Pumunta sa nilalaman

Intramuros

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Intramuros
Pakanan: Katedral ng Maynila, Baluarte de San Diego, Plaza San Luis, Palacio del Gobernador, Kutang Santiago, at Simbahan ng San Agustin
Opisyal na sagisag ng Intramuros
Logo ng Administrasyon ng Intramuros
Palayaw: 
Napapaderang Lungsod
Bansag: 
Insigne y siempre leal Ciudad de Manila
Natatangi at Matapat na Lungsod ng Maynila
Mga koordinado: 14°35′29″N 120°58′25″E / 14.59147°N 120.97356°E / 14.59147; 120.97356
BansaPilipinas
RehiyonPambansang Punong Rehiyon
LungsodMaynila
Mga barangay5
Lawak
 • Kabuuan0.67 km2 (0.26 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2007[1])
 • Kabuuan5,015
 • Kapal7,500/km2 (19,000/milya kuwadrado)

Ang Intramuros (wikang Latin ng "loob ng kuta") sa Maynila ay ang kuta at ang pinakamatandang kabayanan ng Maynila.

May lawak itong 67 ektarya at ang nangangasiwa dito ay ang Administrasyon ng Intramuros (IA), na nilikha sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1616, na nilagdaan noong 1979.[2] Ang tungkulin ng IA ay paunlarin, pangalagaan, pangasiwaan at itayo muli ang mga gusali at istraktura, pati na ang mga kuta ng Intramuros.

Ang Intramuros ay tinatawag ding Napapaderang Lungsod (Ingles:Walled City), at nung panahon ng mga Kastila ay itinuturing bilang ang lungsod ng Maynila. Ang tawag sa mga distrito sa labas ng pader ay extramuros, na nangangahulugang "sa labas ng pader".[3][4]

Sinimulan ng pamahalaang kolonyal ng Kastila ang pagtatayo ng pader pangdepensa noong huling mga bahagi ng ika-16 siglo upang protektahan ang lungsod mula sa mga mananakop sa ibayo. Ang 0.67 km2 na nakapader na lungsod ay orihinal na matatagpuan sa baybayin ng Look ng Maynila, timog ng pasukan ng Ilog Pasig. Ang Fort Santiago ang nakatalagang tagabantay ng lungsod, kung saan ang kuta nito ay matatagpuan sa bunganga nig ilog. Dahil sa reklamasyon ng lupa na ginawa noong unang mga bahagi ng ika-20 siglo naatras ang mga pader at kuta nito mula sa baybayin.

Lubusang nawasak ang Intramuros dahil sa pagbobomba sa labanan upang mabawi ang lungsod mula sa puwersang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sinimulan ang pagtatayong muli ng mga pader noong 1951 kung kailan idineklara ang Intramuros bilang Pambansang Makasaysayang Bantayog, kung saan isinasagawa pa rin ito hanggang sa kasalukuyan ng Administrasyong Intramuros (Intramuros Administration, IA).

Sa ulat na Saving Our Vanishing Heritage (Sagipin Ang Ating Naglalahong Mga Pamana) nilabas ng Global Heritage Fund noong 2010, nakatala ang Intramuros sa isa sa mga 12 mga pook sa buong daigdig na nanganganib mawasak at mawala,[5] kung saan nabanggit ang hindi maayos na pamamalakad at paggigipit sa pag-unlad.[6]

Ang Lungsod na Nakapader o Napapaderang Lungsod (Ingles: Walled City) ang bansag sa Intramuros at Kutang Santiago at dati, sa buong Lungsod ng Maynila.[7] Ang mga lugar na nasasakupan nito ay may mga antigong tindahan at ang pamumuhay ng mga tao dito ay sumasalaysay sa kasaysayan at ugali ng pamumuhay na binigay ng mga Espanyol.[7] Ito ang pinakasikat na dinadayuhan ng mga turista sa buong Kalakhang Maynila dahil ito na lang ang natitirang makasaysayang pook sa Kalakhang Maynila.[8] Tumukoy na rin ang taguri na "Walled City" sa Lungsod ng Maynila dahil ang orihinal na Maynila ay nasa loob ng pader.[9] Sa may hilaga nito ang ilan pa sa mga lugar ng Kutang Santiago, at doon din matatagpuan ang "Shrine of Freedom", na gumugunita sa mahigit 100,000 Pilipino na napatay sa pagpapalaya ng lungsod ng Maynila mula sa magkasanib na mga sundalong Pilipino at Amerikano noong 1945.

