Pumunta sa nilalaman

Gonorea

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Gonorrhoea)

Ang gonorea[1] o gonoria[2][3] (Ingles: gonorrhea) ay isang impeksiyon na dulot ng isang bakterya. Tinatawag ding tulo ang karamdamang ito na nakukuha mula sa pakikipagtalik.[3] Maaaring maipadala ang gonorea sa pamamagitan ng pagdaan sa mga mata.[4]

Mga palatandaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lumilitaw ang mga sumusunod na palatandaan na mayroong gonorea ang isang tao mula tatlo hanggang siyam na araw makaraang mahawahan.[3]

May lumalabas na malapot, malabo, kulay dilaw o putting nana mula sa aring pangkasiraan. Nagkakaroon din ng hapdi sa pag-ihing madalas kung ihahambing sa pangkaraniwan. May lagnat din, pangangati ng titi o kiki at puwitan. Nananakit din ang mga namamagang mga mata. Sa mga kababaihan, hindi normal ang pagreregla. Kung minsan, nagkakaroon din ng tulo sa lalamunan sanhi ng paggamit ng bibig. Ayon sa estadistika, may anim sa bawat sampung kababaihang nagkakagonorea ang walang lumilitaw na sintomas kaya’t maaari silang makahawa nang hindi nila napagaalaman.[3]

Mga komplikasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mga kababaihan, may pamamaga ang mga tisyu sa kapaligiran ng bahay-bata (Ingles: pelvic inflammatory disease, PID) na nagiging sanhi ng pagdadalang-tao sa labas ng matris, na may kasamang pagkirot sa paligid ng kasangkapang pangkasarian. Nagdurulot rin ang huli ng pagkabaog.[3]

Sa mga kalalakihan, nagkakaroon ng pamamaga ng bayag, rayuma at pagkabaog.[3]

Sa ina at sa sanggol

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May posibilidad na mahawahan o masalinan ng ina ang sanggol sa kapanahunan ng pagdadalangtao.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Gonorea, gonorrhea". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Gonoria, tulo." Sexually Transmitted Diseases/Mga Sakit na Nakukuha sa Pakikipagtalik Naka-arkibo 2008-08-29 sa Wayback Machine., HealthInfo (PDF), Mount Carmel Health, Ohio State University Medical Center/OhioHealth, Columbus, Ohio, healthinfotranslations.org, healthinfotranslations.com (serbisyong pampubliko, walang restriksiyon sa kopirayt), Hulyo 2007 (Tagalog at Ingles), nakuha noong 8 Agosto 2008
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 “Gonoria, tulo” Naka-arkibo 2008-03-14 sa Wayback Machine., Sexually Transmitted Infection, "Ano ang STI?", Healthy Body STI/HIV-AIDS, NEWS, Foundation for Adolescent Development/PATH Foundation Philippines, Inc./Kabalikat ng Pamilyang Pilipino Foundation, Inc., Quiapo, Maynila, Teenfad.ph, 2000, (Tagalog), nakuha noong: 13 Marso 2008
  4. Robinson, Victor, pat. (1939). "Gonorrhea, Venereal diseas". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 754.