Estasyon ng Alabang
Alabang | |||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pambansang Daambakal ng Pilipinas | |||||||||||||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||||||||||||
Lokasyon | Kalye T. Molina Alabang, Muntinlupa | ||||||||||||||||||||
Koordinato | 14°25′10.46″N 121°2′51.63″E / 14.4195722°N 121.0476750°E | ||||||||||||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Pambansang Daambakal ng Pilipinas | ||||||||||||||||||||
Linya | Linyang Patimog ng PNR | ||||||||||||||||||||
Plataporma | Platapormang pagilid | ||||||||||||||||||||
Riles | 2, dagdag ang 1 siding track | ||||||||||||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||||||||||||
Uri ng estruktura | Nasa lupa | ||||||||||||||||||||
Pasilidad sa bisikleta | Hindi | ||||||||||||||||||||
Akses ng may kapansanan | Oo (2016) | ||||||||||||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||||||||||||
Kodigo | AA | ||||||||||||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||||||||||||
Nagbukas | 1908 | ||||||||||||||||||||
Muling itinayo | Abril 19, 2010 | ||||||||||||||||||||
Serbisyo | |||||||||||||||||||||
|
Ang estasyong Alabang ay isang estasyon sa Pangunahing Linyang Patimog o South Main Line (na tinatawag ding "Linyang Patimog" o "Southrail") ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas. Tulad ng lahat ng mga estasyon ng PNR, nasa lupa ang estasyong ito. Matatagpuan ito sa Kalye T. Molina sa Alabang, Muntinlupa, malapit sa Biyadukto ng Alabang ng South Luzon Expressway.
Ang estasyon ay ang ikalabing-anim na estasyon patimog mula sa Tutuban at isa sa tatlong mga estasyon ng PNR na naglilingkod sa lungsod, ang iba pa ay Sucat at Muntinlupa.
Ang estasyong Alabang ay ang tanging estasyon ng PNR na itinayo muli nang buo sa ibang lokasyon. Nailipat ito mula sa unang lokasyon nito sa Kalye Montillano papunta sa likod ng Metropolis Starmall Alabang sa Kalye T. Molina. Binuksan ang bagong estasyon noong Abril 19, 2010.
Mga kalapit na pook-palatandaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Malapit ang estasyon sa ilang mga institusyong pangkalusugan tulad ng Asian Hospital and Medical Center, ang Research Institute for Tropical Medicine, at ang Ospital ng Muntinlupa; mga institusyong pangedukasyon tulad ng Saint Bernadette College of Alabang, Saint Francis of Assisi College Alabang, Mababang Paaralan ng Alabang, at Mataas na Paaralan ng Pedro E. Diaz; mga gusaling pamilihan tulad ng Metropolis Starmall Alabang at Festival Alabang; at mga tanggapan ng mga kompanya o korporasyon sa loob ng Filinvest Corporate City tulad ng mga punong-tanggapan ng Insular Life. Di-kalayuan mula sa estasyon ay mga punong-tanggapan ng Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot (FDA, dating Kawanihan ng Pagkain at Gamot o BFAD), Kolehiyo ng San Beda Alabang, Alabang Town Center, Madrigal Business Park, at Ayala Alabang Village.
Mga kawing pantransportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mapupuntahan ang estasyon gamit ang mga dyipni na dumadaan sa mga ruta ng South Luzon Expressway at Daang Alabang–Zapote. Isang terminal ng bus ay matatagpuan sa harap ng Metropolis Starmall Alabang, habang ang terminal ng dyipni na South Station ay matatagpuan sa tapat ng gusaling pamilihan sa kabilang gilid ng South Luzon Expressway.
Pagkakaayos ng Estasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]L1 Mga plataporma |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kaliwa | |
Plataporma | PNR Metro Commuter patungong Tutuban (←) | |
Plataporma | PNR Metro Commuter patungong Mamatid (→) | |
L1 | Lipumpon/ Daanan |
Takilya, sentro ng estasyon, mga tindahan, Asian Hospital and Medical Center, Research Institute for Tropical Medicine, Ospital ng Muntinlupa, Saint Bernadette College of Alabang, Saint Francis of Assisi College Alabang, Mababang Paaralan ng Alabang, Mataas na Paaralan ng Pedro E. Diaz, Metropolis Starmall Alabang, Festival Alabang, Filinvest City, Insular Life, Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot, Kolehiyo ng San Beda Alabang, Alabang Town Center, Liwasang Pangnegosyo ng Madrigal, Ayala Alabang Village |