Pumunta sa nilalaman

Ian Nepomniachtchi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ian Nepomniachtchi
Si Ian Nepomniachtchi sa Tal Memorial 2018'
Pangalan Ian Alexandrovich Nepomniachtchi
Bansang pinanggalingan  Rusya
Kapanganakan Hulyo 14, 1990
Bryansk, Russian SFSR, Soviet Union
Titulo Granmaestro (2007)
Kasalukuyang puntos ayon sa FIDE FIDE 2766 (Hulyo 2022)
Pinakamataas na nakuhang puntos 2792 (Mayo 2021)

Si Ian Alexandrovich Nepomniachtchi (ipinanganak noong Hulyo 14, 1990) ay isang Pandaigdigang Granmaestro sa larangan ng ahedres (Chess Grandmaster) mula sa bansang Russia. Nagwagi siya sa Russian Superfinal noong mga taong 2010 at 2020, napagtagumpayan din niya ang European Individual Title noong 2010. Taong 2008 at 2015 nang pagtagumpayan niya ang Aeroflot Open, at noong 2016, nanalo siya sa Tal Memorial. Kasapi siya ng koponan ng Rusya na nagwagi sa World Team Chess Championship sa Antalya (2013)[1] at Astana (2019). Kasama din siya ng pambansang koponan na nagwagi noong 2015 European Team Chess Championship sa Reykjavik, Iceland.

Noong taong 2016, kinilala siyang pang-4 sa buong mundo sa larangan ng rapid chess at blitz chess. Dati na siyang nagwagi ng dalawang silver medals sa World Rapid Championship, isang silver medal sa World Blitz Championship, at kampeonato sa 2008 Ordix Open. Noong Disyember 2019, dahil sa pagkapanalo ng second place sa FIDE Grand Prix 2019, nakapasok siya sa Candidates Tournament 2020-2021. Nagwagi din siya sa 2021 FIDE Candidates Tournament kaya naman nakapasok siya sa World Chess Championship 2021 bilang challenger sa pagkakamit ng titulo ng Pandaigdig na Kampeonato; noong Disyembre 2021, sa nabanggit na kampeonato, tinalo siya ni Magnus Carlsen na siyang defending champion. Noong Hulyo 2022, muli siyang nagwagi sa 2022 FIDE Candidates Tournament, ito na ang pangalawanng sunod na pagkapanalo niya ng naturang patimpalak. Dahil dito, muli siya ang maghahamon sa World Chess Championship 2023; dagdag pa dito, siya din ang nagtala ng pinakamataas na iskor sa lahat ng Candidates' Tournament mula noong 2013, nang ipatupad ang makabagong porma ng torneo.[2]

Si Nepomniachtchi ay apo ng sikat na guro at manunulat ng awit na si Boris Iosifovich Nepomniashchy mula sa Bryansk. Nagsimula siyang maglaro ng ahedres sa edad na apat. Ang kanyang mga tiyuhin na sina Igor Nepomniashchy, Valentin Evdokimenko ang naging kanyang mga unang tagapagturo. Natuto din siya mula sa international master na si Valery Zilberstein, at sa Granmaestro na si Sergei Yanovsky. Mula edad lima hanggang labintatlo, kasama ang coach na si Valentin Evdokimanko, nanirahan si Ian sa Bryansk, para magsanay. Sa patnubay ni Evdokimanko, lumahok siya sa mga kampeonato ng ahedres sa Europa at sa mga Pandaigdigang patimpalak.[3] Tatlong beses napagtagumapayan ni Ian and European Youth Chess Championship: taong 2000 nanalo siya sa pangkat Under 10 , 2001 at 2002 naman nang magkampeon siya sa Under 12 na pangkat.[4] Taong 2002 din noong iuwi niya ang kampeonato mula sa World Youth Chess Championship sa Under 12 Boys Category nang talunin niya si Magnus Carlsen sa pamamagitan ng tiebreak score.[5]

