Jeffrey Peterson
Si Jeffrey Peterson (isinilang noong 11 Oktubre 1972 sa Santa Barbara, California) ay isang negosyante sa larangan ng teknolohiya at milyunaryong taga Arizona na siyang kinikilalang pasimuno ng Hispanic Internet sa Estados Unidos.[1] Naging tanyag sa pagiging bihasa sa teknolohiya at negosyo, mas kilala siya bilang tagapag-tatag ng Quepasa, ang isa sa mga kilalang komunidad na pang-online ng mga Latinong nasa Amerika.[2]
Mga Unang Taon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lumaki si Peterson sa Santa Barbara, California. Isang Britanya ang kanyang Ina at Amerikano naman ang kanyang Ama, at ang mga ninuno niya sa amahan ay pawang mga emigrante sa Santa Barbara na nagmula pa sa bansang Espanya. Nakapag-aral si Peterson sa mga pampumblikong paaralan ng Santa Barbara, California. Ayon sa artikulong inililathala ng Arizona Republic, lumaki si Peterson na kalapit bahay ang direktor ng Unibersidad ng California, Santa Barbara na siya namang unang nagpabatid kay Peterson tungkol sa computer programming sa murang edad noong 1978.[3] Mag-isang trinatrabaho ni Peterson ang mga UCSB mainframe computers sa pamamagitan ng terminal at modem; at sa ganitong paraan niya iginugol ang mga mahahalagang oras ng kanyang pagka bata. Mabilis na natutunan ng batang pantas ang pagiging may-akda ng sarili niyang software na ang basehan ay ang Unix at VMS na sumasapaloob sa mga sistemang PDP-11 at DECVAX. Noong mga unang panahon ng kompyuter, ang mala-teknikal na agham ng systems programming ay isang aliwan ng mga propesor sa kolehiyo, mga enhinyero, at ang mga kahalintulad pang mga propesyon. Upang makasalamuha niya ang mga taong ito, napag-alamang gumamit siya ng sariling pangalan sa kanyang pag-login sa MIT Artificial Intelligence Laboratory PDP-10. At sa edad na labing-isa nakilala siya bilang si “ Dr Jeffrey Peterson”.[4] Taong 1981 nang nakapagtrabaho si Peterson bilang isang troubleshooter sa kompanyang software na pinanghahawakan ang mga Commodore Computer. Taong 1983 naman nang nagtrabaho siya bilang product tester para sa gumagawa ng vintage hardware para sa sistemang LOBO. Noong kalagitnaang ng 1980, pinagtugunan ng pansin ni Peterson ang paglinang sa isang software para sa noon ay isang malayang ipinalalaganap Na Bulletin Board System at Multi-User Dungeon - pawang mga sistemang ginagamit sa mga larong pang-kompyuter. Nakilala siya bilang experto sa pagsasatupad ng mga ipinasadyang kernel-level multitasking solutions, at ang palagiang pagpapasulong niya sa mga sinaunang mga hardware sa kompyuter sa paraang lagpas pa sa tradisyonal na kakayahan ng mga ito. Si Peterson, na dalubhasa na sa paglinang ng Assembly at C language simula pa noong kanyang kabataan,[4] ay may mabigat na naiambag sa mga nag-uusbungang mga F/OSS programming communities noong mga panahon ng 1980. Nakapagpalimbag siya ng maraming sulatin, kasama na rito ang mga akdang may kinalaman sa multiprocessing, Quasi-emperical methods, at Artificial Intelligence.
