Ika-17 dantaon BC
Ang ika-17 siglo BK (Bago si Kristo) ay isang siglo na tumagal mula 1700 BK hanggang 1601 BK.

Diskong kalangitan ng Nebra, gitnang Europa 1600 BK. Ang nakatanim na ginto ay naglalarawan sa gaskulay na buwan at ang kumpol ng bituin (star cluster) na Pleiades sa isang tiyak na pag-aayos na bumubuo sa pinakamaagang kilalang paglalarawan ng kababalaghang makalangit.
Mga pangyayari[baguhin | baguhin ang wikitext]

Imaheng buntabay ng Thera, lokasyon ng sentro ng Minoanong pagsabog, isang posibleng pinagmulan ng kaguluhang klimatiko sa ika-17 siglo BK
- s. 1700 BK: Nagwakas ang Kabihasnan sa Lambak ng Indus ngunit pinalitan sila ng kultura ng Sementeryong H.
- 1700 BK: Si Belu-bani ay naging Hari ng Asiria.
- s. 1700 BK: Nagtapos ang panahon ng Lumang Palasyo ng Minoe at nagsimula ang panahon ng Ikalawang Palasyo ng Minoe sa Sinaunang Gresya.
- s. 1700 BK: simula ng huling panahon ng Minoe sa Creta.
- s. 1700 BK: Ang mga panday-bakal ng Aegean ay gumagawa ng gumawa ng mga pampalamuting bagay na nakikipagkumpitensya sa mga Sinaunang Malapit sa Silangang alahero, na tilang pinaghiram ng mga kasiningan.
- s. 1700 BK: Nagsimula ang pamamahala ni Lila-Ir-Tash sa Imperyong Elam.
- s. 1700 BK: 1450 BK : Ang batang babae na namumulaklak ng crocus sativus na bulaklak, detalye ng pagpipinta sa dingding, Ika-3 Silid ng Bahay Xeste 3, Akrotiri (Santorini), Thera ay ginawa. Panahon ng ikalawang Palasyo. Itinatago ito ngayon sa Pundasyong Thera, Petros M. Nomikos, Gresya.
- s. 1700 BK: Nagsimula ang Bronze Age sa Tsina.
- s. 1698 BK: namatay si Lila-Ir-Tash, pinuno ng Imperyong Elam. Nagsimulang mamuno si Temti-Agun I sa Imperyong Elam.
- 1691 BK: namatay si Belu-bani, ang Hari ng Asiria.
- s. 1690 BK: namatay si Temti-Agun I, ang pinuno ng Imperyong Elamita . Sinimulan ni Tan-Uli na mamuno ang Elamite Empire .
- 1690 BK: Naging Hari ng Asiria si Libaia.
- s. 1680 BK: Ehipto: Pagkaroon ng nakaalsang tinapay (tinatayang petsa).
- 1675 BK: Tang ng Shang, unang pinuno ng Dinastiyang Shang ay naging pinuno sa Tsina.
- s. 1673 BK: Naging Hari ng Asiria si Sharma-Adad I.
- s. 1661 BK: Si Iptar-Sin ay naging Hari ng Asiria.
- s. 1655 BK: Namatay si Tan-Uli, ang pinuno ng Imperyong Elam.
- s. 1650 BK: Pagbagsak ng Ika-14 na Dinastiya ng Ehipto.
- s. 1650 BK: Pagsakop sa Memphis ng mga Hiksos at pagbagsak ng ika-13 Dinastiya ng Ehipto.
- s. 1650 BK: Simula ng ika-15 (Hiksos) at ika-16 na Dinastiya ng Ehipto.
- s. 1650 BK: Posibleng simula ng Dinastiyang Abydos sa Itaas na Ehipto.
- s. 1646 BK o mas maaga: Si Jie ng Hsia ay itinumba ni Tang ng Shang (s. 1675-1646 BK) sa Labanan ng Mingtiao.
- 1649 BK: Si Bazaia ay naging Hari ng Asiria .
- 1633 BK – Mayo 2 – Nagsisimula ang Lunar Saros 34.[1]
- 1627 BK: Simula ng paglamig ng klima sa mundo na tumagal ng ilang taon na naitala sa mga singsing ng puno sa buong mundo.[1] Maaaring bunga ito ng Minoanong pagsabog ng Thera[2] o ng Avellinong pagsabog ng Bundok Vesubio. [3]
- 1625 BK: Si Samsu-Ditana ay naging Hari ng Babilonya (gitnang kronolohiya).
- 1621 BK: Naging Hari ng Asirya si Lullaia.
- 1620 BK: Si Mursili I ay naging Hari ng Imperyong Heteo (gitnang kronolohiya).
- 1615 BK: Si Shu-Ninua ang naging Hari ng Asiria.
Mga makabuluhang tao[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Si Jie, ang huling pinuno ng Dinastiyang Hsia, ay namahala sa Tsina nang 52 taon hanggang 1600 BK ayon sa Kronolohiyang Proyekto ng Hsia-Shang-Zhou.
Mga pagkamatay[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkalipol[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Ang huling kilalang populasyon ng mammuthus primigenius, na napanatili sa Islang Wrangel, ay naging ekstinkto. [4]
Malayang estado[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tingnan: Talaan ng mga malayang estado noong ika-17 siglo BK.
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ LaMarche, Valmore C. Jr.; Hirschboeck, Katherine K. (1984). "Frost rings in trees as records of major volcanic eruptions". Nature. 307 (5947): 121–126. doi:10.1038/307121a0.
- ↑ Baillie, M. G. L.; Munro, M. A. R. (1988). "Irish tree rings, Santorini and volcanic dust veils". Nature. 332 (6162): 344–346. doi:10.1038/332344a0.
- ↑ Vogel, J. S. (1990). "Vesuvius/Avellino, one possible source of seventeenth century BC climatic disturbances". Nature. 344 (6266): 534–537. doi:10.1038/344534a0.
- ↑ Stuart, Anthony J; Sulerzhitsky, Leopold D; Orlova, Lyobov A; Kuzmin, Yaroslav V; Lister, Adrian M (2002). "The latest woolly mammoths (Mammuthus primigenius Blumenbach) in Europe and Asia: A review of the current evidence". Quaternary Science Reviews. 21 (14–15): 1559. doi:10.1016/S0277-3791(02)00026-4.