sa isang pahayagan.[2]
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pabagsak na ang Imperyong Ottomano sa pagsapit ng kalagitnaan ng dekada ng 1800. Ang mga bansang Europeo, na nagnanais ng hangga't maaari ay maraming mga lupain sa paligid ng mundo, ay tumanaw sa Imperyong Ottomano. Ang talagang digmaan ay nagsimula pagkaraan nang sabihin ng Imperyong Romano na ang Rusya, at hindi ang Pransiya, ang mayroong karapatan na prutektahan ang Lupaing Banal na malapit sa pook ng pangkasalukuyang Israel.[3]
Pagkakaiba
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Digmaang Crimeano ay isang napaka mahalagang tuldok sa kasaysayan ng pakikipagdigma. Hindi lamang naiiba ang mga ginamit na sandata, sapagkat ito rin ang unang digmaan na may kaugnayan sa pagbabalita, sa potograpiya, at sa pamamahayag. Ang isang bagay na napaka mahalaga ay ang ito ang unang digmaan na mayroong tunay na mga ospital na nasa pook ng labanan, na pinasimulan ni Florence Nightingale. Ang pagkatalo ng Rusya sa digmaan ang nagsanhi ng pagtaas sa pagpapaunlad ng mga sandata at sa pagwawakas ng kaalipinan noong 1861.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Royle. Preface (Paunang Salita).
- ↑ "The Crimean War: The war that made Britain 'great' - Telegraph". telegraph.co.uk. Nakuha noong 17 Nobyembre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hooker, Richard (1999 [huling pagsasapanahon]). "The Ottomans: European Imperialism and Crisis". wsu.edu. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-01-04. Nakuha noong 9 Abril 2011.
{{cite web}}
: Check date values in:|year=
(tulong)
Mga kawing na panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kronolohiya ng Digmaang Crimeano ng Austria Naka-arkibo 2008-10-24 sa Wayback Machine.
- Kronolohiya ng Digmaang Crimeano ng Pransiya Naka-arkibo 2008-04-01 sa Wayback Machine.
- Kronolohiya ng Digmaang Crimeano ng Dakilang Britanya Naka-arkibo 2008-07-31 sa Wayback Machine.
- Kronolohiya ng Digmaang Crimeano ng Italya Naka-arkibo 2007-09-30 sa Wayback Machine.
- Kronolohiya ng Digmaang Crimeano ng Rusya Naka-arkibo 2008-09-17 sa Wayback Machine.
- Kronolohiya ng Digmaang Crimeano ng Turkiya Naka-arkibo 2008-10-03 sa Wayback Machine.