Kinutya si Peterson sa isang akdang pangungutya na nailathala sa TheStreet.com noong 2004 patungkol sa mga nauna niyang mga taon bilang isang programmer.[5] Ang artikulo, na pinagtutugunan ng pansin ang pampublikong talambuhay ni Peterson na una nang naipahayag sa isang Quepasa Proxystatement noong ika 23, 2004.[6] ay nagtatanong: “ dapat ba nating paniwalaaan na ang taong iyon ay gumagawa na ng mga programang pangkompyuter noong siya’y 10 taon?” Ganunpaman, kinilala sa Peterson sa pagkakalathala niya sa loob ng isang pabalat ng libro, na sa murang edad ay kabilang na siya bilang isa sa mga nakapag-ambag para sa naging mabentang librong pangkompyuter software noon 1983.[7] Bagamat nakasanayan na ang mga kaganapan sa loob ng isang kolehiyo noong mga unang araw niya bilang isang programmer, nakapagtrabaho si Peterson bilang isang discjockey sa radio ng UCSB na KCSB-FM mula 1986 hanggang 1990.[8] Noong mga huling taon ng 1980, naging “Traffic Manager” si Peterson na kabilang sa labing-anim na bumubuo ng komiteng ehekutibo at sa radio ng kolehiyo na siyang nagbigay sa mga mamamayahag na sina Jim Rome at Sean Hannity ng kanilang mga kauna-unahang mga trabaho bilang mamamahayag sa himpilan ng radio.[8] Naging dropout si Peterson sa mataas na paaralan noong 1986 sa edad na 16, na nagbigay daan naman upang tuparin ang isang magiging matagumpay na karera sa larangan ng pamumuhunan. Ipinagpatuloy niya ang nasimulan nang mga pag-aaral sa larangan ng Abogasiya at Kasaysayan.
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Panahong Wall Street
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1989, nakakuha ng trabaho si Peterson sa operasyon ng kompanyang Lehman Brothers sa larangan ng brokerage, at doon mabilis niyang natutunan ang tungkol sa mga kalakalan ng merkado o stock market. Sa kalaunan, maipapasa niya ang mga pasulit sa industriya , at magiging isang stock broker sa edad na labing siyam. Pagkatapos na magtrabaho sa ilan-ilang mga kompanyang pang brokerage, napadpad siya sa larangan ng Investment Banking at doon nakamtan niya ang kanyang karanasan sa Corporate finance. Makakasama ni Peterson ang mga grupong may kinalaman sa pamumuhunan na siyang namang nagbigay ng kapital sa daan-daang mga kompanya sa pamamagitan ng mga transakyong tinatawag na Initial Public Offering noong malakas pa ang takbo ng stock market sa mga unang taon ng 1990.[3]
Ang Quepasa.com
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1997, itinatag ni Peterson ang Quepasa.com.[9] Ito ang kauna-unahan at mahalagang website na tumugon sa mga gumagamit ng internet na saklaw ng US Hispanic Internet. Makalipas ang isang taon, matagumpay niyang nahimok ang bigating si Jerry Colangelo ng Arizona sports na tumulong sa paglikom ng $20 milyong dolyar na gagamitin bilang binhing kapital para mailunsad ang kompanya. Si Jason Kidd na star ng Phoenix Suns ay pumirma bilang isang mamumuhunan. Sumali rin ang dating quarterback na si John Elway ng Denver Broncos, at namuhunan ng $500,000.[3][10][11]
Sa loob ng lang buwan, sumali bilang miyembro ng Board of Directors ang Pangulo ng Costa Rica na si Jose Maria Figueres.[12] Ibinenta ni Peterson ang isang bahagdan ng Spanish language website sa Sony Pictures Entertainment at Telemundo LLC.[13] Sumali rin sa Board of Directors ang dating hepe na tagpagkomento ng CNBC at Punong Tagapangasiwa ng FDIC na si William Seidman.[12] Pagkatapos. Nang makapulong si Peterson sa tanggapan ng Miami Herald, pumirma bilang opisyal na tagapagsalita at mamumuhunan si Gloria Estefan.[10] Ang Quepasa billboards, na palaging nakikita sa mga lugar na kinaroroonan ng mga Hispaniko sa Estados Unidos, ang siyang nakapagpalakas ng loob sa mga Latino na sumaling online sa “El Mundo Nuevo” ( Ang Bagong Mundo). At milyon sa kanila ang sumali dito.
