Pumunta sa nilalaman

Sayaw sa Obando

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kasilonawan)
Ang bantayog ng Sayaw sa Obando na nasa Obando, Bulacan.

Ang Sayaw sa Obando[1] ay isang pasayaw na pagdiriwang ng mga Pilipinong isinasagawa sa Obando, Bulacan, Pilipinas, sa pangunguna ng mga Obandenyo. Bawat taon, sa buwan ng Mayo, sa saliw ng tugtugin ng mga instrumentong yari sa kawayan, nagsusuot ang mga kalalakihan, kababaihan, at mga kabataan ng Obando ng mga tradisyonal na kasuotan upang sumayaw sa kalsadang sinusundan ng mga wangis ng kanilang mga pinipintakasing santo: sina San Pascual Baylon, Santa Clara at Nuestra Señora de Salambao (Ang Senyora ng Salambaw), habang umaawit ng kantang Santa Clara Pinung-Pino.

Kabilang sa mga nagsasayaw ng sayaw ng kasiglahan at pangkasaganahan ang mga dayuhan mula sa ibang mga bayan sa Pilipinas, na humihiling ang karamihan ng anak na lalaki o babae mula sa mga pintakasing santo, ng asawang lalaki o babae, o kasaganahan sa buhay. Nagsasayaw silang lahat bilang isang panatang prusisyon pangunahing na ang upang pumasok sa mga sinapupunan ng mga kababaihan ang espiritu ng buhay. Ito ang Hiwaga at misteryo ng Obando, Bulacan, Ginaganap ang kapistahan kasama ang pagsasayaw sa sunud-sunod na tatlong araw Ika 17 ng Mayo para kay San Pascual Baylon, Ika 18 ng Mayo para kay Santa Clara ng Asissi, at Ika 19 ng Mayo para sa Mahal na Birhen ng Salambao. Binanggit ang pagdiriwang ng pambansang bayani na si Dr.Jose Rizal sa kaniyang nobelang Isinulat sa Wikang Kastila ang Noli Me Tangere Noong 1887 na nasa Kabanatang 6 Ipinayo ni Pari Damaso sa Mag asawang sina Pia Alba at Don Santiago Delos Santos na kilala natin bilang Kapitan Tiyago na magtungo sa Bayan ng Obando at magsayaw ng Fandanggo sa tatlong araw na Kapistahan dito.

Karaniwang nag uumpisa ang pista sa umaga ng Ika 17 ng Mayo sa pagmimisa ng kura paroko. Pagkaraan, magkakaroon ng isang prusisyong May sayaw bilang parangal sa tatlong pintakasing santo Na sinusundan ng mga deboto at musikong bumbong, sa tugtuging Imno kay Santa Clara at Himig sa Mahal na Birhen ng Salambao: ganito ang awit pasasalamat ng mga mananampalatayang Obandenyo, Santa Clarang Pinung Pino ang Panata ko ay ganito, pagdating ko sa Obando ay magsasayaw ng Pandanggo: Birhen ng Salambao, Kami Iyong Tulungan, sala namin ay pawiin ni Jesus na ginigiliw Bayan naming hirang sa iyo'y nagdarasal may awitan, may tugtugan, mayroon pang sayawan Ikaw ay Dinarayo ng lahat ng dako Pinupuring Pintakasi Birhen ng Salambao, Pinupuring Pintakasi Birhen Ng Salambao. kasunod nito ay ang karo ng wangis na mga pintakasing santong sina San Pascual, Santa Clara, at ang Mahal na Birhen ng Salambao:

