Hekatonkheires
Itsura
Ang mga Hecatonchires, o Hekatonkheires ( /ˌhɛkəˈtɒŋkəriːz/; Sinaunang Griyego: Ἑκατόγχειρες (listen) (tulong·impormasyon) "Mga May Isang Daang Kamay", Latinisado Centimani) ang mga pigura sa sinaunang yugto ng Mitolohiyang Griyego na mga tatlong higante ng hindi kapani-paniwalang lakas at kabangisan na lumagpas sa lahat ng mga Titan na kanilang tinulungang patalsikin. Ang kanilang pangalan ay hinango mula sa Sinaunang Griyegong ἑκατόν (hekaton; "isang daan") at χείρ (kheir; "kamay"), "ang bawat isa sa kanila ay isang daang mga kamay at limampung mga ulo" (Bibliotheca). Ang Theogony (624, 639, 714, 734–35) ni Hesiod ay nag-ulat na ang tatlong mga Hekatonkheires ang naging mga bantay ng mga bakuran ng Tartarus.