Pumunta sa nilalaman

Inseminasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Inseminasyon, na kilala rin bilang pagpupunla o pagbibinhi, ay ang sinasadyang pagpapasok ng esperma sa bahay-bata ng isang mamalya o ng obidukto ng isang obiparong (nangingitlog) hayop para sa layunin ng impregnasyon (pertilisasyon) ng isang babae para sa reproduksiyon. Normal na nagaganap ang inseminasyon habang, at bilang resulta ng, pagtatalik sa pagitan ng isang lalaki at ng isang babae, kapag ang semen o tamod ay nailabas (ehakulasyon) ng isang lalaki papasok sa rehiyong pangreproduksiyon ng babae, subalit maaaring maganap sa mga paraan hindi kinasasangkutan ng pagtatalik.

Ang inseminasyon sa pamamagitan ng pagtatalik ay pangkaraniwang tinutukoy bilang likas na inseminasyon (likas na pagpupunla o likas na pagbibinhi). Sa mga tao, ang inseminasyon (literal na "pagtatanim") ay pinaka pangkaraniwang isinasagawa sa pamamagitan ng pagtatalik na may lalaking katambal sa pagtatalik na napili ng babae, at kung minsan ay hindi ang babae ang pumili. (Tingnan ang seleksiyong seksuwal.) Maaari rin itong isagawa ng isang tagapagkaloob ng esperma. Sa karamihan ng mga kultura, ang inseminasyong papaloob sa puke (pagpupunlang papasok sa loob ng puke) ng isang lalaki na hindi ang normal na kaparehang pangpagtatalik ng babae ay nakapailalim sa pagsasawata at mga pagbabawal na panlipunan at pangpagtatalik, at may mga kahihinatnang legal, moral at interpersonal. Ang kalimitan ng inseminasyong intrabahinal (papaloob sa puke) ng isang tagapagbigay ng esperma ay hindi nalalaman, sapagkat ang mga kasunduan ay karaniwang impormal at lahat ng mga partido ay nagnanais na panatilihin ang kasunduan bilang palihim (kumpidensiyal).

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]