Pumunta sa nilalaman

Mahal na Ina ng Banal na Rosaryo ng Manaoag

Mga koordinado: 16°2′38.5″N 120°29′19″E / 16.044028°N 120.48861°E / 16.044028; 120.48861
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ina ng Manaoag)
Mahal na Ina ng Banal na Rosaryo ng Manaoag
Nuestra Señora del Santísimo Rosario de Manaoag
Ang maalahas na garing na imahen Ina ng Manaoag, sa loob ng punong retablo ng dambana.
LokasyonManaoag, Pangasinan
Petsa1610
Saksidi-kilalang lalaki
UriPagpapakita ni Maria
IpinagtibayPapa Pio XI
Papa Benedicto XVI
DambanaBasilikang Monor ng Ina ng Manaoag, Manaoag, Pangasinan

Ang Ina ng Manaoag (pormal na tiutlo: Mahal na Ina ng Pinakabanal na Rosaryo ng Manaoag; Kastila: Nuestra Señora del Santísimo Rosario de Manaoag) ay isang Katolikong Romanong titulo ni Birheng Maria na pinipintuho sa Manaoag, Pangasinan.

Ang imaheng garing at pilak na may hawak titulo nito at nagmula noong ika-16 na dantaon at kasalukuyang nakadambana sa loob ng Basilikang Minor ng Mahal na Ina ng Banal na Rosaryo ng Manaoag. Ang dambana ay isang pangunahing lugar ng banal na paglalakbay sa bansa at pinangasiwaan ng Orden ng mga Mangangaral (Dominikano) sa loob ng Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan.

Iginawad ni Papa Pio XI ng isang Koronasyong Kanonika sa imahen noong Ika-22 ng Abril, 1926, habang itinaas ni Papa Benedicto XVI ang kanyang sagradong pook sa kapantay na indulhensiya sa Basilika ni Santa Maria la Mayor noong Ika-21 ng Hunyo, 2011. Sa ilalim ng titulo ni Maria nito, si Birheng Maria ay inatasang pintakasi ng maysakit, kaawa-awa ay nangangailangan.[1] Ang Kapistahan ng Ina ng Rosaryo ng Manaoag ay ipinangdiriwang sa dalawang kapistahang araw: ang ikatlong Miyerkules pagkatapos ng Linggo ng Muling Pagkabuhay at unang Linggo ng Oktubre.

Pinagmulan ng salita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang nakaugalian na hinahawakan ng bayan ng Manaoag ay nagmula sa pandiwang Pangasinense mantaoag, na ibig sabihin ay "tumawag".[2]

Ang pagpapakita ng Birhen sa magsasaka, na nakalarawan sa isang pintang-mural sa transepto.

Ang imahen ng Mahal na Ina ng Manaoag ay isang ika-17 dantaong imaheng garing at pilak ng Birheng Maria na may Batang Hesus na nakadambana sa mataas na retablo ng Basilika. Dinala ito sa Pilipinas mula sa Espanya sa pamamagitan ng kalakalang galyon ng Maynila mula Acapulco, Mehiko, sa unang bahagi ng ika-17 dantaon ni Padre Juan de San Jacinto.

Ang mga dokumento mula pa noong 1610 ay pinatunayan na ang magsasakang nasa gitang edad ay narinig ng isang di-malirip na tinig ng isang babae. Tumingin siya sa paligid at nakita sa ibabaw ng puna na pinalibutan ng ulap ang pagpapakita ng Birheng Maria, hawak ang isang Rosaryo sa kanyang kanang kamay at Ang Batang Hesus sa kanyang kaliwang braso, lahat sa gitna ng isang makinang na langit. Sinabi ni Maria sa magsasaka ang nais na magpatayo ng simbahan para sa kanya, at itinayo ang isang kapilya sa lugar na burol ng aparisyon, na bumubuo ng pinakagitnang bahagi ng kasalukuyang bayan.

Ang Ina ng Rosaryo at nakalarawan sa mga ibang bansa na may katulad na mga katangian, na may karagdagang gamit at istilo ng kasuotang-banal na nag-iiba-iba sa mga kultura. Ang imaheng Manaoag ay naiiba sa mga ibang imahen sa paglililok ay regalya, partikular sa korona.

Ang peregrinong replika imahen ay umiiral din at naglilibot sa mga parokya sa Pilipinas para sa pamimintuho.

Regalya and seguridad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang imahen ng Mahal na Ina ng Manaoag at maalahas na korona ay itinuturing hindi mabibili ng salapi. Marami nang mga pagtatangkang nakawin sa Dambanang Manaoag ang mga alaha't hiyas na nakatahi sa damit ng imahen at itakda sa regalya nito na kabilang ang mga korona, mga sinag sa ulo, rosaryo, mga setro at gabilya.

