Pumunta sa nilalaman

Sukdulan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kasukdulan ng pagtatalik)

Ang sukdulan[1] o kasukdulan ay ang rurok o kalubusang nadarama ng mga nagtatalik o magkasiping sa proseso ng pagtatalik. Nagaganap ito kapag nilabasan o nagpulandit na ang titi ng lalaki ng punlay o tamod, at kapag nakaranas naman ang isang babae ng pamamasa ng ari kapag nilalabasan ito. Tinatawag din itong orgasmo.[1] Nilalarawan ang kaganapang ito bilang panahon ng "matinding kaligayahan at pagkaraos" na nararamdaman sa kasagsagan, karurukan, o kulminasyon ng pakikipagtalik. Nagaganap din ang pagdating sa sukdulang ito sa masturbasyon. Ayon kina Morton Harmatz at Melinda Novak mula sa kanilang aklat na Human Sexuality ang orgasmo ay ang maiksi at matinding yugtong kaaya-aya kapag napakawalan o nailabas ang tensiyon o kaigtingang seksuwal na nalikha ng basokonhestiyon at ng myotonia (kawalan ng kakayahan na maipahinga ang muskulong nagkukusa o boluntaryo pagkaraan ng pagsisikap na may kasiglahan).[2]

Ang katagang orgasmiko ay tumutukoy sa pangatlong yugto ng pagtugong seksuwal ng tao, kung saan nagaganap ang orgasmo.[2]

Paglalabas o pagputok ng semilya ng isang lalake sa loob ng puke ng isang babae sa huling proseso ng pagtatalik

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Orgasm, climax - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 "Orgasm" at "Orgasmic". Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 564.

TaoSeksuwalidad Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.