Kabisera
Ang kabisera (o punong lungsod/bayan/munisipyo o kapital), o kabesera, ay ang pangunahing yunit pangheopolitika na naiuugnay sa gobyerno at mga operasyon nito. Ito ay maaring lungsod na pisikal na sumasakop sa tanggapan at himpilan o pulungan ng mga nakaupo sa pwesto ng pamahalaan o alinsunod sa isinasaad ng batas.
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ugat ng salitang ‘kapital’ ay hango sa Latin na caput na nangangahulugang “ulo” at naiuugnay sa katawagang ‘kapitol’ na siya namang gusali na pag-aari at kinagaganapan ng mga operasyong kaugnay o kinababahagian ng pamahalaan.
Mga halimbawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pilipinas
- Ang pambansang kabisera ng Pilipinas ay Maynila.
- Ang panlalawigang kabisera ng La Union ay San Fernando.
- Ang panlalawigang kabisera ng Davao Oriental ay Mati.
- Ibang bansa
- Ang pambansang kabisera ng Timog Korea ay Seoul.
- Ang pambansang kabisera ng Italya ay Roma.
- Ang panlalawigang kabisera ng Fujian, Tsina ay Fuzhou.
- Ang pang-estadong kabisera ng Bavaria, Alemanya ay Munich.
- Ang pamprepekturang kabisera ng Prepektura ng Fukushima, Hapon ay Lungsod ng Fukushima.
Mayroong ibang bansa na higit sa isa ang kabisera, tulad ng:
- Timog Aprika: Ang pang-ehekutibong kabisera ay Pretoria, ang panlehislaturang kabisera ay Cape Town, at ang panghudikaturang kabisera ay Bloemfontein.
Mayroon ding iba pa na walang opisyal na kabisera, tulad ng UK.
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Praga, kabisera ng Republikang Tseko
-
Washington, D.C., kabisera ng Estados Unidos
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.