Dating nagsasagawa ang mga sinaunang mga Pilipino ng isang ritwal na kilala bilang Kasilonawan at pinamumunuan ng isang katalonan, o babaeng pari. Karaniwang tumatagal ang ritwal nang may siyam na araw at kinasasangkutan ng pag-inom ng mga nakalalasing na mga inumin, pagaawitan, at sayawan. Ginagawa ang mga ito sa tahanan ng isang datu o pinuno ng barangay. Naging mahalag ang ritwal na ito para sa mga sinaunang mga Pilipino dahil pinahahalagahan nila ang kasiglahan at kasaganahan na may kaugnayan din sa pagkakaroon ng kayamanan ng bawat tao. Dating itinuturing na isang miyembro ng mababang antas sa lipunang Pilipino ang isang babaeng baog o hindi magkaanak, at nagdurusa sa pangungutya at panghahamak ng ibang mamamayan. Dahil dito, naging mahalaga ang pagsasagawa ng mga ritong may kaugnayan sa pertilidad upang magkaroon ng anak ang mga kababaihan. Pinagtuonan ng pansin sa pagdiriwan ng Kasilonawan ang diyos na may pangalang Linga, isang puwersa ng kalikasan. Magsasama-sama ang mga kasapi ng pamayanan para isagawa ang Kasilonawan sa isang kapatagang nasa gitna ng masukal na kagubatan na gumagamit ng masining na sagisag ng ari ng lalaking nakalagay sa gitna na pook na pinagdarausan ng pagdiriwang. Maingat na nakalagak ang apoy na nagbibigay ng liwanag upang kumatawan sa araw na tagapag-bigay ng buhay, ang tagapagbasbas sa lahat ng mga nakikiisa sa ritwal. Sa pagdating ng mga misyonerong Pransiskano sa Pilipinas, nagtayo ang mga ito ng mga simbahan upang palaganapin ang Kristiyanismo at nagpakilala ang mga santong Katoliko. Sa Obando, Bulakan, ipinakilala ng mga Pransiskanong pari ang isang pangkat ng tatlong mga santo: sina Santa Clara, San Pascual at ang Ina ng Salambaw, upang palitan ang tradisyonal na mga paganong diyos. Mga replika na lamang (hindi na orihinal) ang pangkasalukuyang mga imahen ng mga santong nasa altar ng Simbahan ng Obando, na nililok na binigyan ng suportang pananalapi ng mga mamamayan ng Obando. Natupok ang mga orihinal noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Mga pintakasing santo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Santa Clara ng Assisi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Santa Clara ng Assisi ang pinakamatanda o pinakaunang patrong santo ng Obando, Bulacan. Siya ang unang santong dinambana sa kapilyang itinayo ng mga misyonerong Pransiskano sa Catanghalan, ang dating pangalan ng bayan ng Obando. Isang madre si Santa Clara sa Assisi, Italya noong ika-13 daantaon, na nagtatag ng kongregasyong Mga Clarang Mahihirap na nakabatay sa makadebotong pagtuturo ni San Francisco ng Assisi. Itinuturing si Santa Clara bilang patron ng mainam na klima dahil sa nangangahulugang pagliliwanag o pag-aliwalas ng kalangitan pagkaraan ng panahon ng mga bagyo ang kaniyang pangalan sa Kastila, na naging batayan ng kaugaliang pag-aalay ng mga itlog ng mga Obandenyo sa paanan ng kaniyang dambana para magdasal at humiling pagkakaroon ng mabuting klima. Inihahain ang mga itlog kay Santa Clara sapagkat nangangahulugan claro o albumen ang pangalan ng santa.

Nagbunga ang pagpapakilalang ginawa ng mga misyonerong Pransiskano ng santang si Santa Clara, bilang kapalit ng mga diyos na pampagano, sa pagbabago ng matandang ritwal na Kasilonawan, na naging pandango (fandango) o sayaw para kay Santa Clara, upang maiwasan ang pagkabaog ng mga kababaihan. Dahil sa transpormasyong ito, napadali ang pagbabagong-loob at pagtanggap ng mga Pilipino sa Katolisismo.

Sa kalaunan, naging pintakasing santo si Santa Clara ng isang debotong dumudulog at humihingi ng mapapangasawa at humihiling na mga anak, partikular na ang babaeng supling.

Panitik ng awitin o nobena para kay Santa Clara

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ito ang liriko sa awitin o nobena para kay Santa Clara:

  • Unang bersyon: Santa Clarang pinong-pino / Ako po ay bigyan mo / Ng asawang labintatlo / Sa gastos ay walang reklamo!
  • Pangalawang bersyon: Santa Clarang pinong-pino / Ang pangako ko ay ganito / Pagdating ko sa Obando / Sasayaw ako ng pandanggo.

