Estasyon ng Gil Puyat
Gil Puyat | |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila | |||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | |||||||||||
Lokasyon | Kanto ng Abenida Taft at Karugtong ng Abenida Gil Puyat, San Isidro, Pasay | ||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) Pangasiwaan ng Light Rail Transit (LRTA) | ||||||||||
Linya | Unang Linya ng LRT | ||||||||||
Plataporma | Mga plataporma sa gilid | ||||||||||
Riles | 2 | ||||||||||
Konstruksiyon | |||||||||||
Uri ng estruktura | Nakaangat | ||||||||||
Ibang impormasyon | |||||||||||
Kodigo | GP | ||||||||||
Kasaysayan | |||||||||||
Nagbukas | Disyembre 1, 1984 | ||||||||||
Serbisyo | |||||||||||
|
Ang Estasyong Gil Puyat ng LRT (na minsang tinatawag na Estasyong Buendia ng LRT) ay isang estasyon sa Manila LRT (LRT-1). Katulad ng iba pang estasyon ng LRT-1, nakaangat ang estasyong Gil Puyat. Matatagpuan ito sa Pasay at nakapangalan ito dahil matatagpuan ito sa ibabaw ng Abenida Gil Puyat. Ang mismong abenida ay ipinangalan mula sa yumaong senador at estadista na si Gil Puyat.
Nagsisilbi bilang pang-labimpitong estasyon ang estasyong Gil Puyat para sa mga treng LRT-1 na patungo sa Baclaran at pang-apat na estasyon para sa mga treng patungo sa Roosevelt. Isa ito sa mga apat na estasyon ng LRT na naglilingkod sa Lungsod ng Pasay, ang iba pa ay Libertad, Libertad at Baclaran.
Ang estasyon ay pangunahing transfer point para sa mga pasahero na papuntang Makati CBD (central business district).
Mga kalapit na palatandaang pook
[baguhin | baguhin ang wikitext]Malapit ang estasyon sa tanyag na Cartimar Shopping Center na kilala sa mga tindahan pang-alagang hayop nito, gayundin sa satelayt kampus ng Arellano University at kampus ng Philippine Law School. Malapit din ito sa Blessed Elena Academy, Pasay City Academy, Southeastern College, at Manila Adventist Medical Center (dating Manila Sanitarium). Di-kalayuan mula sa estasyon matatagpuan ang gusali ng Senado sa hugnayan ng GSIS, ang punong-tanggapan ng Philippine National Bank, World Trade Center Metro Manila at Star City sa hugnayan ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, gayundin ang EGI Mall at Atrium Suites.
Mga kawing pangpanlalakbay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakatayo sa tabi ng estasyon ang isang terminal ng bus para sa kapuwa panlungsod at panlalawigan na mga bus. Humihinto rito ang mga bus na dumadaan sa rutang Buendia (Gil Puyat), gayundin ang mga bus na papuntang Batangas, Laguna, Quezon at Marinduque. Humihinto rin malapit sa estasyon ang mga bus na dumadaan sa ruta ng Abenida Taft.
Humihinto rin ang mga taksi, dyipni, at traysikel malapit sa estasyon, at naglilingkod sa mga mananakay na nakatira malayo sa estasyon.
Ang mga pinakamalapit na estasyon ng PNR at MRT ay matatagpuan may-kalayuan sa kahabaan ng Abenida Gil Puyat (Buendia), kapuwa matatagpuan sa Makati.
Pagkakaayos ng Estasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]L2 Mga plataporma |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | |
Plataporma A | ← Unang Linya ng LRT patungong Roosevelt | |
Plataporma B | → Unang Linya ng LRT patungong Baclaran → | |
Platapormang pagilid, magbubukas ang mga pinto sa kanan | ||
L2 | Lipumpon | Mga faregate, bilihan ng tiket, sentro ng estasyon, mga tindahan |
L1 | Daanan | Arellano University |