Noong 24 ng Hunyo 1999, nagpasa-publiko ang Quepasa sa Nasdaq Stock Market.[12][14][15] Sa loob lamang ng isang araw, umabot ng $272 ang halaga ng Quepasa. Natunghayan sa CNN at CNBC ang live na pakikipanayam sa isang taas-noong tagapagtatag ng kompanya na si Peterson.[16][17] Sa edad na 26, nasaksihan niya ang pagtaas ng kanyang netong kayamanan sa halagang $36 milyon. [1] [3][18]
Makalipas ang isang taon, pinangalanan ang Quepasa bilang pinaka-kilalang online destination ng mga Hispaniko sa Estados Unidos, na pinangunahan pa ang mga ka-kompetensiyang Starmedia at Yahoo!Espanol.[10]
Ang Kontrobersiya sa Pamunuan ng Quepasa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matapos ang public offering ng Quepasa, tinanggal si Peterson sa kompanya ni Gary Trujillo, ang bagong CEO na kinuha mismo ni Peterson, may 60 na araw pa lamang noon ang lumipas, para patakbuhin ang Quepasa.[19] Nang magpahayag na sa Arizona Republic tungkol sa di inaasahang pagpapatalsik sa kanya, sinabi ni Peterson, “ Sinira niyang lahat ang tiwalang inilagay ko sa kanyang mga kamay.” [10] Sa isang demanda na isinampa sa Korte Suprema ng Maricopa Country, inakusahan si Peterson sa kanyang di-umano’y pakikipagkompetensiya sa Quepasa.[20] Napagpasiyahan ang asunto makalipas ang 90 na araw at nagbayad kay Peterson ang Quepasa ng $2.4 milyon. [10] Sa kalaunan, ipinagtapat na lamang ni Trujilo na isang “isyu na may kinalaman sa pagkatao” ang naging problema. [2] Naka-arkibo 2007-09-27 sa Wayback Machine.[21] Hindi kalaunan, nagbitiw si Peterson sa pagiging miyembro ng Board of Directors, na sa mga panahong iyon ang siyang nag-iisang pinakamalaking shareholder sa Quepasa.[22] Sa paglisan niya sa Quepasa ay sinasabing : “ Napasakamay na lamang ang kompanya sa isang punong ehekutibong opisyal at lupon ng mga director na pawang mga salat sa pagkakaroon ng karansan sa larangan ng Internet at sa teknolohiyang nagpapatakbo rito.” [10]
Ang Korporasyong Vayala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Hulyo ng 2001, itinatag ni Peterson ang Vayala Corporation, kasama si Mike Marriott at Brian Long Lu na anak ng isang malaking negosyante sa larangan ng teknolohiya na si Hong Liang Lu. Ang Vayala Corporation ay isang kompanyang may kinalaman sa Internet search. Lumilinang ng malakihang teknolohiyang may kinalaman sa dynamic search ang Vayala na naging matagumpay sa paglalaan ng kapital na kinakailangan sa pagtustos ng mga ehekutibo ng Softbank Corp. Noong 2002, nakuha ng Quepasa ang Vayala.[23]
Noong mga panahong ito, nailathala ang larawan ni Peterson sa unang pahina ng lingguhang edisyon ng The Arizona Republic na tinatalakay sa seryeng may tatlong bahagi ang tungkol sa kanyang karera. Lumabas ang seryeng ito noong ika – 9 at 10 ng Setyembre at ika-10. Nagwakas ito noong ika 11 ng Setyembre, na siya rin namang araw nang maganap ang mga pag-atake sa World Trade Center.