San Pascual Baylon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong ika-18 daantaon, pagkaraan ng pagkakatatag ng Obando, Bulacan bilang isang Kastilang munisipalidad, nagtayo ang mga misyonerong Pransiskano ng isang simbahan. Noong mga panahong iyon, ipinakilala si San Pascual Baylon sa mga mamamayan ng Obando, Bulacan. Katulad ni Santa Clara, naging santo rin siya ng pertilidad, kayamanan at kasaganahan. Nangangahulugang "isang taong mahilig sumayaw" ang apelyido ni San Pascual, na hinango mula sa salitang Kastilang baile

Mayroong isang kuwento o anekdota tungkol sa mga milagrong ginawa ni San Pascual. Sinasabi sa kuwento ng Obando na mayroong mag-asawang walang anak mula sa kalapit na bayang Hagonoy, Bulacan na nakatagpo ng isang lalaking nagtitinda ng mga alimango. Inanyayahan ng lalaking iyon ang mag-asawang pumunta sa Obando, Bulacan upang makilahok sa pagsasayaw tuwing kalagitnaan ng buwan ng Mayo. At nang bisitahin nga ng mag-asawa ang Simbahan ng Obando, nagulat sila nang matuklasang kahawig ang mukha ng wangis ni San Pascual na nasa loob ng simbahan ang mukha ng lalaking nagbibili ng alimango at nakahulibilo nila.

Naging patrong santo rin sa paghiling ng mga anak si San Pascual, partikular na ang mga sanggol na lalaki.

Ang Mahal na Birhen ng Salambao

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Hunyo 19, 1763, ipinakilala rin ang Ina ng Salambaw[2] sa Obando, Bulacan, na kilala rin bilang Ina ng Malinis na Paglilihi (Nuestra Señora de la Imaculada Concepción de Salambao sa (Wikang Kastila). Batay sa alamat sa Obando, may tatlong mangingisda, sina Juan, Julian at Diego dela Cruz na nakahuli sa imahen ng Birheng Maria sa pamamagitan ng kanilang salambaw, isang lambat na tinatangan ng pinagkrus na bahaging kawayan at nakalagay sa isang balsa. Nahagip nila ang imahen habang sila ay nangingisda sa isang pook na kilala bilang Hulingduong, Binwangan sa bayan ng Tambobong o Malabon. Nang ginustong dalhin ng mga mangingisda ang imahen ng Mahal na Birhen sa katabing bayang Navotas, bumigat ang kanilang salambaw at hindi sila makasagwan patungong Navotas. Ngunit nang inibig nilang dalhin ang imahen patungong Obando, gumaan sa pag usad ang kanilang sasakyan pantubig at naging madali ang pagsagwan, Dahil dito nadagdag ang imahen ng Birhen ng Salambaw sa dambana ng simbahan ng Obando, Bulacan. Sa kalaunan, naging pintakasing santo ng mga mangingisda at mabuting ani ang Mahal na Birhen ng Salambao

Pagbabalik pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nasira ang simbahan ng Obando at isang malaking bahagi ng bayan ng Obando, kabilang ang tatlong imahen ng mga santong pintakasi. Ilang taon makalipas ang pagtatapos ng digmaan, ipinagbawal ng arsobispo ng Maynila at ng isang kura paroko sa Obando ang pagsasagawa ng pagdiriwang ng sayaw ng kasaganahan dahil sa pinag-ugatan nitong kaugaliang pagano. Sa panahong ito ng pagbabawal, nagkakaroon pa rin ng mga prosisyong pampananapmapalatayan ngunit wala ang masiglang pagsasayaw sa tarangkahan. Subalit, noong 1972, binuhay muli ng bagong kura parokong si Reb. Pr. Rome R. Fernandez at ng Komisyon ng Kalinangan ng Obando ang dating natutulog ng tradisyon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Sayaw Obando." (Fertility Dance), Obando, Bayang Pinagpala!, Pamahalaang Bayan ng Obando, 2006/2007
  2. Our Lady of Salambao, Nuestra Señora de Salambao Naka-arkibo 2008-10-14 sa Wayback Machine., Chello.nl

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]