Marami sa kanyang mga ginintuang korona at mga sinag sa ulo ay nakatago sa museo ng dambana, na ibinigay ng kapwa mga lokal at dayuhang deboto. Isang mamahaling koleksyon ng mga kasuotang panliturhiya na na ginamit ng imahen at mga paring Dominikano ay ipinakita, ganundin ang hanay ng mga pabango na ginamit sa imahen. Ito ay mga ex-voto na ibinigay ng mga namimintuho at namamanata mula sa buong daigdig.

Ang imahen ng Mahal na Ina ng Manaoag ay nasa lubos na seguridad na may nakalakip na salaming di-matamaan ng salamin sa itaas ng bagong mataas na Retablo, na may mga karagdagang inukit na kahoy, isang mataas na patuntungan, at apat na ginintuang kandilabra. Ang sagisag ng mga Dominikano ay nakalagay sa itaas ng durungawan ng imahen bilang pagpapakita ng pamimuntuho ng Orden sa kanya. Ang bas-relief, gawa sa mga inukit na nara sa ilalim ng kanyang trono na magandang inilalarawan ang mga makasaysayang kaganapan sa pamimintuho sa Ina, ay naibago.

Ang arkidiyosesis, sa linya na may kaugaliang Pilipino ng pamimintuho ng isang imahen sa pamamagitan ng paghawak ng katawan o damit nito, ay nagtayo ng isang hagdanan na makakaakyat sa Silid-Pamimintuho sa ikalawang palapag sa likod ng abside. May mga upuan ang silid sa harap ng alkoba sa likod ng dambana ng imahen. Ang mga nagsusumamo ay lumuluhod ang mga tagatulong bago ang salamin ng maliit na bintana sa likod ng paanan ng imahen upang manalangin at hawakan ang lupi ng kapa ng imahen, madalas naghuhulog ng mga sulat ng panalangin sa isang kalapit na kahon. Pagkatapos ng pamimintuho sa imahen, dumadaan ang mga deboto sa tindahan ng mga imahen, mga aklat at mga gamit-dasalin sa kanilang paglabas.

Ang pinintang mural sa transepto ay naglalarawan ng imaheng tinutulungan ng bayan mula sa sunog.

Ang mga ibang mga naunang himala na naiugnay sa Ina ng Manaoag, kabilang ang orihinal na aparisyon, ay nailarawan sa mga pinintang mural ng simbahan.

Sa mga unang araw ng kapanahunan ng Kastila, sinunog ng mga taga-bundok na animista ang mga bagong-tatag na nayong Kristiyano. Ang bayan ng Manaoag ay isa sa mga pamayanan na sinunog ng mga mananalakay, dinala ang mga lokal na tumatakas sa nakabubong na simbahan. Ang pinuno ng mga pilantero ay umakyat sa bakod na krudo ng hugnayan ng simbahan at tumama ng mga umaapoy na pana sa lahat ng bahagi ng simbahan, subali't ang gusali ay mapaghimalang hindi nasunog.

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga kalabang puwersang Hapones ay naghulog ng maraming bomba sa loob ng paligid ng simbahan. Katamtamang nasira ang istraktura. Pinakawalan ang apat na bomba sa ibabaw ng simbahan, na may tatlong pagbaba sa liwasan at dayag, kapwa nasira. Ang huling bomba ay nahulog sa sagradong pook, nguni't himalang hindi sumabog. Ang pagkakaroon umano ng mga bulaklak ng mansarilya (chrysanthemum) sa simbahan ay nagpapigil sa mga sundalong Haponas sa paggawa ng kalapastanganan, palibhasa binibigyan ng paggalang sa bulaklak bilang bahagi ng kanilang kultura.

Ang iba pang mga himala ay nakasalaysay ay naka-ugnay sa Ina ng Manaoag kabilang ang mga mga pag-ulan sa panahon ng tagtuyot, muling pagbuhay ng isang batang halos patay na sa pamamagitan ng banal na panalangin ng pamamagitan at banal na tubig, pagpigil sa isang sunog na nagmula sa simbahan, at paglaban ng iba`t ibang pagtatangka sa paglilipat ng dambana.

Ang mga himala nga iniugnay sa Ina ng Manaoag sa makabagong panahon ay palasak, pinatunayan ng mga mananampalataya at malawak na isinulong sa pamamagitan ng salita ng bibig, mga paglathala at mga alamat. Tulad nito, madalas na nananawagan ng mga peregrino ang Kanyang pamamagitan sa mga panahon ng matinding pangangailangan, kasama ang ilan sa mga humuhiling na naglalakbay ang lahat ng mga paraan mula sa mga malalayong lugar upang gawin ito.