Ang Muling Pagbawi sa Quepasa at Pagkabuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2002, bumagsak sa halos wala nang halaga ang mga shares sa Quepasa sa pamumuno ng CEO na si Trujillo. Sa kanyang mga pahayag sa medya, idinahilanan ni Trujillo ang pagbagsak sa mga hindi ka-ayaayang mga kondisyon sa merkado at sa tinatatawag na “ com bubble”.[24] Ayon sa Chicago Tribune: “ Kahit na isa-alang-alang pa ang pagbuga ang malamig na hanging taglamig sa tinaguriang larangang digital, maraming mga dalubhasa ang namangha nang marinig ang mga pahiwatig na mamamatay na ang minsa’y pinakamatagumpay na Hispanic-centered Web operation, ang Quepasa.com.” [25] Sa huling bahagi nang taong iyon, pinagunahan ni Peterson ang isang grupo ng mga mamumuhunan sa isang matagumpay na tinatawag na proxy fight at mapanganib na paraan nang pagbawio hostile takeover muli sa Quepasa, na napabalitang ipinupuhunan ang milyun-milyon niyang salapi. [3][26][27] Makalipas ang maikling panahon simula nang mabawing muli ang Quepasa, pinangalanan muli si Peterson bilang Chairman at Punong Ehekutibo ng Quepasa.[28]
Noong Enero ng 2004, ipinahayag ng Business Journal of Phoenix na ang Quepasa ay “ nasa gitna ng isang muling pagkabuhay na pinangunahan ng mismong lumikha rito na si Jeffrey Peterson.” [4] [29] Noong 2006, tumaas ang halaga ng Quepasa nang $150 milyon.[30]
Noong 5 Nobyembre 2006, nilisan muli ni Peterson ang Quepasa matapos ibenta ang 30% ng kanyang bahagi sa kompanya sa isang bilyonaryong mamumuhunan na si Richard Scott.[31][32]
Mga Kilusang Pampolitika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang Democrat si Peterson at nakabilang na sa iba’t ibang mga partidong political. Ang kanyang mga ugnayang pampolitical ay may kinalaman sa mga interes ng mga Hispaniko. Noong 2003, hinirang, ng noo’y Gubernador ng Arizona na si Janet Napolitano, si Peterson sa Arizona-Mexico Commission.[33] Noong 2005, nahirang na siya sa Executive Committee.[33]
Noong 2005, nahirang si Peterson sa komite ng Cross-Border transactions ng Arizona Department of Real Estate.[34] Nakatuon ang komite sa pandaigdigang mga transakyon sa Real Estate sa pagitan ng mga naninirahan sa Arizona at Mexico.
Noong 2005, nahirang si Peterson ng Mayor ng Phoenix na si Phil Gordon , bilang tagapamuno ng Technology subcommittee ng 2006 Executive Bond Committee. .[35] Sinangayunan ng mga botante noong Marso 2006, ang $850 milyong bond initiative Binigyan ng suportang pinansiyal ni Peterson ang mg martsang pangreporma ng mga Immigrants na naganap noong ika 25 ng Marso at ika 10 ng Abril taong 2006.
Naging co-host si Peterson noong 1 Hunyo 2006 bilang tagapaglikom ng pondo para sa kandidatura sa pagkasenador sa Arizona ni Jim Pederson, na dinaluhan ng dating Pangulong Bill Clinton.[36]
Naipahayag na naglunsad si Peterson ng isang paglikom sa pondo mula sa kanyang tinitirahan para kay Barack Obama na dinaluhan ng namumuno sa Democratic National Committee na si Howard Dean at ang actress na si Scarlett Johansson noong ika 21 taong 2008.[37]
Ayon sa talaan ng mga pag-aari ng Maricopa Country, nakalista ang tinitirahan ni Petrson sa parehong lugar na tinitirahan din ng senador na si John McCain ng Arizona.[38]
Mga Ugnayang Hollywood