Noong 2007, nakamit niya ang ikalawang pwesto sa C Group ng Corus Chess Tournament na ginanap sa Wijk Aan Zee[6]; ito ang kanyang unang pagkapanalo na naging batayan ng kanyang GM Norm, o ang yugto kung saan nangangailangan siya ng tatlong panalo bago ituring na Granmaestro (Chess Grandmaster). Bago matapos ang taon ding iyon, ikalawang ulit na nagwagi si Ian upang mapalapit sa pagkakamit ng titulong Granmaestro sa European Individual Chess Championship sa Dresden. Ang ikatlo at huling pamantayang panalo bago niya tuluyang kamtin ang titulong Granmaestro ay kanyang ipinanalo sa torneong 5th Vanya Somov Memorial - World's Youth Stars na ginanap sa Kirishi.[7] Tinalo niya tatlong mga kapwa kampeon na sina Rauf Mamedov, Parimarjan Negi, at Zaven Andriasian dahil sa tiebreak score.[8]

Nakapasok siya sa 2008 Dortmund Sparkassen Chess Meeting dahil kanyang pagkapanalo sa Aeroflot Open na ginanap sa Moscow noong Pebrero 2008. Sa Dortmund Sparkassen Chess Meeting, wala siyang natalong laban, pawang mga tabla at panalo; at naging tabla sila ng tatlo pang kalahok sa ikalawang pwesto. Sa loob ng taon din ito nag-kampeon si Ian sa Ordix Open, isang rapid chess tournament na ginanap sa Mainz.[9] [10]

Taong 2009 nang makamit niya ang gintong medalya sa Maccabiah Games.[11]

Taong 2010, sa Rijeka, sa iskor na 9/11, napanalunan ni Ian ang European Individual Championship.[12] Bago matapos ang taon, nanalo din siya sa Russian Chess Championship sa Moscow, kung saan tinalo niya sa playoff si Sergey Karjakin.[13]

Noong Nobyembre ng taong 2011, sa Category 22 ng Tal Memorial sa Moscow, nag-tabla sa Ika-3 - Ika-5 Pwesto si Ian, kasama sina Vasily Ivanchuk at Sergey Karjakin.[14] Si Vladimir Potkin ang tagapagturo kay Nepomniachtchi noong 2011.[15]

Noong Mayo 2013, sa European Individual Championship sampung kalahok ang nag-tabla sa Unang Pwesto kasama si Ian; katabla niya ang mga manlalarong sina Alexander Moiseenko, Evgeny Romanov, Alexander G Beliavsky, Constantin Lupulescu, Francisco Vallejo Pons, Sergei Movsesian, Hrant Melkumyan, Alexey Dreev, at Evgeny Alekseev.[16]

Nang sumunod na buwan, nanalo naman si Ian ng Ikalawang Pwesto sa World Rapid Chess Championship na ginanap sa Khanty-Mansiysk; si Shakhriyar Mamedyarov ang naging kampeon dito.[17] Oktubre noong taong 2013 pa din, nag-tabla naman si Nepomniachtchi at si Peter Svidler sa Russian Championship Superfinal; matapos ang tiebreak, Ikalawang Pwesto ang naiuwi ni Ian.[18]

Sa kabuuan ng 2013, umangat ang FIDE Blitz rating ni Ian; mula 2689 noong Enero, ito ay naging 2830 pagdating ng Disyembre.

Taong 2014, nakamit ni Nepomniachtchi ang medalyang pilak sa World Blitz Chess Championship na inilunsad sa Dubai.[19] Pagdating ng Agosto, noong 5th International Chess Festival na tinawag ding Yaroslav the Wise na idinaos sa Yaroslavl, nanalo rin siya sa Tournament of Champions, isang patimpalak sa rapid chess gamit ang double round-robin format, na nilahukan ng anim na kampeong Europeo na nagsipagwagi sa pagitan ng taoon 2009-2014.[20] [21] Nagwagi naman siya ng gintong medalya sa panlalaking tunggaliang Basque Chess Tournament sa ginanap na SportAccord World Mini Games sa Beijing, Disyembre nang taong iyon.[22]

