Kiko Matos
Kiko Matos | |
---|---|
Kapanganakan | Francisco Manabat Perestrelo De Matos 22 Setyembre 1990 |
Nasyonalidad | Pilipino-Portuges |
Ibang pangalan | Francis, Kiko, Kikay |
Trabaho | Aktor, Modelo |
Aktibong taon | 2013–kasalukuyan |
Kilala sa | Kiko, Kikay |
Tangkad | 1.75 m (5 ft 9 in) |
Anak | 1 |
Kamag-anak | Gonzalo Matos |
Website | Kiko Matos sa Instagram |
Francisco Manabat Perestrelo De Matos o kilala rin bilang Kiko Matos, ay isang Pilipino-Portuges na aktor. Ilan sa mga unang pelikulang pinagbidahan niya ay ang "Babagwa" (The Spider's Lair) (2013) ni Jason Paul Laxamana, "Mumbai Love" (2014) ni Benito Bautista at "Hukluban" (2014) ni Gil Portes. Bumida si Matos sa "The Superparental Guardians" (2016) bilang Gungster kasama sina Vice Ganda, Coco Martin at Pepe Herrera. Kapatid ni Matos is Gonzalo Matos, ang gumanap bilang Arnold sa "Love is Blind" (2016) ni Laxamana.
Buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Kiko Matos sa Macau noong Setyembre 22, 1990 sa Portuguese na ama at Pilipinong ina. Lumaki si Kiko sa Parañaque. Nag-aral siya sa Ann Arbor Montessori noong siya ay nasa high school. Noong bata pa siya, taon-taon siyang naglalakbay sa bayan ng kanyang ama sa Lisboa, Portugal.
Mayroong YouTube Channel si Kiko na nagngangalang "Kiko Matos".
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ang karera ni Kiko sa telebisyon noong 2004 nang sumali siya sa ABS-CBN talent competition na "TV Idol" kung saan naging isa siya sa mga finalist kasama sina Ahron Villena, AJ Dee, JE Sison at Marc Cortez. Kabilang sa mga aktres na nakatrabaho niya noong kabataan niya ay sina Shaina Magdayao at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na noon ay gumagamit ng screen name na Pia Romero. Ipinakilala si Kiko bilang artista sa pelikula noong 2013 sa "Babagwa" (Spider's Lair). Noong 2014, bumida siya sa "Mumbai Love" katapat ni Solenn Heussaff.
Pagkatapos ng "Babagwa" at "Mumbai Love", naging regular na si Kiko sa mga independent films, Karamihan sa mga ito ay entry sa local at international film festivals. Dati niyang manager ang beteranong entertainment journalist na si Mell T. Navarro.
Pilmograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Year | Title | Role | Director | Notes |
---|---|---|---|---|
2013 | Babagwa (The Spider’s Lair) | Bam Bonifacio | Jason Paul Laxamana | |
2013 | Bingoleras | Ron Bryant | ||
2014 | Mumbai Love | Nandi | Benito Bautista | |
2014 | Edna | Ronnie Lazaro | ||
2014 | Hukluban | Gil Portes | ||
2015 | Partee | Jill Singson Urdaneta | ||
2015 | Sino nga ba si Pangkoy Ong? | Jonah Añonuevo Lim | ||
2015 | Of Sinners and Saints | Grown-up Alejandro | Ruben Maria Soriquez | |
2015 | Gayuma | Cesar Hernando | ||
2015 | Sekyu | Joel Lamangan | ||
2015 | Nilalang | Mark | Pedring Lopez | |
2015 | Dahling Nick | Master Novice | Sari Dalena | |
2015 | Bukod Kang Pinagpala | James | Sherdon Dayoc | |
2016 | Love is Blind | Anthony | Jason Paul Laxamana | |
2016 | Straight to the Heart | David Fabros | ||
2016 | Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli | Don Joaquin Ortega | Gil Portes | |
2016 | Unconventional | Carl Angelo Ruiz | ||
2016 | Expressway | Caloy | Ato Bautista | |
2016 | Super Parental Guardians | Joyce Bernal | ||
2016 | Kabisera | Real Florido, Arturo San Agustin | ||
2017 | Ang Pamilyang Hindi Lumuluha | Mes de Guzman | ||
2017 | Ang Guro Kong Hindi Marunong Magbasa | Perry Escano | ||
2017 | Instalado | Jason Paul Laxamana | ||
2017 | Hangyo | Toklits | Willan Rivera |
Tingnan rin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kiko Matos sa IMDb