Mga kapistahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangunahing kapistahan ng Mahal na Ina ng Manaoag ay nasa ikatlong Miyerkules ng Muling Nabuhay. Ang mga taluktok ng mga pamamakay ay nasa mga panahon ng Mahal na Araw at Muling Nabuhay, ang buwan ng Mayo, at ang buwan ng Oktubre - ang buwan ng Banal na Rosaryo - kung saan ang pangkalahatang araw ng Mahal na Ina ng Banal na Rosaryo ay ipinagdidiriwang tuwing unang Linggo ng Oktubre. May prusisyon pagkatapos ng Misang panghapon sa lahat ng mga okasyon.

Ang mga libu-libo ay nagtatagpo sa mga Sabado at mga Linggo upang manalangin ng kanilang mga intensyon, makinig ng Banal na Misa, manalangin ng Rosaryo, mag-alay ng mga bulaklak, magilaw ng mga kandila, bumili ng bagay-pananampalataya (religious articles), magkaroon ng bagay-dasalin o napagbendisyunan ang mga sasakyan, kumuha ng banal na tubig, at sumali sa mga pang-araw-araw at pamanahong gawaing-pamimintuho. Ginagawa ang mga bendisyon ng mga bagay-pananampalataya at mga sasakyan sa likod ng paligid ng simbahan pagkatapos ng bawat Misa, samantala ang banal na tubig ay naipamahagi din nang libre sa mga may lalagyan.

Ang maikling pangbukang-liwayway na prusisyon at Rosaryong Iskriptural na tuwing unang Sabado bago ang pang-ika-5 ng umagang Misa ay dinadaluhan nang palagian ng mga namamanata mula sa Kalakhang Maynila at mula mga Rehiyong I (Ilokos), II (Lambak Cagayan), at III (Gitnang Luzon). Ang mga rito ng unang Sabadong ito ay alinsunod sa Komunyon ng Pagbabago sa mga Unang Sabado na hiniling ng Birheng Maria sa kanyang ikatlong pagpapakita sa Fatima noong 13 Hulyo 1917 para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa daigdig.

Anuman sa mga Misa sa regular na talatakdaaan ay maaaring mag-alay para sa mga pansariling kahilingan at pasasalamat. Ang mga Misang pang-ika-7 ng umaga (maliban sa Biyernes Santo) ay maaaring mag-alay para sa mga kaluluwa sa Purgatoryo ng mahal sa buhay. Ang mga ito ay maaaring gawin sa tanggapan ng parokya sa kanang gilid ng punong tanggapan ng simbahan; sa Museo ng Dambana; o sa likod ng simbahan sa tabi ng tindahang panrelihiyoso sa pasukan ng Palko ng mga Kandila (Candle Gallery). Ang mga Misang pang-alay at donasyon ay maaaring ialay sa pamamagitan ng websayt nito.

Ang mga serbisyo sa dambana at mga programang panrelihiyon ay nagsasahimpapawid sa Radyo Manaoag 102.7 FM, na umaabot din sa pamamagitan ng websayt *Opisyal na Websayt ng Dambana ng Mahal na Ina ng Manaoag Naka-arkibo 2013-05-12 sa Wayback Machine..

Isang tatlong-talampakang replika ng imahen ng Mahal na Ina ng Manaoag ay inihandog ng isang deboto at ibinyahe sa Mga di-pinagsamang teritoryo ng Estados Unidos ng Guam noong 17 Agosto 2012. Nakadambana ang imahen sa Katolikong Simbahan ng San Antonio de Padua at San Victor sa Tamuning, Guam kung saan ang isang rito ng pagtatalaga ay idinaos sa sumunod na araw, na dinalo ng mga Katolikong Pilipino-Guamanyo.[3] Ibinyahe ang imahen bilang bayad na pasahero lulan ng paglipad ng United Airlines.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://www.facebook.com/pages/Our-Lady-of-Manaoag/120437460753?sk=info
  2. "Ang Maligayang Pagdating ng Babae" Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine.. Dambana ng Ina ng Rosaryo ng Manaoag. Nakuha noong 2014-01-03.
  3. (2012-08-24). "Ang mga Pinoy sa Guam ay nakiisa sa rito ng pagtatalaga ng imahen ng Ina ng Manaoag". GMA Balita Enlinya (GMA News Online). Nakuha noong 2014-01-05.
  4. Darang, Josephine (2012-09-12). "Mga Pilipino sa Guam sumalubong ang Ina ng Manaoag; Mga Kapampangan sa Los Angeles". Inquirer.net. Nakuha noong 2014-01-05.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

16°2′38.5″N 120°29′19″E / 16.044028°N 120.48861°E / 16.044028; 120.48861