Abril 2015 nang muling manalo si Ian sa Aeroflot Open, ikalawang beses ito sa kanyang karera; kung saan tinalo niya sa pamamagitan ng tiebreak si Daniil Dubov, dahil mas maraming beses siyang lumaban gamit ang mga itim na piyesa. Dahil dito, (muli) siyang nakapasok sa 2015 Dortmund Sparkassen Chess Meeting. Pagkatapos nito, kasunod agad niyang niyang pinagtagumpayan ang Aeroflot Blitz tournament.[23] Pagdating ng Setyembre, lumahok at nagwagi naman siya sa Moscow Blitz Championship,[24] at isang buwan lang ang lumipas ay nagwagi naman siya ng silver medal sa World Rapid Chess Championship na idinaos sa Berlin. [25]

Nepomniachtchi looking over a chess board.
Si Nepomniachtchi noong 2018 Russian Chess Championships Super Finals

Si Ian Nepomniachtchi ang nag-kampeon sa 7th Hainan Danzhou Tournament at sa Taj Memorial na ginanap Hulyo at Oktubre ng taong 2016.[26] [27]; nanguna din siya sa Tal Memorial" pagdating ng Oktubre.[28] Taong iyon din ng ganapin ang 42nd Chess Olympiad kung saan nanalo sa ng individual silver bilang manlalaro sa ika-apat na board ng koponan ng Russia, na nagkamit naman ng team bronze.

Noong Disyembre 10, 2017, sa isang labang nakapaloob sa Super Tournament sa London natalo ni Ian ang Pandaigdigang Kampeon na si Magnus Carlsen; sa wakas ng nasabing torneo ay ikalawang karangalan lamang ang kanyang naiuwi, dahil matapos niyang manguna sa unang walong rounds (+3-0=5), natalo siya sa tiebreak ni Fabiano Caruana, na nagsimulang humabol sa kanysa sa ika-siyam na round. Noon namang Disyembre 17, 2017, nagkamit siya ng ikatlong pwesto sa World Rapid Chess Championship sa Riyadh.

Hulyo 2018, nagwagi siya sa 46th Dortmund Sparkassen Chess Meeting, sa tala na 5/7 (+3-0=4), isang buong punto ang lamang sa nasa kasunod na pwesto.[29]

Enero 2019, lumahok si Nepomniachtchi sa 81st Tata Steel Masters at nagkamit ng ikatlong pwesto sa iskor na 7 / 13 (+4-2=7).[30] Pagdating ng Marso, kasama siya sa koponan na nagwagi ng World Team Chess Championship para sa Russia.[31] Mayo ng parehas na taon, sumali naman si Ian sa FIDE Grand Prix Tournament sa Moscow na bahagi ng proseso para makapasok sa 2020 World Chess Championship. Ang naturang torneo ay nilahukan ng 16 na manlalaro. Naging kampeon si Nepomnichtchi sa paggapi kay Granmaestro [[Alexander Grishuk sa mabibilis na tiebreak sa wakas ng torneo. Dahil dito, umbaot na sa kabuuang 9 and kanyang puntos sa Grand Prix at naluklok siya sa pinaka-tuktok ng talaan.[32]

Disyembre 2020, nagwagi siya sa Russian Championship na may 7.5 puntos sa kabuuang 11 laban, lamang ng kalahating puntos sa Granmaestro na si Sergey Karjakin.[33]

Noong Abril 2021, nanalo si Ian sa 2020/2021 Candidates Tournament taglay ang kartadang 8.5/14 (+5-2=7), may kalahating puntong lamang sa pumangalawang pwesto na si Maxime Vachier-Lagrave.[34] Ang pagkapanalong ito ang nagbigay-pagkakataon sa kanya upang makaharap si Magnus Carlsen sa World Chess Championship na ginanap noong Nobyembre-Disyembre 2021. Napanatili ni Carlsen ang kanyang pagka-kampeon, nanalo siya sa tala na 7 - 3 .

Agosto 2021 nang makamit ni Nepomniachtchi ang pinakamataas na rating sa lahat ng manlalaro sa bansang Russia, taglay ang rating na 2792. Dahil dito, naitala siya bilang pang-apat na pwesto sa buong mundo, at nasa ikalawang pwesto sa buong Europa, sumunod kay Magnus Carlsen.[35]

