Pumunta sa nilalaman

Hito

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Hito
Temporal na saklaw: Late Cretaceous – present 100–0 Ma
Hito na Black bullhead
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Actinopterygii
(walang ranggo): Otophysi
Orden: Siluriformes
G. Cuvier, 1817
Tipo ng espesye
Silurus glanis
Linnaeus, 1758
Families

Extant families:

Extinct family:

Ang hito (Ingles: fresh-water catfish) ay isang uri ng isdang kanduli na nabubuhay sa tubig-tabang.[2] Ang hito ay kilalang isdang na may "balbas" o "bigote". Maitim at madulas ang balat nito at masakit dumuro ang tibo nito, pero masarap itong gawing inihaw, prito at adobo.

Ang isdang hito

Pag-aalaga ng hito

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Madali itong alagaan kaysa tilapia

at iba pang isda. Ito ay makakatipid ng pambili ng ulam ang isang pamilya. At kapag ito ay ipagbibili pwede itong makadagdag ng kita. Sa makatuwid, kung may alagang sapat sa dami ng hito, may masarap na ulam na may pera pa.

Ang hito ay mahuhuli sa mababaw na tubigan, gaya ng ilog, sapa, latian o kahit kanal. Ito'y sumisiksik sa putik, sa burak at mga nabubulok na halaman. Nakakatagal ito kahit ilang oras nang wala sa tubig basta basa ang katawan nito.

Puwedeng mag-alaga ng hito kahit sa likod ng bahay. Pumili lamang ng lugar na na mababa at patag para gawing munting palaisdaan. Hangga't maari, pumili din ng lugar ng lagkitin ang lupa. Mas matagal matuyo ang tubig sa lugar na malagkit ang lupa. Mainam din na malilim ang lugar para may kanlungan kung mainit ang araw at mas madaling tubuan ng lumot ang palaisdaan.

Ang paggawa ng kulungan kailangan matigas ang dike sa paligid ng hukay na paglalagyan ng hito. Dikdikin ang gilid ng hukay hanggang tumigas upang hindi ito suot o mapasok o maakyat ng hito. Kung sementado ang loob ng hukay, lagyan naman ng makapal na putik sa ibabaw ng semento para may mapaglaruan ang isda at ang ilalim ay dapat takpan ng anim na pulgadang magandang klaseng putik para makapagbigay ng natural looking habitat para sa isda.

Ang pag-aalaga ay hindi basta basta. Matakaw ang hito, kailangan ang pagkain nito ay 90 pursyento karne at diyes pursyento darak. Pwede ding ihalo sa pagkain ang bulate, insekto, simi ng isda, bituka at lamang loob ng manok, alamang, at iba pang masisimot ng karne sa madero. Pakainin ang hito dalawang beses isang araw. Unting unti ibigay ang pagkain hanggang ang mga ito ay huminto na sa kumain at busog na.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Wang, J., Lu, B., Zan, R., Chai, J., Ma, W., Jin, W., Duan, R., Luo, J., Murphy, R.W., Xiao, H. & Chen, Z. (2016): Phylogenetic Relationships of Five Asian Schilbid Genera Including Clupisoma (Siluriformes: Schilbeidae). PLOS ONE, 11 (1): e0145675.
  2. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Hayop Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.