Esperanza (teleserye)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Esperanza ay isang teleserye ng ABS-CBN mula 17 Pebrero 1997 hanggang 30 Hulyo 1999. Si Judy Ann Santos(Esperanza Estrera) ang bida ng nasabing palabas. Kalaunan, muli itong ipinalabas sa Studio 23 at Kapamilya Channel.

Ang Buod ng Teleserye[baguhin | baguhin ang batayan]

Sinasalaysay ng nasabing serye ang paghahanap ni Esperanza sa kanyang tunay na pamilya. Nagsimula ito nang nagpakasal ang mga magulang ni Esperanza, sina Isabel at Juan Selgado, kahit hindi ito gusto ng ina ni Isabel. Upang sila'y magkasama, hiniwalayan ni Juan ang babaeng nililigawan n'ya noon, si Sandra, samantalang tumanggi naman si Isabel na magpakasal sa lalakeng inireto sa kanya ng kanyang ina, si Jaime Ilustre.

Pagkalipas ng ilang taon, nagkaanak si Isabel ng tatlong supling: dalawang babae at isang lalake. Isang araw, dinala ang magkakapatid ng kanilang ina sakay ng isang bus upang bumisita sa kanilang kakilala. Isang aksidente ang naganap; dahil dito, nagkahiwalay ang mag-iina. At inakala naman ni Juan na patay na ang kanyang mag-iina.

Hindi alam ng magkakapatid na inampon sila ng tatlong pamilya na nakatira sa iisang pamayanan, at nang maglaon lumaki silang magkakaibigan. Ang pinakamatanda, si Esperanza. Inampon sila ng mag-asawang Raul at Selya, isang mahirap na pamilya. Lumaki si Esperanza na inaabuso ng kanyang kinamulatang ina, samantalang hindi man magawa ng kanyang kinikilalang ama na tulungan siya.Sina Jun-jun at Andrea ang kinikilala nyang mga kapatid. Ang kanyang tanging pampalakas ng kanyang loob ay ang makasama si Anton, ang kanyang kababata. Samantala, si Danilo naman ay inampon ng mag-asawang Ester at Luis, na tinuring siya na parang tunay na anak. Kinikilala naman nyang kapatid si Noel. Inampon naman si Cecille ng mag-asawang Montejo. 'Di tulad ng pamilyang kinagisnan nina Esperanza't Danilo, makapangyarihan ang kinagisnang pamilya ni Cecille; alkalde ang kanyang kinagisnang ama. Subalit, napakalungkot ng pribado nilang buhay: tinuturing na parang pag-aari ni Joaquin (kinikilalang ama ni Cecille) ang asawang si Belinda.

Nang malaman ni Esperanza ang kanyang pamilyang pinagmulan, sinimulan niya ang paghahanap sa kanyang nawawalang mga kapatid. Nalaman niya na namatay ang kanyang ina at ang kanyang kapatid sa aksidente, pero iniligtas silang magkakapatid ng kanyang kinagisnang ama. Nalaman din niya na ang kanyang tunay na pangalan ay Soccoro; ibinigay naman ni Raul ang bunsong si Regina/Cecille kay Joaquin dahil hindi siya nagkaanak sa kanyang asawa. Naaksidente namang ni Danilo ang binabasang dyaryo ni Esperanza na nagsasaad ng kinaroroonan ng pamilya ni Juan, maipaliwanag ang kanilang pagkakahiwalay at masabi ang katotohanan. Kahit nalaman na ni Danilo na siya si Raphael Salgado, hindi siya sumama sa kanila, sapagkat alam ni Danilo na ang kinagisnan niyang pamilya ang pamilyang kinikilala; ito ay naintindihan ni Esperanza. Binalak na pumunta sa Maynila nina Esperanza't Cecille sa dalawang dahilan: masagot ang mga tanong na bumabagabag sa kanilang pagkatao, at maitakas si Cecille sa mapang-abusong kamay ni Mayor Joaquin.

Habang binabalak ng dalawa na tumakas sa Maynila, napagtanto ni Danilo na malaman kung ano ang kanyang pagkatao. Kalaunan, natagpuan nila ang kanilang tunay na ama mula rin sa nasabing dyaryo na nagsasabi sa kanila bilang magkakapatid. Nalaman na lang nila na nagpakasal si Juan sa dati niyang kasintahan, si Sandra. Nililihim ni Sandra ang katotohanan tungkol sa magkakapatid kay Juan, at dahil dito, gumawa siya ng paraan upang magkahiwalay silang muli.

