Dinastiyang Shang
Dinastiyang Shang 商朝
| |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
c. 1750 BK–c. 1027 BK | |||||||||
Katayuan | Kaharian | ||||||||
Kabisera | Yin (kasalukuyang Anyang) | ||||||||
Karaniwang wika | Lumang Tsino | ||||||||
Relihiyon | Katutubong Tsinong relihiyon | ||||||||
Pamahalaan | Monarkiya | ||||||||
Hari | |||||||||
Panahon | Panahon ng Tansong Pula | ||||||||
• Naitatag | c. 1750 BK | ||||||||
• Labanan ng Muye | c. 1027 BK | ||||||||
Lawak | |||||||||
1122 BC est.[1] | 1,250,000 km2 (480,000 mi kuw) | ||||||||
| |||||||||
Bahagi ngayon ng | Tsina |
Dinastiyang Shang | |||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tsino | 商朝 | ||||||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | Shang dynasty | ||||||||||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||||||||||
Alternatibong pangalang Tsino | |||||||||||||||||||||||||||||
Tsino | 殷代 | ||||||||||||||||||||||||||||
Kahulugang literal | Yin era | ||||||||||||||||||||||||||||
|
Ang Dinastiyang Shang (Tsino: 商朝; pinyin: Shāng cháo) o Dinastiyang Yin (Tsino: 殷代; pinyin: Yīn dài), ayon sa tradisyonal na historyograpiya, ay namahala sa lambak ng Ilog Dilaw sa ikalawang milenyo BK, sumunod sa Dinastiyang Xia at sinundan ng Dinastiyang Zhou. Ang klasikong pahayag tungkol sa mga Shang ay nanggagaling sa mga teksto tulad ng Aklat ng mga Dokumento, Mga Salaysay sa Kawayan at Mga Talaan ng Dakilang Historyador. Ayon sa tradisyonal na kronolohiya na batay sa mga kalkulasyon na ginawa noong humigit-kumulang 3 ,000 taon na ang nakakaraan ni Liu Xin, ang Shang ay namahala mula 1766 hanggang 1122 BK, ngunit ayon sa mga kronolohiya batay sa mga "kasalukuyang teksto" ng Mga Salaysay sa Kawayan, sila ay namahala mula 1556 hanggang 1046 BK. Pinetsahan sila ng Kronolohiyang Proyektong Xia–Shang–Zhou mula sa c. 1600 hanggang 1046 BK.
Ang Dinastiyang Shang ay ang pinakamaagang dinastiya ng tradisyonal na Tsinong kasaysayan na suportado ng arkeolohikal na katibayan. Ang mga paghuhukay sa Mga Guho ng Yin (malapit sa kasalukuyang araw na Anyang), na kung alin ay natukoy bilang ang huling Shang na kabisera, ay nakatuklas ng labing-isang mga mahahalagang maharlikang puntod at ang mga pundasyon ng mga palasyo at mga lugar ng pagsusulinaw, na naglalaman ng mga sandatang pandigma at mga labi mula sa parehong mga hayop at taong sakripisyo. Libu-libong mga tansong pula, hade, bato, buto, at mga seramikang artipakto ang natagpuan.
Ang lugar sa Anyang ay nagbunga ng pinakamaagang alam na katawan ng Tsinong pagsusulat, karamihan ay mga panghuhula na nakaukit sa butong orakulo - mga talukob ng pagong, mga paypay ng baka, o iba pang mga buto. Higit sa 20,000 ang natuklasan sa unang pang-agham na mga paghuhukay sa panahon ng mga 1920 at 1930, at mahigit apat na beses karami ang natagpuan mula noon. Ang mga paguukit ay nagkakaloob ng mahahalagang pananaw sa maraming mga paksa mula sa pulitika, ekonomiya, at relihiyosong gawain pati na rin sa sining at panggagamot sa maagang yugto ng kabihasnang Tsino.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Turchin, Peter; Adams, Jonathan M; Hall, Thomas D (Disyembre 2006). "East-West Orientation of Historical Empires" (PDF). Journal of world-systems research. 12 (2): 219–29. ISSN 1076-156X. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 22 Oktubre 2013. Nakuha noong 21 Mayo 2015.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan at Tsina ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.