Pumunta sa nilalaman

Hudaismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hudayka[1]

Ang Hudaismo (Kastila: judaísmo; Ebreo: יהדות yahedut) ang kulturang pampananampalataya ng mga Hudyo. Ito ay isa sa mga kauna-unahang naitalang pananampalatayang monoteista at ito rin ay isa sa mga pinakalumang tradisyong pampananampalatayang sinusundan pa rin hanggang sa ngayon. Ang doktrina at kasaysayan ng Hudaismo ay ang pinakamalaking bahagi ng batayan ng ibang mga pananampalatayang Abraamiko, kasama na ang Kristyanismo at Islam. Sa gayon, naging isang pangunahing pwersa ang Hudaismo sa pagsasahugis ng daigdig. Ang kanilang naging simbolo ay ang Bituin ni David; sa kasalukuyan ang kanilang simbolo ay ang isang aranyang may pitong sanga, na tinatawag na menora.

Ang unang rekord ng pangalang Israel (bilang ysrỉꜣr) ay umiiral sa Merneptah stele na itinayo para sa Paraon na Ehiptong si Merneptah c. 1209 BCE. Nakita ng mga arkeologo ang "Israel" na ito sa mga sentral na matataas na lupain bilang isang kultura at malamang ay pampolitika na entidad ngunit isa lamang pangkat etniko sa halip na isang organisadong estado. Ang mga ninuno ng mga Israelita ay maaaring kinabibilangan ng mga Semita na tumira sa Canaan at ang mga Taong Dagat. Ayon kay McNutt, "Malamang na ligtas na ipagpalagay na sa isang panahon noong Panahong Bakal I (ca. 1200 BCE), ang isang populasyon ay nagsimulang kumilala sa kanilang mga sarili bilang Israelita na nagtatangi ng sarili nito mula sa mga Cananeo gaya ng mga marka na pagbabawal ng pagpapakasal sa ibang lahi, isang pagbibigay diin sa kasaysayan at heneolohiya at relihiyon. Noong mga 1920, ang ideya ng pananakop ng mga Israelita sa Canaan ayon sa Aklat ni Josue ay hindi sinusuportahan ng rekord na arkeolohikal. Wala ring ebidensiya na ang mga Israelita ay nagmula sa Ehipto ayon sa Aklat ng Exodo. Ang mga Israelita ayon sa mga arkeologo ay mga katutubong Cananeo. Ayon sa mga skolar at arkeologo, ang mga ebidensiyang arkeolohikal ay nagpapakita na ang mga Israelita ay hindi mga monoteista (gaya ng isinasaad sa Bibliya) mula pa sa simula ng pagkakatatag nito kundi mga politeista.[2] Ang politeismo ng mga Sinaunang Israelita ay nag-uugat mula mga politeistikong relihiyon ng Sinaunang Malapit na Silangan at narereplekta sa mga ilang aklat ng Tanakh gaya ng paggamit ng salitang Hebreo na 'elohîm na anyong plural ng Eloah na anyo ng El na isang pangkalahatang salita para sa diyos sa mga relihiyong Semitiko.[3] Ang ebidensiyang arkeolohikal ay nagpapakita sa panahong ito ng isang lipunan ng mga tulad ng baranggay na sentro ngunit may mas limitadong mga mapagkukunan at isang maliit na populasyon. Ang pagpepetsa ng mga labi sa mga kasaysayan ng Israel ayon sa Bibliya ay ginawang mahirap sa kawalan ng bibliya ng mga mapepetsang pangyayari at sa hindi maasahan at magkaayon na panloob na kronolohiya. Walang mga labing materyal na natuklasan na maasahang naghihiwalay ng mga lugar ng Israelita mula sa mga hindi Israelita (Cananeo) sa mga pinakaamaagang panahon.[4] Ang unang Kaharian ng Israel ay itinatag noong ca. 1000 BCE. Ayon sa Bibliya, ang imperyo ni Solomon ay sumaklaw mula sa Euphrates sa hilaga hanggang sa Dagat Pula sa timog. Gayunpaman, ito ay hindi sinsuportahan ng mga ebidensiyang arkeolohikal.[5] Ayon sa Bibliya, kasunod ng kamatayan ni Solomon noong ca. 900 BCE, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng hilagang bahagi ng Israel na na binubuo ng 10 mga lipi ng Israel at ang katimugang na pinamumunuan ng Herusalem. Ito ay humantong sa pagkakahati ng Israel sa dalawang mga kaharian: ang hilagang Kaharian ng Israel at ang timog na Kaharian ng Judah. Ayon sa mga arkeologo, ang aktuwal na Kaharian ng Judah ay hindi katulad ng inilalarawan sa Bibliya bilang isang makapangyarihang kaharian dahil ang kaharian ng Judah ayon sa mga ebidensiyang arkeolohikal ay hindi higit sa isang maliit na tribo. Sa panahong ito, ang mga ebidensiyang arkeolohiyal ay nagpapakita ng mga tensiyon sa pagitan ng pangkat na komportable sa pagsamba kay Yahweh kasama ng mga lokal na diyos gaya nina Asherah at Baal at sa mga sumasamba "lamang" kay Yahweh.[6][7] Ang pinakamatandang mga aklat ng Tanakh (bibliya) na isinulat noong ika-8 siglo BCE ay nagrereplekta ng alitang ito gaya ng Aklat ni Hosea at Aklat ni Nahum. Ang paksiyong monoteista ay tila nagkamit ng malaking impluwensiya noong ika-8 siglo BCE at noong ika-7 siglo BCE, batay sa pinagkunang Deuteronomistiko, ang pagsambang monoteistiko kay Yahweh ay tila naging opisyal na narereplekta sa pagtatanggal ng larawan ni Asherah mula sa templo sa ilalim ni Hezekias. Ayon sa mga skolar at historyan, sa panahong ito nang ang pagsambang monoteistiko ay nagmula.[8] Binaligtad ng kahalili ni Hezekias na si Manaseh ang mga pagbabagong ito at ibinalik ang pagsambang politeistiko at ayon sa 2 Kings 21:16 ay inusig ang paksiyong monoteistiko. Si haring Josias ay muling bumalik sa monolatriya (pagsamba lamang sa isang diyos ngunit pagkilala sa pag-iral ng ibang mga diyos). Ang Aklat ng Deuteronomio gayundin ang ibang mga aklat ng Tanakh ay isinulat sa panahon ng pamumuno ni Josias. Kaya, ang mga huling dalawang dekada ng panahon ng kaharian ng Israel hanggang sa pagsalakay sa Herusalem ng noong 597 BCE ay nagmamarka sa opisyal na monolatriya ng diyos ng Israel. Ito ay may mahalagang mga konsekwensiya sa pagsamba kay Yahweh gaya ng sinasanay sa pagkakatapon sa Babilonia at sa teolohiya ng Hudaismonng Ikalawang Templo. Ayon sa Bibliya, ang Kaharian ng Israel (hilaga) ay umiral bilang isang independiyenteng estado hanggang 722 BCE nang ito ay sakupin ng imperyong Assyrian samantalang ang Kaharian ng Judah (timog) ay umiral bilang independiyenteng estado hanggang 586 BCE nang ito ay sakupin ng imperyong Babilonia. Nang talunin ng imperyong Persian ang Babilonia, ang Israel ay sumailalim sa pamumuno ng imperyong Persian at pinayagan na makabalik ng Persia ang mga Israelita sa Judea. Ang modernong analysis na literaryo ng Tanakh ay nagmumungkahi na sa panahong ito nang binago ang pinagkunan na pambibig at isinulat upang ipaliwanag ang pagkakatapon ng mga Israelita bilang parusa ng diyos dahil sa pagsamba sa ibang mga diyos.[9] Iminungkahi na ang striktong monoteismo ay umunlad sa pagkakatapong ito ng mga Israelita sa Babilonia at marahil ay bilang reaksiyon sa dualismo o quasi-monoteismo ng Zoroastrianismo ng mga Persian.[9][10][11] Ang mga skolar ay naniniwala na ang Hudaismo ay naimpluwensiyahan ng relihiyong Zoroastrianismo[9][11] ng Persia sa mga pananaw ng anghel, demonyo, malamang ay sa doktrina ng muling pagkabuhay gayundin sa mga ideyang eskatolohikal at sa ideya ng mesiyas o tagapagligtas ng mesiyanismong Zoroastrian. Inilarawan ni Zarathushtra sa kanyang Gathas ang isang saoshyant (tagapagligtas) na benepaktor ng mga tao.[9]