Pintuan ni Santa Lucia noong taong 1873
Pintuan ni Santa Lucia sa Intramuros sa harapan ng salamuhaan o kumbento ng mga paring Agustino sa Pilipinas noong taong 1899.

Kutang Maynila ng kaharian ng Lusóng

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong kapanahunan ng kaharian ng Lusóng, ang kuta ng Maynila ay humaharap sa laot ng Maynila at bumubungad sa bahagi ng Ilog Pasig. Ang Maynila ang naging pinakamahalagang bayan sa mga Tagalog at Kapampangan. Noong taong 1570, ang Maynila ang kinalalagyan ng karurukan ng kaharian ni Ladya Atsi Matanda at gayon din ang tahanan ng pamangkin niyang si Ladya Mura Sulayman, tagapagmana ng kapangyarihan. Sa Maynila nakikipag-usap at nakikipagkalakalan sa mga sugo at mangangalakal mula sa iba't ibang kaharian katulad ng Bunláy (i.e., Brunei), Sungsóng (i.e., Tsina), at Hapon. Ang mga ito ay pawang pinapatawan ng buwis ng kaharian ng Lusóng.

Pag-agaw ng kaharian ng mga Espanya at ng mga India sa kuta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagsira ng mga Kastila sa Maynila

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1564, nagpalayag ang ika-2 Felipeng hari ng Kastila patungong Asia upang matiyak lamang na magkakaroon ng kalakalan sa pagitan ng mga lupalop ng Asia at Amerika. Inatasan ang kinatawan ng haring Kastila sa bagong Espanya sa lupalop ng Amerika upang maghalal ng mamumuno sa pagpapalayag na ito, at nabigyan ng pamumuno ang tagapamahala ng bayan ng Mexico na si Miguel Lopez de Legaspi. Nakarating ang paglalayag na ito sa Sugbo o Cebu noong 13 Pebrero 1565. Dito niya sinimulan ang unang pananahan ng Kastila sa Pilipinas. Noong mapag-alaman niya ang tungkol sa masaganang bayan ng Maynila na karurukan ng kaharian ng Lusóng, nagpadala siya ng dalawa sa kaniyang mga punong-alagad, sina Martin de Goiti at Juan Salcedo upang dumalaw at makipagkilala sa hari ng Lusóng.

Nakarating ang mga Kastila sa kaharian ng Lusóng noong taong 1570. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga namunong Lusong at Kastila at nagkaroon ng labanan. Matapos ang ilang matagal na pakikipaglaban, nakipagkasundo ang mga Kastila kina Ladya Atsi Matanda, Ladya Mura Sulayman, at Lakan Dula patungkol sa magiging panuntunan dapat ng paghahari sa Maynila.

Idineklara ni Legazpi ang lugar sa Maynila bilang bagong kabisera ng kolonyang Espanya noong 24 Hunyo 1571, dahil sa kaniyang mainam na lokasyon at masaganang yaman. Idineklara din niya ang soberanya ng Kaharian ng Espanya sa buong kapuluan. Nagalak si Haring Felipe II ng Espanya sa bagong pagsakop na ginawa ni Legazpi at ang kaniyang mga tauhan, at iginawad sa lungsod ang eskudo at dinedeklara ito bilang Ciudad Insigne y Siempre Leal (Dakila At Magpakailanmang Tapat Na Lungsod). Simula noon ang Intramuros ang nagsilbing sentro ng pulitika, militar at relihiyon ng Imperyong Kastila sa Asya.

Pagpapatayo ng kutang kahoy ng Kastila

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang balwarte ng San Diego na itinayo noong 1644.

