Pumunta sa nilalaman

Katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Katuruang Panlipunan ng
Simbahang Katolika

Papa Leo XIII
Quod apostolici muneris
Rerum novarum

Papa Pio XI
Quadragesimo anno

Papa Pio XII
Katuruang panlipunan

Papa Juan XXIII
Mater et magistra
Pacem in terris

Vaticano II
Dignitatis humanae
Gaudium et spes

Papa Pablo VI
Populorum progressio

Papa Juan Pablo II
Laborem exercens
Sollicitudo rei socialis
Centesimus annus
Evangelium vitae

Papa Benedicto XVI
Deus caritas est
Caritas in veritate

Papa Francisco
Lumen fidei

Pangkalahatan
Distributism
Pagkakabuklod
Pagbabalikatan
Tranquillitas Ordinis

Ang Katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika ay ang lupon ng doktrinang binuo ng Simbahang Katolika ukol sa katarungang panlipunan, na may kinalaman sa kahirapan at yaman, ekonomiks, samahang panlipunan, at gampanin ng estado. Kinikilalang naging sandigan nito ang liham ensiklika ni Papa Leo XIII na Rerum novarum noong 1891 na nagtaguyod ng economic distributism at nagkondena pareho sa kapitalismo at sosyalismo, bagaman nag-uugat ito sa mga panulat ng mga pilosopong Katolikong sina Santo Tomas de Aquino at San Agustin ng Hippo, humugot din ito ng mga konseptong makikita sa Bibliya at sa mga kultura ng sinaunang Malapit na Silangan.[1]

Ayon kay Papa Benedicto XVI, ang layunin nito ay "upang makatulong sa pagpapadalisay ng katuwiran at makaambag, dito at ngayon, sa pagkilala at pagtamo ng kung ano man ang wasto. ... Kailangang gampanan [ng Simbahan] ang kaniyang tungkulin sa pamamagitan ng tuwid na pangangatuwiran at kailangan niyang muling mapukaw ang enerhiyang espirituwal na kung wala ito... hindi mananaig at magtatagumpay ang katarungan".[2] Ayon kay Papa Juan Pablo II, ang sandigan nito'y "nakasalalay sa tatlong prinsipyo ng dangal ng tao, pagkakabuklod at pagbabalikatan".[3] Sinasalamin ng mga ito ang Hudeong batas at aklat ng mga propeta sa Lumang Tipan, at gumugunita sa mga pangaral ni Hesukristo na naitalâ sa Bagong Tipan, gaya ng kaniyang ipinahayag na "tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa isa sa mga alagad ko, siya man ang pinakahamak, ako ang inyong tinulungan."[4]

Kakaiba ang katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika sa kaniyang konsistent na kritika ng modernong panlipunan at pampulitikang ideolohiya ng parehong kaliwa at kanan: ang liberalismo, komunismo, peminismo,[5][6] ateismo,[7] sosyalismo,[8] pasismo, kapitalismo,[8] at Nazismo ay lahat tinuligsa sa kanila man lang purong anyo ng maraming Santo Papa simula noong huling bahagi ng ika-19 na siglo.

Laging hinahanapan ng balanse ng doktrinang panlipunan ng Simbahang Katolika ang malasakit sa buong sambayanan, lalo na para sa mahihina't mahihirap, at paggalang sa layà ng tao, kasama rito ang karapatan sa pribadong pag-aari.[9]

Bagaman higit na matanda ang pinagmulan ng mga prinsipyo ng turong panlipunang Katoliko, ito'y nagsimulang pag-isahin sa isang panuntunan noong huling bahagi ng ika-19 na siglo. Mula noon, nagdagdag at pinagyabong ng mga humaliling Santo Papa ang lupon ng turong panlipunan ng Simbahan, pangunahin dito ay sa pamamagitan ng mga liham ensiklika.

Rerum novarum

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang paglathala ng ensiklika ni Papa Leo XIII na Rerum novarum noong 1891 ang naging hudyat ng pagkakaroon ng makikilálang lupon ng turong panlipunan ng Simbahang Katolika. Tinalakay nito ang hinggil sa mga tao, mga sistema at istruktura, ang tatlong uri ng modernong pagpapalaganap ng katarungan at kapayapaan, na ngayo'y matatag nang nakapaloob sa misyon ng Simbahan. Nang mga sumunod na taon, nagkaroon pa ng maraming ensiklika at mensahe patungkol sa mga paksaing panlipunan; mga nabuong pagkilos ng mga Katoliko sa iba't ibang panig ng mundo; at mga etikang panlipunang itinuturo sa mga paaralan at seminaryo. Upang gunitain ang ika-40 anibersaryo ng Rerum novarum, inilibas ni Papa Pio XI ang Quadragesimo anno na nagpalawak sa ilang tema ng Rerum novarum.[10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Enrique Nardoni, translated by Sean Martin (2004). Rise Up, O Judge: A Study of Justice in the Biblical World. Baker Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. (Pope Benedict XVI, Deus Caritas Est, 28).
  3. (John Paul II, 1999 Apostolic Exhortation, Ecclesia in America, 55).
  4. Mateo 25:40.
  5. Ellen C. Mayock, Domnica Radulescu. Feminist Activism in Academia: Essays on Personal, Political and Professional Change. McFarland. Nakuha noong 2011-04-08. Catholic institutions are often dependent upon the generosity of benefactors who are politically and religiously conservative, wary of or outright disapproving of feminism. Catholic traditions and current official church stands are at odds with many feminist positions.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Lynne Bravo Rosewater, Lenore E. Walker. A Handbook of Feminist Therapy: Women's Issues in Psychotherapy. Wiley-Blackwell. Nakuha noong 2011-04-08. Other feminist concerns, such as changes in sexist language, have been an issue for almost a decade in the Roman Catholic Church and most other churches as well.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Catechism of the Catholic Church. Burns & Oates. Nakuha noong 2011-04-08. 2123 'Many... of our contemporaries either do not at all perceive, or explicitly reject, this intimate and vital bond of man to God. Atheism must therefore be regarded as one of the most serious problems of our time.'{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 S. Adamiak, E. Chojnacka, D. Walczak, Social security in Poland – cultural, historical and economical issues, Copernican Journal of Finance & Accounting, Vol 2, No 2, p. 16.
  9. S. Adamiak, D. Walczak, Catholic social teaching, sustainable development and social solidarism in the context of social security, Copernican Journal of Finance & Accounting, Vol 3, No 1, p. 14.
  10. For a summary of Rerum novarum and Quadragesimo anno.