Kampo Aguinaldo
Ang Kampo Heneral Emilio Aguinaldo (Ingles: Camp General Emilio Aguinaldo) ay ang punong-tanggapan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP). Matatagpuan ito sa Abenida Epifanio delos Santos sa Lungsod Quezon, at katapat lang nito ang Kampo Crame na siyang punong-tanggapan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas. Ang base militar na ito ay pinangalan kay Heneral Emilio Aguinaldo na naging unang Pangulo ng Pilipinas at nakipaglaban sa Rebolusyong Pilipino, Digmaang Espanyol-Amerikano at Digmaang Pilipino-Amerikano.
Ang kampong ito ay itinatag noong Enero 11, 1935 bilang Kampo Murphy. Ipinangalan noon ang kampong ito kay Frank Murphy, ang unang Amerikanong mataas na komisyonado. Mayroon din itong paliparan na tinatawag na Parang Zablan.
May lawak ang kampong ito ng 178.78 ektarya: ang 152.52 ektarya nito ay binili ng pamahalaan at ang nalalabing 26.26 metro ay ipinagkaloob ng Ortigas and Co. Partnership Ltd.
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hinati ang Kampo Murphy sa dalawang kampo, ang Kampo Crame at ang Kampo Aguinaldo. Ang dating mga paliparan sa Zablan ay naging mga kasalukuyang mga kalsadang Abenida White Plains at Abenida Katipunan, kaharap lang ng subdibisyong White Plains. Samantala ang lugar sa hilaga ng Kampo ay tinatawag na Murphy.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.