Ang lungsod ay nahaharap sa panganib ng mga kalamidad na dala ng kalikasan at ng tao, at maging sa mga mananalakay sa labas. Noong 1574, nilusob ng isang pulutong ng piratang Intsik na pinamumunuan ni Limahong ang lungsod, at nawasak nila ito bago pa sila tuluyang naitaboy ng mga Kastila. Itinayo muli ng mga nakaligtas ang kolonya.[10] Dahil sa pag-atakeng ito ay ginawa ang pagpapatayo ng pader. Sa panahon ni Gobernador-Heneral Santiago de Vera ang paggamit ng bato sa pagpapatayo ng lungsod.[11] Ang lungsod ay isinaplano at ipinatupad ng isang Heswitang pari, si Antonio Sedeno[10] at sinang-ayunan ni Haring Felipe sa pamamagitan ng kaniyang kautusan na iginawad sa San Lorenzo de El Escoria, Espanya. Dinala ng sumunod na Gobernador Heneral na si Gomez Peres Dasmariñas ang kautusan na nagsasabi na paligitan ang lungsod ng mga bato at magpatayo ng moog kung saan magsasalubong ang dagat at ang ilog. Ang proyekto ay pinamunuan ni Leonardo Iturriano, isang Kastilang inhenyerong militar na nag-eespesyalista sa tanggulan. Ang mga naging trabahador na gumawa ng pader ay ang mga Intsik at mga Pilipino. Pinatayong muli ang Fort Santiago, at isang moog na paikot, na kilala bilang Nuestra Señora de Guia, ay itinayo upang depensahin ang lupa at dagat sa timog-kanlurang bahagi ng lungsod. Pinondohan ang proyektong ito mula sa monopolyo ng baraha at sa mga multa mula sa labis na paglalaro nito. Binuwis ang mga produktong Intsik ng dalawang taon. Sinimulan ang pagpapatayo ng pader noong 1590 at nagpatuloy pa ito sa ilalim ng mga sumunod na Gobernador-Heneral hanggang 1872. Sa kalagitnaan ng 1592, sinulatan ni Dasmariñas ang Hari upang iulat ang mainam na pagpapatayo ng bagong pader at tanggulan.[12] Ang pader ay itinayo ng wala man lang na napagkasunduang iisang plano dahil sa paglalaktaw-laktaw na paggawa nito na ang ilan sa mga ito ay napakatagal ang pagitan sa isa't isa.[11]

Maraming mga pagpapainam ang ginawa pa sa ilalim ng mga humaliling Gobernador-Heneral. Ang isang proyekto sa kuta na sinimulan ni Gobernador-Heneral Juan de Silva noong 1689 ay pinainam ni Juan Niño de Tabora noong 1626, at pinainam pa ni Diego Fajardo Chacon noong 1644. Noong taong din iyon natapos ang pagpapatayo ng Baluarte de San Diego. Ang balwarteng ito na naghuhugis na "alas ng pala" ay ang pinakatimog na bahagi ng pader at ang kauna-unahan sa mga balwarte na idinagdag sa pumapalibot na pader, na noon ay hindi pa lubusang natatapos.[13] Nasa lugar ito ng dating Nuestra Señora de Guia, ang kauna-unahang batong kuta ng Maynila.[14] Idinagdag din ang mga rabelin at mga reducto upang patatagin ang mga mahinang bahagi at upang magsilbi ding panlabas na depensa. Naghukay din ng kanal (moat) sa paligid ng Intramuros, kung saan ang Ilog Pasig ay nagsisilbing likas na pananggala sa hilagang bahagi. Bandang ika-18 siglo, lubos na napapaligiran na ang lungsod. Ang huling pagpapatayo ay natapos sa pagsisimula ng ika-19 siglo.[12]

Sa Intramuros (o loob ng kuta) ng Kastila

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mapa ng Intramuros noong 1851
Pintuang-daan ng Sta Lucia, Intramuros, ika-19-20 siglo

Ang pangunahing plaza ng lungsod ng Maynila ay Plaza Mayor (na kinalauna'y naging Plaza McKinley at Plaza de Roma) sa harap ng Katedral ng Maynila. Sa silangan ng plazay ay ang Ayuntamiento (pamahalaang panglungsod) at nakaharap dito ang Palacio de Gobernador, ang opisyal na tirahan ng Kastilang Viceroy sa Pilipinas. Noong 3 Hunyo 1863 yumanig ang isang lindol na ikinawasak ng tatlong mga gusaling ito at sa malaking bahagi ng lungsod. Inilipat ang tirahan ng Gobernador-Heneral sa Palasyo ng Malakanyang na matatagpuan 3 km pagbagtas ng Ilog Pasig. Itinayo ang dalawang naunang mga gusali ngunit hindi ang Palacio de Gobernador.

