E (kana)
![]() Hiragana |
![]() Katakana | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Transliterasyon | e | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Hiragana Man'yōgana: | 衣 | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Katakana Man'yōgana | 江 | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Spelling kana | 英語のエ (Eigo no "e") | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Kodigong Morse | -・--- | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Braille | ![]() | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Unicode | U+3048, U+30A8 | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|
Sa Hapones na pagsulat, ang え sa hiragana at エ sa katakana (naromanisadong e) ay sumasakop sa ika-apat na puwesto, sa gitna ng う at お, sa modernong sistemang Gojūon (五十 音) ng pagsasama ng kana. Sa Iroha, sinasakop nila ang ika-34 na puwesto, sa gitna ng こ at て. Sa talahanayan sa kanan (nakaayos ayon sa mga tudling, mula sa kanan pakaliwa), え ay nasa unang tudling (あ行, "tudling A") at ang ikaapat na hilera (え段, "hilerang E"). Parehong kumakatawan sa [e].
Anyo | Rōmaji | Hiragana | Katakana |
---|---|---|---|
Karaniwang a/i/u/e/o (あ行 a-gyō) |
e | え | エ |
ei
ee ē |
えい, えぃ ええ, えぇ えー |
エイ, エィ エエ, エェ エー |
Mga nilalaman
Pinagmulan[baguhin | baguhin ang batayan]
Nagmula ang え at エ sa man'yōgana, mula sa kanji 衣 at 江, ayon sa pagkakabanggit.
Nakapasok ang makalumang kana na ゑ (we), pati na rin ang mga maraming di-pasimulang paglitaw ng kana na へ (he), sa modernong wikang Hapones bilang え. Binibigkas na ngayon ang direksyunal na kataga na へ na "e", bagaman hindi nakasulat bilang え. Kapag ihahambing ito sa は (ha) at を (wo), na binibigkas na "wa" at "o" kapag ginamit sila bilang mga pambalarilang kataga.
Mga baryante[baguhin | baguhin ang batayan]
Ginagamit ang mga pinaliit na bersyon ng kana (ぇ, ェ) upang ipahayag ang mga banyagang mora sa wikang Hapones, tulad ng ヴェ(ve). Sa ilang sistema ng pagsulat sa Okinawa, sinamahan din ang isang maliit na ぇ sa mga kana na く ( ku ) at ふ (fu o hu) upang bumuo ng mga digrap na くぇ kwe at ふ ぇhwe.
Pagsasatitik[baguhin | baguhin ang batayan]
Sa mga sistemang romanisasyong Hepburn, Kunrei-shiki at Nihon-shiki, parehong isinasatitik ang え at bilang "e". Sa sistemang sirilisasyong Polivanov, isinasatitik ang mga kana bilang "[./https://en.wikipedia.org/wiki/E_(Cyrillic) э]".
Ayos ng pagkakasulat[baguhin | baguhin ang batayan]
Sinusulat ang hiragana na え sa dalawang paghagod:
- Sa tuktok, isang maikling hilising paghagod na nagpapatuloy pababa at pakanan.
- Sa ibaba, isang paghagod na binubuo ng isang pahalang na linya, isang hisiling nagpapatuloy pababa at pakaliwa, at isang pakanang paghagod na kahawig ng tilda (~).
Sinusulat ang katakana na エ sa tatlong paghagod:
- Sa itaas, isang pahalang na paghagod mula kaliwa pakanan.
- Isang pababang patayong paghagod na nagsisimula sa gitna ng unang paghagod.
- Sa ibaba, isang pahalang na paghagod na kahilera ng unang paghagod, at kumokonekta sa pangalawa. Kadalasan, medyo mas mahaba ang ikalawang paghagod kaysa sa una.
Ito rin ang paraan upang sulatin ang Lating letra na "I" (bagaman hindi katulad ang tamang hugis ng malaking titik sa mas maliit na titik ng Lating titik na "l")
Iba pang komunatibong representasyon[baguhin | baguhin ang batayan]
- Ponetikong alpabeto:「英語のエ」(" e tulad ng sa eigo")
- Kodigong Wabun : - · ---