Pumunta sa nilalaman

Dantaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Daang taon)

Ang dantaon o siglo[1] ay isang panahon na sumasakop o bumubuo sa isang daang taon (sandaang taon). Nakabilang ang mga dantaon sa ordinal na pagkakasunod sa Tagalog at sa maraming ibang wika. Sa Ingles, tinatawag na century ang dantaon na mula sa Latin na centum, na nangangahulugang isang daan. Dinadaglat minsa ang century bilang c.[2]

Ang isang sentenaryo ay ang ikasandaang taong anibersaryo, o ang isang pagdiriwang nito, tipikal ang pag-alaala ng isang pangyayari na nangyari noong isang daang taong nakalipas.

Simula at katapusan sa kalendaryong Gregoryano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bagaman, maaring ikahulugan ang isang dantaon bilang ang kahit anong arbitraryong panahon ng 100 taon, mayroon dalawang pananaw sa kalikasan ng pamantayang mga siglo. Ang una ay batay sa mahigpit na konstruksyon, habang ang isa naman ay base sa popular na perpektibo (pangkalahatang gamit).

Sang-ayon sa istriktong pagsasagawa ng kalendaryong Gregoryano, nagsimula ang unang siglo AD noong 1 AD at natapos noong 100 AD, na may kaparehong modelo sa nagpapatuloy pasulong. Sa ganitong modelo, ang ika-n na siglo ay nagsimula/magsisimula sa taon na (100 × n) − 99 at nagtatapos sa 100 × n. Dahil dito, kabilang lamang sa isang siglo ang isang taon, ang sentenaryong taon, na nagsisimula sa bilang ng dantaon (halimbawa, 1900 ang huling taon ng ika-19 na siglo).[3]

Sa pangkalahatang gamit, ginawa ang pagpapangkat ng mga dantaon batay sa kanilang binabahaging tambilang. Sa modelong ito, ang ika-n na siglo ay nagsimula/magsisimula sa taon na (100 x n) - 100 at nagtatapos sa (100 x n) - 1. Halimbawa, pangkalahatang pinapalagay ang ika-20 dantaon na mula 1900 hanggang 1999, inklusibo. Ang pagnunumero ng pang-astronomiyang taon at ang sistemang ISO 8601 na parehong naglalaman ng isang taong sero, kaya nagsisimula ang unang siglo na may taong sero sa halip na taong isa..[4]

Maghigpit laban sa Pangkahalatang gamit
Taon 1 2 3 ... 98 99 100 101 102 103 ... 198 199 200 1900 ... 1901 1902 1903 ... 1998 1999 2000 2001 2002 2003 ... 2098 2099 2100 2101 2102 2103 ... 2198 2199 2200 ...
Istrikto Ika-1 dantaon Ika-2 dantaon ... Ika-20 dantaon Ika-21 dantaon Ika-22 dantaon ...
Pangkalahatan Ika-1 dantaon Ika-2 dantaon ... Ika-20 dantaon Ika-21 dantaon Ika-22 dantaon ...

Kaparehong mga pagpepetsang yunit sa ibang sistemang kalendaryo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Habang karaniwang ginagamit ang dantaon sa Kanluran, gumamit ang ibang kultura at kalendaryo ng pangkat ng mga taon na magkakaiba ang laki sa isang parehong paraan. Partikular, ang kalendaryong Hindu, na binubuo ang mga taon nito sa pangkat na 60,[5] habang ang kalendaryong Aztec naman ay nasa pangkat na 52.[6]

Wiktionary
Wiktionary
Tingnan ang century sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.

Mga sanggunain

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James (1977). "Siglo, dantaon, century". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Oxford English Dictionary – List of Abbreviations".
  3. "The 21st Century and the 3rd Millennium". aa.usno.navy.mil/. U.S. Naval Observatory. 14 Hunyo 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Oktubre 2019. Nakuha noong 15 Hunyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "century". Oxford Dictionaries (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hunyo 2018. Nakuha noong 10 Mayo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "www.vedavidyalaya.com" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Disyembre 2013. Nakuha noong 4 Setyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "www.aztec-history.com" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 4 Setyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • The Battle of the Centuries[patay na link], Ruth Freitag, U.S. Government Printing Office. Available from the Superintendent of Documents, P.O. Box 371954, Pittsburgh, PA 15250- 7954. Cite stock no. 030-001-00153-9. Hinango noong 3 Marso 2019. (sa Ingles)