Mayroong ibang mga simbahang Romano Katoliko sa loob ng pader. Ang pinakamatanda sa mga ito ay ang Simbahan ng San Agustin (Agustino) na itinayo noong 1607. Ang iba pang mga simbahan ay itinayo ng iba't ibang mga orden, tulad ng Simbahan ng San Nicolas de Tolentino ng mga Recoletos, Simbahan ng San Francisco ng mga Franciscano, Simbahan ng Ikatlong Kagalang-galangang Orden ng Ikatlong Orden ni San Francisco, Simbahan ng Santo Domingo ng mga Dominikano, Simbahang Lourdes ng mga Capuchin at ang Simbahan ng San Ignacio ng mga Heswita. Dahil dito binansagan ding Lungsod ng mga Simbahan ang Intramuros.

Sa Intramuros din ang naging sentro ng edukasyon sa bansa.[3] Tulad ng mga simbahan, iba't ibang mga kumbento at mga paaralan ng simbahan ang itinayo ng iba't ibang mga orden. Itinatag ng mga Dominikano ang Pamantasan ng Santo Tomas noong 1611 at ang Colegio de San Juan de Letran noong 1620. Itinatag ng mga Heswita ang Pamantasan ng San Ignacio noong 1590, na naging kauna-unahang pamantasan sa bansa, ngunit napasara noong 1768 sa kasagsagan ng pag-uusig at pagpapalayas ng mga Heswita sa bansa. Matapos na payagan ang mga Heswita na makabalik sa bansa, itinatag nila ang Ateneo Municipal de Manila noong 1859.[15]

Kasalukuyang anyo ng kuta

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Anyo ng labas ng kuta sa Maynila.

Ilang mga balwarte, rabelin at reducto ang maingat na inilagay sa iba't ibang bahagi ng malaking pader na isinunod sa medyebal na pagkukuta. Ang pitong mga balwarte (paorasan, mula Fort Santiago) ay ang Balwarte ng Tenerias, Aduana, San Gabriel, San Lorenzo, San Andres, San Diego at Plano.[16] Dahil ang bawat balwarte ay itinayo sa iba't ibang kapanahunan, iba't iba ang naging anyo ng mga ito. Ang pinakamatanda sa mga ito ay ang Balwarte ng San Diego.

Sa Fort Santiago, may mga balwarte sa bawat sulok ng patatsulok na kuta. Ang Balwarte ng Santa Barbara ay nakaharap sa look at sa Ilog Pasig, ang Balwarte ng San Miguel ay nakaharap sa look, at ang Medio Balwarte de San Francisco naman ay nakaharap sa Ilog Pasig.[17]

Ang mga pintuan papasok ng kuta

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pintuan ng ika-2 Isabel na haring babae, o reyna, ng Kastila.

Bago ang panahon ng mga Amerikano, ang mga lagusan ng lungsod ay sa mga walong pintuang-daan, na tinatawag ding Puerta. Ang mga ito ay (pa-orasan, mula Fort Santiago) Puerta Almacenes, Puerta de la Aduana, Puerta de Santo Domingo, Puerta Isabel II, Puerta de Parian, Puerta de Real, Puerta Sta. Lucia at Puerta del Postigo.[18] Noong una, itinataas at ibinababa ng mga bantay ang puente lebadiso (drawbridge) mula 11:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga. Nagpatuloy ito hanggang 1852, kung saan dahil sa naganap na lindol noong taong iyon, ipinag-utos na mananatiling bukas ang mga pintuang-daan araw at gabi.[16]