Pilit na pinababalik ni Mayor Joaquin si Cecille sa kanilang tahanan. Nalaman din dito na anak niya si Anton: ginahasa ni Mayor Joaquin ang kanyang ina bago siya ma-"aksidente". Nagpasya ang alkalde na pakakawalan si Cecille kapag mananatili si Anton sa kanyang poder. Pumayag ang Anton sa nasabing hiling. Upang makalimutan si Esperanza, pinadala si Anton sa amerika upang makapag-aral.

Sa Maynila, nagtrabaho si Esperanza bilang tagapag-alaga ni Isabel Ilustre. Na-trauma si Isabel sa aksidente at naniniwala siyang namatay ang kanyang tatlong anak. Si Esperanza ang tangi niyang kasama, datapawat hindi nila alam na sila pala ay mag-ina. Nakatagpo ng bagong pag-ibig si Esperanza sa katauhan ni Brian.

Nagpatuloy si Esperanza sa kanyang buhay. Nabalitaan niya na magpapakasal na si Anton sa pamangkin ni Jaime na si Donna. Kahit nagtagpo silang muli at inayos ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ayaw ni Esperanza na masaktan ang damdamin ni Donna kahit piniplit ni Anton na magsimulang muli. Nalaman na lamang ni Donna na hindi talaga mahal ng kanyang Tita Isabel ang kanyang tiyuhin. Dahil dito, binalak niyang itakas ang kanyang tiyahin. Sa kasamaang palad, nabaril siya ni Jaime at namatay; ang bala na sinalo ni Donna ay para dapat kay Anton.

Isang araw, dinukot ni Sandra sina Cecile at Danilo at dinala sa kanyang bahay upang gawing mga busabos. Kasama ni Sandra ang kanyang ina: malalaman na magkapatid sa ina/ama sina Isabel at Sandra. Humingi ng tulong si Esperanza sa abogadong si Cynthia Salazar para mahanap ang dalawa niyang magkapatid, at natulungan niya ito. Nabunyag din dito na may masamang balak ang abogado laban sa pamilya nina Esperanza, sapagkat siya ang kimumuhiang anak ni Juan Salgado, si Rosella. Isa sa kanyang plano na gumanti sa pamilya ng kanyang ama, pinadala bilang kanyang espiya ang nobyong si Brian, na nahulog ang loob kay Esperanza. Pagkatapos ng "pagtakas" na ikinasawi ni Sandra, kinuha ng abugada si Isabel.

Namatay si Cecille sa aksidente nang ang kanyang kotse ay sumalpok sa kotseng minamaneho ni Cynthia. Nakaligtas naman ang abugada. Kahit may galit sa kanyang ama't sa pamilya nito, magkagayunpaman, pinagbuklod ni Cynthia ang pamilya Salgado. Nawalan na ng interes si Brian si Esperanza. Dumating ang mga pulis, kasama si Anton para mailigtas ang pamilya ni Esperanza. Tinutukan na ng baril ni Cynthia ang dalaga upang mapigilan ang pag-aresto sa kanya, ngunit bago siya magpaputok, binaril na ang abogada;t namatay.

Kahit wala na ang bunsong si Cecille/Regina, nakapiling na ni Esperanza/Socorro ang kanyang tunay na pamilya pagkatapos ng kanilang dusa't paghihirap. Maligaya na rin ang dalaga sa piling ni Anton.

Mga Gumanap[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing Karakter: Pamilya Salgado

Pamilya Estrera

  • Sylvia Sanchez - Celia Estrera
  • Joel Torre - Raul Estrera
  • Tanya Garcia - Andrea Estrera
  • Emman Abeleda - Jun-jun Estrera

Pamilyang kinagisnan ni Danilo

Pamilya Montejo

  • Lito Legaspi - Mayor Joaquin Montejo
  • Teresa Loyzaga - Belinda Montejo

Mga Lalakeng Umibig kay Esperanza

  • Wowie de Guzman - Anton
  • Piolo Pascual - Brian

Pamilya Ilustre

  • Tommy Abuel - Jaime Ilustre

Iba pang mga tauhan

Esperanza: Ang pagsasapelikula[baguhin | baguhin ang batayan]

Dahil sa pagiging popular ng Esperanza sa sambayanan, nagpasya ang Star Cinema na gumawa ng bersiyong pampelikula ng nasabing serye noong 1999. Ang tanging pagkakaiba laman ay ang kumanta ng tema: Sa teleserye, si April Boy Regino ang kumanta ng tema na nilikha ni Vehnee Saturno. Sa bersiyong pampelikula, si André Ibarra.

,