Pumunta sa nilalaman

Emperador Kōkaku

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Emperador Kōkaku
ika-119 Emperador ng Hapon
Emperador Kōkaku
Paghahari1780-1817
KapanganakanSetyembre 23, 1771
KamatayanDisyembre 11, 1840 (69 taong gulang)
SinundanEmperador Go-Momozono
KahaliliEmperador Ninkō
AmaPrinsipe Sukehito
InaŌe Iwashiro

Si Tomohito (兼仁) ang ika-119 na Emperador ng Hapon na umupo sa Trono ng Krisantemo. Siya ay nabuhay noong ika-23 ng Septyembre, 1771 at namatay noong ika-11 ng Disyembre 1840. Ang kanyang imina o personal na pangalan ay Morohito pero pinalitan niya ito ng Tomohito. Bago siya maluklok sa Trono kinilala siya bilang Prinsipe Sachi (Sachi no miya) at noong namatay siya ay tinatawag na Emperador Koukaku (Kōkaku).

Umupo siya sa Trono ng Krisantemo noong siya’y siyam na taong gulang pa lamang noong 1780 at bumaba siya sa trono pagkaraan ng 37 pitong taon noong 1817.[1]

Ang ina ni Tomohito ay si Iwashiro Ōe at ang kanyang ama ay si Prinsipe Sukehito na galing sa linyang Kan’in-no-miya, ang isa sa mga apat na linya (pamilya) na kung saan nanggagaling ang mga Emperador ng Hapon. Karaniwang tinatawag itong Sanga o Bahay gaya ng Bahay ng Kan’in. Ang tatlo pang sanga o bahay ay ang Fushimi-no-miya, Katsura-no-miya, at Arisugawa-no-miya.

Noong bata pa si Tomohito, marami ang nag-akala na magiging isang pari ito sa Templo ng Shugoin dahil isa lamang siyang anak sa isang pinakabagong linya sa sangay ngpamilya ng Imperyo, ang Bahay ng Kan’in. Pero dahil walang supling si Emperador Go-Momozono at naghihingalo na ito, kaagad na inampon si Tomohito at ginawang tagapagmana ng trono kahit na hindi siya isang Prinsipe ng Imperyo (shinnou).

Kung susuriing maigi, ang presenteng Emperador ngayon sa Japan na si Akihito ay dito nanggaling kay Tomohito sa Bahay ng Kan’in (Kan’in-no-miya). Si Tomohito kung gayon ang nagpasimula ng linya ng mga Emperador na ngayon ay nakauupo at patuloy pang uupo sa Trono ng Krisantemo sa mga darating na panahon.

Si Tomohito ay isang palaaral at maraming talentong tao. Binuhay niya muli ang mga kapistahan sa Dambana ng Iwashimizu at Dambana ng Kamono. Pinaghirapan din niyang buhayin muli ang mga seremonya at mga nakaugalian sa Korte ng Imperyo. Binigyan ng Bakufu o iyong pamahalaan ng Sugun (Shogun) na may tunay na hawak ng kapangyarihan ng gubyerno, ang kanyang ama ng titulong Retiradong Emperador (Daijou Tennou).

Habang nasa trono si Tomohito, pinilit niyang ibalik ulit ang kapangyarihan sa kanyang Korte sa pagmumungkahi ng tulong sa Bakufu sa kalagitnaan ng Matinding Taggutom sa Panahon ng Tenmei (1782-1788) at sa pagtanggap nito ng mga impormasyon galing sa pag-uusap sa pagitan ng Rusya at Japan hinggil sa suliranin sa hilagang bahagi ng bansa.

Lalong nagpalala sa Taggutom sa Panahon ng Tenmei ang pagsabok noong taong 1783 ng Bundok Asama sa lumang lalawigan ng Shinano. Ang Bundok Asama sa ngayon ay nasa pagitan ng mga Prepekturang Gunma at Nagano.

Noong 1788 ay nagkaroon ng malaking sunog sa Miyako (kapitolyo ng Emperador) na umabot sa apat na araw na kung saan naabo ang Palasyo ng Imperyo.

Noong taong 1817, ipinaubaya ni Tomohito ang Trono ng Krisantemo sa kanyang anak na si Ayahito o mas kilala bilang Emperador Ninko. Sa loob ng dalawang daangtaon karaniwang ang mga Emperador na umuupo sa trono ay bata pang namamatay o di naman kaya ay nagpapaubaya na lang sa kanilang mga anak. Pero si Tomohito ang kauna-unahang monarko na umabot ang edad sa 40 na nakaupo pa sa trono. Huli itong nangyari sa panahon ni Emperador Oogimachi noong taong 1586.

Ang opisyal na asawa Tomohito si Emperatris Yoshiko, anak ng kanyaing tiyo at amaing si Emperador Go-Momozono. Naging mga opisyal niyang kalaguyo sina Yoriko Hamuro, Tadako Kajuuji, Masako Takano, Satoko Anekouji, Kazuko Higashibou, Teruko Tomikouji. Nagkaroon ng 17 anak si Tomohito sa mga babaeng ito. Pang-apat niyang anak si Ayahito na naging Emperador Ninko kay Tadako Kajuuji.

Noong nabubuhay pa siya limang nengo (o pangalan ng panahon ng panunungkulan ng Emperador ) ang kanyang pinagdaanan at ito ay ang

Namatay si Tomohito noong ika-11 ng Disyembre ng taong 1840 at inilibing siya sa Nochi no Tsukinowa no Misasagi sa Kyoto.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Emperor Kōkaku (Morohito Kan'in)". Prabook. 2021. Nakuha noong 9 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


[baguhin | baguhin ang wikitext]