Panahon ng mga Amerikano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Matapos ang Digmaang Kastila-Amerikano sa ilang kapuluan sa lupalop ng Amerika, isinuko ng Kastila ang lahat ng salita ng pang-aangkin nito sa Pilipinas, baga ma't halos wala na silang mga mananandata roon nang matalo ng mga Pilipino, at ang iba pang mga teritoryo ng Kastila sa Amerika nang umaayon sa Kasunduan sa Paris sa halagang $20 milyon. Itinaas ang watawat ng Amerika sa Fort Santiago noong 13 Agosto 1898 na tandang pumapalit na ang Amerika sa pananahan sa kuta, sa harap ng pumapalibot na sandatahang Pilipino. Ang sanggunian o ayuntamiento ang naging luklukan ng mga katiwala sa Pilipinas o ng komisyong Pilipino ng Estados Unidos noong 1901 at naging punong-tanggapan ng bahagi o dibisyon ng Pilipinas sa hukbong Amerikano ang Tanggulan ni Santiago (o Fuerte de Santiago).

Maraming mga binago ang mga Amerikano sa lungsod, gaya noong 1903 kung saan giniba ang pader mula Puerta Santo Domingo hanggang Puerta Almacenes at ang pantalan sa timog na bahagi ng Ilog Pasig ay pinainam. Ang mga tinanggal na bato ay ginamit sa paggawa sa iba pang bahagi ng lungsod. Binutas din ang pader sa apat na bahagi nito upang madaling makapasok sa lungsod: ang timog-kanlurang bahagi ng Calle Aduana (ngayo'y Abenida Andres Soriano Jr), ang silangang dulo ng Calle Anda, ang hilagang-silangang dulo ng Calle Victoria (na dati'y Calle de la Escuela), at ang timog-silangang dulo ng Calle Palacio (ngayo'y Kalye Heneral Luna). Ang dalawang sapa na nakapaligid sa Intramuros ay binansagang marumi at tinabunan ito ng putik na galing sa Look ng Maynila kung saan matatagpuan ang kaslaukuyang Daungan ng Maynila. Ang mga dating nakapaligid na sapa ay ginawang golf course ng lungsod.

Ang mga reklamasyong ginawa sa paggawa ng Daungan ng Maynila, Manila Hotel at ng Liwasang Rizal ay tumakip sa mga pader at tanawin ng lungsod mula sa Look ng Maynila.[19] Itinatag ng mga Amerikano ang kauna-unahang paaralan sa ilalim ng bagong pamunuan, ang Manila High School (Mataas na Paaralan ng Maynila) noong 11 Hunyo 1906 sa Kalye Victoria.[20]

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Guho ng lungsod noong Labanan sa Maynila noong 1945

Noong Disyembre 1941, sinakop ng mga Hapon ang Pilipinas. Ang unang mga pagwasak na naganap sa Intramuros sanhi ng digmaan ay ang pagwasak sa Simbahan ng Sto. Domingo at ang orihinal na Pamantasan ng Santo Tomas sa naganap na labanan. Dahil hindi kayang mapagtanggol ang Maynila, idineklara ni Heneral Douglas MacArthur ang buong Lungsod ng Maynila bilang "Open City" (bukas na lungsod).

Noong 1945, sinimulan ang pagpapalaya ng Maynila nang tinangka ng mga puwersang Amerikano na makuhang muli ang Maynila noong Enero 1945. Nagkaroon ng matinding labanan sa pagitan ng pinagsanib na puwersa ng Amerikano at Pilipino sa ilalim ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos at ng Hukbo ng Komonwelt ng Pilipinas kasama ang mga gerilya, laban sa 30,000 na tagapagtanggol na mga Hapon. Habang rumagasa ang labanan ay nagtamo ng matindi at malawakang pagkawasak ang lungsod na binunsod pa ng Masaker sa Manila ng mga Hapon. Napaurong ang Hukbong Imperyo ng Hapon na siyang nagkuta sa Intramuros. Bagaman tutol si MacArthur na bombahin ang nakapader na lungsod, ay sinang-ayunan pa rin niya ang pagbobomba nito na nagdulot ng pagkasawi ng 16,665 na mga Hapon sa Intramuros.[21] Dalawa sa walong pintuang-daan ng Intramuros ang nagtamo ng matinding pinsala galing sa mga tangkeng Amerikano. Sa naganap na pagbobomba, nawasak ang halos buong lungsod maging ang halos kalahati ng nakapalibot na pader.[22][23] Sa labanang ito mahigit 100,000 mga Pilipinong sibilyan ang nasawi.