Mula ika-26 hanggang ika-28 ng Disyembre, lumahok si Nepomniachtchi sa 2021 FIDE World Rapid Championship at nakapagtapos nang tabla ang iskor (9.5/13) sa iba pang mga manlalaro; matapos ang serye ng mga tiebreaks nakamit niya ang ikalawang pwesto. Ang nagkamit ng unang pwesto na si Nodirbek Abdusattorov, na mayroon ding iskor na 9.5/13 ay nakaharap ni Ian sa isang playoff. Tabla ang naging resulta ng kanilang unang laban, at natalo si Ian sa ikalawa nilang paghaharap, kaya sa dulo ng patimpalak, ay ikalawang karangalan ang naiuwi ni Nepomniachtchi.[36] Disyembre din ng magharap sa isang friendly match si Ian at ang presidente ng kumpanyang Nornickel na si Vladimir Potanin na ipinanalo ni Nepomniachtchi pagkatapos ng ika-38 tira.[37]

Muling nakapasok si Nepomniachtchi sa 2022 Candidates Tournament dahil siya ang World Championship Runner-up at siya'y nagtaglay ng paunang kalamangan sa torneo.[38] [39] Dahil sa pagpapataw ng FIDE ng parusang pagkasuspinde sa mga koponan ng mga bansang Russia at Belarusia, lumaban si Ian dala ang watawat ng FIDE.[40] [41] Nakamit ni Nepomniachtchi ang tagumpay matapos ang ika-13 round ng torneo, matapos maitabla ang kanyang laban kontra kay Richard Rapport, dala ang isa at kalahating puntong kalamangan tungo sa ika-14 na round. Dahil doon, natiyak niya ang pagpasok sa World Chess Championship 2023.[38] Si Ian ang unang manlalaro na nakalampas sa Candidates Tournament nang hindi natatalo matapos ang katulad na ginawa ni Viswanathan Anand noong 2014. Si Ian din ang nagkamit ng pinakamataas na iskor na 9.5/14 sa Candidates Tournament mula nang ipatupad ang makabagong anyo ng nasabing torneo noong 2013.[2]

World Chess Championship 2021
Antas Pandaigdigang Talaan Mga laban Puntos
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14
 Magnus Carlsen (NOR) 2856 Numero 1 ½ ½ ½ ½ ½ 1 ½ 1 1 ½ 1 Hindi na kinailangan
 Ian Nepomniachtchi (CFR) 2782 Numero 5 ½ ½ ½ ½ ½ 0 ½ 0 0 ½ 0

Katayuan sa Rapid at Blitz Chess

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bukod sa kanyang napatunayang husay sa klasikong ahedres, nagpakita din ng galing si Ian sa rapid at blitz chess. Sa tala noong Hunyo 2021, si Ian ay panglima sa buong mundo sa talaan ng FIDE para sa rapid chess[42] at ika-sampu naman sa daigdig sa talaan ng blitz chess.[43]

Personal na Buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Ian Nepomniachtchi ay isang Hudyo.[44] [45]Madalas gamitin ng mga kakilala niya ang palayaw niyang "Nepo".[46] Nagtapos siya ng pag-aaral mula sa Russian State Social University.[47]

Noong Oktubre 4, 2021, naging panauhin si Nepomniachtchi sa programa sa telebisyon na What? Where? When?[48]

Kasama ang 43 pang mga kilalang manlalaro ng ahedres mula sa Russia, noong Marso 2022, lumagda si Nepomniachtchi sa isang bukas na liham para sa pangulo ng Rusya na si Vladimir Putin para tutulan ang pagsakop ng Russia sa Ukraine at maghayag ng pakikiisa sa mga mamayan ng Ukraine.[49]

Taong 2006 na matutunan at makahiligan ni Ian ang larong DotA; naging semi-professional na manlalaro din siya ng DotA2.[50] [51] Kasapi siya sa koponan na nagwagi sa ASUS Cup Winter 2011 DotA Tournament. Naging komentarista naman siya noong ESL Hamburg 2018 DotA 2 Tournament, at nakilala sa taguring FrostNova.[52] Naglalaro din siya ng Hearthstone at hinikayat pa ang kapwa Rusong Granmaestro na si Peter Svidler na maglaro din nito. Nagbigay pa ng kani-kanilang mga mungkahi si Nepomniachtchi at Svidler tungkol sa nasabing laro sa mga developer ng Hearthstone.[53]