Hudaismong Separdi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Hudaismong Separdi ang uri ng Hudaismo ng mga Hudyong nagmula sa timog at sa kasaysayan, mas naging kaugalian ng mga Separdi na makihalubilo sa pangkalahatang populasyon kung ihahambing sa mga Askenasi, na mas susceptible sa pagbubukod mula sa mas malawak na lipunan dulot ito ng magkakaibang klimang pangkultura at pampananampalataya na kinagalawan ng dalawang pangkat na mga hudyo.

Hudaismong Askenasi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Hudaismong Askenasi ang uri ng Hudaismo ng mga Hudyong nagmula sa hilagang Europa.

Sa mga nakaraang dalawang dantaon nahati ang mga Hudyo ng hilangang Europa sa ilang mga kilusan o denominasyon; ito ang kabaliktaran ng sitwasyon sa mga Hudyong Separdi, na bagaman iba-iba ang mga pananaw ay nananatili pa ring nagkakaisa.[12][13] May iba’t ibang pagkaunawa ang bawat isa sa kung anong mga prinsipyo ng paniniwala ang dapat angkinin ng isang Hudyo, at kung paano dapat mamuhay ang isang Hudyo. Hindi tulad sa mga denominasyong Kristyano, hindi pundamental na napapaghati ng mga pagkakaibang pandoktrinang ito ang mga kilusang Hudyo, na tuluyan pa ring nagsasanib sa ilang mga isyu. Hindi pambihira, halimbawa, ang pagsimba ng isang Hudyong Masorti sa isang sinagogang Ortodokso o Repormista.