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, halos buong Intramuros ang nawasak, ang tangi lamang natirang nakatayo ay ang Simbahan ng San Agustin, bagama't nagtamo din ito ng kaunting pinsala. [23][24][25]

Rehabilitasyon at ang Administrasyong Intramuros

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1951, idineklara bilang Pambansang Bantayog ang Intramuros maging ang Fort Santiago sa ilalim ng Batas Republika Blg 597, na siya ding nagtatakda ng patakaran ng pagbabalik, pagpapatayong-muli at pagsasaplanong urban ng Intramuros. Ilang mga katulad na batas din ang itinakda ngunit dahil sa kakulangan sa pondo ay hindi naging maganda ang kinalabasan.[26] Noong 1979, sa ilalim ng Kautusan ng Pangulo Blg 1616, na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, ay itinatag ang Administrasyong Intramuros.[27]

Sa ngayon sinisikap ng Administrasyong Intramuros (Intramuros Administration, IA) ang pagbabalik ng mga pader, maging ang ilang mga detalye ng kuta, at ang pinapalibutan nitong lungsod. Ang mga natitirang limang pintuang-bayan o puerta ay ibinalik: ang Puerta Isabel II, Puerta Parian, Puerta Real, Puerta Santa Lucia at ang Puerta Postigo. Ang apat na mga bahagi ng pader na binutas ng mga Amerikano ay dinadangkalan ngayon ng tulayan na siyang nagsisilbi ding dugtungan, na siya ding nagbibigay ng kaurian sa orihinal na pader.

Kasalukuyang Intramuros

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Guho ng Intendencia, Intramuros, Maynila

Sa kasalukuyan ang Intramuros na lamang ang nagsisilbing distrito sa Maynila kung saan makikita pa rin ang maraming impluwensyang iniwan ng mga Kastila. Isa na ngayong pasyalan ang Intramuros na siya ding mabuting pinapangalagaan, at isa rin itong bantog na atraksyon ng mga turista. Sa tabi ng Fort Santiago ay ang Pader ng Maestranza na itinayong ulit, noong panahon ng mga Amerikano ito ay giniba upang palawakin ang mga pantalan na siyang nagbubukas sa lungsod sa Ilog Pasig. Ang isa sa mga plano ng Intramuros sa hinaharap ay ang pagkumpleto sa pagbuo ng pader upang lubusan na itong pumalibot sa lungsod sa pamamagitan ng tulayan sa ibabaw ng mga pader.[28]

May bahagya ding komersyalismong nagaganap sa loob ng distrito sa kabila ng pagsisikap restorasyon. Ilang mga modernong kainan na kung tawagi'y fastfood ay nagtayo ng mga tindahan pagdating ng ika-21 siglo upang pagsilbihan ang mga estudyanteng namamasukan sa Intramuros.

Nananatili pa ring tahanan ang Intramuros ang sa mga pinakamatandang paaralan sa Pilipinas, ang Colegio de San Juan de Letran na tinatag noong 1620, kung saan ito ay itinayo sa parehong lugar matapos ang pagkawasak noong digmaan. Ang Colegio de Santa Rosa at ang Mataas na Paaralan ng Maynila ay itinayo ding muli sa kanilang orihinal na lugar. Ang Pamantasan ng Santo Tomas (UST) ay lumipat sa mas malawak pa nitong kampus sa Sampaloc noong 1927 dahil sa dumaraming nitong mga mag-aaral; tanging ang mga kursong Batas Sibil at Medisina ang naiwan sa Intramuros. Pagkatapos ng digmaan, hindi na bumalik ang pamantasan sa Imtramuros. Lumipat naman ang Ateneo sa Ermita matapos mawasak ng sunog ang orihinal nitong gusali noong 1932. Matapos mawasak ng digmaan ang kampus nito sa Ermita (na kasalukuyang kinatitirikan ng Robinsons Ermita) ay lumipat ito sa kasalukuyan nitong kampus sa Loyola Heights noong 1976.[15] Ang Colegio de Santa Isabel naman ay lumipat din sa bago nitong kampus sa Ermita sa labas ng Intramuros matapos ang digmaan.

