Gwanghwamun
Gwanghwamun | |
Pangalang Koreano | |
---|---|
Hangul | 광화문 |
Hanja | 光化門 |
Binagong Romanisasyon | Gwanghwamun |
McCune–Reischauer | Kwanghwamun |
Ang Gwanghwamun (Koreano: 광화문; Hanja: 光化門) ang pangunahin at pinakamalaking pultahan ng Palasyo ng Gyeongbok, sa Jongno-gu, Seoul, Timog Korea. Matatagpuan iyon sa tatlong-daang interseksyon sa hilagang dulo ng Sejongno. Bilang isang sagisag at palatandaan ng kasaysayan ng Seoul bilang punong lungsod noong panahon ng Dinastiyang Joseon, sumailalim ang naturang tarangkahan sa maraming kaganapan ng pagkasira at di-pagsasaayos. Natapos ang pagpapanumbalik ng tarangkahan at ibinuksan ito sa madla noong Agosto 15, 2010.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang itinayo ang Gwanghwamun noong 1935 bilang pangunahing tarangkahan ng Palasyo ng Gyeongbokgung, ang pangunahin at pinakamahalagang palasyo ng hari noong Dinastiyang Joseon. Noong sumalakay ang mga Hapones, nasilab iyon at naiwang nasira sa loob ng halos 250 taon.[2][3]
Muling itinayo ang Gwanghwamun noong 1867 kasabay ng iba pang bahagi ng Gyeongbokgung sa ilalim ng utos ni Rehenteng Daewongun noong paghahari ni Emperador Gojong. Nakatayo ang naturang tarangkahan hanggang 1926 nang ipasira ito ng pamahalaan ng Hapon at iniurong na lang sa timog-silangang ng kasalukuyang kinalalagyan ng Pambansang Liping Museo ng Korea upang magbigay-daan sa Gusali ng Hapones na Gobernador Heneral.[4]
Tuluyang nasira ng Digmaang Koreano ang mala-kahoy na estruktura ng Gwanghwamun, at nakalatag ang pundasyong bato nito sa tuluyang pagkawasak at pagwalang-bahala. Noong pamumuno ni Park Chung-hee noong 1963, muling ibinalik ang pundasyong bato nito sa harapan ng Gusali ng Hapones na Gobernador Heneral. Muling itinayo ang mala-kahoy na estruktura nang pa-konkreto, habang isinulat sa Hangul ni Park mismo ang lagda sa Gwanghwamun. Nanatili bilang konkretong tarangkahan ang Gwanghwamun hanggang 2006.
Restorasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sumailalim ang Gwanghwamun sa proyektong malaking pagpapanumbalik simula noong Disyembre 2006[5] at natapos noong Agosto 2010. Kinalas ang tarangkahan at iniurong pabalik sa pangunahing kinalalagyan na 14.5 metrong layo sa timog, at muling binuo gamit ang kahoy ang mala-kahoy na estruktura nito. Pina-inog iyon upang mailagay ang tarangkahan nang wasto sa pangunahing kinalagyan nito, na buong ganap na nakahanay sa pangunahing hilaga-timog na ehe (aksis) ng Palasyo ng Gyeongbok. Pinasimulan ang panunumbalik ng Pamahalaan ng Timog Korea dahil ginamit ang konkreto sa sinaunang pagpapanumbalik sa halip na mga nakagisnang kagamitan at di-wastong ini-hanay ang tarangkahan sa pasukan ng Gusali ng Hapones na Gobernador Heneral, na ngayon ay naipa-giba na.
Layunin ng kama-kailang pagpapanumbalik ang ibalik ang Gwanghwamun sa pangunahing pangkahoy na pagsasa-buo habang binibigyang ng mariing atensyon ang pangkasaysayang pagkakatugma nito. Muling nilikha ang makapal na tablang may pangalan ng Gwanghwamun sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga larawan ng babasaging tabla na may sentenaryo na ang katandaan, habang ibinalangkas ang mala-kahoy na estruktura mula sa planong nilikha ng Pamahalaang Kolonyal ng Hapon noong 1925. Mahigpit na ipinagbawal ang paggamit ng inangkat na mga kahoy sa muling paglikha ng mga pangkasaysayang gusali ng Korea.
Binuksan ang Gwanghwamun sa madla noong Agosto 15, 2010 bilang paggunita sa Gwangbokjeol, o ang Araw ng Pagpapalaya ng Korea.[6] Nagkakahalaga ang proyekto ng higit-kumulang ₩ 28 bilyon. Inilabas din sa naturang araw ang bagong tablang may pangalan sa pinanumbalik na Gwanghwamun. Nakabatay sa Hanja na nilagyang-titik ni Im Tae-young ang pangalan sa tabla.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Restored royal gate Gwanghwamun unveiled," Korea Times. August 15, 2010.
- ↑ "Introduction," Gyeongbokgung, the Main Palace of the Joseon Dynasty.
- ↑ "Gyeongbok Palace," Life in Korea.
- ↑ "Short History of Gwanghwamun Gate". Chosun Ilbo. 18 Marso 2004. Nakuha noong 8 Abril 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "New Facelift Projects to Focus on Historic Seoul". Chosun Ilbo. 24 Enero 2006. Nakuha noong 22 Marso 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Restored Gwanghwamun to Be Unveiled on Liberation Day". Chosun Ilbo. 20 Pebrero 2010. Nakuha noong 8 Abril 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)