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa hindi malamang mga kadahilanan, kilala si Peterson sa pagkakaroon niya ng ugnayan sa mga taong kasapi sa industriyang show business . Ang isang halimbawa nito ay nang pirmahan ni Peterson ang pagkaka-talaga bilang tagapagsalita at bilang mamumuhunan ni Gloria Estefan para sa Quepasa noong 1999.[10] Movie producer Paul Mazursky was an investor in Peterson's startup, Vayala Corp.[23] Isa sa mga naunang mamumuhunan din ang prodyuser na si Paul Mazursky sa Vayala Corp.[23] Ang kapwa tagapag-tatag ng isang rock band na si Dishwalla ay nasa talaan ng mga Board of Directors ng Quepasa ayon sa isang naunang pahayag pang–rehistro .[39] Kababata rin ni Peterson ang prodyuser ng isang musikang Rap na si Damizza . Noong Setyembre ng 2005, ipinahayag ng Quepasa ang isang kasunduang pangmerkado para kay Jennifer Lopez.[40] At kahit na si Sammy hagar, na siyang nagbebenta ng Tequilang Mexicano ay napabalitan ding may nilagdaang kasunduan sa Quepasa.[41]
Mga Pangkasalukuyang Pinagkaka-abalahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinuturing si Peterson bilang isa sa mga pangunahing autoridad sa Hispanic Internet sa Estados Unidos. Nananatili siya sa kanyang papel bilang tagapagbigay payo sa kung ilang mga industriyang pang IT. Naninilbihan si Peterson sa komite ng mga Hispaniko sa Interactive Advertising Bureau sa Nueva York.[42] Ayon sa pampubliko niyang talambuhay, nagsisilbi siyang isang konsultant sa pamahalaang Mexico.[43] Noong 20 Hulyo 2009, ibinenta ni Peterson ang internet domain name demand.com sa Demand Media Inc., isang kompanyang pinangangasiwaan ng naunang pinuno ng Myspace na si Richard Rosenblatt, ayon sa maraming nai-ulat na mga balita.[44][45]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "a Latino Web pioneer", Hispanic Magazine, Volume 17; Issue 5; ISSN 0898–3097 , 1 Mayo 2004
- ↑ "Latinos clicking into the online revolution at record rate", ni Lee Romney, Los Angeles Times, 25 Hunyo 1999
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 "death of a dot-com", by Jane Larson, The Arizona Republic, 9 Setyembre 2001, cover story
- ↑ 4.0 4.1 "California Public Schools Forum" Volume 2: Microcomputers Graduate School of Education, UCSB, Hunyo 1987 (98 pgs.)
- ↑ "The Five Dumbest Things on Wall Street This Week" Naka-arkibo 2013-11-13 sa Wayback Machine. by George Mannes, TheStreet.com, 28 Mayo 2004
- ↑ Form DEF-14A
- ↑ Jeffries, R. Commodore 64 fun and games: volume 2, Warner Books, New York, N.Y., c1983. ISBN 0-446-38183-7 LCC: GV1469.2
- ↑ 8.0 8.1 "La Cumbre" Yearbook, Volumes 67–68, Copyright 1987, 1988 ASUCSB
- ↑ "Hispanic market one to lure" by Greg Farrell, USA Today, 6 Agosto 1999
- ↑ 10.0 10.1 10.2 10.3 10.4 10.5 10.6 "tumult in top ranks key in Quepasa's downfall", by Jane Larson, The Arizona Republic, 10 Setyembre 2001
- ↑ "Quepasa: helpless to stop fall Hispanic dot.com" by Jane Larson, The Arizona Republic, 11 Setyembre 2001
- ↑ 12.0 12.1 12.2 Form S-1/A, quepasa.com, inc., 24 Hunyo 1999
- ↑ Form SC-13D, quepasa.com, inc., 6 Hulyo 1999
- ↑ "Quepasa.com soars following initial public offering" by Reshma Kapadia, Reuters News, 24 Hunyo 1999
- ↑ "Reception hot for Quepasa.com: Investors bid up web site IPO in heavy trading", Russ Wiles, The Arizona Republic, 25 Hunyo 1999
- ↑ "Quepasa.com CEO", Jan Hopkins, CNNfn: Capital Ideas, 24 Hunyo 1999
- ↑ "Moneyline News Hour", Lou Dobbs, CNNfn, 24 Hunyo 1999
- ↑ "Rocketing to Cyberspace", Hispanic Magazine (Cover Story), July-Agosto 1999.
- ↑ Quepasa fires co-founder, CNNfn, 2 Agosto 1999
- ↑ Form 8-K, quepasa.com, inc., 2 Agosto 1999
- ↑ "1999 Media Markets Report: Clicking Online" Naka-arkibo 2007-09-27 sa Wayback Machine. By Vaughn Hagerty, Hispanic Business, 26 Mayo 2000
- ↑ "Quepasa.com Ex-Exec Had 18% Of Stk, Highest Pay" By Rick Jurgens, Dow Jones News Service, 2 Agosto 1999
- ↑ 23.0 23.1 23.2 Quepasa announces agreement to acquire Vayala Corporation" Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., Business Wire, 29 Agosto 2002.