May mga bago ding mga paaralang hindi pinapatakbo ng simbahan ang itinayo sa Intramuros. Ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na itinatag ng pamahalan ng Maynila nong 1965 ay itinayo sa lumang Cuartel España. Ang Pamantasang Liseo ng Pilipinas na pampribadong pamantasan na itinatag noong 1952 ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Jose P. Laurel ay itinayo sa lote ng Ospital ng San Juan de Dios na siyang lumipat sa Bulebar Roxas. Ang Suriang Mapua ng Teknolohiya na itinatag noong 1925 sa Quiapo ay lumipat sa Intramuros matapos ang digmaan. Ang bagong kampus nito ay nilipat sa lote ng nawasak na Simbahan ng San Francisco sa panulukan ng Kalye Solana at San Francisco. Ang tatlong mga paaralang ito at ang Colegio de San Juan de Letran ay nagtatag ng samahang akademiko kung tawagin ay Intramuros Consortium (Kasunduang Intramuros) upang pangasiwaan ang mga pinagkukunan ng mga paaralan.

Sa mga orihinal na pitong simbahan na nasa loob ng pader, dalawa lamang sa mga ito ang nananatili: ang Simbahan ng San Agustin, ang pinakamatandang gusaling nakatayo sa Maynila na itinayo noong 1607, at ang Katedral ng Maynila, na luklukan ng Arkdiyosesis ng Romano Katoliko ng Maynila, na siyang pinatayong muli noong dekada 1950. Ang mga natitirang mga simbahan ay itinayo ng kanilang mga sariling orden sa labas ng Intramuros matapos ang pagkaguho ng mga ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Itinayo ng mga Dominikano ang Simbahan ng Santo Domingo sa Abenida Quezon sa Lungsod Quezon noong 1952. Idineklara na itong Pambansang Dambana.[29] Inilipat naman ng mga Agustinong Rekoleto ang isa pa sa kanilang simbahan, ang Simbahan ng San Sebastian, 2.5 km hilagang-silangan ng nakapader na lungsod. Nilipat ng mga Capuchin ang Simbahang Lourdes noong 1951 sa panulukan ng Kalye Kanlaon at Retiro (ngayo'y Abenida Amoranto) sa Lungsod Quezon. Idineklara itong Pambansang Dambana noong 1997.[30] Kasalukuyang tinatayo muli ang Simbahang San Ignacio kung saan hinahango ang orihinal nitong harapan habang nakapanatili dito ang tanggapan at isang museo ng simbahan. Ang katabi nitong Tahanan ng Misyong Heswita ay itinatayo ding muli bilang bahagi ng pagpapatayong muli ng Simbahan ng San Ignacio.

Mga bantayog na tumagal ng siglo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bagaman nawasak ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at iba pang mga kalamidad ang karamihan sa mga lumang gusali sa bansa, marami ding mga bantayog na itinayo noong panahon ng mga Kastila ang nakapanatili sa pagdaan ng panahon. Ang mga sumusunod ay makikita pa rin sa Intramuros sa kasalukuyan.

  • Bantayog ng Anda
  • Bantayog ng Legaspi - Urdaneta
  • Bantayog ni Reyna Isabel II
  • Replika ng Bantayog ni Benavides (ang orihinal na bantayog nito ay nilipat sa kasalukuyang kampus ng Pamantasan ng Santo Tomas)
  • Bantayog ni Carlos IV[31]
Katedral ng Maynila at Plaza Roma Intramuros-30 Mayo 2007
Haring Carlos IV sa Plaza Roma

Binubuo ang Intramuros ng limang barangay na may bilang 654, 655, 656, 657 at 658. Ang limang barangay na ito ay nangangasiwa lamang sa kapakanan ng kanilang mga mamamayan dahil wala silang kapangyarihang ehekutibo at pambatas. Ang Administrasyon ng Intramuros ang nangangasiwa sa distrito, kabilang na ang pagbibigay ng mga permiso, pangangasiwa sa daloy ng trapiko, at iba pa.