Hudaismong Ortodokso

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Hudaismong Ortodokso ang kilusang Askenasi na naniniwala sa tradisyonal na interpretasyon ng Hudaismo.

Hudaismong Haredi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Hudaismong Haredi (Ebreo: יהדות חרדית,) ang sangay ng Ortodoksiya na may makitid na interpretasyon ng Hudaismo. Kilala rin sila bilang ang mga Ultraortodokso.

Ang Makabagong Hudaismong Ortodokso ang kilusang Askenasi na, tulad ng Hudaismong Haredi, tinatanggap ang pagkabisa ng batas Hudyo.[14] Gayumpaman, naiiba ito sa Haredismo sa pagtanaw nito sa batas Hudyo hindi bilang isang di-nagbabagong katawan ng mga batas na isinulat ng mga rabino ng mga Sinauna at Gitnang Panahon kundi, tulad ng anumang tradisyong buhay, bilang isang katawang nagbabago at hindi nahihiwalay sa mga realidad ng sitwasyon[15] o panahon. Sa ganito, sila ang kilusang pinakamalapit sa Hudaismong Separdi.

Hudaismong Repormista

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Hudaismong Repormista ang kauna-unang modernong sangay ng Hudaismong Askenasi. Hindi nito tinatanggap ang pagkabisa ng batas Hudyo.[16] Nagmula at napaunlad ang kilusang ito sa Alemanya at ngayon ito ang pinakamalaki sa Hilagang Amerika. Maaari itong tukuyin bilang Hudaismong Progresista[17]/Progresibo[18], habang sa Nagkakaisang Kaharian binubuo ng Hudaismong Repormista at Hudaismong Liberal ang Hudaismong Progresista.

Hudaismong Masorti

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Hudaismong Masorti o Hudaismong Konserbador[19]/Konserbatibo[20] ang kilusang Askenasi na, tulad ng Hudaismong Ortodokso, tinatanggap ang pagkabisa ng batas Hudyo.[21] Gayumpaman, naiiba ito sa Ortodoksiya sa pagtanaw nito sa batas Hudyo hindi bilang isang di-nagbabagong katawan ng mga batas na isinulat ng mga rabino ng mga Sinauna at Gitnang Panahon kundi, tulad ng anumang tradisyong buhay, bilang isang katawang nagbabago at hindi nahihiwalay sa mga realidad ng sitwasyon[15] o panahon.[22] Binibigyang-tanaw ng mga Masorti ang mga rabino ng kasalukuyan bilang kasing-mabisa ng mga rabino ng mga Sinauna at Gitnang Panahon.[21]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Mula sa ju·dai·ca: http://buscon.rae.es/draeI/SrvltObtenerHtml?origen=RAE&IDLEMA=44326&NEDIC=Si
  2. Rendsberg, pp.3-5
  3. http://www.class.uidaho.edu/ngier/henotheism.htm
  4. Bloch-Smith, pp.27,29,30
  5. http://www.nytimes.com/2000/07/29/arts/bible-history-flunks-new-archaeological-tests-hotly-debated-studies-cast-doubt.html
  6. 1 Kings 18, Jeremiah 2; Othmar Keel, Christoph Uehlinger, Gods, Goddesses, and Images of God in Ancient Israel, Fortress Press (1998); Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001)
  7. Othmar Keel, Christoph Uehlinger, Gods, Goddesses, and Images of God in Ancient Israel, Fortress Press (1998); Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001)
  8. Steven L. McKenzie, Deuteronomistic History, The Anchor Bible Dictionary Vol. 2, Doubleday (1992), pp. 160-168; Mark S. Smith, The Origins of Biblical Monotheism: Israel’s Polytheistic Background and the Ugaritic Texts, Oxford University Press (2001) pp. 151-154
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-15. Nakuha noong 2013-12-05.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Ephraim Urbach The Sages
  11. 11.0 11.1 http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=147&letter=Z
  12. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-03. Nakuha noong 2009-01-31.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. http://www.jcpa.org/dje/articles3/sephardic.htm
  14. http://www.jewishideas.org/about/
  15. 15.0 15.1 “’You shall keep My statutes and My laws which if a man shall do he shall live by them’ (Lebitiko 18.5)—and not die because of them (Yoma 85b)!"
  16. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-05-10. Nakuha noong 2009-01-31.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Mula sa Kastilang progresista
  18. Mula sa Inggles na progressive
  19. Mula sa Kastilang conservador
  20. Mula sa Inggles na conservative
  21. 21.0 21.1 http://www.responsafortoday.com/about/about.htm
  22. Ayon kay Solomon Schechter, “It is not the mere revealed Bible that is of first importance to the Jew, but the Bible as it repeats itself in history, in other words, as it is interpreted by Tradition.”

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Rekonstruksiyonista

[baguhin | baguhin ang wikitext]