Halos nakasarang patinig
Itsura
Halos nakasarang patinig (Ingles: near-close vowel)[a] ang mga patinig na sinasalita nang kagaya sa mga nakasarang patinig, pero halos. Sa ibang salita, ang mga patinig na ito ay nasa pagitan ng mga nakasara at ng mga nakasarang gitnang patinig.[1]
PPA: Mga patinig | ||||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| ||||||||||||||||||||||||||||||||
Ayos ng patinig: di-bilog • bilog |
Kaunti lang ang mga wika na may ganitong uri ng patinig. Ilan sa mga wikang meron nito ay ang wikang Danes sa Europa at wikang Sotho sa Aprika.[3][2] Walang ganitong patinig sa wikang Tagalog at sa mga wika ng Pilipinas.
Listahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Narito ang mga halos nakasarang patinig na may kaakibat na simbolo sa Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto (PPA).
- halos nakasarang halos harapang di-bilog na patinig [ɪ]
- halos nakasarang halos harapang nakapisil na patinig [ʏ]
- halos nakasarang halos likurang bilog na patinig [ʊ]
Bukod sa mga ito, nasa baba naman ang mga halos nakasarang patinig na walang kaakibat na simbolo sa PPA.
- halos nakasarang halos harapang nakaumbok na patinig [ʏʷ]
- halos nakasarang sentrong di-bilog na patinig [ɨ̞] (ᵻ)
- halos nakasarang sentrong nakapisil na patinig [ʏ̈]
- halos nakasarang sentrong nakaumbok na patinig [ʉ̞] (ᵿ)
- halos nakasarang halos likurang di-bilog na patinig [ɯ̽] o [ɯ̞̈]
- halos nakasarang halos likurang nakapisil na patinig [ʊᵝ]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Nakasarang patinig
- Nakasarang gitnang patinig
- Gitnang patinig
- Nakabukang gitnang patinig
- Halos nakabukang patinig
- Nakabukang patinig
Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Kilala rin ito sa ibang mga katawagan: medyo nakasarang patinig, halos saradong patinig, medyo saradong patinig, mababang nakasarang patinig (Ingles: lowered close vowel), mababang saradong patinig, mataas na nakasarang gitnang patinig (Ingles: raised near-close vowel), at mataas na saradong gitnang patinig. Sa wikang Ingles, kilala rin ito sa tawag na near-high vowel (halos mataas na patinig o medyo mataas na patinig) lalo na sa Estados Unidos, ngunit rinerekomenda ng Pandaigdigang Samahang Pangponetika ang salitang near-close vowel.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Knight, Rachael-Anne; Setter, Jane, mga pat. (2021). The Cambridge Handbook of Phonetics [Ang Handbook ng Ponetika ng Cambridge] (sa wikang Ingles). Cambridge, Reyno Unido: Cambridge University Press. doi:10.1017/9781108644198.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Doke, Clement Martyn; Mofokeng, S. Machabe (1974). Textbook of Southern Sotho Grammar [Textbook ng katimugang [wikang] Sotho] (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). Cape Town, Timog Aprika: Longman Southern Africa. ISBN 0-582-61700-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Basbøll, Hans (2005). The Phonology of Danish [Ang Ponolohiya ng [wikang] Danes] (sa wikang Ingles). ISBN 0-203-97876-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)