Naging paksa din si Ian Nepomniachtchi ng ilang mga aklat sa usapin ng ahedres. Narito ang mga aklat ng naglalaman ng mga detalye tungkol sa kanya:

  • Grandmaster Zenon Franco (2021). Nail It Like Nepo!: Ian Nepomniachtchi's 30 Best Wins. [Limited Liability Company Elk and Ruby Publishing House]. ISBN 978-5604-56073-0
  • Grandmaster Dorian Regozenco (2021). Eight Good Men: The 2020-2021 Candidates Tournament. [Limited Liability Company Elk and Ruby Publishing House]. ISBN 978-5604-17707-5
  • Cyrus Lakdawala (2021). Nepomniachtchi: Move by Move [Everyman Chess]. ISBN 978-1781-9462-51

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "World_Team_09_Russia_Takes_Gold;_China_Silver". ChessBase. 6 Disyembre 2013. Nakuha noong 2022-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Doggers, Peter. "Ding_Beats_Nakamura_To_Finish_2nd_Behind_Nepomniachtchi;_Radjabov_Claims_3rd Place". Nakuha noong 2022-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Ian_Nepomniachtchi:_I_Began_To_Play_Angrier_And_The_Results_Went". 2010-12-25. Nakuha noong 2022-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Crowther, Mark (2002-11-25). "The_Week_in_Chess_420". Nakuha noong 2022-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Heraklio_2002_–_17°_World_Championship_U12_(Boys)". BrasilBase. Nakuha noong 2022-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Standings of grandmaster group C 2007 Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine.
  7. "FIDE_Title_Applications". FIDE. Nakuha noong 2022-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Crowther, Mark (28 Mayo 2007). "TWIC_655:_Somov_Memorial_Kirishi". Nakuha noong 2022-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Doggers, Peter (4 Agosto 2008). "Nepomniachtchi_Wins_Ordix_Open". ChessVibes. Nakuha noong 2022-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Mainz_2008:_Ian_Nepomniachtchi_wins_Ordix_Open". ChessBase. 5 Agosto 2008. Nakuha noong 2022-07-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "JUDAISM_AND_CHESS". The Chesspedia. Nakuha noong 2022-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Ian_Nepomniachtchi_is_European_Chess_Champion". Chessdom. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-23. Nakuha noong 2022-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "First_Russian_Title_for_Nepomniachtchi". Chessdom. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-24. Nakuha noong 2022-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Carlsen_Catches_Aronian_in_Last_Round,_Wins_Tal_Memorial_on_Tiebreak". ChessVibes. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Marso 2014. Nakuha noong 2022-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Vladimir_Potkin_on_Chess_Coaching_and_Cheating". 8 Abril 2011. Nakuha noong 2022-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Crowther, Mark (16 Mayo 2013). "14th_European_Individual_Championships_2013". The Week in Chess. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-08. Nakuha noong 2022-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Shakhriyar_Mamedyarov_is_2013_World_Rapid_Chess_Champion". Chessdom. 8 Hunyo 2013. Nakuha noong 2022-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Russian Super Final: Svidler, Gunina win". ChessBase. 14 Oktubre 2013. Nakuha noong 2022-07-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "FIDE_World_Blitz_Championship_2014_DUBAI_-_UAE_19-20_June 2014". Chess-Results. 2020-06-20. Nakuha noong 2022-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Goran (2014-08-28). "Ian_Nepomniachtchi_convincing_in_Yaroslavl". Chessdom. Nakuha noong 2022-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Tournament_of_Champions_in_Yaroslavl". Chessdom. 2014-08-25. Nakuha noong 2022-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. McGourty, Colin (2014-12-17). "Hou_Yifan_and_Nepomniachtchi_Basque_in_glory". Chess24. Nakuha noong 2022-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Crowther, Mark (2015-03-28). "Aeroflot_Open_2015". The Week in Chess. Nakuha noong 2022-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Ian Nepomniachtchi and Valentina Gunina win the Moscow Blitz Chess Championships". FIDE. 2015-09-11. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-11-21. Nakuha noong 2022-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Magnus_Carlsen_is_2015_World_Rapid_Champion!". Chessdom. 2015-10-12. Nakuha noong 2022-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "7th_Hainan_Danzhou_GM_2016". The Week in Chess. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-04-26. