Itaewon
Itaewon | |
---|---|
Transkripsyong Korean | |
• Hangul | 이태원 |
• Hanja | 梨泰院 |
• Revised Romanization | Itaewon |
• McCune–Reischauer | It'aewŏn |
Itaewon na itinatampok ang Moskeng Sentral ng Seoul | |
Mga koordinado: 37°32′24″N 126°59′31″E / 37.54000°N 126.99194°E | |
Country | South Korea |
Ang Itaewon (Koreano: 이태원, IPA [itʰɛwʌn]) ay tumutukoy sa lugar na pumapaligid sa Itaewon-dong, Yongsan-gu, Seoul, Timog Korea. Naghahatid dito ang Ika-6 na Linya ng Metro ng Seoul sa mga istasyon ng Itaewon, Noksapyeong at Hanganjin. Halos 22,000 katao ang naninirahan sa distrito, at sikat ang lugar na ito para sa mga residente ng Seoul, turista, ekspat at tauhang militar ng Estados Unidos.[1]
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagmula ang salitang Itaewon sa pangalan ng bahay-tuluyan na pinatakbo ng pamahalaan sa dinastiyang Chosun. Ngayon, kilala ang lugar bilang Itaewon dahil sa kanyang mga masaganang puno ng peras, ang Tsino panitik 梨 na nangangahulugang "peras." Ayon sa mga sinaunang tala, isinulat din ang lugar gamit ang mga iba pang transkripsyong hanja, tulad ng 李泰院 , at 異胎院.
Mga atraksyong lokal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kilala ang Itaewon para sa paghahain ng mga lutuing di-mahahanap saanman sa Korea, tulad ng mga mula sa Indya, Pakistan, Turkiya, Timog Silangang Asya, Bretanya, Alemanya, Italya, Pransya, Portugal, Espanya at Mehiko. Sa pinaka-diwa, kilala ito bilang "Kanluraning Bayan," kahawig ng mga Chinatown sa mga Kanluraning bansa.
Ang Itaewon, pati na rin ang mga kapitbahayan at atraksyon tulad ng Hongdae, Insadong at Toreng Seoul, ay isa sa mga pinakasikat na pook sa Seoul para sa mga turista.[2] Narito ang mga pangunahing otel tulad ng Grand Hyatt Seoul at Otel Hamilton, isang lokal na palatandaan, pati na rin ang mga ilang mas maliit na otel at bahay-tuluyan. Tumutudla ang dose-dosenang tindahan sa mga turista, at nag-aalok ng mga Kanluraning o tradisyonal na Koreanong subenir. Ibinebenta rin sa makatuwirang presyo ang mga de-kalidad na produktong katad, tingi o pasadyang ginawa (inaasahan na may pakikipagtawaran pa rin).
Matagal nang kilala ang Itaewon bilang sentro ng mga de-kalidad na peke, ngunit halos nawala na ang mga produktong iyon.[3] Mahahanap din ang mga ilang tunay na kalakal na gawa lamang sa Korea para sa pandaigdigang merkado, pati na rin ang mga ilang tunay na angkat. Kilala ang Itaewon para sa mga mananahi nito na gumagawa ng mga pasadyang kamiseta at amerikana.
Bukod sa mga lokal na negosyo, mayroong mayamang pamayanan ng mga may-ari ng pandaigdigang negosyo, kabilang ang isang may-ari ng pie shop mula sa Amerika (Tartine), tunay na Amerikanong burger, barikan, isang Austrianong delicatessen (na may sari-saring keso at karne), isang beterinaryo/tagapag-alaga ng hayop na may mahusay na reputasyon, isang manghihilot mula sa Oregon, mga doktor at nars, parmasyutiko at may-ari ng groseri.
-
Isang kalye sa Itaewon
-
Ang kalyeng Bogwang at Otel Hamilton sa Itaewon
Nakatira ang mararaming dayuhan sa Korea sa loob o malapit sa Itaewon, pati na rin ang ilan sa mga pinakamayamang Koreanong negosyante, kabilang si Lee Kun-Hee, ang tagapangulo ng pangkat-Samsung.
Kalyeng Gyeongnidan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Itaewon mayroong multinasyonal na Kalyeng Gyeongnidan. Nasa gitna ito ng distritong elementarya ng Itaewon. Maraming mga kakaibang restawran sa tabi ng kalye.[4]
Sa kalinangang tanyag
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naglabas si JYP (Park Jin-young), isang Koreanong mang-aawit/kompositor, at UV, ang hip hop duo ni Yoo Se-yoon ng kantang "Itaewon Freedom" noong Abril 2011.[5] Tinutukoy ng pamagat (at ipinagdiwang ng mga liriko) ang pangkaraniwang pang-unawa ng Korea ukol sa pagiging banyaga ng Itaewon at bukas na kapaligiran, na iba sa napakakonserbatibong kalinangang Koreano.[6] Nagbigay-inspirasyon ang katanyagan ng kanta at music video nito sa parody cover song at video mula sa girl group, Crayon Pop, noong 2013. Bahagyang kinunan sa Itaewon mismo ang dalawang video.[7]
Nakatakda sa Itaewon ang Itaewon Class, isang Timog Koreanong teleserye.[8]
Mulang pagsigla matapos ang 9/11
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Itaewon ay ang distritong komersyal na pinakamalapit sa Garisong Yongsan ng United States Forces Korea (USFK). Noong 2001, pinakakilala ang Itaewon para sa mga nakaririmarim na barikan at mga bahay-prostitusyon na pinupuntahan ng mga dayuhang sundalo at beteranong nakabase sa Yongsan. Pagkatapos ng 9/11, inilagay sa lockdown ang lahat ng mga base-militar na may mahigpit na mga curfew na ipinataw. Bilang resulta, nagsara ang maraming barikan. Pinalitan ang mga ito ng mga kaiphan, trendy bar, at restawrang halu-halo at pandaigdigan, kaya naging sikat ang distrito ng Itaewon para sa mga kabataan, makamundong Koreano at dayuhang residente. Ngayon, nagaganap dito ang isang taunang Pista ng Pandaigdigang Nayong Itaewon na nagpatibay sa reputasyon nito bilang kakaibang, multikultural na Gangnam.[9]
Transportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Haebangchon
- Talaan ng mga paksa ukol sa Korea
- Yongsan-gu
- Yongsan Garrison
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Lai, Ah Eng; Collins, Francis Leo; Yeoh, Brenda S. A. (2013). Migration and Diversity in Asian Contexts. ISBN 9789814380478.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Government, Seoul Metropolitan (2010-02-02). "Seoul's best 100".
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kim, Monica. "Listen to Monica Kim Discuss How Korea's Counterfeit Culture Shaped Her Style". Vogue (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-03-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Government, Seoul Metropolitan (2014-09-18). "Soul food of Seoul: Seoul Dining, A DELICIOUS EPICUREAN JOURNEY".
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "[New Releases] UV". Korea JoongAng Daily.
- ↑ Kim, Chan-hee (2011). "The Cultural Identity of Itaewon" (PDF). Yonsei University. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 15 Nobiyembre 2016. Nakuha noong 3 October 2018.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "Crayon Pop takes to the streets for parody MV of 'Itaewon Freedom'".
- ↑ Choi, Ji-won (Enero 30, 2020). "Park Seo-joon to show perfect sync with original webcomic in 'Itaewon Class'". The Korea Herald. Nakuha noong Pebrero 7, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Seoul's Red-Light District Turns Trendy" – sa pamamagitan ni/ng www.wsj.com.