- ↑ Shareholder Letter on Form 425, quepasa.com, inc., 17 Setyembre 2001
- ↑ "Quepasa.com no mas?" by James Coates, The Chicago Tribune, 1 Enero 2001
- ↑ "Quepasa.com kills merger deal", by Angela Gonzales, The Business Journal of Phoenix, 6 Pebrero 2002.
- ↑ "Quepasa's board to step aside: liquidation option abandoned", by Jane Larson, The Arizona Republic, 15 Pebrero 2002
- ↑ Form 8-K, quepasa.com, inc., 26 Abril 2002
- ↑ "Quepasa.com regroups after difficult times", by Ruben Hernandez, The Business Journal of Phoenix, 30 Enero 2004.
- ↑ "Marketwatch historical stock quote for QPSA, trade date 24 Oktubre 2006". Nakuha noong 28 Mayo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Quepasa corp. lands major Fla. investor", by Jane Larson, The Arizona Republic, 23 Marso 2006
- ↑ Form 8-K, Quepasa Corporation, 7 Nobyembre 2006
- ↑ 33.0 33.1 "Governor Janet Napolitano Appoints Quepasa Founder and CEO Jeffrey Peterson", PR Newswire, 23 Hulyo 2003 (316 words)
- ↑ Cross-Border Transactions Committee Naka-arkibo 2006-06-15 sa Wayback Machine., Arizona Department of Real Estate Website, 6 Hunyo 2005
- ↑ 2006 Bond Program Naka-arkibo 2010-08-31 sa Wayback Machine., City of Phoenix Website, 19 Disyembre 2005
- ↑ "Senate 2006; Former president backs Pederson at fundraiser: Clinton visits Valley", The Hotline, 2 Hunyo 2006
- ↑ Scarlett Johansson in Phoenix for Obama, The Arizona Republic/azcentral.com, Retrieved on 2008-08-21
- ↑ "Maricopa County Assessor website". Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Mayo 2010. Nakuha noong 17 Mayo 2010.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Form S-1, quepasa.com, inc., 10 Marso 1999
- ↑ "JLO by Jennifer Lopez and Quepasa Team Up to Reach Hispanic Shoppers Online" Naka-arkibo 2007-09-27 sa Wayback Machine., PR Newswire, 21 Setyembre 2005
- ↑ "Quepasa, Sammy Hagar forge promotional alliance", The Business Journal of Phoenix, 12 Agosto 2003
- ↑ "Hip to be Hispanic: American pop culture showing Latin accent", by Liz Stevens, Fort Worth Star-Telegram, 6 Nobyembre 2002, [special feature]
- ↑ Form 10-KSB, Quepasa Corporation, 31 Marso 2006
- ↑ "inter123 Corporation and Demand Media Inc enter into an agreement in regards to demand.com". Demand Media, Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-07-24. Nakuha noong 2009-11-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Demand Media Buys Demand.com". socalTECH.com. Nakuha noong 2009-11-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "How Do You Say Internet in Spanish?"[patay na link], by Joe Hagan, Smartmoney.com, 30 Marso 1999.
- "Quepasa.com, refugio de los internautas hispanos" Naka-arkibo 2005-04-10 sa Wayback Machine., by Micaela de la Maza, Baquia.com (Spanish language), 24 Disyembre 1999.
- "Quepasa Announces Relationship With The British Broadcasting Corporation (BBC)" Naka-arkibo 2007-09-27 sa Wayback Machine., 12 Hunyo 2003.
- Forbes.com[patay na link] Jeffrey Peterson Profile
- quepasa.com Naka-arkibo 2011-06-21 sa Wayback Machine.
- Jeffrey Peterson's LinkedIn profile Naka-arkibo 2010-03-09 sa Wayback Machine.