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Shankland, Samuel (19 Hulyo 2016). "Nepomniachtchi_Wins_Super_Tournament_in_China". World Chess. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Hulyo 2017. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Silver, Albert (2016-10-07). "Ian_Nepomniachtchi_wins_Tal_Memorial". ChessBase. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Crowther, Mark (2018-07-22). "46th_Dortmund_Sparkassen__Chess_Meeting_2018". The Week in Chess. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. McGourty, Colin (2019-01-28). "Tata Steel 2019, 13: Carlsen's Magnificent Seven". Chess24. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Crowther, Mark (2019-03-14). "FIDE_World_Team_Championship_2019". theweekinchess.com. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Doggers, Peter (29 Mayo 2019). "Nepomniachtchi_Wins_Moscow_FIDE_Grand_Prix". Chess.com. Nakuha noong 2022-07-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Crowther, Mark (2020-12-16). "73rd_Russian_Chess_Championships_2020". theweekinchess.com. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Ian Nepomniachtchi wins FIDE Candidates Tournament". www.fide.com (sa wikang Ingles). 2021-04-26. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "Who_Is_and_What_Is_Known_for_the_Russian_Grandmaster_Ian_Nepomniachtchi,_a_Contender_for_the_Chess_Crown". sport-express.ru (sa wikang Ingles). 2021-08-23. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "FIDE_World_Rapid_Championship_2021". chess24.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-03-25. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Nepomniachtchi_Beat_Potanin_In_A_Friendly_Chess_Match". iz.ru. 2021-12-24. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. 38.0 38.1 Colodro, Carlos Alberto (2022-07-04). "Ian_Nepomniachtchi_wins_second_consecutive_Candidates_Tournament". Chessbase (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. McGourty, Colin (2022-06-30). "Madrid_Candidates_10:_Caruana_caught_by_Ding_and_Nakamura". chess24.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "FIDE Candidates Tournament: Drawings of lots and pairings". www.fide.com (sa wikang Ingles). 2022-04-29. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "Russia and Belarus teams suspended from FIDE competitions". www.fide.com (sa wikang Ingles). 2022-03-16. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "FIDE Online. FIDE Top players - Rapid Top 100 Players June 2021".
  43. "FIDE Online. FIDE Top players - Blitz Top 100 Players June 2021". ratings.fide.com.
  44. "Nepomniachtchi sets up World Chess Championship date with Carlsen". the Guardian (sa wikang Ingles). 26 Abril 2021. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. Soffer, Ram (2013-07-24). "2013 Maccabiah Games – The Jewish Olympics". ChessBase. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. "Will Nepo's supercomputer give him world chess title edge over Carlsen?". The Guardian. 25 Nobyembre 2021. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. "Vladimir Palikhata opened 9th International RSSU Cup Moscow Open 2013". Moscow Open. 2013-02-02. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  48. "Брянский гроссмейстер Ян Непомнящий сыграл в "Что? Где? Когда?"" (sa wikang Ruso). 2021-10-04. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. Copeland, Sam (2022-04-22). "'Stop the war.' 44 Top Russian Players Publish Open Letter To Putin". chess.com. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. Bolding, Jonathan (18 Abril 2021). "World #6 chess grandmaster compares watching esports to watching chess". PC Gamer. Nakuha noong 2022-07-29.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. Ganeev, Timur (2017-05-10). ""Я отошел от киберспорта и сосредоточился на шахматах"" [I moved away from esports and focused on chess]. Izvestia (sa wikang Ruso). Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. Neprash, Alexander (26 Abril 2021). "Россиянин Ян Непомнящий сыграет в матче за мировую шахматную корону. Он побеждал на Asus Cup Winter 2011 и комментировал ESL One Hamburg 2018" [Russian Ian Nepomniachtchi will play in the match for the world chess crown. He won the Asus Cup Winter 2011 and was one of the commentators in ESL One Hamburg 2018]. Cyber.Sports.ru (sa wikang Ruso). Nakuha noong 2022-07-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. "European Champion in chess Ian Nepomniachtchi: "Hearthstone is more like sudoku than chess"". Vie Esports – esports stories (sa wikang Ingles). 2019-05-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-05-28. Nakuha noong 2019-10-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)