Mga Barangay ng Intramuros
Barangay Populasyon (2015)
Barangay 654 &May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ",".May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","1,137
Barangay 655 &May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ",".May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","1,671
Barangay 656 &0000000000000369.000000369
Barangay 657 &0000000000000677.000000677
Barangay 658 &May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ",".May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - ","2,081


  1. "Final Results - 2007 Census of Population". Philippine Census Bureau. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-11-20. Nakuha noong 2010-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Presidential Decree No. 1616, s. 1979". Official Gazette of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 14, 2017. Nakuha noong July 12, 2017. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  3. 3.0 3.1 Journal of American Folklore, Volumes 17-18. United States: American Folklore Society. 1904. p. 283. ISBN 1248746058. Nakuha noong 2012-08-12.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. O'Connell, Daniel (1908). Manila, the Pearl of the Orient. Manila Merchants' Association. p. 20. ISBN 0217014798. Nakuha noong 2012-08-12.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Global Heritage in the Peril: Sites on the Verge". Global Heritage Fund. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 20, 2012. Nakuha noong Agosto 25, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Angeles, Rose Beatrix C. (Hulyo 9, 2008). "Intramuros, Manila". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Pebrero 2012. Nakuha noong Agosto 25, 2012. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |newspaper= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Philippines' Walled City
  8. The Walled City
  9. Ang Makalumang Maynila
  10. 10.0 10.1 Torres, Jose Victor. Ciudad Murada, A Walk Through Historic Intramuros. Vibal Publishing House. p. 5. ISBN 971-07-2276-X.
  11. 11.0 11.1 U.S. War Department 1903, p. 435.
  12. 12.0 12.1 Torres, Jose Victor. Ciudad Murada, A Walk Through Historic Intramuros. Vibal Publishing House. p. 6. ISBN 971-07-2276-X.
  13. U.S. War Department 1903, p. 436.
  14. "Baluarte de San Diego". Intramuros, the Walled City. Retrieved on 2011-11-13.
  15. 15.0 15.1 "History". Ateneo de Manila University. Retrieved on 2012-10-11.
  16. 16.0 16.1 U.S. War Department 1903, p.443.
  17. "Intramuros Walkthrough". Intramuros, the Walled City. Retrieved on 2011-10-01.
  18. "IA Trivia - Eight main gates of Intramuros". Intramuros, the Walled City. Retrieved on 2011-09-14.
  19. City of Manila. "Annual Report of the City of Manila, 1905", p.71. Manila Bureau of Printing.
  20. "Manila High School" Naka-arkibo 2016-08-26 sa Wayback Machine.. The Historical Marker Database. Retrieved on 2012-10-11.
  21. Ramsey, Russell Wilcox (1993). "On Law & Country", pg. 41. Braden Publishing Company, Boston.
  22. Esperanza Bunag Gatbonton. "A SHORT HISTORY AND GUIDE TO INTRAMUROS" (PDF). Philippine Academic Consortium for Latin American Studies. Nakuha noong 2013-12-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. 23.0 23.1 "The Sack of Manila". The Battling Bastards of Bataan (battlingbastardsbataan.com). Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-07. Nakuha noong 2010-08-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Bernad, Miguel A. "Genocide in Manila". California, USA: Philippine American Literary House (palhbooks.com). PALH Book. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-07. Nakuha noong 2010-08-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Quezon III, Manuel L. (2007-02-07). "The Warsaw of Asia: How Manila was Flattened in WWII". Jeddah, Saudi Arabia: Arab News Online (archive.arabnews.com). Opinion. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-07. Nakuha noong 2010-08-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "History of Intramuros". Intramuros, the Walled City. Retrieved on 2011-09-14.
  27. "Presidential Decree no. 1616". The LawPhil Project. Retrieved on 2012-04-04.
  28. philstarcom (2010-06-18). "Maestranza Wall Restoration". YouTube.com. Retrieved on 2011-09-18.
  29. admin (2006-07-29). "Santo Domingo Church (Quezon City)". Heritage Conservation Society. Retrieved on 2013-03-07.
  30. Joann (2012-12-05). "National Shrine of Our Lady of Lourdes". Joann's Corner. Retrieved on 2013-03-06.
  31. Torres, Jose Victor. Ciudad Murada. Vibal Publishing House, Inc. p. 64. ISBN 971-07-2276-X.